Bachelor Daddy (Rewritten)

By JuanCaloyAC

2.1M 43.5K 7.4K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng k... More

Welcome Hindots!
Suarez Next Gen Timeline
#BDPrologue
#BDChapter1
#BDChapter2
#BDChapter3
#BDChapter4
#BDChapter5
#BDChapter6
#BDChapter7
#BDChapter8
#BDChapter9
#BDChapter10
#BDChapter11
#BDChapter12
#BDChapter13
#BDChapter14
#BDChapter15
#BDChapter16
#BDChapter17
#BDChapter18
#BDChapter19
#BDChapter20
#BDChapter21
#BDChapter22
#BDChapter23
#BDChapter24
#BDChapter25
#BDChapter26
#BDChapter27
#BDChapter28
#BDChapter29
#BDFinale
#BDBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BDChapter30

57.7K 1.3K 479
By JuanCaloyAC

"Congratulations! You are six weeks pregnant." Masayang bati sa amin ng duktora.

Alam ko kanina pa, sabi ng isip ko. Hindi ko lang masabi dahil nasa tabi ko si Elijah. Ngumiti na lang ako at nagpanggap na masaya ako. Ramdam ko rin na nagpanggap si Elijah sa masayang balita. Baka nga masaya talaga siya, nahahaluan lang ng inis niya dahil naglihim na naman ako sa kanya at sa iba pa niya nalaman.

"Thank you, doc." Sagot ni Elijah sabay tingin niya sa akin na parang sinasabi na 'i knew it'.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Ayoko ng makipag-away. Kung gusto niyang tapusin ang pagsasama namin sa iisang bahay ay mas okay para magkasama na kami ni Addy. Ang problema ko ngayon ay paano kami makakalayo kay nanay dahil imposible namang pumayag si Elijah na lumayo ako ngayong alam na niyang buntis ako.

Tumayo na si Elijah at sumunod ako dahil hawak niya ang kamay ko. Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa marating namin ang parking. Inalalayan niya muna akong makasakay bago siya sumakay sa driver's seat. Hindi niya pinaandar ang sasakyan. Nanatili lang kami sa parking na kapwa tahimik.

Napatingin ako kay Elijah nang mapabuntong hininga siya. Nakatingin pala siya sa akin. "Ano na naman bang plano mo, Alyssa? Taguan ako ng anak? Iyan na lang ba ang option na mayroon ka? Ano'ng akala mo sa akin? Hindi ko mahahalata ang mga pagbabago sa katawan mo at sa pagkain mo? Alyssa, alam kong ilang buwan pa lang tayong magkakilala at nagkakasama pero kabisado na kita agad. Hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin pero pinili mong maglihim na naman."

Kinagat ko ang babang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Naghawak ang dalawang kamay ko bago siya sagutin. "Si Maggie. Kasama mo siya kanina. Sinabi rin niya na may date kayo." Sagot ko sa kanya. Huminga muna ako nang malalim bago magpatuloy. "I'm just doing you a favor, Elijah. Kung gusto mong makipag-balikan sa kanya, okay lang naman. Itutuloy ko ang bata at don't worry, hindi ako magiging hadlang sa inyong dalawa."

"'Di ko na mahal si Maggie. At walang namamagitan sa amin." Sagot niya sa akin sabay iwas niya ng tingin sa akin at napahawak pa siya sa manibela habang minasahe ng isa niyang kamay ang panga niya bago ako muling tignan. "That was just a purely business meeting, Alyssa."

"Bakit hindi mo sinabi?" Tunog nagseselos ako sa tanong ko.

"So alam mo na kung ano'ng nararamdaman ko sa tuwing naglilihim ka sa akin? Na parang ayaw mong maging parte ako ng buhay mo."

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Napayuko na lang ako dahil nako-konsensya na ako sa mga kasalanan ko sa kanya. Gets ko na ngayon ang pakiramdam niya. "Sorry..."

"Alyssa, mahal kita..."

Napaangat ulit ang tingin ko kay Elijah. Para akong nabingi sa sinabi niya. Tatlong salita lang ang sinabi niya pero pasabog na iyong sa tenga ko. Seryoso si Elijah kaya alam kong totoo ang sinabi niya sa akin.

Mahal ako ni Elijah.

