Love. Sex. Escapade. [One-Sho...

By iamaivanreigh

682K 7.6K 639

Sa mga napaiyak ng mga short stories ko, I'm happy na nagustuhan niyo po ang bawat kwentong nakapaloob sa pos... More

Boarder of thy Heart
Love Is Blind
Letters to Troy
Wasted Chance
The Morning After
Hiram Na Gabi (SPG)
Angel
Let Me Be The One - 01
Let Me Be The One - 02
Let Me Be The One - 03
Let Me Be The One - 04
Let Me Be The One - 05
Let Me Be The One - 06
Let Me Be The One - 07
Let Me Be The One - 08
Let Me Be The One - 09
Let Me Be The One - 11
Sa Piling Ng Mga Ulap
My Idol (SPG)
The Yummylicious Security Guard (Part 1)
KAPE TAYO?

Let Me Be The One - 10

6.5K 80 6
By iamaivanreigh


KINABUKASAN, maaga pa lang ay nasa police station na si Bea kung saan kasalukuyang naka-detain ang nobyo niyang si Cj. Kinasuhan ito ng isang negosyanteng Intsik dahil hindi nito nagawang bayaran ang mga alak at pulutang nakunsumo ng mga ito sa isang bar kahapon. Sa malas ay ito lang ang nakalaboso dahil mabilis na nagsipulasan ang mga kaibigan nito na kasama diumano nitong uminom.


Ayon sa nobyo niyang si Cj, niyaya daw nito ang mga kaibigan na makipag-inuman dahil nga iniisip nito ang problema nila bilang magkasintahan. Paalis na raw ang mga ito sa bar ng mahinuha nitong hindi nito dala ang wallet. Nang tangkain nitong magpaliwanag sa may-ari ng bar ay hindi na ito pinakinggan pa at sinabihan pang lumang taktika na raw iyon. Ang ending, sa presinto ito nagpa-umaga.


Siya ang unang tinawagan nito dahil ayaw daw nitong mag-alala ang mommy-and Cj was a mama's boy. Binayaran na niya ang negosyanteng intsik at naayos na niya ang mga kaukulang papeles kaya bago magtanghali ay nakalabas na ito ng selda.


Nang tangkain siyang yakapin ni Cj ay maagap na umiwas siya.


"I came here not because I'm still the same Bea, Cj. This would be the last time na tutuntong ako ng presinto para piyansahan ka. I also came here to formally end up this relationship, Cj. Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo."


"Is it because of Lloyd?"


Umiling-iling siya. "It's not his fault, Cj. It's all about me. I had a change of heart. Along the way, hindi ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa kanya. Habang pilit mong inilalayo ang sarili mo sa akin because you refuse to understand me, I found myself falling for him-deep and hard."

"Well, I already saw this coming."

Bigla siyang napatingin dito. "What do you mean?"


"Noon pa man, nahahalata ko nang iba ang paraan ng pagtitig mo kay Lloyd. You never look at me like that. Na tila ba I'm the most special guy on Earth. When you're with him every fucking Tuesday and Thursday, you wouldn't notice me anymore. Dahil sa kanya lang nakatuon ang atensiyon mo.


"But I think that the feeling is mutual. Matagal ko nang alam na may gusto sa iyo si Lloyd. Remember that night na sinagot mo ako and Lloyd saw us kissing in the botanical garden? That was the same night na magtatapat rin pala sana siya sa iyo. Those flowers were not meant for anyone else. It was actually for you.


"I need not ask anyone to confirm my thoughts. Lalaki rin ako. Alam ko kung paano kumilos ang kabaro ko. The way Lloyd sees you, no doubt that he's inlove with you. Kaya nga nagseselos ako na laging siya ang nasa unahan ng priority list mo. Pero may basehan naman pala ang lahat ng takot ko-because you also like him. In fact, you thought that you already love him. So what should I say? Good luck?"


Hindi na niya napigilan ang sarili at siya na ang kusang yumakap kay Cj. "I'm sorry. I'm so sorry. I didn't mean to make you feel that way. Hindi ko alam na noon pa man ay nasasaktan na pala kita nang hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako."


Tinapik-tapik siya nito sa likod. "It's okay, Bea. Ganoon talaga sa love... kailangang masaktan ang isa para sumaya naman ang isa. Lilipas din 'to."


"Ipagdarasal ko na makahanap ka rin ng babae na babagay sa iyo."


"Thank you, Bea. I'll need that."


At doon nagsara ang kabanata ng buhay niya with Cj.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.2K 93
When boredom struck, Aila found herself messaging the popular Facebook page. Meanwhile, an admin decided to open it and to send replies to her series...
1.4M 32.2K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
12.1K 22 13
𝒔𝒉𝒐𝒓𝒕 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒉𝒂𝒔𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒏𝒕𝒊 𝒅𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝒂𝒕 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒊𝒃𝒊...
414K 15.8K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee