Bachelor Daddy (Rewritten)

By JuanCaloyAC

2.1M 43.4K 7.4K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng k... More

Welcome Hindots!
Suarez Next Gen Timeline
#BDPrologue
#BDChapter1
#BDChapter2
#BDChapter3
#BDChapter4
#BDChapter5
#BDChapter6
#BDChapter7
#BDChapter8
#BDChapter9
#BDChapter10
#BDChapter11
#BDChapter12
#BDChapter13
#BDChapter14
#BDChapter15
#BDChapter16
#BDChapter18
#BDChapter19
#BDChapter20
#BDChapter21
#BDChapter22
#BDChapter23
#BDChapter24
#BDChapter25
#BDChapter26
#BDChapter27
#BDChapter28
#BDChapter29
#BDChapter30
#BDFinale
#BDBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BDChapter17

58.2K 1.3K 341
By JuanCaloyAC

Pinanood ko lang si Mr. Elijah habang inaayos si Uno sa passenger seat. Sinisigurado pa niya na maayos ang seatbelt ni Uno. Pareho silang nakangiti sa isa't isa na parang ang saya nila pareho na nagka-kilala na silang dalawa. Ganitong nakita na niya si Uno, alam kong mas gugustuhin na niyang makita ang bata lagi.

Nang matapos siya kay Uno ay sinara na niya ang pinto at tinignan ako. Nakatitig lang siya sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin o tanungin pero halatang hindi pa siya sigurado. Hindi niya maalala kung may nangyari ba sa amin noon para masabi niyang kanya si Uno, dahil iba pa iyong sinasabi niyang pagtatagpo namin noon.

"I'm glad I finally got to meet your son. It's only that---never mind." Pagputol niya sa sinasabi niya. Napabuntong-hininga na lang siya at binuksan ang pinto ng shotgun seat. "Mag-usap tayo mamaya, Alyssa."

Wala na. Finish na. Tumango na lang ako bago sumakay sa shotgun seat. Sinara na niya ang pinto at umikot para sumakay sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko sa tabi ni Mr. Elijah. Tahimik lang siya habang pasulyap-sulyap kay Uno mula sa rearview mirror, at paminsan sa akin.

Gets ko na gets ko naman siya. Alam kong gulong-gulo ang utak niya ngayon dahil paano nga naman nagkaroon ng isang Uno na kamukhang-kamukha niya. Gusto ko sanang sabihin na, there are seven other individuals in the world who look precisely like you. Charot!

"Saan po tayo kakain, mister?" Pagbasag ni Uno sa katahimikan namin sa kotse na halatang excited ng kumain.

Tumingin muna si Elijah sa side mirror bago sagutin ang anak niya. "Saan mo ba gustong kumain? May gusto ka bang kainin an—" Napatingin sa akin si Elijah bago ipagpatuloy ang sinasabi. "...Uno?"

Alam kong 'anak' ang muntik na niyang mabanggit pero pinigilan lang niya. Buti na lang dahil magtataka si Uno kung bakit siya tinatawag na 'anak' ni Mr. Elijah. Sana naman ikalma muna niya ang mga kagulumihanan sa utak niya.

Kita ko sa rearview mirror na hinawakan pa ni Uno ang baba niya na parang nag-iisip sa isasagot sa papa niya. "Hmmm...gusto ko po ng Samgyup!"

Samgyup?! Saan naman niya nakuha iyon?! Ang alam ko kapag bata ay Jollibee ang isasagot pero itong si Uno ay samgyup talaga?! Hay naku. May isang bata na naman ang nasakop ng kamalayan ng mga koryano. 

Napailing na lang ako. Ayoko ng kumontra dahil alam ko naman na lahat ata ng gustuhin ni Uno ay susundin ng papa niya. Ngayon pa na tila gustong-gusto ni Mr. Elijah ang anak ko. Bahala siya kung gusto niyang i-spoil si Uno. Tama lang naman, para mabawi niya ang mga panahon na hindi niya natustusan ang anak niya.

Ngumiti naman si Elijah. "Okay. Samgyup tayo."

See? Kahit nga yata house and lot ang hilingin ni Uno ay ibibigay ni Mr. Elijah.

"Mahal..." Reklamo ko kay Elijah.

Tinignan naman niya ako saglit bago ituon ang tingin sa daan. "Tawag mo ba 'yan sa akin?"

Ha? Napatingin naman ako sa kanya ng masama. Ngumisi lang siya na tila nakuha niya ang asar ko. Pagod na ako ngayong araw na ito. Ayoko ng sumagot. Nanahimik na lang ako sa kotse habang nag-uusap ang mag-ama.