Kita kong naluluha ang mata niya. Huminga nang malalim si Elijah bago muling magsalita. "Kailangan ko lang pakisamahan si Maggie dahil investor ang family nila sa Suarez-Villavicencio. At kailangan ko siyang pakisamahan para ilayo siya sa'yo dahil ayokong sinasaktan ka niya. Dahil ako ang may kasalanan sa kanya, hindi ikaw."

Hinawakan ni Elijah ang kamay ko at dinala ito sa labi niya. "Gusto kita hindi dahil sa nanay ka ni Uno. Bago ko pa malaman na may Uno, gusto na talaga kita. Hindi ako umiinom ng kape pero para lang makita at makausap kita ay bumibili ako ng kape. Please, Alyssa, gusto ko 'tong pamilya natin ni Uno."

What? Araw-araw siyang bumibili ng kape para lang sa akin? Ngayon ko lang nalaman na hindi siya mahilig magkape. Oo nga 'no. Simula nang magsama kami, never ko na siyang nakitang nagkape.

Tumulo na ang mga luha ko sa pag-amin ni Elijah. Alam ko namang gusto niya ako. Ang problema ko naman kasi ay ako. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko na lagi kong iniisip na hindi ako bagay sa kanya. Ang dami ko pang problema na ayoko siyang madamay.

"Hindi maayos ang pamilya ko, Elijah." Sagot ko sa kanya. "Mahirap kami. Ang dami kong kapatid sa iba't ibang lalaki. Si nanay ay...nagbibisyo. Hindi mo gugustuhing mapasama sa pamilyang mayroon ako."

Umiling si Elijah sabay hawak sa pisngi ko para punasan ang mga luha ko. "Nang pinili kong gustuhin kita Alyssa ay kasama doon ang tanggapin kung ano'ng mayroon ka—kung ano ang kaya mong ibigay at kung ano ang hindi mo kayang ibigay. Wala akong isyu sa kung ano'ng klaseng pamilya mayroon ka. Ang mahalaga, sa pagbuo mo ng sarili mong pamilya ay hindi sa paraan kung ano'ng klaseng pamilya ang nakamulatan mo. Iyon ang gusto kong iparamdam sa'yo. Ayusin natin ang pamilya natin, Alyssa. Ayusin natin ang gulo na mayroon sa pamilya mo. Tayong dalawa nang magkasama."

"Saka lahat naman tayo ay may kahihiyan sa buhay." Pagpapatuloy ni Elijah. "After na ma-call off ang wedding namin ni Maggie, araw-araw kong naririnig sa mga employee na I'm a cheater. Ilang araw, ilang linggo, ilang buwan kong naririnig 'yon sa kanila sa tuwing nakakasalubong ko sila. Hanggang ngayon ay alam kong 'yon na ang tumatak sa akin. Isang beses lang ako nagkamali pero nabalewala na ang mga nagawa kong mabuting bagay." Tumulo na ang mga luha ni Elijah.

May hirap din pala siyang pinagdaanan matapos ang gabing iyon. Hinila ko siya palapit sa akin at yinakap. Yumakap din siya sa akin. Hinaplos ko ang likod niya para aluin siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak kaya ang sakit sa puso na nakikita ko siyang ganito.

"Alyssa, please, stop comparing yourself to someone else's life. 'Di ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para lang hindi bumaba ang tingin mo sa sarili mo." Sambit pa niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at muling hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Uwi na tayo. Ayokong nai-stress ka dahil buntis ka. Baka mapa-ano si baby."

"H-hindi ako makakauwi ngayon." Sagot ko sa kanya at kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Si Addy kasi nasa Doldam. Kinuha ko na siya kay nanay dahil sinaktan siya ng kinakasama nito." Pag-amin ko kay Elijah. Tumulo na ang mga luha ko kaya pinunasan ito ni Elijah.

"Puntahan natin ang kapatid mo. I'm here for you, Alyssa." Sagot niya sa akin. Pinatahan muna niya ako bago niya paandarin ang kotse.

Habang nasa biyahe ay may tinawagan sa phone si Elijah---si Tres.

"Yow, kuyang kong mahal. Ano na naman ang request mo?!" Bungad ni Tres nang sagutin niya agad ang tawag ni Elijah.

"Nasaan ka?" Tanong agad ni Elijah mula sa bluetooth habang focus pa rin sa pagmamaneho.

"Nasa puso mo..." Sabay tawa ni Tres.

"Tang---" Hindi na natuloy ni Elijah ang pagmumura niya nang tumingin siya sa akin. Muli niyang tinuon ang tingin niya sa daan ulit bago kausapin si Tres. "Punta ka sa Doldam, Tres."

