KNIGHTS I-6: Pursuing Cindere...

By oaxygenknight

4.9M 100K 18.7K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Physical Book on Shopee
Epilogue
Special Chapter

Chapter 50

69.9K 1.2K 173
By oaxygenknight

Miracle opened her eyes as she felt her nakedness under the blanket. Mabilis niyang nilipat ang tingin sa kama ngunit hindi niya nakita ang asawa roon.

"Trigger?" she called his name using her sweet voice, pero walang sumagot sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nagbihis kahit pa bahagyang nananakit ang mga binti niya. Pagkatapos magbihis ay agad siyang lumabas sa kwarto nila ng asawa at natagpuan ang isang babae sa sala na abala sa paglilinis.

"Ma'am Miracle? Gising na po pala kayo. Pinapasabi po ni sir Trigger na mauna na raw po kayong mag-umagahan dahil may aasikasuhin lang daw po siya saglit," saad nito.

Miracle quickly flashed a sweet smile. "Salamat po. Kumain na rin po ba kayo?"

Tumango ang matanda at ngumiti sa kaniya pabalik. "Opo, halika po, ipaghahanda ko na rin kayo."

Sinundan niya ang matanda sa kusina na talagang pinagsilbihan pa siya, she kept on saying thank you for the old woman's gestures. Ngumingiti siya rito kahit may dinadamdam siya sa loob-looban.

Gusto niyang magtampo sa asawa dahil hindi niya ito nakita pagkagising niya. He's supposed to wait for her to wake up and cuddle with her, bakit naman bigla itong umalis nang hindi nagpapaalam?

She realized that every time Trigger's inviting her for a vacation, he never involved his business to spend time with her. Pero ngayon, puro trabaho pa rin ang nasa isip nito kahit magkasama sila.

"Ang ganda n'yo po pala talaga. Naririnig ko po kasi sa mga katrabaho ko na sobrang ganda ng asawa ni sir Trigger, akala ko nga po ay nagbibiro lang sila pero ngayong nakita ko kayo sa malapitan ay naniwala na po ako." She giggled with what the helper said.

"Naku, nakakahiya naman po. Pero salamat po sa papuri. Hindi ko po alam na pinag-uusapan po pala ako rito. Matagal na po bang kilala si Trigger dito?" she asked curiously.

"Hindi naman po ganoon katagal, pero minsan po kasi kapag magkakasama silang magkakapatid ay ito ang pinipili nilang hotel kaya habang tumatagal ay nakilala na rin po namin sila," sagot ng kausap.

Kumunot ang noo niya. "Magkakapatid? His brothers? Hindi po ba kayo natatakot sa kanila? Dalawa pa lang po kasi 'yung nakita kong kapatid ng asawa ko kaya hindi ako sigurado sa iba."

"Naku, ma'am! Noong una ay akala talaga namin matapobre silang magkakapatid. Sa tindig ba naman ng mga katawan nila, ang tatangkad pa 'saka ang gugwapo! Akala namin ay kagaya sila ng mga artistang minamaliit kami, pero hindi naman po gano'n ang ugali nila. Sa pagkakarinig ko po sa boss namin, sila pa nga yatang magkakapatid ang nag-i-sponsor dito sa resort para tumaas ang sweldo ng mga trabahador. Kagaya ko po, dati ay nasa sampung libo lang ho yata ang sweldo ko sa isang buwan. Pero ngayon ay doble na." Seryosong nakikinig si Miracle sa kwento ng matanda. And after hearing everything, she unconsciously smiled.

Trigger, and his brothers, helping everyone they can. It almost sounded impossible but she heard it loud and clear. She's too fast to judge this family without even trying to know them.

Pero gano'n naman kasi ang lahat ng tao. For the past five years, palagi siyang nakakabasa ng mga balita tungkol sa kalupitan ng pamilyang Knights sa mga kalaban nilang kompanya. News and gossips everywhere. Their names are even included in the list of ruthless business men, and they're considered as the most powerful family in the whole world.

Kaya siguro naging normal na sa ibang tao na katakutan at husgahan ang pamilyang Knights, and she's one of them.

Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao para husgahan ang asawa, para sabihin na makasarili pa rin ito kahit ilang taon na ang nakalipas. And she also felt bad for hating Dagger who only wanted to protect his brother.

MIRACLE bit her lower lip when she saw Trigger on the balcony. Abala pa rin ito sa kausap sa telepono. Pagkatapos niyang mag-umagahan kanina ay dumating ito pero hindi naman siya pinansin, may kinuha lang ito sa kwarto nila at umalis ulit.

She suddenly felt bad for unknown reason, pakiramdam niya kasi may ginawa siyang kasalanan sa lalaki kaya ito nagkakaganito. Gusto man niyang kumbinsihin ang sarili na busy lang talaga ito pero hindi niya magawa.

May busy ba na hindi kayang halilkan o kamustahin man lang ang asawa kahit isang segundo lang?

He never bothered laying a finger on her. Nang bumalik ulit ito ay lunch na, pero umalis ulit at iniwan siya nang 'di nagpapaalam.

Now, it's already evening and he's still not trying to talk to her.