"May baby ka na po, mister?" Tanong ni Uno kaya napatingin ako sa repleksyon niya sa rear view mirror.

"Hmmm..." Ang tanging naisagot ni Mr. Elijah. "Wala pa, e. Kaya okay lang ba na ikaw muna ang baby ko?"

Kita ko naman na napatingin sa akin si Uno bago muling tinignan si Mr. Elijah. "E, baby na po ako ni mama, e. Sayang po para may kalaro po ako kapag nasa work po ako ni mama."

"Okay. Gawan namin ng mama mo ng paraan na magkaroon ka na ng kalaro." Makahulugang sagot ni Mr. Elijah kaya tinignan ko siya nang masama.

Ilang saglit pa ay pumarada na si Mr. Elijah sa isang samgyupsal restaurant. Tinanggal na niya ang seatbelt niya at agad na bumaba sa sasakyan para asikasuhin si Uno. Bumaba na rin ako sa sasakyan at kasabay n'yon ay ang pagkarga ni Mr. Elijah kay Uno. Sinara na ni Mr. Elijah ang pinto ng sasakyan at chineck kung naka-lock na ang mga pinto bago maglakad papunta sa pintuan ng restaurant.

"Ibaba mo na si Uno. Kaya naman n'yang maglakad. Mabibigatan ka pa." Sambit ko kay Mr. Elijah habang nakasunod lang ako sa kanila. Para tuloy akong third wheel sa kanilang dalawa.

Tinignan lang niya ako saglit bago buksan ang pinto ng restaurant. "Ladies first." Pagpapa-una niya sa akin sa loob kaya pumasok na ako habang sumunod lang siya sa akin na karga pa rin si Uno. Lumapit kami sa isang lalake na nag-aasikaso ng mga customers.

"Table for three." Sambit ni Mr. Elijah sa staff.

Ngumiti at tumango naman ang lalake kay Mr. Elijah. "Dito po tayo, sir." Naglakad na siya kaya nakasunod lang kami sa kanya. Dinala niya kami sa may table na nasa window glass. "Dito po kayong family, sir."

Wow. Family. Kapag magkasama ang isang lalake at isang babae na may bata ay family agad?! Hindi ba pwedeng driver at yaya ng anak ng amo namin? Charot!

Tumango naman si Mr. Elijah at binanggit ang mga meat na gusto niyang i-order bago umalis ang lalake kaya naupo na kami. Nakakandong lang sa kanya si Uno, habang ako naman ay nasa harapan nilang dalawa.

"Ano pong pangalan niyo, Mister?" Tumingala pa si Uno patalikod para makita si Mr. Elijah.

Hinaplos naman ng hintuturo ni Mr. Elijah ang ilong ni Uno. "Elijah. I'm Elijah Villavicencio."

Nilahad naman ni Uno ang maliit niyang kamay sa papa niya. "Hello po, Mr. Elijah! My name is Uno Emilio Credo. And I live in Doldam City! And my mama is Alyssa Credo! And I'm four years old!"

"Four years old..." Ulit ni Mr. Elijah bago ako tapunan ng tingin. Kita ko lang ang pagkunot ng noo niya na tila inaalala kung nagkita kami five-six years ago. 

Magsisimula na siyang mag-math sa utak niya.

Pero wala pa rin siyang maalala dahil may mask ako noong gabi ng bachelor party. Napa-iling na lang si Mr. Elijah bago ngumiti kay Uno at nakipag-kamay sa anak. "Hello, Uno Emilio. I'm happy to have finally met you. Nagustuhan mo ba ang mga pasalubong ko sa'yo na ini-aabot ko sa mama mo?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Elijah. Hindi ko sinasabi kay Uno na sa kanya galing iyon! Kita ko pa na napanguso ni Uno. "Ang alin po? Si mama lang po ang laging may pasalubong sa akin, e. Ang dami nga po tuwing uuwi siya."

"Ah..." Bulalas ni Mr. Elijah sabay tingin sa akin nang masama. "Talaga lang, ha?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay! Ano ba'ng gusto niya? Sabihin ko na lang kay Uno na basta may isang lalake na gusto siyang bigyan ng pasalubong?! E, hindi pa nga siya kilala ni Uno!

Tinignan naman ako ni Uno saglit bago muling tignan si Mr. Elijah. "Ano po kayo ni mama?"

Tinignan din ako ni Elijah bago sagutin si Uno. "Fuck bud-aray!"

