Bachelor Daddy (Rewritten)

By JuanCaloyAC

2.1M 43.5K 7.4K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng k... More

Welcome Hindots!
Suarez Next Gen Timeline
#BDPrologue
#BDChapter1
#BDChapter2
#BDChapter3
#BDChapter4
#BDChapter5
#BDChapter6
#BDChapter7
#BDChapter8
#BDChapter9
#BDChapter10
#BDChapter11
#BDChapter12
#BDChapter13
#BDChapter14
#BDChapter15
#BDChapter16
#BDChapter17
#BDChapter18
#BDChapter19
#BDChapter20
#BDChapter21
#BDChapter22
#BDChapter23
#BDChapter24
#BDChapter25
#BDChapter26
#BDChapter28
#BDChapter29
#BDChapter30
#BDFinale
#BDBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BDChapter27

48.9K 1.1K 130
By JuanCaloyAC

Bumalik na si Maggie. Ito na iyong kinatatakutan ko. Akala ko ay tapos na ako sa karma ko sa nagawa ko noong bachelor party pero bakit parang hindi pa tapos ang paghihirap ko. Akala ko ay magiging payapa na ang buhay ko kasama si Uno at Elijah pero mukhang pagbabayaran ko pa rin ang kasalanan ko noon.

Matapos akong komprontahin ni Maggie kanina ay natulala na lang ako sa labas ng bahay. Napatingin na lang ako sa kalsada na dinaanan ng kotse ni Maggie. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha dahil iniisip ko pa ang kalagayan ni Addy pero dumagdag pa si Maggie.

Hanggang sa pagpasok ko sa bahay ay wala akong ganang gawin ang mga gawaing bahay pero pinilit ko pa rin ang sarili ko para hindi mahalata ni Elijah na may dinadala akong problema kung sakaling umuwi na sila ni Uno. 

Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Maggie. Okay lang sana kung ako ang sasaktan niya pero kung idadamay pa niya si Uno, iyon ang hindi ko matatanggap. Napapaisip tuloy ako na balik na lang ulit kami sa Doldam. Simpleng buhay, malayo sa gulo.

Napalingon naman ako sa may pintuan nang dumating na ang mag-ama ko. Buhat ni Elijah si Uno habang kinikiliti ito kaya panay ang tawa ng bata.

"Papa! Tama na! Ayaw ko na po HAHAHAHA..."

"Mas mahal mo na ang mga lolo mo kesa sa akin, ha. Ayaw mo ng umuwi rito, ha." Hiniga pa ni Elijah si Uno sa couch at kiniliti ito sa leeg sa pamamagitan ng mga patubong balbas niya.

"Hindi po---HAHAHAHA. Mama ko! Si papa, o!" Sagot ni Uno sa pagitan ng mga pagtawa niya.

Ang saya nilang panoorin. Naging malalim na rin agad ang closeness nila kahit bago pa lang silang nagkakasama. Gan'on siguro talaga dahil sa lukso ng dugo nila sa isa't isa. Sa totoo lang, sila talagang dalawa ang pahinga ko. Gumagaan ang lahat kapag nakikita ko sila.

Lumapit na ako sa kanila at binatukan si Elijah. "Kakabagan 'yong bata."

Napakamot naman si Elijah sa batok niya sabay tingin sa akin. "Ang sakit, ha. Bakit? Gusto mo rin bang kilitiin kita?" Sabay tayo ni Elijah sa couch at lumapit sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at naglakad paatras para lumayo sa kanya. "May sinabi ako? Ang sabi ko lang ay tigilan mo na ang bata dahil gabi na at baka kabagan pa."

Ngumisi si Elijah sabay tingin kay Uno. "Ano, 'nak? Pati ba si mama?"

Bumungisngis lang si Uno sabay tango. Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Uno at  hindi ko na inaasahan pa ang mga sumunod na pangyayari dahil mabilis akong kinulong ni Elijah sa mga bisig niya kaya hindi makagalaw ang mga braso ko. At sinimulan na nga niya akong kilitiin.

"Elijah---HAHAHAHAHA." Humagalpak na nga ako ng tawa nang makiliti ako sa matitigas na buhok ni Elijah sa balbas. Pero hindi lang kiliti 'yon, sinasabayan niya rin 'yon ng halik.

"Elijah, tumigil ka na! Isa!" Sita ko pa sa kanya at sinusubukang kumawala sa pagkiliti niya sa akin.

