All of Her (His Maid Sequel)

By uniquesobella

35.6K 830 163

Warning: UNEDITED. His Maid Sequel. Time and communication. Two of the greatest foundation of love. Paano na... More

Author's note
Sypnosis
1: Dèja vu
2: Wife
3: Jealous
4: Tired
5: Late
6: Argue
7: Husband
8: Good bye
8: Please
9: Sing
10: Love
11: Party
12: Siargao
14: Baby
Epilogue.
:)

13: Hide and Seek

1.9K 55 16
By uniquesobella

"Andiyan po ba si Yvet Pagao?" Tanong ko doon sa nakita kong nagwawalis sa labas ng bahay. Dito daw 'yung bahay ni tita. Hindi ko na maalala dahil pina-renovate ata nila.


"Andiyan po siya sa loob." Sagot niya.


"Salamat po," Ngumiti ako at kinatok na ang bahay.


Isang lalaki ang nagbukas ng pinto na pamilyar sa akin. "Sino po sila?"


"Kevin?" Tanong ko.


"Huh? Sino ka?" Kumunot ang noo niya.


"Ako 'to! Si Tharia! 'Yung anak ni Teresse! Hindi mo ba 'ko naaalala?"


"Tharia? Solenne?" Nanlaki ang mata niya.


"Oo!" Saka ako nagtatalon at yumakap sa kan'ya.


Siya lagi ang kalaro ko dati. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalawang taon ang tanda ko sa kan'ya. Siguro ay may asawa na rin siya ngayon.


"Ang tagal nating hindi nagkita ah?" Pinisil niya ang pisngi ko.


"Oo nga e. Ang huling kita natin ay 'yung paalis na kami dito pabiyaheng Manila."


"Ang laki ng pinagbago mo! Parang dati lang kasama kita laging maligo sa ilog! Tapos ngayon napakabigatin mo na! Balita ko may-ari daw ng Airlines ang asawa mo?"


Nawala agad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Kaya nga ako lumayo para makaiwas muna kay Trevor pero maging dito ata ay pangalan niya ang maririnig ko.


"Uh, oo. Nasaan nga pala si tita Vet?" Pag iba ko sa usapan.


"Nasa kusina! Tara pumasok ka! Akin na 'yang bag mo."


Ngumiti naman ako saka binigay sa kan'ya ang bag.


"Ma! Andito si Solenne!"


"Sino kamo?" Rinig kong sigaw ni tita.


"Si Tharia!"


"ha?!" Nakita kong patakbo kaming sinilip ni tita Vet at nanlaki ang mata niya no'ng nakita ako.


"Si Tharia 'yan?! Bakit... Bakit..." Hindi naituloy-tuloy ni tita ang sinasabi niya dahil sa gulat.


"Opo, ako po ito."


"Baka kawatan ka ah! Hindi gan'yan kaganda ang pamangkin ko!"


Natawa na lang ako. Hindi pa rin nagbabago si tita.


"Siya nga 'yan ma!" Asik ni Kevin.


"Naku!" Lumapit siya sa akin. "Ang tagal nating hindi nagkita, buti naisipan mong bumisita? Parang noong nakaraan lang ay iniisip ko ang mama mo saka ikaw kung kumusta na kayo tapos ngayon nasa harap na kita! Nasaan nga pala ang mama mo? Bakit hindi kasama?"


"Nasa bahay po. B-biglaan ko lang din po kasing naisipan na magpunta dito kaya hindi ko na siya nasabihan."


Tumango siya at pinaupo ako. Binigyan niya rin ako ng tubig at bibingka.


"Ano bang sadya mo dito iha? Hindi ka man lang nag text muna para nakapaghanda ako."


"Hindi na po kailangan. Nandito naman po ako bilang tourist, magchecheck-in na lang po ako sa hotel n'yo. Gusto ko po kasing magbakasyon at dito ko naisipan."