Hindi na natuloy ni Mr. Elijah ang sasabihin niya dahil sinipa ko siya sa binti niya. Tinignan niya ako nang masama habang hinihimas ang binti niya. Si Uno naman ay naguluhan sa nangyari.

"Hindi pa naman niya gets iyon." Reklamo pa ni Mr. Elijah habang hinihimas ang binti niya. "Dudugtungan ko naman ng chocolatey buddy."

Inirapan ko lang siya bago tignan ulit si Uno. Tinuturuan niya na kaagad si Uno ng kabastusan! "Ka-buddy. Magka-buddy kami anak sa...work. Oo, magka-work kami kaya nga nakita mo siya roon sa work ko kanina, 'di ba?" Pagpapalusot ko kay Uno.

Natigil na kami nang dumating na ang mga pagkain. Si Uno naman ay tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. "Wow! Daming food!"

Pinisil pa ni Mr. Elijah ang pisngi ng anak niya. "Ubusin mo 'to, ha. Laki-laki ng tiyan mo."

Bumungisngis naman si Uno. "Salamat po sa pagkain, Mr. Elijah!"

Napailing na lang ako sa bonding nilang mag-ama. Linagay ko na sa grill ang galbi, samgyup at bulgogi. Nag-chopstick naman si Mr. Elijah sa mga side dishes at 'yon muna ang pinakain kay Uno habang hinihintay maluto ang mga meat.

"Yum! Yum!" Masayang banggit ni Uno.

Kita kong nakatitig lang si Mr. Elijah sa anak niya habang nakangiti. Patuloy niyang sinusubuan ng pagkain si Uno dahil hindi naman marunong mag-chopstick ang bata. Nang maluto na ang mga karne ay linagyan ko sila sa platito nila. Kumuha naman si Mr. Elijah ng isang slice ng karne at hinipan muna ito bago ipasubo kay Uno. Habang ako, ako lang ang nagsusubo sa sarili ko. Gan'on naman talaga.

Titi lang naman ni Elijah ang gusto niyang ipasubo sa akin.

"Kain din po ikaw." Banggit ni Uno sa papa niya dahil hindi naman ito kumakain.

Ngumanga naman si Mr. Elijah na gustong magpasubo kay Uno pero umiling si Uno. "Dumi kamay ko." Sambit niya sa papa niya sabay harap sa akin ni Uno. "Mama, subo mo siya food."

Napakurap ako sa sinabi ni Uno bago tignan si Mr. Elijah na tinaasan ako ng kilay sabay nganga. Mag-ama nga sila! Nagkakampihan pa silang dalawa!

Inirapan ko siya bago bilugin ang lettuce at karne sabay subo sa kanya ng madiin. Tinignan naman ako nang masama ni Elijah dahil sa ginawa ko. Si Uno naman ay bumungisngis.

"Salamat, ha?" Pagsusungit sa akin ni Mr. Elijah.

"Sabi ng mga kalaro ko, magkamukha daw po tayo!" Biglang sambit ni Uno. "Kita kasi nila billboard mo, e"

Si Elijah naman ay matagal na tinitigan si Uno bago ako tapunan ng tingin. "Oo nga, e. Bakit kaya?"

Tinignan ko lang din si Mr. Elijah na hindi ko alam ang isasagot. Alam kong isa 'yan sa mga tanong niya na kung bakit niya kamukha si Uno. Buti na lang ay nagsalita ulit si Uno.

"Sabi ni mama, pinaglihi daw ako sa'yo kasi crush ka niya!"

Naubo ako sa sinabi ni Uno! Peste! Bakit ba kasi 'yon ang nirason ko kay Uno?! Inabutan naman ako agad ni Mr. Elijah nang isang baso na may tubig kaya ininom ko 'yon.

Ngumisi ng mala-demonyo si Mr. Elijah sabay tingin sa akin. "Really? I'm honored. At least now I know na ako talaga kaysa kay Eliot." 

Yabang! Nang maka-rekober ako ay sinagot ko si Mr. Elijah. "Napo-pogi-an lang pero hindi crush. Magkaibang bagay 'yon."

"Nye. Nye." Pang-aasar niya sa akin.

Sisipain ko sana ulit si Mr. Elijah sa binti niya pero nahawakan na niya ang paa ko. Sabay kaming tumingin kay Uno nang bumungisngis ulit ito.

"Para kayong bata..." Bulalas ni Uno.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Silang mag-ama ay nagsusubuan habang ako ang nagluluto sa mga karne. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil kahit papaano ay gusto ko rin maranasan ni Uno ang magkaroon ng isang ama, ng isang buong pamilya.

