And They Say...

By iDangs

979K 30.5K 14.8K

Melody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya... More

And They Say...
Prologue
Track 1: Starting Point
Track 2: Gallery of Stars
Track 3: Mini World
Track 4: Concordia Buzz
Track 5: Are we friends?
Track 6: Time Changes Things
Track 7: Helping Hand
Track 8: Headline
Track 9: Bad Day
Track 10: All Star
Track 11: Resident Chikadora
Track 12: Concordia Royalty
Track 13: Finding Solace in Music
Track 14: Obviously Jealous
Track 15: Getting Used To
Track 16: Believe in Yourself
Track 17: How Annoying
Track 18: I x D x K
Track 19: Something To Say
Track 20: Me Again
Track 21: What are you scared of?
Track 22: Choose Me
Track 23: People Pleaser
Track 24: Backstabbing
Track 26: New List
Track 27: Blind Item #86
Track 28: Wasn't Easy

Track 25: Weekend Dinner

3.5K 256 134
By iDangs


Kelsey's Point of View


It's the usual tiring day.

Classes, managing Saving Daylights, practices, Coffee Bloom. Hindi pa nakakatulong na stress ako ngayon kasi hindi pa rin kami okay ni Dex.

I mean nakakausap ko na siya, narereplyan ko na ang messages niya kaya lang hindi ko pa siya nakakausap nang matino katulad ng dati.

Kung kailan kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob saka naman ako nawalan ng oras.

Kinandado ko ang pinto ng cafe at nag-unat. The day has finally ended.

Makakahiga na ulit ako sa kama ko.

Pero halos mapatalon ako nang mapansin ko na may taong nakatayo sa gilid ng cafe. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Wala na kasing tao dito. Paano kung masamang tao pala 'to? Walang makakarinig sa akin kapag sumigaw ako.

"Sino 'yan?"

At nang tumapat na sa liwanag ay namukhaan ko na si Dex. Kasi naman sa dinamirami ng pwedeng paghintayan, doon pa niya naisip sa madilim.

Napahawak ako sa puso ko at nakahinga nang maluwag.

"Akala ko naman kung sino."

"Sorry, did I scare you?" Lumapit siya sa akin nang kaunti. "Baka kasi may makakita. Mahirap na."

By that alam kong ako lang ang iniisip niya. Mahirap na... mahirap na kapag may nakaalam.

"Kanina ka pa d'yan?" tanong ko.

"Hindi naman. Kakatapos lang din ng practice namin. Dito na ako dumiretsyo."

Dahil wala naman masyadong tao dahil malapit na ang curfew, naglakad kami ng sabay. Umupo kami sa isa pinakagilid at pinakatagong bench around the student's park at nagkwentuhan.

Nagkwentuhan ng mga nangyari sa amin ngayong araw. Nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay kahit wala na ngang sense.

I love moments like this. 'Yung ang gaan lang sa pakiramdam. Wala masyadong iniisip.

Stressful man ang araw ko ngayon, dahil lang sa nakausap ko siya pakiramdam ko bawing bawi na.

It would've been nicer if we could do this freely. If only we're under different circumstances.

"Kung pwede lang laging ganito," I said out of the blue which made him stopped.

Napangiti siya at yumuko. "Pwede naman," bulong niya.

Natahimik kaming dalawa. Dapat pala hindi ko na lang sinabi ang sinabi ko. Gusto naman niya kasi na 'wag na 'to gawing sikreto. Ako lang naman 'tong umaayaw.

"Tara!" Malakas niyang sabi at tumayo saka inabot ang kamay sa akin. "Malapit na curfew. Balik na tayo."

Tinanggap ko ang kamay niya. Pero nang makatayo na ako ay binitawan na rin namin ang kamay ng isa't isa.

"Paano? Dating gawi?" 

By dating gawi, ang ibig sabihin ay maghihiwalay na kami para pumunta sa kanya kanya naming dorm. Dulo dulo kasi ang dorm ng boys sa girls.

Tumango ako at nagpaalam na kami sa isa't isa. Pero bago tuluyang makalayo ay tinawag niya ang pangalan ko kaya umikot ako para harapin siya.

"Are you free this weekend?" tanong niya.

"Yes. Wala naman silang practice and hindi ko shift. Bakit?"

Ngumiti siya nang kay lapad at tumango. "I'll take you somewhere."

Nakakahawa ang ngiti niya kaya maski ako ay napangit rin. "Okay."

Hay, weekend! Sana dumating ka na agad.


