And They Say...

By iDangs

979K 30.5K 14.8K

Melody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya... More

And They Say...
Prologue
Track 1: Starting Point
Track 2: Gallery of Stars
Track 3: Mini World
Track 4: Concordia Buzz
Track 5: Are we friends?
Track 6: Time Changes Things
Track 7: Helping Hand
Track 8: Headline
Track 9: Bad Day
Track 10: All Star
Track 11: Resident Chikadora
Track 12: Concordia Royalty
Track 13: Finding Solace in Music
Track 14: Obviously Jealous
Track 15: Getting Used To
Track 16: Believe in Yourself
Track 17: How Annoying
Track 18: I x D x K
Track 19: Something To Say
Track 20: Me Again
Track 21: What are you scared of?
Track 22: Choose Me
Track 23: People Pleaser
Track 24: Backstabbing
Track 25: Weekend Dinner
Track 26: New List
Track 28: Wasn't Easy

Track 27: Blind Item #86

4.3K 238 100
By iDangs


Melody's Point of View


The result of Concordia Royalty has been a hot topic in the academe. It's like almost everyone's talking about it.

Hindi naman na nagkagulatan sa ranking ng iba. Pwera kay Kelsey na nawala sa Top 5.

Hindi naman nabother si Kelsey do'n kasi aminado siyang hindi naging maganda ang performance niya noong mga nakaraang linggo. Bumabawi na siya ngayon.

Bukod sa kanya, maski ang rank namin ni Ingrid ay naging usapan din. Dahil mula sa Top 100, ay umangat ako sa Top 86 habang si Ingrid naman ay pumasok na sa Top 100.

Maraming nagsasabi na baka raw may kilala kaming mataas ang posisyon dito dahil hindi nga pumapasok sa Concordia Royalty ang mga baguhan samantalang kaming dalawa ni Ingrid ay parehas pumasok.

Sus! Pinaghirapan namin ni Ingrid lahat ng 'to. Pero kung tutuusin, tingin ko hindi ko naman deserve ang rank ko. Marami pang mas magaling sa akin. Hindi mataas ang grades ko. Nagkataon lang na nahihila pataas ng public's pick ang mentor's grade.

Dahil din malamang 'to sa dalas kong malagay sa Concordia Buzz noon for the weirdest reason.



"Okay. Study the next scene, Melody."

I smiled at our mentor before going back to my seat. I passed another scene!

Hindi niya ako pinuri pero the mere fact na pumasa ako sa scene na 'yon in just one try makes me feel that I'm improving steadily. Magbuhat noong mga naunang classes, hindi na ako napapaulit ng scenes.

Sinusubukan ko paunti-unti na burahin ang takot ko sa publiko at mukhang nagagawa ko naman 'to kahit paano. Hindi ko rin itatanggi na malaking tulong sa akin si Jarvis. Tinutulungan niya ako sa mga scenes ko at sinasabi niya kung alin ang mga kailangan kong iimprove kaya bago pa ako humarap sa mentor ay handa na ako kahit paano.

"Nice," puri naman sa akin ni Ingrid na makabalik na ako sa upuan.

"Okay, class," agaw atensyon ng mentor namin. Tumayo siya sa gitna sa harap at itinaas ang mga papel na hawak niya. "I have here some new scenes that I want you to enact. Today."

Maraming nagbulong-bulungan at nadismaya nang marinig ang sinabi niya. Isa na nga ako doon. Hindi ako handa.

Pero isang pagtikom lang niya ng bibig at paglibot ng paningin sa klase ay natahimik na kaming lahat agad. That's how scary she is.

"Kung hindi umabot ang oras, sa susunod na meeting na ang iba. This will be done by pairs." Nagkatinginan agad kami ni Ingrid. "I'll choose your partner." Napasibi ako nang marinig 'yon. Sayang naman!

Isa-isa niyang binanggit ang magkakapareha at nang banggitin niya ang partner ko ay mas lalo akong napasimangot.