Matapos namin kumain ay hinatid na kami ni Mr. Elijah hanggang sa amin. Himbing nang nakatulog si Uno sa passenger seat. Sa may kanto lang siya nakaparada dahil matarik na daan na ang papunta sa bahay.

Nabigla ako nang patayin niya ang makina at bumaba sa sasakyan. Bumaba rin ako agad para pigilan siya dahil masyado ng abala kung sasamahan pa niya kami hanggang sa bahay. "Hindi mo na kami kailangan ihatid. Okay na kami rito."

Pero parang wala siyang narinig dahil binuksan lang niya ang pinto sa side ni Uno at tinanggal ang seatbelt para kargahin na ito. Sinara niya ang pinto at siniguradong naka-lock na ang mga ito. Naiinis na ako dahil maski ang bahay namin ay malalaman na niya!

Tinignan naman niya ako. "Lead the way, ma'am."

Bwisit!

Naglakad na kami paakyat sa street namin habang nakasubsob ang mukha ni Uno sa pagitan ng leeg at balikat ng papa niya. Buti na lang and'yan si Mr. Elijah dahil kahit sanay na ako sa bigat ni Uno, at least lalake si Elijah at mas kaya niya si Uno.

"Araw-araw niyo itong tinatahak?" Tanong pa ni Mr. Elijah.

Tumango naman ako. "Sanay na."

Huminto na ako sa harap ng mismong maliit na building na inuupahan namin. "Kaya ko na si Uno dito."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Turo mo kung saan."

Huminga ako nang malalim para kumalma. Hindi na ako sumagot at tumalikod na lang para umakyat sa may hagdan na nasa gilid ng building paakyat sa rooftop. Nakasunod lang siya sa akin habang ingat na ingat sa pagkarga kay Uno. Dumiretso ako sa pinto at binuksan ito at naunang pumasok para buksan ang ilaw.

"Pasensya na, maliit lang ang bahay namin." Wika ko pa sa kanya.

Nakasunod lang siya sa akin nang dalhin ko siya sa maliit na kwarto namin ni Uno. Dumiretso siya sa kama para ihiga si Uno. Tinanggal ko naman 'yong sapatos ni Uno at ang suot niyang uniporme hanggang sa underwear na lang ang suot niya.

Lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng towel at basain 'yon. Pagbalik ko ay naka-upo na si Mr. Elijah sa gilid ng kama at hinahaplos ang buhok ni Uno.

"Hanggang ngayon ay iniisip ko kung pa'no nangyari 'to." Bulalas niya habang nakatingin pa rin kay Uno.

Napabuntong-hininga ako at naupo sa kabilang gilid ng kama para punasan ang mukha at katawan ni Uno. Lumapit pa ako sa drawer ni Uno para kunin ang pantulog niya at ibihis ito sa kanya.

"Anak ko ba siya?"

Pagbasag pa ni Mr. Elijah sa katahimikan naming dalawa. Napahinto ako sa pagtutupi sa pinagsuotan ni Uno. Napatingin ako kay Mr. Elijah na may luha na sa mga mata niya.

"'Di kasi pwedeng coincidence lang na magkamukha kami, Alyssa, dahil kamukhang-kamukha ko siya n'ong bata din ako." Pagpapatuloy pa niya.

Kinagat ko ang babang labi ko para pigilan din ang emosyon ko. "Bakit? Sa tingin mo ba may nangyari sa atin five to six years ago para ikaw ang maging ama ni Uno? Sa tingin mo ba ay ikaw iyong lalakeng tinutukoy kong nakilala ko sa isang party?"

Tinignan naman ako ni Mr. Elijah sabay iling. "Hindi ko matandaan."

Pwes. Tandaan mo. Tumayo na ako. "Kailangan ko ng magpahinga. May pasok pa ako."

Tumango siya at tumayo na rin. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng pinto. Tutungo na sana siya sa hagdan nang muli niya akong lingunin.

"Alyssa. Anak ko man si Uno o hindi, handa akong maging ama niya."

Iyon lang ang sinabi niya at tuluyan na siyang bumaba sa hagdan.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.6K 74
Growing up with the paramount expectations of her mother, Cygny Novessa Amorsolo's future is already devised. A robot that was designed to be success...
2.6M 19.7K 34
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Wild Series Read at your own risk. Simple lang naman ang araw ni Daddy Edward sa tuwing wala s...
865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...