Kiss Me, Cole (Part 1) [IN ED...

By dominojavier

1.1M 17.4K 13.1K

~~my entry to the friends-to-lovers- trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish ( sprinkled... More

WARNING
KMC Plot Teaser
Cole (1)
Cole (2)
Anna (3)
Cole (4)
Anna (5)
Cole (6)
Anna (7)
Cole (8)
Cole (9)
Anna (10)
Cole (11)
Anna (12)
Cole (13)
Cole (14)
Anna (15)
Cole (16)
Anna (17)
Anna (18)
Cole (19)
Anna (20)
Cole (22)
Anna (23)
Anna (24)
Cole (25)
Covers From Fans (lorsenmadrid)
Covers From Fans (dewyeur)

Anna (21)

15.9K 548 412
By dominojavier

"Good morning, Anna."

Kamuntikan nang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa gulat sa bating iyon. May natapong tubig mula sa timbang bitbit ko nang mapaurong ako at maang na napatingin sa bumati sa akin.

Nakaupo siya sa bench na nasa gitna ng maliit na hardin ng Girls' Dorm. Sa harap niya ay ang sementadong mesa na korteng pinutol na puno. Sa itaas niyon ay nakapatong ang sketchbook niya at charcoal pencil. Napansin kong may dumi na sa dulo ng kanyang mga daliri sa kamay na madalas humawak noong lapis.

Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling iyon sa langit. Hindi pa masyadong mataas ang araw na hindi naman nakapagtataka. Mag-a-alas siete pa lang ng umaga kaya!

"Ang aga mo namang magising!"

Alam kong may tonong nagrereklamo sa boses ko dahil nagrereklamo naman talaga ako. Nakaputing T-shirt at maong na pantalon na siya at mukhang kaliligo lang bago pumunta rito sa side ko ng campus. Tumutulo po ang ilang hibla ng buhok niya na bumabasa sa kuwelyo niya.

Mukhang handang-handa na siyang harapin ang hamon ng mundo samantalang ako ay naka-pajama pa rin at halatang kakagulong lang patayo mula sa kama. May bedmark pa akong nakikita sa braso ko. nMabuti na lang naisipan kong magsuot ng T-shirt sa ibabaw ng tank top ko kundi nahalata talagang kakagising ko lang at wala pa akong ligo.

Tapos, naalala ko ang buhok ko. Mukhang pugad ng ahas na 'yon siguro. Dali-dali kong pinaraanan ng daliri iyon para kahit papaano mabawasan ang mga buhol. Nang ma-stuck ang daliri ko halfway at sumakit ang anit ko sa kakapilit na isuklay ang mga daliring iyon hanggang dulo, I gave up. Bahala na nga.

Inalis ko na ang kamay ko mula sa aking buhok at ipinagpatuloy ang naudlot kong paglapit sa mga tanim na nasa kanyang likuran. Maingat kong binitbit ang timba na may tabo para masiguradong wala nang tubig na matatapon. Ayaw kong bumalik sa restroom sa first floor para mag-igib ulit. Wala pa akong enerhiya para magbanat ng buto. Wala pa akong almusal!

Nagsimula na akong magdilig ng mga halaman sa hardin ng Girls' Dorm. Ito ang chore na in-assign sa akin kapalit nang pagpapapunta ng dorm manager ko sa isa sa mga tagalinis namin para ipagluto ako ng agahan. Dalawang linggo pa bago opisyal na magbubukas ang dorm kaya sarado pa talaga ang campus cafeteria. Wala akong source ng almusal kung hindi ako ipagluluto ni Ate Adelfa.

Napukaw ang atensyon ko mula sa pag-i-imagine ng masarap na almusal nang muling magsalita ang taong mukhag madaling-araw pa lang ay tumambay na rito sa garden.

"Masyado ba akong maaga? Mukhang sakto lang naman. Ikaw lang yata ang na-late ng gising."

"Excuse me," apela ko. "Wala pang seven noong bumaba ako at nag-igib kaya anong late ka diyan? Bakit ka ba kasi nandito?" May halong pagkayamot sa boses ko kahit anong pigil ko na huwag iyong ipahalata.

