Heart Over Mind (gxg)

By gawkytho

113K 1.8K 87

Hey guuysss!! :)))) GxG po itong story na to, Kung Di po Kaya ng sikmura nyong basahin to then go! leave thi... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Main Characters
Chapter 2: Meet the Other Characters
Chapter 3: Ice Cream Fight
Chapter 4: Exchange Partners
Chapter 5: Exchange Partners 2
Chapter 6: War
Chapter 7: Who's Joshua and Kyle?
Chapter 8: Sarcasm of Me
Chapter 9: Peace Offering
Chapter 10: Fieldtrip
Chapter 11: Meet Ate Dean's Lister
Chapter 12: Kiss
Chapter 13: Is It The End?
Chapter 14: For me, it's the end
Chapter 15: End of Bestfriendship (The Official)
Chapter 16: Patulong Naman Oh
Chapter 17: Open Forum
Chapter 18: Mutual Feelings ?
Author's Note
Chapter 19: Dencio and Dyosa
Chapter 20: The Plan
Chapter 21: Yes
Chapter 23: Gonna Live With You
Chapter 24: Confession
Flashback 1
Flashback 2
Chapter 25: FIRST DAY AND FIRST KISS

Chapter 22: Varsity Player

3.3K 49 3
By gawkytho

Dennise's P.O.V:

 

"ANO BA DEN?! BAT ANG TAGAL MO?!"

narinig ko nanaman ang sigaw ng pinakamamahal Kong brother sa balat ng lupa. Bakit ba kasi Hindi sya makapag hintay? Atat lang teh? atat lang?

"OO NA! SAGLIT LAAANNGG!" Sigaw ko rin kasi nasa first floor sya. Last na kinuha ko ung picture namin ni jill. Ang saya saya namin dito, kinuhanan Ito before magkaroon ng field trip. Niyakap ko iyon at nilagay na sa maleta ko

"Ikaw na bata ka! Bat ba kasi ang tagal tagal mo??!!!" napatingin Ako sa lalakeng inis na inis na nasa pintuan ng kwarto ko

Ano ba yan! Bat kasi masyado syang nagmamadali? Hindi na nga Ako titira dito sa bahay masyado pa syang ganyan!

"Eto na! eto na! Hindi makapag hintay e" kinuha ko na ung maleta sa bed ko at binunggo ko sya habang palabas ng kwarto

"Palibhasa kasi may date, kung isumbong Kaya kita Kay ate ely" mahinang sabi ko habang pababa ng hagdan

"Anong sabi mo?" tanong nya

"Sabi ko ang ganda ko. Pft" inis na sabi ko Nang makababa na kami

"Kayo tlgang mga bata kayo, Hindi kayo magkasundo kahit kelan. Oh, sunod ka Doon sa kapatid mo den pag tapos na syang kausapin ng mama mo" sabi ni manang sa amin at umalis na sya para kausapin ung driver namin

pumunta muna Ako ng kitchen para uminom ng tubig pagkabalik ko binigay na sa akin ni mau ung telephone

"Hello mommy?"  pambungad na salita ko

"Oh den. Lilipat ka daw sabi ng kuya at kapatid mo?" halata sa Boses nya na nag aalala sya

"Opo mii, ngayon na po ung lipat ko"

"Oh, lagi mong tatandaan ung mga sinasabi ko sayo ha. Don't talk to strangers, okay?? Tsaka inom ka palagi ng milk mo, wag kang magpapa gutom dyan at wag ka----"

"Miiiii! Matanda na Ako alam ko na yan! Ano ba yan, parang bata kung ituring nyo ko e" asar na pinutol ko ung sinasabi nila

"Aba dapat lang na alam mo nuh. So Yun nga, wag kalimutan mag pray okay? Tsaka magpalit ka lagi ng damit mo pag pinapawis----"

"Miiiii!!" nakakaasar na eee :3

"Den, wag ka ngang ganyan. Minsan na nga lang tumawag si mommy" suway naman ng magaling Kong kuya. Tssk. inirapan ko lang sya

"Ayy Oo pala, may nabanggit sa akin ang kuya lucas mo"

"What?" iritang tanong ko. sure Ako, iyang ligaw ligaw thingy nanaman yan. Sus! Di na matapos yang issue na yan!

"May nanliligaw na daw sayo? You know me and your daddy den. Pag Ito nalaman nya, lagot ka doon" sabi nya ng may pagbabanta

sana nga lang magalit sila para tigilan na Ako ng edgar na yan! -,-

"Mii, Hindi nama---- *kring kring kring"

"Oh sige, Skype na lang tayo anak. Tumatawag na ata ung business partner ko. Ingat ka lagi. Ikamusta mo Ako Kay manang, Love you"

"Love you too" at ibinaba ko na

Pinuntahan ko muna si mau sa kwarto nya para mag goodbye at hinalikan ko sya sa noo nya then nag nose to nose kami. Hinawakan ko ung magkabilang pisngi nya

"Be a good girl always, huh? Just tell manang or just call me if inaasar ka ni kua Lucas ha? And update me palagi kung anong nangyayari dito sa bahay ha? I love you" sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya sa ilong

bumaba na Ako at dumiretso na akong parking lot namin. Sumakay na Ako sa kotse ng kuya ko, may pinuntahan daw kasi ung driver namin Kaya walang maghahatid sa akin

Ayy Oo nga pala. Lilipat na Ako ng dorm. Nag try out kasi Ako sa swimming and nakuha Ako Kaya required akong gumamit ng dorm. Ganito rin ung kuya ko dati nung varsity pa sya dito sa school

Dahil mabilis magpa takbo itong kuya Kong atat na atat sa date nya, nakarating na Agad kami sa dorm ng mga varsities. Hiwalay ang boys sa girls pero magkatapat lang naman

bumaba na sya para kunin ung maleta ko at tinulungan ko na rin sya. Nasa tapat lang muna kami ng gate ng varsity dorms

Oo nakikita ko to pero Hindi pa Ako nakapasok dito ever. Bawal naman dun kila kuya kasi boys dorm, bawal ang mga girls

"Mag ingat ka dito. Wag kang maging maarte, okay? Matuto kang makipag kaibigan, Hindi ikaw yung kinakaibigan" napatingin Ako sa katabi ko. Seryoso lang syang nakatingin sa dorm habang nakalagay ung mga kamay nya sa pocket ng pants nya

Tumango tango lang Ako. May tinawagan sya saglit at may lumabas na babae, kataunan ko lang sguro? Binuksan nya ung gate at pinapasok kami

"Ah sige joy, ikaw na bahala sa kanya ha? Hanggang dito na lang ako may pupuntahan pa kasi Ako saglit" sabi nya sa babaeng nagpapasok sa amin ng nasa tapat na kami ng sala ata ng dorm? Hindi ko alam

"At ikaw den, magpaka bait ka dito. Tsaka pala joy, wag nyong i-spoil tong babaeng to ha? Gawin nyo lang yaya Nang matuto. Oh sige, bye den, bye joy" pahabol pa na sabi nya at tumawa lang si ateng joy ata? Yun ang tawag sa kanya ng kuya ko e, Kaya Malay ko ba. Kiniss nya Ako sa cheeks at umalis na sya

Tinawag nya lahat ng mga varsities. May mga basketball players, volleyball, badminton, swimmers basta marami pa. Nagpakilala sila isa-isa tsaka nung tapos na sila Ako naman ang sumunod

Pagkatapos nun umalis na sila at bumalik na sa kanya kanya nilang kwarto. In-explain lang din sa akin ni ate joy lahat ng mga rules. Kailangan daw palaging malinis ung room, etc

si ate joy pala ung parang leader nila dito. Fourth year na sya Tsaka ang sport nya is swimming, Kaya pala kilala sya ng kuya ko. baka naging teammates sila dati

