Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
ANNOUNCEMENT

Epilogue

3K 104 16
By Brave_Lily

Sobrang liwanag halos hindi ko na makita ang nasa harapan ko. T-Teka…hindi!

Third Person's POV 

Matapos ang madugong labanan sa pagitan ng Hari at ng mga taksil ng kaharian ay agad ding natapos ito sa tulong ni Emperor Hang. Hindi rin nila inaasahan ang masamang balita patungkol sa Reyna at sanggol nito. Nalulungkot ang lahat. Maging ang Prinsipe ay hindi kinaya ang balita matapos silang magbalik sa palasyo. Gano'n din ang dalawang Prinsesa. 

Nagluksa ang buong kaharian sa mga nawalan. Napuno ng hagulgol ang buong paligid habang pinagmamasdan ang labi ng Reyna na kasama ang sanggol nito. Lungkot, pagsisisi, at galit ang nararamdaman ng lahat. Hindi rin nila mapapatawad ang gumawa sa kanila nito. 

Dahil sa galit ay ibinigay niya sa taong-bayan ang pagpaparusa. Kumuha ng bato ang lahat at sabay nilang tinapon ang bato sa mga taksil habang sila'y pinaparada sa daan. Maging pamilya nila ay natamasa ang hagupit ng galit ng Hari. Sila ay pinaalis at tinanggalan ng ari-arian bilang kabayaran. 

Hindi pa man nangangalahati sa daan ang mga taksil ay may iilan sa kanila ay sumuko na at nais na lamang na mamatay agad. Pero hindi sila hahayaan ng hari na hindi magdusa kaya pinapanana nila ito sa mga parte ng katawan na alam nilang hindi nila ikakamatay agad. Hapdi lang ang ibibigay niya para sa bawat lakad nila ay doble ang sakit na mararamdaman nila. 

Matapos ang paghuhukom ay lumipas na nga ang araw at nagsimula na nga ang lahat sa kanilang bagong buhay. Ang iilan ay bumalik na sa dati. Pero ang mga nasa palasyo ay malungkot pa rin. 

Hindi na rin nag-aksaya pa ng panahon si Emperor Hang. Nag-usap na sila ng masinsinan. Matapos marinig lahat ay alam na ngayon ng Hari kung sino-sino ang naging sangkot sa planong minsan ng nabanggit ni Empress Tanxua.

Kilala niya na kung sino ba talaga si Hyun, siya lang naman pala ang pinakatago-tagong Heneral ni Emperor Hang na nagbalat-kayo bilang ang lalaking naka-itim na maskara at ang prinsipe kuno ng mga matatandang taksil. Ito ay para alam nila ang galaw ng mga kalaban. 

Habang si Empress Tanxua naman ay may lihim na pagkatao rin. Siya lang din naman ang unang concubine ng Hari, mas nauna pa kay Lady Violet. Ang dati niyang pangalan ay Guinevere na minsan ng pinapatay ng ama ni Lady Violet para tumahimik ito sa kadahilanang nalaman nito na sangkot si Pinunong Kang sa dating eskandalo na pinagdusahan ng maraming taon ng Reyna. 

Kababata rin noon ng Hari ang unang concubine nito. Kaya ito naging isa sa kaniyang mga babae ay dahil ibinenta siya ng sarili nitong ama sa isang aristocrat. Mahal nila ang isa't isa noon bilang magkapatid kaya tinulungan niya itong mailigtas, at nag-offer pa ng malaking halaga ang Hari para makalaya na ito sa amang mapang-abuso. 

Hindi makapaniwala ang hari na gano'n ang nangyari kay Lady Guinevere. Pero ngayon ay alam na niya kaya labis rin ang galit niya sa pamilya Kang. Hinding-hindi niya rin mapapatawad ang mga ito. Ang pang-aabuso nila sa kapangyarihan. 

Kwinento rin ni Emperor Hang ang dahilan kung bakit nila tinutulungan ang Hari. Pero wala rin silang balak na sabihin ang mga plano nila, dahil sa gabi ding iyon ay pinaslang nila si Pinunong Kang kasama ang mga tauhan nito. Nagmakawa ito pero huli na dahil labis-labis na ang mga kasalanan niyang nagawa sa pamilya Hang. Hanggang sa natira na lamang ang anak na babae nito na si Jia. 

Ibinigay ni Emperor Hang si Jia sa Heneral dahil matapos mamatay ni Lady Violet ay natukoy din ng Hari kung sino ang may sala sa paglason, at wala ring iba kung hindi si Jia. Nang malaman ni Ginoong Chiao at Heneral Chu ang katotohanan ay hindi nila ito pinaligtas sa kamatayan. Maging si Emperor Lee ay hindi na nakialam pa dahil kahit siya ay ganoon din ang gagawin para sa taong mahal niya. 

"Ama?" naglakad ang batang prinsipe patungo sa kaniyang amang hari. Maluha-luha itong naglalakad at halatang napanaginipan ang Reyna. Niyakap na lamang ng Hari ang bata upang pakalmahin ito. 

"Tahan na… Darating din ang araw kung saan magkakasama rin tayo ng Reyna. Nais mo bang matulog sa tabi ko? Balita ko kasi wala na sila Weyla at Haya. Gusto mo bang bisitahin sila?" suhestyon ng ama. Tumango-tango lamang ito.

Nagbalik na kasi sa kanilang kaharian sila Emperor Hang kasama ang dalawa nitong kapatid at ang babaeng mamapangasawa niya, na si Lady Guinevere. Isinauli na kasi ni Lady Guinevere ang trono sa Hari para sa alaala ng namayapang Reyna. At ngayon wala ng umaagaw sa posisyon sa pagka-reyna kahit si Lady Shiya ay hindi na nangialam at mas piniling humingi ng permiso sa hari para umalis ng kaharian, upang sumama sa shaman at maging isa sa mga estudyante nito. Tsaka hindi pa rin napapatawad ng hari ang shaman sa ginawa nito. 

Wala ng ibang tao sa palasyo at hindi na gaanong kaingay sa loob. Ang heneral naman ay itinuon lahat ng atensyon sa kaniyang trabaho at sumasama na rin sa pakikipaglaban. Ang inang reyna naman ay abala sa prinsipe. Habang ang hari naman ay abala sa trabaho. Wala na ang mga dating gabinete ng kaniyang pamahalaan dahil pinalitan niya na ito. 

Marami na ngang ipinagbago ang lahat. At ngayong sampung taon na ang nakakalipas mas umunlad pa ang bansa ng hari. Mas dumami pa ang mga kaalyado ng hari. Palaging tagumpay sa kanilang pakikipaglaban at pakikipagmabutihan sa karatig bayan. Lumaki nang lumaki pa lalo ang kaharian dahil sa pamumuno ng hari. 

At ngayong kaarawan na ng prinsipe, dumalo agad ang dalawang prinsesang nag-alaga sa kaniya. Ang dating musmos na bata, ngayon ay nagbibinata na. Malaki na rin ang ipinagbago nila. Si Weyla ay 21 na, si Haya naman ay 27 na, habang si Xu'en naman ay maglalabing anim na. Malaki na nga sila. Si Haya ay ikakasal na rin kay Hyun. Habang si Weyla naman ay naghihintay pa rin sa pangako ni Xu'en sa kaniya. Nangako kasi itong papakasalan niya si Haya kapag labing-wala na ito. Nangangamba na nga si Weyla dahil malaki ang layo ng edad nila.

Nakangiti naman ang Hari habang pinagmamasdan ang anak nito. Ngayon ay unti-unti niya ng natutupad ang hiling ng kaniyang reyna. 

"Mahal ko, hihintayin ko ang oras nang pagkikita natin. Hahanapin kita sa susunod nating buhay. At kapag nangyari iyon, hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Mahal na mahal kita…Disha…" bulong ng Hari.

Nais kasi ng prinsipe na sa puntod ng kaniyang ina sila magdiwang sa kaarawan nito kapag tapos na silang magdiwang sa palasyo. 

"Ama! Kapag labing-walo na ako, gusto kong pakasalanan na si Weyla!" masiglang saad ni Xu'en na ikinapula nang pisngi ni Weyla. Natawa na lamang ang lahat dahil ang tingin nila sa prinsipe ay bata pa rin. Nagbanta naman si Emperor Hang na bibitayin niya ng patiwarik si Xu'en kapag nalaman nitong pinaiyak niya si Weyla. Umalma naman si Weyla dahil kwinelyohan na ng kuya nito ang prinsipe.

"Kuya Wei, naman! Nakakahiya sa mahal na Hari!" awat ni Weyla. Muli na namang napuno nang tawanan ang paligid. Maging ang hari ay sumabay na rin. Kung may bagay man ang hari na pinagsisisihan, iyon ay ang hindi niya naprotektahan ang mahal niya. Kinuha niya ang babaeng mahal niya sa sariling nitong pamilya para alagaan at mahalin, pero hindi man lang niya nagawa ang bagay na iyon.