"Bakit magchecheck-in ka pa? Pwede ka namang dumito sa bahay!" huwestiyon ni tita.


"Hindi na po, makakaabala pa 'ko sa inyo."


"Sigurado ka? Maraming kwarto dito, tatlo pa ang extra. Mamili ka kung saan mo gusto,"


"Hindi na po," pagtanggi ko ulit.


"Osige, hindi na kita pipilitin pero huwag ka nang magbayad para sa magiging room mo ha?"


Tumawa ako at tumango.


"Sige po, kung iyan ang ikakasaya n'yo."


Mahaba-haba pa ang naging kwentuhan namin at kumain na rin. Kahit ngayon na lang ulit ako nakapunta dito, komportableng-komportable pa rin ako.


"Kevin, ihatid mo na si Tharia sa hotel, doon mo siya ilagay sa executive suite, tapos ipasyal mo siya bukas. Saka itry n'yo rin ang iba't-ibang water activities."


"Osige po,"


Alas siyete na rin ng gabi nang maihatid ako ni Kevin sa kwarto ko. Nagpasalamat ako at inayos na ang damit sa cabinet. Good for 3 days ang dala ko. May mga swim suit din at summer dress.


Pagkatapos mag ayos ng damit ay naligo ako. Pinuno ko ang bathtub ng tubig at bula. Pinatay ko din ang ilaw. Dahil glass wall, kita ang kalakhan ng beach at ilaw ng poste mula sa banyo.


Mas nilubog ko ang sarili ko sa bathtub at pinilit na huwag isipin ang mga nangyari.


Puro na lang kami problema mula nang dumating ang Chivalry na 'yan. Pasalamat siya at hindi ko siya nasampal kanina. Ayoko lang kasi talagang nakakasakit sa totoo lang. Hanggat maaari, kung kaya kong magtimpi, magtitimpi ko.


Bigla ko tuloy naisip ang anak ko. Malamang hinahanap na 'ko noon. Siguro, kumakain na siya ngayon dahil alas otso na.


Si Trevor? Ewan ko kung anong ginagawa niya. Baka nasa opisina pa siya o kaya nama'y kasama si Chivalry.


Hindi ko makalimutan ang itsura ng babae na 'yon no'ng nakita ko siyang lumabas sa opisina ni Trevor. Halatang may ginawa. Tapos napaka iksi pa ng suot niya.


Hindi ko alam kung bakit may gano'ng klase ng mga babae. Ano bang gusto nila sa buhay? Wala ba silang pangarap kaya ang gagawin na lang nila ay ang mangabit sa may asawa na?


Wala man lang delikadesa ang babae na 'yon. Talagang may lakas siyang harapin ako at sabihin sa akin ang ganoong mga bagay.


Chivalry... She misunderstood our situation, since the wrong message was sent to me.


Words of Trevor keeps flashing on my mind.


That jackass could never really lie to you huh?


"Argh!" Napabangon ako sa tub nang maalala ang mga sinabi ni Eros.


Paano kung... Naggagawa lang ng kwento ang babae na 'yon?


Ewan ko! Naguguluhan ako!


Gusto ko mang buksan ang cellphone ko pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka matuntun ako ni Trevor.


Umalis ako para makapagpahinga at mapag-isa pero hanggang dito ata ay aabalahin nila ako kakaisip sa kanila!


Nahihilo tuloy ako. Kakaisip siguro 'to ng mga problema dagdag pa ng pagod.


Bumaba ako para mag almusal sa resto. Pancake lang ang kinain ko dahil ayoko ng heavy breakfast.


Nakasuot ako ng black see-through at maong shorts at naka bikini sa loob.


"Tara na, Solenne! Mag jetski muna tayo!" Aya ni Kevin sa akin.


"Tara!" Masaya kong balik. Hindi ko naman ito first time dahil nasubukan na namin ito ni Trevor dati.


"Sanay ka bang magdrive nito?" Tanong niya.


Napaismid ako. "Oo naman! Ano'ng tingin mo sa akin?"