Nahihiya rin naman siyang lumapit sa asawa, baka hindi lang siya pansinin. She kept on wondering what she did bad, they even made love last night and suddenly, he became like this.

Nang ibaba ni Trigger ang tawag ay agad siyang napalunok at napatitig sa likod nito. Puwede na kaya niya itong kausapin?

Dahan dahan siyang humakbang papalapit sa asawa. "Trigger?"

Kinakabahang ngumiti siya sa asawa nang lingunin siya nito gamit ang mga malalamig na mata. 

"May problema ba tayo? Bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong niya rito.

Umiwas ito ng tingin at saka naglakad papalapit sa kaniya. Gustong malambot ng babae nang madilim siya nitong tiningnan. "You're not drunk when we made love last night, right?" he asked.

She nodded her head. "It's just wine, why would we get drunk with that--"

"Then why?"

Natigil siya sa pagsasalita nang marinig ang boses ng lalaki. Sa tanong nito, at sa tono ng boses nito, parang hirap na hirap. Is he alright?

"Anong bakit?" she asked him.

He placed his head on her shoulder. "What made you agree on doing that with me, my wife? Why?"

She carefully caress his broad shoulder. "Because I love you, Trigger. Ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Natahimik siya nang marinig ang mahinang paghikbi ng lalaki. He's crying.

"You're making things complicated, Miracle. Ginugulo mo ang isip ko. I don't know the exact reason why you're doing all of these. Pero binabaliw ako ng mga kilos mo. Pakiramdam ko totoo lahat, pakiramdam ko masaya ka talaga sa akin, pakiramdam ko mahal mo talaga ako. Pero natatakot ako na baka isang araw paggising ko dinadaya lang ako ng nararamdaman ko."

She gulped hard. Dahan dahan niyang binaba ang tingin nang maramdaman ang malakas na pagpintig ng puso niya. "What are you talking about, Trigger?"

Nanlaki ang mga mata niya nang lumuhod ito sa harapan niya, humihikbi at nanghihina. "I'm sorry for not telling this to you, baby. But I know about your plans, Miracle."

Parang binagsakan siya ng langit at lupa sa sagot ng asawa. Dahan-dahan siyang lumayo rito dahil sa pagkabigla. 

Her plans? He knew about it?

"Kailan pa?" nanghihina niyang tanong.

He looked at her with his forlorn eyes. "Ever since you came back."

Gustong matumba ni Miracle sa kinatatayuan nang marinig 'yon. Parang gusto niyang saksakin ang sarili sa katangahan. Pakiramdam niya ay napakabobo niya at walang kwenta lahat ng pinagplanuhan niya.

All this time, she thought everything's going according to her plan but she's wrong. Dahil simula pa lang noong una ay alam na pala ni Trigger ang ginagawa niya.

"Wow," she gasped. "Akala ko, a-akala ko ang galing galing ko na. Akala ko m-mananalo pa rin ako pero..." She looked away as she felt her tears falling down on her cheeks.

Trigger quickly stood up before hugging her tightly. "I'm sorry baby. I'm sorry for making you feel that way. But I'll do my best to forget about all of these. I'll pretend that I don't know anything. Huwag mo lang akong iwan ulit, hmm? Gagawin ko lahat, Miracle, gagawin ko ang lahat para lang hindi mo ako iwan," umiiyak nitong pakiusap.

Mas lalong bumigat ang dibdib ng babae habang pinapakinggan ang pagmamakaawa ng asawa niya. Kahit gusto niya itong yakapin at mangako na hindi niya ito iiwan, hindi niya puwedeng gawin 'yon.

She slowly pushed him away. "What's the point of staying here when I'm already satisfied with the outcome? I already saw you begging, kneeling down in front me, seeing you and my parents having a fight, treating me like a fucking queen. All of those satisfied me already, Trigger. Wala nang dahilan para magkunwari ako na mahal kita at masaya ako sa 'yo. Kasi ang totoo, diring-diri ako na makasama ka! Tinitiis ko lang na malapit sa 'yo hanggang sa makita kitang nagmamakaawa sa harap ko."

She bit her lower lip to stop herself from saying sorry with all those words she said. She lied, totoo ang lahat ng pagmamahal na binuhos niya rito, totoo lahat ng ngiti at tawa niya. Pero hindi na pwede.

"I promised you and my parents, five years ago, that I'll come back to witness you being vulnerable because of me. Lahat ng 'yon nakita ko na, Trigger. Kaya tingin mo mananatili pa rin ako dito? I didn't came back for you, I came back for myself."

Matapang niya itong tinitigan bago ihiwalay ang sarili dito. With all those words she said, alam niyang wala ng lakas ang lalaki na pigilan siya.

Dahan dahan siyang humakbang papalayo sa asawa. "You can marry any woman who'll satisfy your needs. My attorney will talk to you about the divorce paper."

She quickly walked away from him, away from the man she loves. Hindi niya gustong iwan ito pero iyon lang ang puwede niyang gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 46.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
55K 2.4K 70
Kuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na...
99.2K 2.8K 17
Axerylle Lilac Virtudazo is an academic achiever and ready to compete with anyone just to maintain her grades high. Having the most famous group team...