Matapos silang magpakasal, nasira naman ang kaharian ng Reyna noon. Nilihim niya ang masamang balitang iyon dahil nagdadalang-tao na noon ang Reyna. Kaya magpahanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin ang sekretong itinago niya sa Reyna.

Iniutos ng ama ni Reyna Shin sa Hari na 'wag ipaalam sa Reyna ang masamang balita, kung kaya't inihabilin niya ng maayos ang anak nito sa Hari bago sila pumanaw sa digmaan. Pero wala man lang siyang nagawa para protektahan ang Reyna. Ngayon bumabawi na lamang siya sa kaniyang anak at sa kaniyang kaharian. Dahil balang araw darating din sila sa panahon kung saan magkakasama rin sila ng Reyna. 

Disha's POV

"Disha…"

Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang aking pangalan. Namalayan ko na lamang na nasa hospital na pala ako. Natatandaan ko pa ang mga nangyari bago ako mapunta dito. It is because of a stranger. He saved my life. Kung hindi niya ako binangga ay baka patay na ako. At utang ko sa kaniya ang buhay ko. 

"Disha! Gising ka na!"

Napansin ko ang pagdami ng mga tao sa paligid. I saw mom and dad in tears. Ahh…yah… Naaalala ko na. Nagmadali na ako that time na umuwi kasi nga lasing na ako and then suddenly may tumawag sa phone ko. Dahil sa katangahan ko nahulog ang phone ko tapos doon na…doon na nagsimula ang la…hat… W-Wait…anong lahat? Did I forget something? I… I don't remember at all. Baka dahil sa alak lang? 

Napahawak ako sa aking ulo dahil biglang kumirot. At dahil doon ay may lumabas na parang mga alaala. Hindi klaro. Sobrang labo nang mga imahe. 

"Doc! Nurse! We need your help!" rinig kong tawag ni Dad ng tulong. Dumating naman agad ang tulong at agad akong inexamine. 

Matapos ang mahabang gamutan ay nakapagpahinga na ako nang maayos. Nasa tabi ko ang parents and friends ko. Nilipat na nila ako sa private room since wala na ako sa critical na condition. 

Umupo na lamang ako nang matuwid. Hindi pa rin ako makagalaw nang maayos dahil may nilagay pa silang brace sa leeg ko. Medyo uncomfortable pero okay lang. 

"Disha, honey, bakit? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang magbanyo?" tanong ni Mommy. Ngumiti na lamang ako. 

"Wala naman. I'm just curious kung ano na ang nangyari sa guy na nagligtas sa akin?" tanong ko. 

"Iyon lang ba? Ahm…nasa ICU pa rin siya. Sabi nang mga doktor, matatagalan pa bago siya magising. Kaya ipagdasal na lang natin na magising na siya." sagot niya. Nalulungkot ako para sa taong iyon. Kung wala siya baka ako ang nasa ICU or baka mas malala pa. I hope na magising na siya. 

"I want to see him." sabi ko. 

"Ngayon na? Bukas na lang, honey, hindi ka pa magaling. Ihahatid din kita sa kaniya bukas. Hindi na rin kasi visiting hours sa ICU. Kaya magpahinga ka na lang muna sa ngayon." nakangiting saad ni Mommy. Hindi na lamang ako umangal. May bukas pa naman. 

Kinaumagahan, dumating na nga ang pinakahihintay ko. Agad din akong nagpasama sa Mom ko habang tulog pa ang iba. Tapos na rin naman akong chineck ng nurse kaya nagtungo na kami sa ICU. Bago pumasok nagsuot muna kami ng visitor gown for protection na rin. Tinulungan pa kami ng isang nurse para malaman namin kung saang bed siya nakahiga. 

Nang makita ko na siya, medyo nalungkot ako sa kalagayan niya. Maraming mga apparatus ang nakakabit sa kaniya. Ang ulo niya may bandages pati na rin sa braso at paa. Nakasemento din ang paa niya. 

"Honey, maiwan na muna kita dito, kakausapin ko lang ang doktor niya, hm?" ngumiti lamang ako bilang tugon nang magpaalam na si Mommy. 

Kinakabahan pa akong hawakan ang kamay ng lalaking ito. 

"Wake up…" natigilan naman ako dahil kusang nagsalita ang bibig ko. Nagkibit-balikat na lamang ako. 