"Doldam na naman?! Ano bang mayroon sa Doldam na 'yan, ha?!" Singhal ni Tres.

"Basta. Isama mo si Monmon at Dos." Iyon lang ang huling sinabi ni Elijah at pinatay na niya ang tawag.

Ilang saglit pa ay natunton na namin ang Doldam. Pinarada lang ni Elijah ang kotse sa baba ng street namin. Naglakad na kami paakyat para marating ang bahay at umakyat sa hagdan para marating ang rooftop.

Napalingon sa amin si Addy na nakaupo sa papag. "Ate..." Napatingin naman siya kay Elijah. "Hello po..."

Lumapit naman kami ni Elijah sa kanya. Agad na hinawakan ni Elijah ang mukha ni Addy. "Tsk. Namamaga na ang mga pasa mo." Humarap naman sa akin si Elijah. "May yelo ba kayo rito?"

"May ice cube ata sa ref." Tumayo ako at kinuha ang ice cube sa ref at linagay sa isang towel. Muli akong lumabas ng bahay at linapitan si Addy para ilapat ang towel na may yelo sa mga pasa niya.

"Handa ba kayong ipakulong ang kinakasama ni nanay?" Tanong ni Elijah. Nanay na rin ang tawag niya sa nanay ko. "Pero...madadamay si nanay."

Nagkatinginan naman kami ni Addy. Hinawakan ko ang kamay ni Addy. "Kailangan na nating ihinto ang ginagawa ni nanay, Addy. Kung magpapatuloy ito, tayo ang kawawa. Kailangan niyang ma-realize ang mga maling ginagawa niya sa atin."

Tumango naman si Addy. "Nauunawaan ko, ate. Pero, matanda na si nanay."

"Kung hindi natin gagawin ito, ikaw at ako lang ang mahihirapan. Ayoko rin gawin ito dahil nanay ko pa rin siya pero kung ito lang ang way para tumino siya, kailangan natin sumugal, Addy." Pagpapaliwanag ko sa kapatid ko.

Napayuko si Addy nang tumulo ulit ang mga luha niya. "Paano ako ate? May pamilya ka na."

Sasagot na sana ako pero tumabi sa akin si Elijah. Hinawakan pa niya sa balikat si Addy. "Hey, we are family here, Addy. I'm your Kuya Elijah at doon ka na titira sa bahay simula ngayong gabi. Hindi ka namin iiwan, at kami na ng ate mo ang guardian mo simula ngayong araw na ito."

Tinignan muna ako ni Addy bago tignan si Elijah. "S-salamat po, kuya."

Napalingon naman kami nang may umakyat mula sa hagdan. Sina Dos, Tres, at Monmon.

"What's up Madlang Pipol!" Sigaw ni Tres.

Binatukan naman siya agad ni Monmon. "Ingay mo. Mahiya ka nga sa mga kapitbahay."

"Wow!" Singhal ni Tres kay Monmon. "Neighbor mo at ikaw ang nagalit?! Si Alyssa nga walang comment na matagal ng nakatira rito."

"Sshhh!" Sita naman ni Elijah sa dalawa. "Ano ba kayong dalawa?!"

"Ano'ng mayroon?" Seryosong tanong ni Dos kay Elijah nang makalapit na sila sa amin.

"Oo nga. Gabing-gabi iniistorbo mo kami." Wika ni Tres sabay akbay niya sa kambal niya.

Napatingin naman si Elijah kay Addy kaya napatingin din silang tatlo sa kapatid ko.

"What?!" Napahawak pa si Tres sa dibdib niya. "Anak mo rin siya Kuya EJ?!"

"Tarantado!" Mura ni Elijah kay Tres.

Tumawa naman si Tres. "Survey lang."

Napailing na lang si Elijah. "Kapatid siya ni Alyssa at binubugbog siya ng kinakasama ng nanay nila. Ano ang pwede nating ilaban sa kanila?"

Napatingin naman si Tres kay Addy. "Well, since he's below 18 years old, this can be considered under Republic Act 9262 o mas kilala sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. And obviously, this falls under physical violence. Once proven guilty, he or she shall be punished by imprisonment and a fine in the amount of not less than P100,000.00 but not more than 300,000.00."