Huminto na si Elijah sabay tingin sa akin habang naka-ngisi. "Saan mo pa gusto na makiliti kita? Tandaan mo na alam ko lahat ng kiliti mo, Alyssa."

Gusto kong kumawala sa kanya pero masyado siyang malakas kaya tinignan ko na lang siya nang masama. "Tumigil ka na! Elijah, nakikita tayo n'ong bata---"

'Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumampi na ang labi niya sa labi ko. "Ayaw mo n'on? At least alam niyang nagmamahalan ang mga magulang niya. 'Di ba love mo na ako?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Love? Bigla ko na namang naalala si Maggie. Paano kaya kung malaman na niyang bumalik na si Maggie? O, baka nga alam na niyang bumalik na si Maggie. Hindi ba ito ang best time na maayos nila ang naputol nilang pag-iibigan? Tangina namang love 'to, napaka-kumplikado.

"Elijah---"

Hindi na ako nakasagot pa nang muling dumampi ang labi niya sa labi ko para siilan ako ng halik sa labi ko. Gusto ko siyang pigilan pero mahigpit talaga ang pagkakayakap sa akin ni Elijah. Pumunta pa sa pisngi ko at bumaba sa leeg ko ang labi niya.

"Elijah..."

Akala ko ay confidence na lang ang kulang ko para lakas-loob kong maamin sa kanya na mahal ko na nga siya. Akala ko kapag naayos ko na ang gulo sa pamilya ko ay magiging matapang na akong ihayag sa lahat na mahal kita. Pero, dumating si Maggie. Bumaba ulit ang confidence ko na ipagsigawan ko na mahal kita dahil ano ba ang laban ko sa babaeng inaya mong pakasalan?

Huminto naman si Elijah nang humagikhik si Uno kaya napatingin kami sa bata. "Gawa po kayo baby? Sabi Wowo at Dada, gusto nila dami apo, e."

Kita ko ang mala-demonyong pagngisi ni Elijah sa bata. "Ilan ba ang gusto mong maging kapatid, buddy?"

Humawak pa si Uno sa baba niya at tumingin sa taas na parang nag-isip. Sabay pakita niya ng dalawang kamay niya. "Sampu po!"

Shuta. Sampung daliri pala. Ang akala ko ay dalawang kamay ang bilang niya. Jusko naman sa sampung kapatid! Ano'ng akala niyo sa akin?! Baby factory?!

Muli naman akong tinignan ni Elijah na hindi pa rin tinatanggal ang ngisi sa kanyang labi. "Pa'no ba 'yan? Anak mo na ang nag-request."

"Bakit? Ikaw ba ang magbubuntis?" Pagtataray ko sa kanya.

Natawa naman siya sabay bitaw niya sa pagyakap sa akin at pinisil pa ang pisngi ko. "Joke lang naman, ito talaga napaka-seryoso. Hindi pa tayo nito kasal pero under na under na ako sa'yo. Pero okay lang, ang sarap naman kasing magpa-ilalim sa pagmamahal mo, Alyssa. Ayiee, kilig 'yan siya."

"Kadiri ka naman, Elijah." Sagot ko pa sa kanya.

"Aminin mo na kasing---" Hindi na natapos ni Elijah ang sasabihin niya nang mapatingin siya sa pisngi ko. Agad pang kumunot ang noo niya. "Bakit namumula ang pisngi mo?"

"Ah," Nagulantang ang pagkatao ko. Hindi pwedeng malaman ni Elijah ang ginawa sa akin ng ex-fiancé niya kanina. "Ano, ahmmm, tumama sa pinto n'ong binuksan ko kanina. Napalakas kasi ang pagbukas ko."

Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala. Muli niyang hinaplos ang pisngi ko. "Mag-ingat ka naman, Alyssa. Hindi sa lahat ng oras ay mababantayan kita. Nasaan na ba 'yang pinto na 'yan para mapalitan ko dahil sinaktan niya ang babaeng gusto ko."

Pinigilan ko naman si Elijah na akma nang susugurin ang pinto dahil para siyang gago para patulan ang pinto. "Talaga bang papatulan mo ang pinto? Tara na nga't kumain na tayo."

Agad akong tumalikod at naglakad na papunta sa dining area. Magkahawak-kamay naman ang mag-ama nang pumasok na sa dining. Habang tumatagal ay mas lalo silang nagiging close na mag-ama. Saksi ako araw-araw sa kung gaano inaasikaso ni Elijah si Uno. Talagang bumabawi siya sa ilang taon na hindi niya nakasama si Uno.