Paano naman kasi, si Ysabella ang partner ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Ayaw niya sa akin. Hindi ko alam kung paano namin 'to magagawa. Ang dami naman kasing ibang estudyante bakit kami pa naging partner?

"Magtabi na ang magkakapartner. I'll give you 15 minutes to study the script."

"Goodluck," bulong ni Ingrid bago ako lumipat sa tabi ni Ysabella. Sa totoo lang, hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagpapakasarcastic lang.

When I sat beside Ysabella, inabot lang niya sa akin ang kopya ko nang hindi man lang ako tinitingnan. Nakatingin lang siya sa script at seryosong binabasa 'yon. Maski nang subukan ko siyang batiin ay hindi niya pa rin ako binigyan ng pansin.

I expected that reaction to be honest.

I just shrugged and started reading the script. The script isn't that bad. Kaya ko namang kabisaduhin. Kaya lang hindi ba dapat nagprapractice kaming dalawa together?

Anyway...

Itinuon ko ang atensyon ko sa binabasa ko nang magsalita na naman ang mentor namin. Tapos na raw ang 15 minutes. Napatingin ako sa orasan ko bago pa maniwala kasi parang ang bilis naman?

"Let's start," sabi pa nito. Tumingin siya sa klase parang namimili kung sino ang mauuna. My fingers are crossed para lang hindi kami matawag.

Kahit nakabisado ko naman ang script, mas okay pa rin kung mas maaral ko siya nang mabuti. Sana hindi kami matawag ngayon.

"Any volunteers?" dagdag pa niya.

Tahimik lang ang klase. Hanggang may magsalita para magprisinta. Para akong nakahinga nang maluwag dahil doon.

Hanggang sa naalala kong partner ko nga pala siya. Yes, si Ysabella.

"Uhh, sure ka bang mauuna tayo? Iba na lang muna," bulong ko sa kanya.

As usual, nakatanggap ako ng irap. "Ready na ako so bakit hindi pa ngayon?" Kasi hindi pa ako ready? Ako na kapartner niya...

Pero ano nga bang say ko? S'yempre siya ang masusunod.

Sobrang kinakabahan ako bago magsimula pero sinubukan kong itago 'yon at ideliver ang lines ko nang maayos. Ysabella is way better than me. That's not a secret. Pero kahit papaano, gusto kong makipagsabayan sa kanya.

I failed though. Hindi ko pa talaga kayang makipagsabayan.

It was going smoothly at first. Naalala ko pa ang lines at nadedeliver ko pa nang maayos. Nakakasunod pa ako sa partner ko. Hanggang sa kalagitnaan ay bigla na lang iniba ni Ysabella ang linya. That's when I got lost.

Sinusubukan ko rin ibahin ang linya para makahabol sa kanya pero ang lame ng mga adlibs ko. There's a few seconds na nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakabalik lang ako nang sundin na niya ulit ang script.

Nang matapos kami ay nakatahimik pa rin ang lahat maski ang mentor ko.

I hang my head low because I know I didn't do well. Nilamon ako ng buhay ni Ysabella.

"Good job, Ysabella," puri ng mentor namin. Nang ilipat naman niya ang tingin sa akin ay napailing siya. I felt worse. "Melody, you should learn how to do adlibs. Para kapag may nakalimutan ka o kapag nag-adlib ang ka-eksena mo, hindi ka lang nakatayo d'yan. At kung wala kang maisip na sasabihin, let your emotions speak for yourself. The moment Ysabella made an adlib, nawala ka na. Even your expression hindi na nakasunod. You were obviously caught off guard."

Tumayo siya at humarap sa klase. "Class, learn how to improvise. 'Wag niyo ipahalata na hindi niyo alam ang gagawin niyo. Use your head. Use your emotions." Humarap ulit siya sa akin. "Do you understand, Melody?"

"Yes po," I answered, still feeling ashamed.

"Alright. Next!"



"Ang pabida niya talaga. Kairita," inis na sabi ni Ingrid at saka tinusok ang cake na nasa harap niya at kinain. "She obviously did that on purpose."