Mukhang hindi niya naman iyon alintana dahil magiliw pa rin ang tono ng boses niyang sumagot, "Maganda ang view dito sa inyo kaysa doon sa Boys' Dorm. Nakaka-inspire. At baka kasi iwan mo na naman ako at mag-almusal mag-isa. Isang longganisa na naman ang matitira sa akin."

"Oi, ha, tig-iisa lang naman talaga tayo ng longganisa. Iyon lang ang inihanda ni Ate Adelfa that time, noh."

Talagang pinagtanggol ko ang sarili ko dahil may pag-aakusa sa tono niya. Parang sinasabi niyang inagawan ko siya ng almusal that one time na nauna ako sa kanya sa cafeteria samantalang hindi naman. Matakaw nga ako, oo, pero namimili naman ako ng tinatakawan ng pagkain. Hindi siya katulad ni Cole o Theo na mukhang maraming reserbang muscles sa katawan para nakawan ko.

"Promise?" bigla niyang bulong sa tainga ko na ikinatili ko at talon papalayo. Mabuti na lang at maagap kong napigilan ang braso ko kundi shoot sana sa ulo niya ang bunganga ng tabo na kamuntikan kong maipukpok sa ulo niya.

"Ano ka ba? Bakit ka nanggugulat?"

Tiningnan niya ako na nagtataka. "Are you okay?"

Gusto kong sabihin na hindi pero mabilis na lang akong tumango. Mukha kasi siyang mas lalong lalapit sa akin kapag umiling ako. Hindi pa ako naliligo o nagsesepilyo. Nagmumog lang ako. At ang mukha ko, naku, baka may muta pa ako. Hindi ko maalala kung nagpunas ba ako ng mukha bago bumaba o ano.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping lalapit siya sa akin kaya umusog pa ako paatras para maglagay ng mas malaking espasyo sa pagitan naming dalawa.

Bakit naman kasi palaging hindi ako handa sa tuwing sumusulpot ang taong ito?

Noong nakaraang linggo, hindi ako handa para sa una naming pagkikita.

Puno ng putik ang pantalon ko noon at may mga tumalsik din yata sa mukha ko. Nadupilas ako at bumagsak sa lusak na nasa tabi ng sementadong pathway na nilalakaran ko at ganoon ang hitsura ko nang maglakad doon sa banda ng Boys' Dorm on my way pabalik sa sarili kong dorm.

Siya naman ay nagpapaalam sa mga magulang sa hagdan ng Boys' Dorm. Mukhang maaga siyang hinatid ng mga 'yon. Judgy pa ang tinging ipinukol ng nanay niya sa akin nang dumaan ako at nakita niyang nakatingin sa kanila. Ang sungit. Mabuti na lang ang bait ng asawa niya at anak. Nginitian lang ako ng dalawa.

Hindi rin ako handa noong una kaming mag-usap.

Nasa cafeteria ako noon at kakatapos lang mag-agahan. Good mood siguro si Ate Adelfa noon kasi ang dami niyang niluto at masasarap pa lahat. Ang dami kong nakain noon at bundat na bundat ako. Para akong tangang humimas-himas sa tiyan ko nang matapos akong kumain. May pakamot sa tagiliran pa akong nalalaman. Nang mag-inat ako, doon ko napansing may iba pa palang tao sa cafeteria at nakita niya ang mga pinaggagawa ko.

Nakangisi siya nang magtama ang mga mata namin. Nahiya ako noon sobra at gusto kong gumapang sa ilalim ng mesa pero useless kasi wala namang tablecloth iyon noon. Makikita niya pa rin ako at makikita ko rin siya. Pero mabait siyang talaga kasi nilapitan niya ako, kinausap, at hindi binanggit ang kahit na ano tungkol doon sa nakahihiyang paghihimas at pagkakamot ko ng tiyan.

Tapos, heto ulit. Hindi na naman ako handa para tabihan niya. Kailan niya ba ako makikita sa estadong hindi ako napapahiya?

"Are you sure?" muli niyang tanong.