Napangisi siya dahil sa sinabi ko.


"Kung gano'n, hinahamon kita. Paunahan tayong makakuha sa flag na 'yon," Saka niya tinuro yung nasa kalayuan na flag. "Kung sinong matalo, susundin niya ang kaisa isang utos ng mananalo."


"Isa lang? Hindi pwedeng tatlo?" pagtawad ko.


"Bawal!" Agap niya.


"Osige, sisiguraduhin kong ako ang mananalo." Pagmamayabang ko.


"Galingan mo na lang," Balik niya.


Hinubad ko na ang see-through ko at sumakay sa jetski.


"Ano? Ready ka na?" Tanong niya.


"Kanina pa."


"Let's start, then." Saka niya pinaandar ang jetski niya.


"Hoy! Ang daya mo!" Sigaw ko. Napakadaya talaga ng Kevin na 'yon. Nauna siyang umalis kaysa sa akin!


"Ang daya mo!" Reklamo ko nang makababa na kami. Siya ang unang nakakuha ng flag.


"Anong madaya? Sabi mo kanina ka pa ready, kaya nag start na 'ko." Sabay ngisi niya.


"Hindi ko susundin ang utos mo, nandaya ka." Sabay halukipkip ko.


"Solenne, ang usap ay usapan. Natalo ka at nanalo ako kaya sundin mo ang inuutos ko."


"Nanalo ka lang naman dahil nandaya ka!" Sabay irap ko. Tumawa naman siya tinuro ang mukha ko.


"Ang sarap mo talagang inisin, ang bilis mong mabadtrip."


"Hmph. Bahala ka diyan." Saka ako tumalikod at iniwan siya.


"Solenne! Joke lang! Ito naman oh, masyadong seryoso!"


Hinila niya ang braso ko saka muli akong pinagtawanan. "Ikaw na ang panalo, okay? Huwag ka nang magtampo," saka ulit siya humalakhak.


"Anong nang iuutos mo?" Tanong niya.


Ngumuso ako at nag isip. "Humuli ka ng isda tapos ipaluto mo, gusto ko 'yung may sabaw." Sabay ngiti ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko biglang nagustuhan 'yon.


"Naglilihi ka ba?" Biro niya. "Pero, sige. Madali lang 'yan,"


No'ng nagtanghalian, 'yung sinigang na tilapia ang kinain ko. Masarap iyon. Nagmayabang pa nga si Kevin na siya raw ang nagluto ng ulam na iyon e.


"Ang galing kong magluto 'no?" Tanong niya habang pinapanood akong kumain. Nasa lamesa din siya at nakaupo sa katapat na upuan.


"Lumayas ka nga sa harapan ko. Nawawalan ako ng ganang kumain dahil andiyan ka." Umirap ako.


"Grabe ka naman!" Ngumisi siya. "Ayaw mo bang may gwapo sa harap mo habang kumakain?"


"Yuck," Sabi ko na lang saka pinagpatuloy ang pag-kain.


Umalis na rin si Kevin pagkatapos kong kumain. May trabaho pa raw siya. Tinanong ko kung kailan siya uuwi, ang sabi niya, bukas daw.


Tumaas na 'ko para makapagpahinga. Naisipan kong magsiesta para pag gising ko sa hapon, maliligo ako sa beach.


Nagising ako ng mag aalas singko. Agad akong nagpalit ng dark blue two-piece at nagsuot rin ng cardigan.


Lumabas na 'ko at agad kong nadama ang simoy ng hangin. Hindi naman gaanong mainit kaya dumaretso ako sa dalampasigan.


Pumunta ako sa isang lounge at doon hinubad ang cardigan ko. Nagdadalawang isip pa nga ako kung tatanggalin ko ba kasi medyo naaawkwardan ako dahil naka two-piece lang ako. Hindi na 'ko komportable pero sa huli, hinubad ko pa rin at lumusong na.