Lumapit pa si Dos kay Addy at tinignan ang mukha nito. "He can get a medical examination, and we may use the results as evidence in court. Pwede ka bang maghubad ng shirt?"

Napatingin naman si Addy sa akin. Tinanguan ko siya para sabihing trusted itong mga taong ito dahil trabaho talaga nila ito. Huminga nang malalim si Addy bago ihubad ang shirt nito. Doon ko mas nakita ang mga pasa sa katawan niya at mga peklat na tila tinamo rin niya sa mga dati pang pananakit sa kanya. Ang sakit ng puso ko sa nakikita ko sa kapatid ko pero hinawakan ni Elijah ang kamay ko para pakalmahin ako.

"Tsk." Pagpapatunog ni Dos sa dila niya. "I can examine you and issue a medicolegal report. This report can provide important evidence for your case, which will be used as evidence in the legal proceedings."

Nagbigay din ng opinyon si Monmon. "We need to report his case sa station na sumasakop sa pinangyarihan dahil may mga jurisdictions tayong tinatawag. And if they have tested positive for an illegal drug like shabu or marijuana, they should get treatment and rehabilitation. Ang tanong ay handa ba kayo Alyssa sa kakahinatnan ng kinakasama ng nanay niyo and syempre damay ang nanay niyo."

Hinawakan ko ang kamay ni Addy at tumango kay Monmon. "Kailangan kong protektahan ang kapatid ko."

"I can take your brother to my office and will take him home sa bahay niyo after I examined him." Sagot naman ni Dos.

"I'll contact din the station commander na sumasakop sa area niyo." Sambit pa ni Monmon.

"Sige na. Libre na ang serbisyo ko para sa kaso na ito. Hay, that's what family is for 'di ba?" Sagot pa ni Tres.

Napangiti ako sa kanila. Actually, ito ang isa sa advantage kung magiging parte ka ng pamilya nila Elijah. May mga doctors sila, lawyer, police, artist, businessman, at kung ano-ano pa. 

"Let's go." Inaya na ni Dos si Addy.

Sinara ko muna ang bahay bago kami bumaba at nagtungo sa mga sasakyan nila. Dahil pupunta pa si Dos sa opisina niya kasama si Addy ay siya ang gagamit ng sasakyan na dala nung tatlo kaya sasabay sa amin si Tres at Monmon. Sumakay na kami sa sasakyan ni Elijah habang nasa likod nakaupo ang dalawa.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong sa akin ni Elijah nang bumabyahe na kami.

Tumango ako. Kanina ko pa iniisip ang gusto kong sabihin kay Elijah. Ngayon ko gustong maging matapang para sa kanya. Ayoko ng mag-overthink. Pero, hindi pagkain ang iniisip ko. Hindi ko alam kung tama pero...

"Gusto kong...magpakasal."

Bigla napa-preno si Elijah sa sinabi ko.

"Ay puke mo pink!" Tili naman ni Tres sa pagkagulat pero hindi siya pinansin ni Elijah.

"Ano?!" Nanlalaki ang mata ni Elijah nang tanungin niya ako.

Bigla akong nahiya. Hindi ako sanay maging clingy kay Elijah. Kinagat ko ang babang labi ko at napatingin sa dalawa sa likod. Magkahawak kamay sila habang hinihintay din ang sasabihin ko.

"Spill the tea na ati." Sambit ni Monmon.

Tinignan ko naman ulit si Elijah. "Magpakasal na tayo, Elijah."

"Oh may gad, 'te!" Tili ni Tres mula sa likod at nag-apir pa sila ni Monmon. "Sana ol yinayaya ng babae magpakasal!"

Napakurap naman si Elijah sa sinabi ko. "Teka, nabibigla ka ba? Hindi kita minamadali, Alyssa."

Umayos naman ako nang upo at tumingin sa harap ko. "Ngayon ko lang gustong magpakasal at kung hindi siya mangyayari, baka magbago ang isip ko."

"Seriously? Takte, wala akong singsing, Alyssa." Mabilis na pinaandar ni Elijah ang sasakyan at parang may hinahanap na pawnshop sa Doldam. Parang dininig ang dasal niya nang may bukas pang pawnshop kaya nakabili siya ng singsing. Muli siyang bumalik sa sasakyan at tinignan si Tres. "Tres, pwede kang magkasal, 'di ba?!" 

Kinagat pa ni Tres ang babang labi niya habang nagpipigil ng kilig. "Nag-abugado pa ako kung hindi ko kayang gawin 'yan. Alam niyo namang may history na ako sa ganyan." Sabay tawa niya.