***


Kasalukuyan kaming nasa mall ni Venice. Inaya niya kasi akong maglunch dito. Kaming dalawa lang din kasi ang may vacant time ngayon.

Sumama naman ako agad kasi gusto ko rin malibang. Pakiramdam ko umikot na sa loob ng Concordia ang mundo ko. Isa pa, balak kong ibili ng sapatos si Dex. Wala namang okasyon, pero hindi naman kailangan tuwing may okasyon lang magbibigay.

Mahilig sa sapatos 'yon kaya ayon ang binili ko sa kanya. Tinulungan din naman ako ni Venice mamili kahit hindi niya alam kung para kanino ang bibilhin ko.

Nang matapos kaming bumili ay dumiretsyo na kami sa isang fastfood para maglunch.

"May tanong ako," sabi ni Venice, bahagyang nakataas ang kamay na may hawak na fries.

Tumango naman ako bilang senyales na nakikinig ako. Hindi na ako makasagot dahil may laman pa ang bibig ko.

"Para ba kay Dex 'yung sapatos?"

Halos maibuga ko na ang pagkain ko dahil sa narinig sa kanya. Napaubo na lang din ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Dami dami kasing oras na pwedeng magtanong kung kailan pa kumakain ako.

Inabutan naman niya ako agad ng inumin na agad ko namang ininom.

"Ang baboy, Kelsey, ha. Tumalsik pa kinakain mo. Manners naman, girl!"

Nang mahimasmasan ay inirapan ko siya. "Weird naman kasi ng tanong mo. Hindi ko na kasalanan 'yon."

Pinangliitan niya ako ng mata at tumango tango. "Weird ba?"

I cleared my throat. "Oo. Bakit ko naman bibigyan ng regalo si Dex? Close ba kami? Kainis. Parang may nakabara pa sa lalamunan ko hanggang ngayon," reklamo ko at uminom.

Sinubukan kong umarte ng normal at mukha namang maayos kong nagagawa 'yon dahil ibinalik na ni Venice ang atensyon niya sa pagkain.

"Right! Hindi nga kayo close. Hindi kayo magkaholding hands sa park. Hindi kayo magkasama kahit halos curfew na. Hindi kayo nagngingitian na akala mo mga batang kinikilig. Hindi kayo gano'n."

Teka...

Ayon ang ginawa namin ni Dex noong nakaraang gabi ha.

Don't tell me nakita niya?!

Unti-unting lumaki ang mata ko nang marealize na nakita nga niya. Nandoon siya?!

"I was there," ngisi niya sa akin. "May binili ako that time. Nagmamadali na nga ako makabalik sa dorm kasi baka abutan ako ng curfew. Then I saw you and Dex holding each other's hands. Hindi pala close ha?"

"We weren't holding hands," bulong ko.

"Yeah, sure. And I hate dancing," sarkastiko niyang sabi.

"He just helped me to stand."

"Wala kang paa? Kailangan mo ng tulong para lang tumayo?" Taas kilay niyang tanong. "Just say you both want to hold each other's hand and go."

Hindi ko na nagawang makasagot kasi makokonsensya lang ako lalo kung gagawa na naman ako ng dahilan para itanggi ang kung ano mang meron kami.

Nakakakonsensya na magsinungaling kay Venice at nakakakonsensya na itanggi si Dex.

"Look, Kelsey... we're friends. You can tell me anything and I won't judge you," she stopped and shrugged. "Okay, maybe I will judge some of your actions and choices but I will still accept you because we're friends. Konting tiwala naman d'yan."

Naalala ko nang sabihin din sa akin ni Jarvis 'to. Tiwala.

Alam na rin naman niya. Ano pang silbi para itanggi ko?

"He's my boyfriend," bulong ko habang nakayuko.

"What?!" Nanglaki ang mata ko nang sumigaw si Venice. Nang marealize din niya ang ginawa niya ay tumingin siya paligid. May iilang tao ang napatingin sa kanya kaya agad naman siyang humingi ng paumanhin.

Hinila niya paabante ang upuan niya at mas lumapit sa akin.

"I was expecting you'll say manliligaw or something like that. I wasn't expecting to hear the word boyfriend from you." Nanglalaki pa rin ang mata niya at bigla niyang pinalo ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Kailan pa?!"

"Months ago. Even before the sem started."

"Naitago niyo ng ganyang katagal?! Walang nakakaalam?! Bilib ako sa inyo!"

"Actually, Ysabella, Chord, Jarvis, Melody and Ingrid knew. And honestly, mukhang alam din ni Aiden."