Tapos na ang discussion at patayo na kami ni ate joy para sana ituro nya sa akin ung room ko Nang biglang may dumating na babae and to my surprise sya pala si Janelle, Remember her? Sya ung babaeng umamin sakin nung open forum

Pakshet. Ayaw ko sana syang maging roommate pleassee. T__T

"Oh tamang tama ang dating mo janz, andito na ung roommate mo. Oh sige, tutal mag roommate naman kayo, ikaw na ang bahala magdala sa room nyo at mag tour sa kanya dito, okay?" tumango lang si Janelle at umalis na si ate joy

Tumingin sya sa akin. Napatingin din tuloy Ako sa kanya, ang ikli nung shorts nya Tsaka naka sports bra lang sya. Kitang kita ko ung hubog nung katawan nya at kahit na pawis na pawis sya prang Hindi yun nakaka eww tingnan prang mas nag mukha pa nga syang sexy e. Naka pony tail rin ung mahaba nyang buhok at Meron pa syang dalang bola ng tennis at bat

"Done checking me out?" Tanong nya sa akin ng may malaki ang ngiti sa labi nya at nakakalokong tumingin sa mga mata ko

inirapan ko lang sya at tumawa lang sya ng mahina. Pumunta na kami sa room namin and inayos ko na rin ung mga gamit ko. Nagpaalam sya sa akin na mag s'shower daw muna sya at nag wink pa ang Lola nyo

The heck?! Kailangan pa tlgang magpaalam e? Tss.. -____-

After 30 minutes tapos na rin akong mag ayos ng gamit at nilagay ko na rin ung picture frame namin ni jill sa small table malapit sa akin na may lamp shade. Tapos na rin maligo si janelle at andito sya ngaun nag b'blower ng buhok nya

itong bruhang to. Hmmppp! Kung Hindi lang tlga mukhang mabait at maganda tong babaeng to baka nag complain na Ako dun Kay ate joy

"Tama na nga yang pagtitig mo sa akin. Baka matunaw Ako nyan" natatawang sabi nya at bigla Kong iniwas ung tingin ko sa kanya

"che! feelingera! Bruha! Lahat na!" bawi ko at tumalikod Ako sa kanya

"talaga? Nasa akin na lahat?.." naramdaman Kong may humawak sa balikat ko at may naramadaman akong hininga sa leeg ko

"pati ba ang puso mo??" nakiliti ang tenga ko sa hininga nya. Buseett! Biglang nagtayuan bigla tong mga balahibo ko

Creeppyyy!

tumawa lang sya at tumayo

"Ang ganda ko tlga, pati crush ko nag b'blush sa mga Banat ko. Kumusta na pala kayo ni edgar?"

ang kapal tlga oh! sarap ilibing ng buhay! Hindi ko na lang pinansin ung unang sinabi nya at sinagot ko ung tanong nya. Syempre kinakausap Ako nuh, ayaw ko namang maging bastos

"Ayun, okay lang naman. Kahit na ilang months na rin ung nakakalipas sweet pa rin sya. Diba nag d'dorm rin sya?" balik na tanong ko sa kanya

Ayy Oo nga pala, 1 and a half months na ang nakakalipas simula nung ligawan Ako ni edgar. December na ngayon. Medyo lumalamig na nga e.

"Oo. dyan lang sa tapat natin ung dorm nila" sabi nya at tumango lang Ako

madami rin kaming napag usapan, kahit papaano matino rin pala syang kausap. Napag alaman ko rin na Hindi pala sila masyadong mayaman Kaya ginamit nya na lang ung scholarship para makapag aral sa pribado at magandang school

"Si ate czarina pala? Ung ka-close mo. Kumusta na yon? Nangibang bansa diba?"

"Ah Oo. Exchange student sa Korea kasi. Alam mo na, sa sobrang talino. Buti pala pinaalala mo sya. Alam mo ba, may gusto sa akin Yun. Haha" pag jojoke ko sa kanya kahit na alam Kong Hindi tlga Ako gusto ni ate czarns

"Yabang" sabi nya sabay irap. Haha. Loko to ah, bat nya ginaganyan ang crush nya??