Huminto lang ako nang nasa bandang dibdib ko na ang tubig. May hangin pero hindi naman sapat 'yon para lamigin ako.


Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili katulad sa tubig ng beach na ito.


Lumubog ako ng isang beses at umahon para kumuha ng hangin. Inayos ko ang buhok ko at pinagsiklop iyon sa kanang balikat.


Ganito ang gusto ko. 'Yung ako lang mag-isa sa paligid ng kalmadong tubig. Nakakapag-isip ako at kahit papa'no, napipigilan ang lalong pagbugso ng damdamin.


Kung hindi lalayo ang Chivalry na 'yon sa aming dalawa, mas mabuti pang ako na lang ang lumayo. Hindi ko hahayaang lagi na lang nila akong sasaktan. Ayoko no'n. Bahala na si Trevor sa buhay niya at sa mga kilos na gagawin niya. Kung may respeto siya sa akin, siya mismo ang lalayo sa babae. Hindi 'yung siya pa ang nagpapapunta gaya ng sabi ni Chivalry.


Hindi ko kilala ang babae na 'yon. Para siyang kabute na bigla na lang sumulpot sa buhay naming dalawa ni Trevor. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya si Trevor dahil alam naman ng lahat kung gaano ka-ideal ang lalaki na 'yon pero sana man lang, lumayo siya. May asawa na 'yung tao.


Hindi ako babalik doon hanggat hindi payapa ang puso ko. Ituturing ko na lang siguro 'to bilang bakasyon ko.


Napasinghap ako nang may pumalupot na dalawang braso sa tiyan ko at naramdaman ang mainit na hininga sa likod ng kaliwang tenga ko.


"You're enjoying your damn vacation here while I'm going crazy about guessing where on damn Earth you are."


Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Boses pa lang. Alam ko na.


"Did you know that I almost lost all my shits just to find you?"


I shivered in the tone of his voice. Nagtataas baba ang dibdib ko dahil sa gulat at kaba. Pakiramdam ko, para akong gumawa ng napakalaking kalasanan at nahuli ako ng mismong pinagtataguan ko.


"Here we are again at fucking running and chasing."


Hindi ko alam pero parang may kumikiliti sa tiyan ko. Aaminin kong natatakot ako. Kapag ka kasi ganoon kariin ang boses niya. Galit siya.


"What did Chivalry told you?" Saka siya mas yumakap at dumiin sa akin.


Wala akong balak magsalita. Walang lumalabas sa bibig ko.


"Hide and seek is child's play. We are no more a kid so stop hiding because I won't seek anymore. Dahil sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagtago pa dahil itatali na talaga kita sa 'kin."


Nanghina ako sa mga sinabi niya. Gan'tong gan'to ang pakiramdam ko no'ng nakita niya ko sa clinic ni Dra. Suarez.


"You are all alone here. Wearing a fucking two-piece. Are you kidding me? Wala ka bang asawa?" Tanong pa niya.


Kung kanina ay wala akong nararamdamang kahit anong lamig, ngayon, para na 'kong mamamatay dahil naninigas ang buong katawan ko. I could sense all his anger.


"I did told you I regret it, you said you believed in me. And you know I would never lie to you. Kaya bakit mo iisipin na totoo ang sinasabi ng ibang tao? Kaya ko bang gawin 'yon sa'yo? Now tell me, what did Chivalry told you? At naniwala ka ba sa kan'ya?" Lumambot ang boses niya pero sa gilid ng mata ko, nakikita kong umiigting ang panga niya.


Nananatili lang akong tahimik. Kabadong-kabado pa rin.


He sighed. Alam niya kasing hindi ako magsasalita. "Umuwi na tayo. Let's talk when we get home. Caliver is waiting for you."

Continue Reading

You'll Also Like

52.7K 2K 30
In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chance and concealed truths. Meet Aeiou Zeph...
46K 2.8K 13
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
94.3K 3.2K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
4.6M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...