Napasimangot siya nang malaman na halos alam na ng lahat pwera sa kanya. Weird thing is wala naman talaga kaming pinagsabihan. Kusa lang nilang nalaman.

"So that explains the weird atmosphere between you and Ingrid. Selos ka?"

Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya. Masyado rin naman kasing diretsyo magtanong 'to. Wala man lang pasintabi.

"Hindi ka sumagot. Selos ka nga." Kita mo 'to! Nakuha pang mang-asar. "Tingin mo ba may something sa kanila?"

"I trust Dex."

"And honestly, I'm sure Ingrid won't make a move on someone who's already taken. Sadyang close lang sila," tatango tangong sabi pa niya.

Alam ko naman 'yon. Naiinsecure lang ako kasi iba ang closeness nila. Iba in a way na hindi ko maipaliwanag.

"Just ask Dex if you wanna know something. For sure he'll tell you things you wanna know. He's your partner after all."

"I will."

Totoo. Nakapagdesisyon na ako na sabihin sa kanya ang mga insecurites ko. Handa na ko itanong ang mga bagay na gusto kong malaman. Ayoko naman kasi na araw-araw na lang ako nag-iisip.

"Anyway, tell me how you, guys, started."

Come to think of it, I don't think I ever told anyone how we started. Napapaamin lang ako sa kanila na kami na nga at gaano na kami katagal pero kailan man ay hindi namin napag-usapan kung paano kami nagsimula.

Kaya kwinento ko kay Venice ang storya namin ni Dex.

Pagkatapos ng kwento ay natapos na rin ang pagkain naming dalawa kaya nagpasya na kaming umuwi.

Palabas na kami ng fastfood nang agawin sa akin ni Venice ang paper bag na dala ko at saka ako siniko nang mahina.

"They're here," bulong pa niya at saka kumaway.

Nang tingnan ko kung sino ang kinakawayan niya ay saka ko lang napansin na nandito rin pala sina Dex at Chord.

"Naks. Bonding?" biro ni Venice sa kanila.

"May dinaanan lang kami sa music shop. Kayo? Shopping?" tanong naman ni Dex.

"Ah, oo. Nagpasama lang ako dito kay Kelsey. May binili kasi ako." Nagtaas-baba pa siya ng kilay nang sinabi niya ang pangalan ko. Halatang nanunukso.

Iba rin talaga kahit kailan itong si Venice eh. Kanina lang niya nalaman 'yung tungkol sa amin ni Dex pero nanunukso na agad. Kung tutuusin wala pa ngang isang oras magbuhat nang magkwento ako sa kanya.

Tumingin sa akin si Dex at sumenyas na tila nagtatanong kung alam na ba ni Venice kaya tumango ako bilang sagot.

Napangiti si Dex at napailing naman si Chord.

"Anyway, we'll go ahead. Malapit na ang shift ko," paalam ko sa kanila.

Dex nodded and smiled. "Ingat ka..." Pinangliitan siya ng mata ni Venice kaya dinugtungan niya pa ang sinabi niya.. "... yo. Ingat kayo."

"Sus. Ginawa pa akong salingpusa," bulong ni Venice at hinila na ako palabas.


***


"Where are we going?!"

Ayan kaagad ang sinabi ko pagpasok na pagpasok ng sasakyan ni Dex. Medyo malayo sa campus siya pumarada para hindi kami makita ng iba.

Sa halip na sumagot ay inilahad niya ang kamay niya para manghingi ng yakap na s'yempre hindi ko tatanggihan.

Mahigpit na agad ang yakap niya at naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa sentido ko. Pakiramdam ko lumulutang ang puso ko.

"Namiss ko 'to," bulong pa niya.

"Ako rin."

Nang maghiwalay ay tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero ang tanging naisagot lang niya ay 'secret'. Sobrang curious na talaga ako kung anong binabalak nito. Pero hindi na ako nangulit. Nag-isip na lang ako ng mga lugar na posible naming puntahan.

I was lost in thoughts kaya hindi ko napansin na nakahinto na pala ang sasakyan. Narealize ko lang 'yon nang tapikin niya ako para sabihin na nandito na kami.

Nang tingnan ko ang paligid, napansin ko ang malaking bahay. Hindi naman 'yung tipong mansyon sa laki pero malaki kung ikukumpara sa normal na mga bahay.

"Nasaan tayo?" Naguguluhan kong tanong.

Nginitian niya ako pero halata dito na kinakabahan siya. "Nasa bahay namin."

Teka lang. Saan daw?!