Inaya nya akong lumabas since 6 na ng hapon pumayag Ako. Dahil nga sa December na, mas mahaba na ang gabi kesa sa araw. Kaya kahit ganitong oras pa lang, aakalin mong 8 na ng gabi

pumunta kami ng labas ng school gamit ung bike nya. Gamit nya daw itong service kapag pumapasok sya. Buti nga alam nyang magsakay e. Pero alam nyo ba readers? Ang sarap yakapin ng babaeng to, ang sexy kasi tapos ang bango. Haayy nakuu, kung Di ko lang tlga gusto si jill at edgar baka nagka gusto na Ako dito

"Hoy! Tama na yang pang-aamoy mo sa damit ko, baka bumaho" sabi nya habang nag d'drive

pinalo ko nga sya. Maganda na sana sya e, kung Hindi lang mayabang. Dahil sa pagpalo ko sa kanya nawalan sya ng kunteng balance at muntikan na kaming natumba

hininto nya ung bike Kay mamang nagtitinda ng ice cream at bumili sya ng dalwang cookies and cream na flavor

haayyy, bigla akong may naalala :(

"Bakit ka Napa sibangot? Panget ba ang lasa?" concern na tanong sa akin ni jhanelle

"Sorry den, kung Di ka kumakain ng ganyan, akin na lang. Ibibili na lang kita Doon ng magnum or corneto or kahit Ano pang gusto mo" akma nyang kukunin ung kinakain ko pero nilayo ko Ito sa kanya

"Nope. Kumakain Ako nito nuh, anong akala mo sa akin? Alien?" natawa sya sinabi ko at inubos lang namin ung ice cream then nagbike ulit kami

"Jaja, gusto ko nun!" inalis ko ung isa Kong kamay na nakayakap sa kanya at tinuro ung nagtitinda ng fishball

"Jaja?" takang tanong nya sa akin

"Oo jaja, for short. Haba ng pangalan mo e. Dali na! I want that food!" pagmamaktol ko sa kanya, Minsan lang kasi Ako makatikim ng street foods, Usually kasi pinagbabawalan akong pakiinin ng ganyang foods ni kuya

tinigil nya ung bike nya sa sidewalk at bumaba kami ng bike nya.

"Kuya, magkano po ung fishball?" tanong ko Kay manong vendor Nang makalapit na kami ni jaja

"Piso dalwa lang yan, ineng" nabigla Ako sa sinabi ni kuya

"Talaga?! Piso dalwa?! Meron pa palang ganun ngayon kahit na Hindi kendi" sabi ko at napatingin sa akin ung mga ibang taong nagtutusok ng mga fishball Tsaka kikiam

"Ayy manong pag pasensyahan nyo na po itong kasama ko, anak mayaman kasi Kaya Hindi alam to" sabi ni jaja at ngumiti lang si manong

Nagpatusok na lang Ako Kay jaja ng kikiam, hotdog Tsaka fishball kasi natatakot Ako Doon sa mantika, baka tumalsik. Bumubula bula Kaya. creepy! 

Umuponsi jaja sa sidewalk at tiningnan nya lang Ako ng Hindi ka ba uupo look

Nag dadalwang isip kasi Ako. Hindi naman kasi sure kung malinis ba yan o kung may mga dura ba

hinila nya ung kanang kamay ko at napaupo Ako

"Oh diba? Eh Di mas relax" sabi nya at tumusok ng hotdog sa baso nya at sinubo

ginaya ko rin ung ginawa nya. Matagal na kasi akong Hindi nakakatikim ng ganito. Last ata na kumain Ako nito is, ung mga bata pa ata kami ni jill? nung bumili ung pinsan nya ng fishball at nakihingi kami. So, its been a long time na rin naman

"Hindi ka ba kumakain nito?" napatingin Ako Kay Janelle na kasalukuyang nakatitig lang sa akin. Napa iwas tuloy Ako ng tingin