"Irereport ko 'tong nag-upload ng video," sabi naman ni Venice habang kinakalikot ang phone niya.

Kasalukuyan kaming nasa Coffee Bloom. Kasama namin ni Ingrid sina Venice, Jarvis, Aiden at Leo.

"May point naman ang mentor namin eh. Normal naman talagang mag-adlib. Madalas din gawin 'yon ng mga artista," katwiran ko.

"Hindi naman siya artista," irap ulit ni Ingrid.

"It wasn't bad though, Melody," pamgpagaan ni Aiden ng loob ko. "If it wasn't for the adlib, you'll ace this for sure."

Well, si Ysabella ang partner ko kaya malabo. Nginitian ko si Aiden para mapakita na naappreciate ko ang sinabi niya.

Inakbayan naman ako ni Leo at ngumiti nang kay lapad. "Huwag kang mag-aalala, matututunan mo rin mag-adlib. Kaya mo 'yan!"

I just smiled and thanked everyone dahil pinapagaan nila ang loob ko. Hanggang sa napunta ang topic sa tinapay na nasa bulsa ni Leo na nahulog daw noong nagsasayaw siya. Kung bakit at paano nagkaroon ng tinapay sa bulsa niya, hindi ko na alam.

Kahit iba na ang topic, hindi ko pa rin mapigilan isipin ang nangyari kanina. Hiyang hiya talaga ako. Hindi pa nakatulong na may isa akong kaklase na nag-upload no'n sa Twitter. Hindi ko na binasa ang sinasabi ng iba. Baka lalo lang akong madown.

"You improved a lot." Mula sa iniinom kong iced coffee, lumipat ang atensyon ko kay Jarvis. "In a short time you improved a lot."

I looked at him questioningly and he answered me with a smile.

"And you'll improve more as time goes by. Maski ang mga adlibs na 'yan, matututunan mo 'yan. Sabi mo nga noon, nagsisimula ka pa lang."

Ngumiti ako at tumango. Naalala niya pa pala ang sinabi ko noon.

And he's right. They're all right. Mapag-aaralan ko 'to. One step at a time.

"Ayon naman practice-in natin next time?" I asked and he nodded.

***

I was scrolling through my Twitter when a following of mine retweeted a tweet from Concordia Buzz. It's a blind item and they provided the link.

Bilang isa akong curious na tao, pinindot ko ang link at binasa 'yon.


Blind Item #86

According to our source, a brand was looking for a good jingle they can use for their advertisement. They accepted compositions from Concordia Academe students. Hundreds applied. Some even sent not just one, but a lot of their compositions.

One student stood out. He submitted one composition and lucky him, his music was chosen.

But, there are rumors going around that his entry got chosen not because it was good. They said it was chosen because the brand wants him to be a part of the advertisement since he has a good looking face. Also, it is rumored that it was because his sister, a famous fashion designer and model, works with the brand.

Clue? I'll tell you in the daylight.


Comments:

Comment #1: Blind item ba 'yan? Nahiya pa kayong pangalanan. Obvious naman sino 'yan.

Comment #2: Or maybe, magaling lang talaga at maganda lang talaga 'yung pinasa niya.

Comment #3: Kung sino man 'yung source na 'yan malamang ko ba nareject lang 'yung gawa niya kaya gumagawa ng kwento.

Comment #4: 'Yung mga nagtatanggol dito puro fans lang naman ni Jarvis. Sabihin niyo sa idol niyo 'wag masyado umasa sa pangalan ng kapatid at magulang niya.

Comment #5: Ang bibitter niyo. Kayo ba ang brand? Nandoon ba kayo habang pinag-uusapan kung sino pipiliin nila? Narinig niyo ba? Makajudge mga 'to akala niyo naman ang dami niyong alam.

Comment #6: Magaling naman talaga si Jarvis. Gumagawa ng sariling pangalan 'yung tao. Kayo lang naman ang pilit nagsasabi at nagdidikit ng pangalan niya sa kapatid niya. Hindi naman niya ginagamit influence ng ate niya.