"Oo," napipilitan kong sagot. "Balik ka na doon sa upuan mo." Itinuro ko pa ang pinanggalingan niya gamit ang puting tabo na hawak ko.

"Tulungan na kita," alok niya na mabilis kong ikina-iling.

"Huwag na!" mariin kong tanggi. "Kaya ko na 'to!"

"May mga hindi ka naabot," natatawa niyang turan. "Ang liit mo kasi."

Nairapan ko siya bago ko pa na-control ang sarili ko. "Talagang pinagdidiinan?"

"Huwag magalit sa katotohanan, kaibigan." Ang cheeky! Sarap basyahan ng tubig!

Malapad niya akong nginitian at doon nagsilabasan ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi. Napako sa mga iyon ang aking mata at naiinis sa sariling napabuntong-hininga na lang. It looks like he could get away with a lot of things because of those dimples.

"Akin na 'yang timba at tabo mo," giit niya. "Ako na ang tatapos doon sa hindi mo abot."

Disgusted with him and with myself, I dumped the pail with the dipper on it on the ground and stomped towards the other bench opposite his. Natatawa naman niyang pinulot ang mga iniwan ko.

"Ano ang plano mo ngayong araw?" tanong niya habang nagdidilig ng mga tanim na nakasabit sa parang sampayan.

Bawal maglaba sa dorm dahil walang sampayan pero ang mga tanim ni Ma'am Cuales sinasampay. Unfair talaga. Though, advantageous din naman iyon sa akin. Ayaw ko rin namang maglaba lalo na ang magpiga. Ang sakit sa kamay lalo na kung pantalong maong ang pipigain. Balang araw, magiging sobrang yaman ako na hindi ko na kailangang maglaba sa tanang buhay ko. Magpapa-laundry ako forever!

"Kakain," alisto kong sagot.

Gutom na ako kaya wala akong ibang maisip na gawin. Lunes hanggang Biyernes lang ang punta ng cleaning lady. Sabado ngayon. Alas diyes pa ang unang trip ng jeep na pumapasok dito sa Florentine. Mahaba-habang pagkagutom pa ang mangyayari sa akin nito.

Tumawa siya at saglit na huminto sa pagdidilig bago ako nilingon. "Given na 'yan. Ano pa?"

Nagkibit ako ng balikat. "I dunno. Tingnan ko na lang mamaya kung ano ang maisipan ko pagkatapos kong mag-almusal. Ikaw, anong plano mo?"

"Kung ano man ang plano mo. Sasabit na lang ako."

Hindi niya hinintay ang sagot ko at sa halip ay binalikan ang pagdidilig. Itinabi niya ang timba at tabo bago bumalik sa dati niyang upuan sa harapan ko at ngumiti sa akin. Dinampot niya ang kanyang lapis at wala sa sariling pinaglaruan iyon ng kanyang mga daliri habang nakatingin pa rin sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Para ka ring sina Cole at Theo. Panay buntot sa mga ginagawa ko."

Napakunot-noo siya. "Sino naman ang mga 'yan?"

Maang akong napatitig sa kanya. Hindi ko pa ba sila nababanggit sa kanya? Mukhang hindi nga. Walang hint of recognition sa mga mata niya sa mga binanggit kong pangalan.

"Batchmates natin 'yon," sagot ko. "Kung pareho tayo ng section sa pasukan, magiging kaklase mo rin sila." Naiilang man, idinagdag ko pa rin 'to, "Sana maging magkaklase tayo."

Muling nag-flash ang dimples niya dahil sa matamis niyang ngiti sa akin. "I would love that, too."

Ah, wala. Bigti na lang ang kaluluwa kong naliligalig sa mga biloy na 'yon. Ang lalim! Parang ang sarap mag-tunnel papasok at 'di na lumabas. Wala sa sariling napindot ko ang sarili kong pisngi.

"Ano 'yang ginagawa mo?"

"Dimple?" patanong kong sagot. Hindi naman kasi ako sigurado kung ano ang ginagawa ko. Basta may nag-uudyok lang sa akin na pindutin ang sarili kong pisngi at 'yon nga ang ginawa ko.

"Bakit?" natatawa niyang tanong.

"Gusto ko ring magkaganyan. Pinanggigilan ka siguro ng mga magulang mo noong bagong panganak ka kaya ganyan kalalim ang biloy mo. Nasobrahan sila sa pagpisil sa pisngi mo."

He chukled. "That's how you think dimples are made?"

Umingos ako. "Siyempre alam ko now that it's genetics pero 'yan ang paliwanag ng Papa ko sa akin noong bata pa ako at nagtatanong ako kung bakit may dimples ang mga pinsan ko pero ako wala. I was too tiny that he was afraid to touch me. Kaya hindi niya raw ako nagawan ng biloy. Isn't that explanation more interesting than just having dimples because your ancestors had them?"

"Oo, interesting nga," sang-ayon niya at lalong gumiliw ang ngiting binigay ko sa kanya. I am happy that he finds my Papa interesting, too.

"Do you also wonder why the genes for dimples are still passed on when they really don't help in the survival of the Homo sapiens sapiens?"

"Nakakatulong rin naman, ah," salungat ko at tinaasan niya ako ng kilay in a silent question of 'how'. Malapad ko siyang nginisihan pero patuloy niya lang akong tinitigan. Napilitan tuloy akong dagdagan ang sinabi ko. "Nang sinabihan mo ako kaninang maliit, hindi kita binatukan."

Humalakhak siya. Gusto ko namang maiyak sa gigil sa mga biloy niya pero nagpigil ako. Pinindot ko na lang ang kabila ko pang pisngi para sa sarili ko na lang mailipat ang lahat nang nararamdaman kong temptasyon na mamindot ng dimples ng may dimples.

"Are you saying that the cuteness of my dimples saved me from harm?" He is still chuckling but recovered enough to be able to speak clearly.

"Oo," sang-ayon ko at tumango-tango pa.

His smile turned mischievous. "Crush mo ang mga dimples ko?" Nanunudyo ang tono niya.

"Oo," agad ko namang sagot at halatang nagulat siya doon. Bakit ba ang mga tao, ang hilig magtanong tapos kapag sinagot mo, nagugulat na sumasagot ka.

"Wow. You're one honest girl, huh?"

Kumibit-balikat ako. "Sabi nga nila. Wala raw akong filter."

"Totoo ba 'yon?"

"Hindi. Kasi, kung wala akong filter, sasabihin kong hindi lang dimples mo ang crush ko. Pero dahil sa may filter nga ako, 'yang dimples mo lang ang aaminin kong crush ko." Ngumit ako at nag-beautiful eyes sa kanya.

Muli siyang humalakhak. "Ah, Anna, you are so cute."

I knew I brightened up even more with what he said. Cute daw ako kahit wala pang ligo, sepilyo, at matinong suklay ang buhok. I wanted to sway left-to-right in place and sing. Parang may mga bubbles sa loob ko na pumutok-putok. Sarap sa pakiramdam.

Pagkatapos naming magngisihan nang ilan pang minuto, nagpaalam na akong muling papasok ng dorm para maligo na rin at maghanda para sa paglabas ng campus. Nagsabi naman siyang maghihintay sa akin doon pa rin sa hardin.

Binilisan ko ang paliligo kahit na nagdagdag ako ng isang step sa routine ko. Nag-brush ako ng buhok bago maligo. Hindi ko 'yan madalas na ginagawa dahil ang tagal suklayin ng buhok ko pero kasi alam kong makakabawas ng buhol ang pagbu-brush ng wavy hair bago maligo.

I took care choosing my clothes today. Hindi katulad sa care na ginagawa ni Hazel sa tuwing lumalabas pero hindi na 'yong usual ko na kung ano ang pinaka-unang shirt na mahablot mula sa closet 'yon na ang susuotin ko. I picked a gray shirt na plain sa harapa ay may malaking art print sa likod. I paired it with a straight-cut, denim boyfriend jeans na hindi ko na maalala kung kailan ko huling sinuot. Then, I slipped into a pair of white, low-cut sneakers.