"Magpapabili ba Ako kung Hindi Ako kumakain?" sarcastic na sabi ko sa kanya

"Aba Malay ko ba. Tsaka hoy! babae ka! ang layo ng sagot mo sa tanong ko ah. Ang sagot lang naman Doon 'Oo or Hindi', ang dati pang sinabi -,-" asar naman na sabi nya sa akin. Napaka bipolar tlga nito, kanina ang landi landi tapos ngayon ang sungit sungit

Pagkatapos namin kumain, sumakay na sya sa bike at Ako naman Doon sa likod ng bike. Yumakap ulit Ako sa kanya at tulad nung una Kong sakay, Hindi ko mapigilan amuyin ang mabangong babaeng to

mga after 5 or 10 minutes binaba nya ako sa dorm ng mga lalake

"anong akala mo sa akin? Lalaki? Sa ganda Kong to?" asar na tanong ko sa kanya ng makababa na Ako sa bike nya

sumibangot lang sya at Hindi sumagot sa tanong ko. Tumingin lang sya sa likudan ko at dahil Doon ay kusang gumalaw ang body ko para tingnan kung Ano or sino ang nasa likuran ko

"O-ow edgar" Ito nanaman! Mangungulit nanaman sya! Pero bakit ganun? diba crush ko naman sya? pero bakit nakukulitan Ako sa kanya?? T__T

"Yaya-yain sana kitang lumabas?" nakangiti na tanong nya sa akin. Napatingin Ako Kay jaja na ngayon ay naka sibangot. Haha ang kyuutt nya :D. Mukhang nagseselos e.

Binalik ko ang tingin sa gwapong lalakeng to

"Sguro sa susunod na lang edgar? Kaga-galing lang kasi namin ni Janelle sa labas. Tsaka pagod na Ako e" ngumiti lang sya at kinuha nya ung kamay ko na Amoy sauce ng fishball

ilalapit nya na sana ung kamay ko sa bibig nya para halikan pero bigla itong kinuha ni jaja

"Wag mong halikan. Mabaho yan, Amoy patay na daga" naka PokerFace na sabi nya

sauce! selos ka lang e! :D

tumawa lang si edgar at nag paalam na. Text ko lang daw sya pag may kailangan Ako

Hindi Ako hinintay ni jaja at tuluy-tuloy lang na pumasok sa girls dorm. Umakyat sya at sinundan ko lang sya. Pumasok sya sa room and papasok na rin sana Ako ng

BLAAAGG!

What the EFF!? napa upo ako at napahawak sa noo ko na nauntog sa pintuan. Ang sakit! nyeta!

Hinihinipo hipo ko lang ung noo ko na sana ay wag magkaroon ng bukol ng biglang bumukas ung pinto. Niluwa nya ang babaeng alalang alala, che! Masyadong best actress! Pakshet! Pakamatay ka na!

"Ayos ka lang ba?? Uyy sorry na" umupo sya at hinawakan nya ung noo ko. Asar na tinabig ko lang Yun

"Sorry your face! Alis! Ayaw ko sa taong best actress!" pagtataboy ko sa kanya ng biglang may naalala Ako

"Mag ingat ka dito. Wag kang maging maarte, okay? Matuto kang makipag kaibigan, Hindi ikaw yung kinakaibigan"

Ano ba yaaann! bigla akong nakonsensya. Napatingin Ako sa mata nya at lumungkot Ito. Haayysss! Tumayo na sya at papasok na sana ng kwarto nang hinili ko sya at dahil Doon Napa upo ulit sya

"S-sorry. Sige, para makabawi ka sa akin. Gamutin mo itong pinsala na nagawa mo" brruuuhhhh. Gusto Kong sumukaaa sa mga pinagsasabi sabi ko -__-

napangiti sya at hinawakan nya na Ako sa kamay para ipatayo. Nagpahintay sya sa akin saglit Doon kasi bababa raw sya para kumuha ng towel and ice cubes

Pagkabalik nya pumunta na kami ng room at Agad nya akong pinaupo tapos dinadampi-dampian nya ng towel na may ice cubes ung namamaga Kong noo

How lucky I am nga tlga -__-

Kabago-bago ko lang dito, napahamak na Agad Ako -___-

"A-aray! Ako na nga lang. Hindi ka ata marunong e"

pag rereklamo ko, paano ba naman ang sakit sakit Kaya ng ginagawa nya. Kinukuha ko sa kanya ung towel na may laman na ice cubes pero ayaw nyang ibigay

"Bleeehh :P"

putulin ko yang dila mo e!