"Gago ka sa ginawa mo kay Elias." Sagot pa ni Elijah. "Doon na lang tayo sa may park."

Huminto na si Elijah sa may gilid ng park na tanging ilaw na lang sa poste ang nagsisilbing liwanag. Gusto kong matawa dahil sa taranta ni Elijah at sa idea na rito kami sa park ikakasal. 

"Gagi, kailangan ko ng dalawang witness!" Sigaw ni Tres nang makababa na kami sa kotse. "Si Kuya Mon lang ang mayroon tayo."

Ano ba 'to mukhang mauudlot pa.

"Saglit." Nagpalinga-linga pa si Elijah at may nakita siyang isang matandang lalaki na kumukuha ng larawan ng bituin at buwan sa langit. Agad itong linapitan ni Elijah at nakipag-usap.

"Tinaranta mo naman ang kuya namin." Sambit ni Monmon sa akin.

"Kailangan lang. Para wala na kaming kawala sa isa't isa at mapanindigan na ito." Sagot ko sa kanya.

Lumapit na sa amin si Elijah na kasama na ang matanda. "Pwede raw siya. Bubuksan daw niya ang shop niya na La Imahe para makunan pa tayo ng larawan at ma-print daw agad."

Pinatunog naman ni Tres ang mga buto niya sa daliri. "Alright, let's start this na!"

Tumayo na kaming magkaharap ni Elijah habang nasa unahan namin si Tres at nasa likuran namin si Monmon at iyong matandang lalake na kinukunan pa kami ng larawan. Hawak pa namin ni Elijah ang kamay ng bawat isa.

"Alyssa, I knew it the very first moment I saw you." Pagsisimula niya. "I knew from the moment I first met you that we were meant to be together for all of our days. You have become my barista, always ready to make my favorite cup of coffee in the morning; my exclusive girl, the one I turn to when I need a listening ear; and my son's wonderful mom, always loving and supportive, teaching him about life and helping him to grow. I can't imagine my life without you. There's no one else I'd want to build a life with. I'm so grateful that I get to have you by my side, my love, and my wife, for eternity. I'm so blessed to have you in my life, and I will love you forever."

Nginitian ko si Elijah at sinimulan din ang wedding vows ko sa kanya. "Kapag naiisip kita, Elijah, naiisip ko ang lakas at kagalakan na dulot mo sa aking buhay. Itinuro mo sa akin na ang dalawang taong pinagsama nang may paggalang, tiwala, at bukas na komunikasyon ay mas matibay at mas masaya kaysa mag-isa. Ikaw ang lakas na hindi ko alam na kailangan ko, at ang saya na hindi ko alam na kulang sa akin. Ipinakita mo sa akin na ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa pagkakaroon ng isang taong gumagalang at nagmamahal sa iyo kung sino ka. Hindi ko maisip ang isang buhay na wala ka, at napakapalad kong nasa tabi kita. Ngayon, pinili kong gugulin ang natitirang bahagi ng aking buhay kasama ka na puno ng pagmamahal, tawanan, at kagalakan."

Sinuot na namin ang singsing sa isa't isa.

"You may now laplap the bride. Slurp! Slurp! Slurp!" Sambit ni Tres kaya tinignan siya nang masama ni Elijah habang natawa naman si Monmon at ang matanda.

Hinarap akong muli ni Elijah at hinawakan ang pisngi ko at sinalubong ng labi ko ang labi niya. Nagsumpaan kaming dalawa sa ilalim ng mga bituin at buwan. Nagpangakuan kami sa harap ng anak namin na lumalaki sa tyan ko.

Sa wakas, kasal na kami at wala nang pwedeng umepal sa amin dahil akin lang si Elijah.

Dahil ang Maggie ay isa lang seasoning.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

685K 12.3K 50
BETRAYAL SERIES #2 COMPLETED Phoebe Calista Davis life is a mess,why?because of her family that totally destroyed her.But what if Beckham Lincoln Smi...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
956K 14.3K 38
Familiá Altamirano Series #1 Kelsea Maurice Altamirano, the firstborn of the prominent and wealthy Altamirano family, is the epitome of kindness, ele...
1.1M 35.8K 28
Zyle Kevin Villavieja was the eldest son of the President of the Republic of the Philippines, and he shared his father's interest in politics by purs...