Comment #7: Ayan hirap kapag walang kapit. Kahit magaling ka wala rin.

Comment #8: Si Jarvis 'yan. Sikat kapatid no'n eh.

Comment #9: Kasalanan ba niya kung siya 'yung pinili? Hindi naman siya ang namili ha. Napakainsecure ng mga tao dito. Para kayong ewan.

Comment #10: Baka kaya rin lagi siyang mataas sa ranking pati grardes niya kasi kilala kapatid niya. Saka gwapo siya. Mukha na lang pala labanan dito. Bakit pa tayo nag-aaral?


I frowned after reading the blind item and the comments. People can be really harsh sometimes. Ang unfair naman na hindi nila maappreciate ang effort at talent ni Jarvis dahil lang sa last name na dinadala niya.

I was wondering kung nabasa ba ni Jarvis 'yon nang makita ko ang tweet ni Venice.


None of you knows how much he works hard. None of you knows him pero kayo pa ang maraming sinasabi.


Alam ni Venice kaya malamang alam na rin ni Jarvis. It was all over Twitter din. I felt so bad for him.

From Twitter, binuksan ko ang messages ko at hinanap ang pangalan niya.


Are you okay?

Nabasa mo?

Yes. Are you okay?

I got used to it. :)


Napasimangot ako sa reply niya. Hindi dahil sa nasanay na siya, ibig sabihin okay lang siya. Magkaiba 'yon.


Where are you?

Abandoned piano room.


I left it on seen and locked my phone. Kinuha ko ang susi ko at naglakad palabas ng kwarto namin ni Ingrid.

"Where are you going?" tanong niya bago pa ako tuluyang makalabas.

"Music Department Building?"

"Anong gagawin mo do'n, makikipag-usap sa multo?" sarkastikong tanong nito. "Won't you get in trouble? Curfew na."

I sighed and scratched my temple. "I'll meet Jarvis."

Nangliit ang mata niya sandali pero inalis din niya ang tingin sa akin at ibinalik ang atensyon sa pinapanood niya. "Just make sure no one will catch you both."

I smiled at her even when she couldn't see me. Nakita rin niya malamang ang issue ngayon kay Jarvis.

Hindi naman ako nahirapan magtago kasi halos wala rin namang tao sa campus kasi nga curfew na. May iilan na tumakas pero may sarili silang mundo.

When I got to the building, I felt a bit scared not because someone might see me but because of ghosts. Kasi naman itong si Ingrid bakit sinabi pa 'yon? Baka nga mamaya may biglang kumausap sa akin dito.

Halos lakad-takbo akong pumunta sa piano room na tinatambayan namin ni Jarvis. Mas natakot lang ako sa totoo lang kasi nasa dulo siya ng building.

Nang makarating ako sa tapat ng piano room, dahan dahan ko 'yon binuksan at sumilip. Nakapatay ang ilaw pero dahil bukas ang bintana, nakikita ko pa rin kahit paano ang loob ng room.

And I saw him. I saw Jarvis.

Nakaupo siya sa sahig sa ilalim ng bintana. Nakasandal siya sa pader at nakapikit habang may pinapakinggan sa earphone niya.

Bubuksan ko sana ang ilaw pero baka mas gusto niya ang dilim ngayon kaya hinayaan ko na lang. Lumapit ako kung nasaan siya at umupo sa tabi niya.

His eyes snapped open and he almost jumped. His earphones even fell.

Hanggang sa mapatingin siya sa akin. Nanglalaki ang mata niya. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa gulat o sa takot. O baka parehas. Kaya nginitian ko siya.

May sasabihin dapat siya pero isinara rin niya ang bibig niya. Naulit 'yon nang naulit hanggang sa pumitik ako sa harap ng mukha niya para umayos siya.

"Huy," sabi ko pa dito.

Itinikom niya ang bibig niya at nanatiling nakatingin sa akin.

"What?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

Napangiti siya at umiling. Sumandal ulit siya sa pader pero hindi na niya sinuot ang earphone niya.