Nanglaki ang mata ko at agad napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

He suddenly looked uncertain when he saw my reaction. "I mean... my mom prepared dinner. It's her birthday. It's just a family dinner. Mag-invite lang daw kami ng pinakamalapit sa amin. But I could introduce you as my friend if you want. Or if you're not yet ready to meet them, it's okay. I should've asked you first."

Kahit sinabi niyang okay at kahit pinapakita niyang okay lang sa kanya, 'yung nauna palang niyang reaksyon sigurado na ako na malulungkot siya kung mag-aaya akong umuwi o pumunta sa ibang lugar.

Sa totoo lang, ilang gabi na rin ako nag-iisip na ipakilala na siya sa pamilya ko. Kahit sa kanila man lang muna. Wala naman magiging kumplikasyon. Nagkataon lang na nauna siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Ayos lang. You can tell them I'm your girlfriend."

"Are you sure?"

"Tara na."

Alam kong tama ang desisyon ko nang makita ko kung gaano kalaki ang ngiti niya.

Honestly, kinakabahan ako. Hindi ako nakapagready. Pero nandito na rin naman, bakit pa ako aatras?

Nang pumasok kami sa loob ay naririnig ko na ang mga nagkwekwentuhan. Lalo lang tuloy akong kinabahan.

Pero nawala ang kaba ko at napalitan ng ibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag nang makita ko kung sino ang mga nasa sala.

Si Chord na nakaupo sa solong upuan. Si Melody na nasa tapat niya at si Ingrid na napapaggitnaan ng magulang ni Dex kung hindi ako nagkakamali.

Tumatawa ang magulang ni Dex sa kwento ni Ingrid. Hinahawakan din ng mommy niya ang kamay nito. Sobrang close niya sa magulang ni Dex at halatang halata rin sa mga ito ang adoration sa kanya.

"We're here," agaw ni Dex ng atensyon nila.

Nang makita nila kami ay halata ang pagkagulat sa magulang niya. Tumingin sila kay Dex, pagkatapos ay sa akin at sa magkahawak naming kamay.

"You brought a... friend?" Nagtatakang tanong ng mommy niya.

"Ma, see." Itinaas ni Dex ang kamay namin na magkahawak kahit alam din naman niyang nakita na nila 'yon. "She's my girlfriend."

"Girlfriend?!"

Halos mapaatras ako nang sumigaw ang mommy niya. Napadiin din ang hawak ko sa kamay ni Dex. Naramdaman niya na kinakabahan ako kaya pasimpleng hinihimas ng thumb niya ang kamay ko para kumalma ako.

"May girlfriend ka?!"

Dex just grinned. Proud na proud. Parang nanglambot ang puso ko.

After a few moments, lumapit sa amin ang mommy niya. Lalo lang akong kinakabahan kasi ang seryoso ng mukha niya. Baka hindi niya ako gusto para sa anak niya?

"Nice to meet you dear," she said and hugged me.

Hindi ko inaasahan ang reaksyon na 'yon kaya nanatili lang akong nakatayo. At nang unti-unting mawala ang kaba ko ay niyakap ko na rin siya pabalik. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Akala ko aayawan niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali. At bakit ko ba naisip 'yon? Wala naman ako sa korean drama.

"What's your name, hija?" tanong niya nang bitawan ako.

"Kelsey po. Happy Birthday po. I'm sorry, hindi po ako nakapagdala ng regalo." Kasi naman sobrang biglaan. Hindi ko alam!

Natawa ang Mama niya at hinawakan ako sa braso. "Don't worry. Siguro biglaan ka na lang dinala nitong anak ko 'no?" Ganoon na nga po.

Bago pa man ako makapagsalita ay lumapit na rin sa akin ang dad ni Dex para makipagshake hands.

"Alam niyo ba na may girlfriend 'tong si Dex?" tanong ng Papa niya sa tatlo. Sabay na sumagot ng opo sina Chord at Melody habang si Ingrid ay hindi naman nagsalita. "Ingrid?"

"I knew rin po."

"Hay, nako! Mga batang 'to. Hindi niya man lang sinabi sa amin. Lalo ka na Ingrid. Kakauwi mo lang dito no'ng isang linggo." Ha? Umuwi dito noong isang linggo? "Hindi mo man lang nabanggit na may girlfriend pala 'tong kapatid mo. Baka mamaya pati ikaw may tinatagong boyfriend d'yan ha."

"Ma naman! As if meron."

Ha? Teka, teka!

Kapatid?! Ma?!

Anong nangyayari?!

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...