Siya ang nagpapaligo kay Uno tuwing umaga. Hinahatid pa namin ito sa eskwela bago kami pumasok sa trabaho. Lalabas din siya ng opisina niya para sunduin ang bata matapos ang klase nito at dadalhin sa mga magulang niya para ipabantay pansamantala. Maski sa pagkain ay lagi niyang pinupunasan ang bibig ni Uno. At kahit may sariling kwarto na si Uno ay madalas niyang patulugin ito sa kwarto namin habang nasa ibabaw ng katawan niya ang bata na himbing laging matulog sa kanya.

Ito 'yong mawawala kung sakaling...umepal ang ex niya.

Napatingin naman sa akin si Elijah nang mapansin niyang matagal akong nakatitig sa kanya. "Hey, you okay?" Sabay hawak niya sa kamay ko.

Tumango ako agad at pilit na ngumiti. "Ang cute niyo lang tignan ni Uno." Pagdadahilan ko.

Ngumiti rin si Elijah at muling pinisil ang pisngi ko. "Cute rin naman tayong tignan."

Inirapan ko naman siya. "Bwisit."

Nagpatuloy na kaming kumain. Ang isa sa ginusto ko kay Elijah ay marunong din siya sa gawaing bahay. Pinalaki rin kasi sila ng mga magulang niya na kumilos sa bahay kahit na mayaman sila. Siya ang nanghuhugas ng pinagkainan namin habang ako naman ang nagpapaligo kay Uno para maghanda na sa pagtulog.

At ang lagi pang ginagawa ni Elijah ay ang mag-usap kami bago matulog.

"Musta ang araw mo? Saan ka nga pala pumunta?" Tanong niya sa akin nang maupo siya sa gilid ng kama matapos niyang mag-shower. Humalik pa siya sa pisngi ni Uno na natutulog na sa gitna ng kama.

"Ayos naman. Gan'on pa rin naman ang trabaho ko sa KAPEPRINCE." Pagsisinungaling ko. "Ano, ahmm, nakipagkita lang ako kay Mimi kanina. Na-miss ko lang siyang ka-kwentuhan kaya kinumusta ko siya dahil siya na lang mag-isa sa Doldam." 

Tumango naman siya at nahiga na rin sa kama. Linapit pa niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Kapag may kailangan ka, please, sabihan mo ako, ha? Baka need mo pala ng bakasyon, ayaw mo lang sabihin sa akin. Sagot ko naman ang travel niyo ni Mimi kung gusto niyong mag-unwind na magpinsan. Ako ng bahala kay Uno."

"Lahat na nga binibigay mo." Sagot ko sa kanya dahil totoo naman. Hindi ko na nga nagagalaw ang sahod ko dahil maski sa pagsa-shopping ay si Elijah pa rin ang nagbabayad. 

"Gusto ko lang kayong bigyan ni Uno ng komportableng buhay, Alyssa." Sagot din niya sa akin. "I was not there noong pinagbubuntis mo si Uno hanggang sa pagpapalaki mo sa kanya. You deserve a break."

Matagal ko siyang tinitigan. Sa totoo lang, ang jackpot ko kay Elijah. Sobrang understanding niya sa akin. Halos mundo na ang ibigay niya sa akin. Magugustuhan pa rin niya kaya ako kapag nalaman niya kung ano'ng klaseng pamilya ang mayroon ako?

Ngayong nandito na si Maggie, mas lumaki ang insecurity ko dahil siya ay mayaman, maganda, at may maayos na pamilya. Halos parehong-pareho sila ni Elijah.

Mas bagay talaga sila ni Elijah.

.

.

.

.

.

Kinabukasan ay mas maghaharap pa pala kami ni Maggie. Nandito siya ngayon sa shop at mukhang dito siya nagta-trabaho sa Suarez-Villavicencio Enterprise. Kung gan'on pala, mas laging magku-krus ang landas naming dalawa.

Ramdam kong nakatingin din sa akin si Carmi dahil sa tensyon na mayroon sa pagitan namin ni Maggie. Pero kailangan kong tatagan dahil pinasok ko ang problema noong gabing iyon kaya dapat tanggapin ko ang galit sa akin ni Maggie.

"20 cups of brewed coffee." Taas kilay niyang order sa akin.

Ngumiti pa rin ako at nag-punch sa cash register. "Three thousand pesos po, ma'am."

Inabot niya sa akin ang card niya na may matalim pa rin na tingin sa akin. Inasikaso ko na lang ang bayad niya. Pagbalik ko sa card niya ay muli siyang nagsalita. "Pakidala lahat ng order ko sa meeting room."