Tumingin Ako sa mukha nya at napansin Kong may sauce pa sa gilid ng labi nya. Haha, may naisip akong kabulastugan

nilapit ko ung mukha ko sa kanya at napatitig lang sya sa labi ko. Sabi na nga ba e! May pagnanasa tlga tong babaeng 'to sa akin

Hinaplos ko ung pisngi nya at mas nilapit ko pa ung mukha nya sa mukha ko. Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang bumukas ung pinto ng kwarto namin

"U-uh sorry sa istorbo. Sige, ituloy nyo muna yang ginagawa nyo" gulat na sabi ng isang babaeng Di ko kilala at isinara na ung pinto

kung ikaw nga naman ang andoon sa may pintuan, aakalain mo tlga na nag k'kiss kami. Paano ba naman kasi, naka side na ung mga mukha namin tapos nakatalikod Ako sa may pintuan and sya naman tong nakaharap  idagdag mo pa na hawak ko ung pisngi ni Janelle

"Crush mo ko noh?" nakakalokong ngumiti si Janelle sa akin

"Duh! Wag ka ngang feelingera dyan! May sauce ka pa kasi sa may bandang labi mo" sabi ko at lumabas na ng kwarto

pero bago Ako nakalabas ng kwarto may sinabi sya na nakapagpa bilis ng tibok ng puso ko

"I LOVE YOUU" napatingin Ako sa kanya at ang Lola nyo, naka form ng heart shape ung kamay nya at nag flying kiss pa sa akin. Inirapan ko lang sya kahit na deep inside ay kinikilig Ako

Pero bakit? Bakit ganun? Bakit biglang bumilis ung tibok ng puso ko? Hindi Kaya? Pero ang labo naman ata nun, Bukod sa ngayon lang kami nagka sama alam ko naman kasi sa sarili ko na iba ang mahal ko

Tsaka Meron bang ganun? Love at first sight?! Duuhh! Ang corny namaaan :3

Haayyss baka infatuation lang to. Iba kasi sya e, ibang iba sa mga nakilala Kong tao. Pero sana sya na lang. Sya na lang. Alam ko kasi na kahit ma-fall Ako sa kanya, sasaluhin nya Ako, Hindi tulad Kay jill

speaking of jill, Hindi ko na sya masyadong nakikita sa school and kapag tinatanong sya nila manang kung bakit matagal na raw syang Hindi nadalaw Doon ay kung anu Ano na lang na mga palusot ang mga sinasabi ko. Nag shift na rin kasi Ako ng course, alam mo na para iwas-iwas din pag may time

Hindi ko kasi masabi kila manang or kahit kanino man sa family ko ung totoo na Hindi na kami masyadong nag-uusap, ayaw ko kasing mag-alala sila or what. Pero Syempre darating din ung tamang time para sabihin ko sa kanila ung totoo

Ung nararamdaman ko para sa kanya? Ewan. Dunno. Hindi ko na lang pinoproblema Yun sa ngayon, focus muna Ako sa studies and dito sa pag v'varsity player ko. Chos!

Bumaba na lang Ako at hinanap si ate joy, nagugutom na kasi Ako and Di ko alam kung saan pwedeng kumuha ng foods. Ayaw ko naman Doon sa babaeng bruhang mayabang na Yun noh, mamaya bigyan pa ng gayuma ung pagkain ko. Chos!

---------

HIII :)

SEE YOU AGAIN! :***

XoXo.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...