Pero ngayon, nawiwirduhan na ako sa sarili ko. Hindi ko man lang napigilan ang sarili kong umiyak sa harapan niya habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay nito. Ewan ko. Basta hindi ko maintindihan. Baka dahil lang sa takot?

Habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. May mga bagay na namang lumalabas sa isipan ko, mga imaheng hindi ko alam kung saan nanggaling. Malabo lahat pero yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko hindi ko maipinta dahil sa mga imaheng ito. 

Natigilan ako nang mapansin ko ang luhang gumigilid sa pisngi ng lalaking ito. Hindi ko maintindihan. Pero nagulat naman ako at naiwang bato nang marinig ko ang pag-beep ng monitoring ng heart rate niya. 

"H-Hindi…" napatakip ako nang bibig. Nagsidatingan na ang mga doktor at nurses sa loob. Parang nag-slowmo ang oras ko ngayon.  Dahil sa pangyayari hindi ko na nakayanan pa at nanghina na ako. 

Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na nga akong nagising. Nasa higaan na ako at wala na sa ICU. Hindi rin makapaniwala si Mommy dahil biglaan masyado. Kakarating lang namin tapos gano'n agad ang nangyari. Kahit si Dad natakot din para sa akin. Mabuti na lamang at buhay pa rin siya. Natatakot pa rin ako magpahanggang ngayon. Ayokong mamatay siya. Natatakot akong mamatay siya. 

"Natatakot ako…" saad ko habang pilit na pinapawi ang mga luhang walang tigil sa pagpatak. 

"Disha, ayos na siya. Hindi mo kailangang matakot. Ipagdadasal natin ang kalagayan niya. At tsaka magagaling lahat ng mga doktor dito kaya alam kong hindi siya babawiin sa atin." saad ni Dad. 

"Kasalanan ko naman kasi lahat eh. Kung…kung hindi ako nag-drive ng lasing eh 'di sana wala siya sa ganitong kalagayan." sisi ko sa sarili ko. 

"Hey, hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari. Hindi gumana ang break ng truck kaya napunta kayong tatlo sa ganitong sitwasyon." saad naman ni Mommy. Napatingala na lamang ako sa kanila. 

"T-Tatlo?" takang tanong ko. Natahimik sila pero sinabi rin nila sa akin sa huli kung sino ang pangatlo. 

"The truck driver…" panimula nila. 

"W-What happened to the truck driver?" tanong ko naman. 

"He died." diretsahang sagot ni Dad. 

"H-How?" hindi ako makapaniwala na mamatay ang taong iyon eh halos kami dapat ang mamatay. Ang kaso nga lang hindi ako ang nakasalo kung hindi yung lalaking iyon na sumagip sa buhay ko. Sa lakas ng impact kitang-kita ko pa kung paano tumal…sik…

Nanlaki ang mga mata ko nang may naalala ako muli bago mangyari ang aksidente. That guy… That guy. 

"Disha!" tawag pansin nila nang bigla akong tumayo at nagmadaling akong nagtungo sa ICU. Nasa likod lamang silang hinahabol ako. I need to see. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga siya. Kung siya ba talaga. 

Hindi na sumunod sila Mom kasama ang mga kaibigan ko dahil nasa loob na ako ng ICU. Agad kong nilapitan at sinuri ang pagmumukha niya. Naaalala ko na. Alam ko na kung saan ko siya unang nakita. Sa bar. 

Siya yung lalaking nakabanggaan ko malapit sa may CR. Siya yung lalaking nakasumbrerong itim. Tapos nung nasa kalagitanaan na kami ng aksidente, kung saan tumama na ang head ng truck sa gilid ng sasakyan niya, kitang-kita ko kung paano siya ngumiti nang malungkot. Nagsimula na naman akong umiyak.

"I'm sorry... P-Please...wake up..." pagmamakaawa ko. Kasalanan ko itong lahat. Because of my stupidity things turned upside-down. May namatay dahil sa akin at ngayon naman, may nag-aagaw buhay dahil din sa akin. 

Continue Reading

You'll Also Like

145K 4.8K 57
In the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the ca...
18.4K 1K 86
Habang hinuhulma ang sarili bilang isang maharlika ay kumakalakip ang paghulma ng panibagong problema. Ang tinapos niya ay siya pa lang umpisa. Umpis...
97K 3.4K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
61.6K 2.5K 51
Harien Norme, is a ordinary girl in 12 grade. After falling from a tree she woke up into a lease unexpected place of ancient Egypt, follow by China t...