Napa-angat ulit ang tingin ko sa kanya. Mukhang seryoso siya sa inuutos niya sa akin. Hindi niya talaga ako titigilan, 'no?

"Ahmm, ako na po magdadala, ma'am." Singit ni Carmi.

Umiling agad si Maggie. "Nope. Ang gusto ko ay itong babaeng ito ang magdadala."

Tinignan ko naman si Carmi at nginitian. "Ako na."

Napabuntong-hininga naman si Carmi at inayos na sa lagayan ang mga kape. Kinuha ko ang dalawang malaking paper bag at naglakad palabas ng shop kasama si Maggie. Sumakay kaming dalawa sa elevator na kaming dalawa lang ang laman. Sobrang awkward.

Napatingin naman ako kay Maggie nang magsalita siya. "Kayo 'yong mga gold digger, 'no? Magpapabuntis sa mayayamang lalake para kaya kayong panagutan. Wala ka bang hiya? Imagine, alam mong ikakasal ang tao kaya nilasing mo so you can seduce him to get you pregnant. How desperate na rito ka pa nagtrabaho para lang mapalapit kay EJ. Ang soft boy kasi ni EJ kaya naaawa siya sa'yo, kaya ayon, binigyan na lang niya ng komportableng buhay ang nanay ng anak niya."

Napakuyom ang kamao ko. Hindi ako makalaban dahil alam ko naman ang mali ko. Nasaktan ko siya kaya deserve ko ang masasakit niyang mga salita. Pinili ko na lang na h'wag sumagot.

Bumukas na ang elevator at lumabas na si Maggie. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang meeting room na may mga tao na. Mukhang boss pa nila si Maggie. 

"Bigay mo sa kanila isa-isa." Utos niya sa akin.

"Sige po." Sinunod ko ang utos niya at isa-isang binigyan ng kape ang mga ka-meeting niya.

Nang matapos ako ay lumapit na ako sa kanya para magpaalam pero nabigla ako nag itumba niya ang kape niya kaya tumapon ito sa lamesa.

"Opss. Sorry. Pwedeng pakilinisan? Natabig ko, e."

Napatingin sa amin ang mga tao kaya yumuko ako dahil bigla akong nahiya. Huminga ako nang malalim. Alyssa, tandaan mo, may kasalanan ka sa babaeng ito kaya gumaganti siya ngayon. Tanggapin mo lang basta h'wag ka lang niya sasaktan.

"Kukuha lang po ako ng basahan---" Naputol ang sasabihin ko nang may magsalita sa isa sa mga ka-meeting niya.

"Nope." Sambit nang isang babae. "That's no longer your job, sweetheart. Hindi ka empleyado ng Suarez-Villavincencio, empleyado ka ng KAPEPRINCE."

"Tita Jillian..." Sambit ni Maggie.

Tinignan naman siya n'ong tinawag niyang tita pero parang ang bata pa niya para tawaging tita. Hindi ko siya napansin kanina kasi hindi ko naman tinitignan ang mukha ng mga ina-abutan ko ng kape. Grabe, ang ganda naman niya. Parang napanood ko na siya somewhere pero hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ikaw nagtapon 'di ba? So, linisin mo. Hindi ka ba nahihiya sa amin? Pinapatagal mo ang meeting dahil sa kadugyutan mo." Lumipat naman ang tingin sa akin ni Ma'am Jillian. "Go na, sweetheart. Kaya na ni Maggie 'yan."

Gusto kong ngumiti dahil kahit paano ay may tumulong sa akin laban sa pang-aapi sa akin ni Maggie. Pero binalot din ako ng hiya kay Ma'am Jillian dahil pakiramdam ko ay mataas din ang posisyon niya sa kumpanyang ito.

"S-salamat po." Tumalikod na ako at lumabas ng meeting room.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.6K 74
Growing up with the paramount expectations of her mother, Cygny Novessa Amorsolo's future is already devised. A robot that was designed to be success...
87.8K 1.6K 29
Dr. Russel Ashton Tryze 'Rat' Velaroza. One of the handsome OBGyne Doctor of HC Medical City. He's famous to call 'Dr. RAT' Lagi silang cat and rat...
1.6M 34K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And I think it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samanth...
955K 14.3K 38
Familiá Altamirano Series #1 Kelsea Maurice Altamirano, the firstborn of the prominent and wealthy Altamirano family, is the epitome of kindness, ele...