We were enveloped by silence. It was comforting. I hope that comforts him too.

"You're crazy," he whispered while chuckling.

I moved my head sideways while looking at him questioningly.

He looked at me again and smiled. He didn't say anything but I felt like he was thanking me for being here.

"Tumanggi ako." Hindi ako sumagot at naghintay lang na sundan niya ang sinasabi niya. "Para akong sira. Nagpasa ako pero nang piliin nila ang ginawa ko, tinanggihan ko naman."

"Is it because of..." I didn't finish my sentence but I know he knows what I mean.

Sumandal ulit siya sa pader at itinuon ang atensyon sa tali ng sapatos niya. "I'm trying, Melody. Kaya lang hindi pa rin sapat. Wala pa rin akong napapatunayan."

His face is solemn but his voice is sad. Kaya maski ako na nakikinig sa kanya ay nalulungkot din.

"I'm proud of my sister. She worked hard to be where she is right now. But I don't want to live in her shadow. I want to make a name for myself. To be appreciated for my efforts. Kaya lang ang hirap. Kasi kapag may nagagawa ako, kapag natatanggap ang mga gawa ko, laging ang daming nagsasabi na baka tinulungan ako ng kapatid ko."

Unti-unting kumukunot ang noo niya at nagsasalubong ang kilay niya habang nagkwekwento. Nilalaro na rin niya ang tali ng sapatos niya.

"My sister is into fashion and I'm into music. Magkaiba kami ng field pero pilit kinokonekta ng iba ang lahat ng nagagawa ko sa kanya. 'Yung producer ngayon, sabi ng mga tao kinuha raw ako kasi kilala siya ng kapatid ko. They were at a party once. Once. Nagkataon lang na same sila ng circle of friends pero akala agad nila na nilakad ako ni ate. Don't you think it's unfair? My sister started from scratch. Bakit ako hindi pwede?"

He sounded so upset and so done with all the things other people were talking about.

Again, we were enveloped by silence. Honestly, I don't know what to say to make him feel better. That's why I just said something I really mean.

"I believe in you," I said softly. Nakuha ko ang atensyon niya. Mula sa tali ng sapatos ay tumingin siya sa akin. Tiningnan ko nang diretsyo ang mga mata niya at inulit ang sinabi ko. This time, I said it firmly. "I believe in you. Narinig na kita tumugtog, narinig na kitang kumanta. Nakita ko kung paano ka magpractice, kung paano mo ibuhos ang puso mo sa ginagawa mo. You have so much passion and love for music na maski ako na nanunood at nakikinig lang sa 'yo ay nararamdaman 'yon. I see you not as your sister's brother. I see you as Jarvis. Just you."

I put my hand above him and smiled. "You're talented and hardworking, Jarvis. You have that passion for what you do. I believe no matter what people say, no matter how many people doubt you, you'll shine even more."

He remained quiet. Nakatingin lang siya sa akin with an unreadable expression. Maybe I said too much? Pero sinabi ko lang ang nararamdaman at totoong opinyon ko. I don't regret saying all those things.

I was about to move my hand away but he held it and smiled at me softly. "Thank you." And he let it go as soon as he said those words.

Nang maramdaman ko na hindi na siya masyadong down, binunggo ko ang balikat niya gamit ang balikat ko. "Okay na ako sa isang scoop ng ice cream," biro ko dito dahilan para mapabungisngis siya.

"Kahit isang scoop araw-araw pa 'yan," sagot pa nito.

We talked about our insecurities, our fears, our dreams. We talked about the most random things like what's our favorite color, our favorite ice cream flavor, our favorite time of the day.

We talked and talked and talked.

And half an hour after midnight, we sneaked back to our dorms.

Hindi pa ako agad nakatulog. I was listening to my playlist when I heard one of my comfort songs. Without thinking twice, I searched for Jarvis' name on my phone and typed something.


Hey! Listen to this song. This is one of my comfort songs. I hope it can comfort you as well. Good night!

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...