Minsan nang pinili ni Hazel ang getup na ito para sa akin. Ayon sa kanya, flattering daw ito. Masubukan nga ngayong araw at matingnan kung may iba pa ba akong maririnig na papuri mula sa bago kong kaibigan.

I could also put on makeup but changed my mind. Wala rito si Hazel para i-guide ako at baka magmukha pa akong walking disaster. Tinted lip balm na lang ang nilagay ko sa bibig ko at mahinang tinampal-tampal ang pisngi ko para magkakulay kahit kaunti. Wala na akong magagawa sa pekas ko. Ipinagdadasal ko na lang na matalo ng ka-cute-an ko ang mga 'yon.

Nang mapagtanto kong hanggang doon na lang talaga ang puwede ko pang ikaganda, dali-dali na akong bumaba. Sabi ni Papa, personality is important. Let's hope that my new friend adores people who are on time.

Nadaanan ko ang communal ref namin on my way sana palabas at biglang kumalam ang sikmura ko. Naalala kong may fresh milk pa nga pala ako roon. Kung gutom ako, malamang gutom na rin 'yong naghihintay sa akin sa labas. Baka gusto niya rin ng gatas pantawid gutom.

Inilabas ko ang karton ng fresh milk mula sa ref at dinampot ang dalawang baso na nakataob malapit sa water dispenser. Binitbit ko ang mga 'yon sa labas para ialok sa naghihintay sa akin.

Laking gulat ko nang maabutang nadagdagan ng dalawa pang tao ang naghihintay sa hardin.

"Cole? Theo? Anong ginagawa ninyo dito?" nagtataka kong tanong sa dalawa habang papalapit ako sa sementadong mesa.

Maingat kong nilapag ang bitbit kong karton ng gatas at dalawang baso roon. Sinigurado kong hindi ko mapapatungan ang sketchbook ng bago kong kaibigan. Agad naman nitong inalos ang notebook at lapis at itinabi sa kanya.

Nakaupo si Cole sa bench na iniwan ko kanina habang nakatayo at nakasandig naman si Theo sa posteng 'di kalayuan. Nakahalukipkip ito at, as usual, bored ang expression sa mukha habang pinapanood ang mga kaganapan sa harapan niya.

"Sino 'to?" Cole asked rudely na ikinamaang ko. I would have expected that way of questioning from Theo but not Cole. Politician ang way nito. Ano ang nangyari?

Sinulyapan ko si Theo para tingnan ang reaksyon nito sa kakaibang inaakto ng kaibigan pero nginisihan niya lang ako at tinitigan. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Cole na matiim ang pagkakatitig sa akin.

Nang hindi pa rin ako sumasagot, ang kaibigan ko na ang binalingan niya. "Hindi nagpapapasok ng taga-labas ang Florentine. You better have a very good reason for being here, outside the Girls' Dorm, or there will be hell to pay."

Kinabahan ako para sa newfound friend ko. Marahan lang naman ang paraan ng pagsasalita ni Cole. Almost gentle pa nga. Yes, the words are threatening but his tone is not. Nanayo pa rin ang mga balahibo ko sa batok. Cole sounded angry to me even when he doesn't look like it.

"Cole," simula ko pero hindi ko na nadugtungan dahil bigla siyang nagsalita.

"He was sketching you when we arrived. A very detailed sketch. He could have only done that if he stared at you long enough. Why would he be staring at you, Orianna?" Binalingan niyang muli ang kaharap. "Why were you staring at her?"

Napatitig din ako sa bago kong kaibigan at parang wala lang sa kanya ang interogasyong nagaganap. Matamis lang siyang ngumiti kay Cole, labas lahat ng biloy.

"Why?" marahan din niyang balik-tanong. "Well, she's cute, that's why."

"No, she's not," agad namang buwelta ni Cole na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

Napaka-desisyon ng hayop na 'to. Kung hindi siya naku-cute-an sa akin, huwag niyang binabago ang isip ng mga may gusto. Napakapanira ng araw 'to.

He noticed me glowering at him and he arched an eyebrow at me. "You're not cute," muli niyang diin. Mangani-ngani ko na siyang sipain sa inis. "Krasavitsa, that's what you are."

I rolled my eyes at that. Nilait na naman niya ako siguro in Russian. Napakahinayupak talaga. Bago ko pa siya nasapak, tumawa ang kaibigan ko at sabay kaming napalingon ni Cole sa kanya.

"Bro, that is not how you charm someone," natatawa niyang sambit habang nakatingin kay Cole. Inilahad niya ang palad para makipagkamay. "Christoff Varias."

Matagal na tinitigan ni Cole ang nakalahad na palad ni Christoff bago iyon tinanggap. "Cole Orizaga."

"It's a pleasure meeting you," magiliw na saad ni Christoff.

"Sadly, I couldn't say the same." Cole didn't sound sad. Binalingan niya ako. "Cover your ears, kiska."

He stared me down until I had no choice but to follow his orders. It is a testament to his cold anger that he didn't check if I did what he wanted properly. I did put my hands to my ears but I made sure that I could still hear everything that is being said.

Ibinalik ni Cole ang tingin kay Christoff. "I'm still waiting to know who and what the fuck you are."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig pero malapad lang na ngumiti ang kaibigan ko. "Transferee. Batchmate niyo. Hopefully, kaklase rin. Anna's friend. The one whose dimples she finds cute."

"Keep introducing yourself that way and you're going to be dead."

Humalakhak lang ang lalaking pinagbantaan samantalang dumaplis naman ang palad kong sasapak sana kay Cole dahil bigla siyang gumalaw. Nawalan din ako ng balanse dahil doon pero maagap niyang nahawakan ang braso ko at giniya akong makatayo ng tama.

"You're being mean!" asik ko sa kanya. "Batchmate natin 'yan. Isa siya sa magiging future botante mo kapag tumakbo kang presidente ng student council."

"I don't have any plans to become a president of anything, and even if I did want to, I could do without his vote. Now, is it true?"

"What is true?" naiinis kong tanong din.

"You find his dimples cute."

"Well, oo," agad ko namang sagot.

"You gotta be kidding me. So dimples do it for you?"

Hindi ko maintindihan ang 'do it for you' niyang comment pero sinikap ko pa rin sumagot. "Oo. Tingnan mong pisngi niya. Cute kaya ng mga biloy niya."

Binalingan ko si Christoff. "Smile ka nga, Chris, para makita nitong hayop na 'to kung gaano adorable ang mga biloy mo." I gave him an encouraging smile so he would follow my instructions.

Humagikhik lang ang bago naming batchmate. Ayos na rin naman ang hagikhik kasi lumilitaw pa rin naman 'yong mga biloy. "Ayan, oh," sabi ko kay Cole sabay turo doon sa mga indentations sa pisngi ni Christoff na parang kabuteng pasulpot-sulpot sa bawat paggalaw ng pisngi niya. "Cute," pagbibigay-diin ko pa.

Nanghaba ang nguso ko nang sa halip na sumang-ayon, inangilan niya ako.

"You're trying to make me crazy, aren't you?" singhal niya pa sa akin.

Hindi ko alam kung bakit niya ako inaakusahang binabaliw siya. Well, okay, nakakabaliw naman talaga ang mga biloy ni Christoff Varias pero hindi ko naman 'yon kasalanan. Biloy naman 'yon noong tao. Hindi naman akin. Si Christoff dapat ang sinasabihan niya noon.

Sasagot pa sana ako pero dahil masama pa rin ang tingin niya sa akin at mukhang may galit pa rin siyang hindi ko maintindihan, napairap na lang ako. Nahulog siguro 'tong si Cole Valentine sa kama at dala-dala ang sama ng gising hanggang dito sa Florentine.

========

As requested, translations ^_^

Disclaimer: I don't speak Russian so it's highly probable that I'm butchering their language. Sorry! All mistakes are my own and the translations I'm providing below are based on how I used the words.

*Krasavitsa (Russian, female) = beautiful woman, used for someone you find really beautiful and wants to be with

*Kiska (Russian/Slavic, female) = little cat/kitten. Marami itong kahulugan, some sexually explicit, pero at this timeframe, I'm using it mostly as an endearment, private nickname ni Cole for Anna. Use with caution ^-^

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...