Sweetest Trap

By ArabellaRey

153K 3.2K 660

"You can't escape me, you're mine!" More

Sweetest Trap
Prologue - Nick Name
01. Ulterior Motive
2. Trouble's back!
4. Silly
5. Dream Love
6. Hard to Get
7. Contingency
8. Insecurity Bites
9. His date, her date
10. Hope
11. Brotherly Love
12. Intruder
13. Move

3. Territorial

8.5K 246 43
By ArabellaRey

Romina

My hands were itching to touch him. I wanted to feel his face and wrapped my arms around him. It's been what?

Eight years?

I travelled back and forth but everytime I'm here in the Philippines, Ding was out of the picture. He's no where to be found. It's either he's out of town or out of the country. For eight years we've been playing hide and seek.

Finally, game over!

He's here now and at long last, I'm home.

"Why are you standing there?" I put my feet down and sat properly. I tapped the sofa. "Upo ka dito sa tabi ko."

"Romina. I have no time for this."

"Ouch!" Loudly, I exclaimed. "No time for this? What do you mean this? Ako ito si Rome mo." Tumayo ako at tinangka kong humakbang palapit sa kanya.

But Ding stepped back. "Stop there." He said to me. "Diyan ka lang huwag kang lalapit."

"Why? Do I smell bad?" I raised my arm and smelled my armpit. "What's happening to you? Why are you so cold to me?" I continued my steps.

Ding moved away and walked to the other side. He stopped at the back of the sofa. "No, what's happening to you? Why are you acting this way?" His brows furrowed.

"Acting what?" I answered him with another question. "I'm confused. I know, it's been a long, a very long time. Pero ganoon na ba katagal para makalimutan mo ang pangako mo sa akin?" I looked at him with sad eyes.

Ding combed his hair with his fingers. "Rome, just like what you said it's been a long time. You should have realized by now that I've never meant those words. Sinabi ko lang iyon dahil iyon ang gusto ni Tita Joey na sabihin ko... dahil iyon ang gusto niyang marinig mo."

I'm stunned.

Tama ba ang dinig ko? 'He never meant those words?' Nagbibiro lang ba ito? Tinignan ko ang mukha niya at nakita ko ang kaseryosohan roon.

Nag-iwas ako ng tinigin at sa isip ko ay pilit kong inalala ang nangyaring pag-uusap sa pagitan naming tatlo pagkaraan mahuli kami ng Mommy ko sa kawarto ni Ding.

"I'm so disappointed in you." My mother whispered to me.

"Mom." I tried to explain but changed my mind. I bit my tongue when my mom looked at me with stern eyes.

"Not another word Romina!" My mother's warning.

Nagyuko ako ng ulo at ipinokus ko na lang ang tingin sa kamay ko sa ibabaw ng aking hita. Mahina man ang boses ng Mommy ko pero alam kong galit na talaga siya. Wala akong choice kung hindi ang manahimik na lang. Hayaan ko na lang si Ding ang mapaliwanag sa Mommy ko na wala naman talaga kaming ginagawang masama.

"Nasaan na ba ang boyfriend mo na iyon?" Tanong ni Mommy.

Nakayuko pa rin ako kaya hindi mahirap sa akin na itago ang ngiti sa aking mga labi. Gusto kong mapahagikgik sa kilig.

"Ehhhh." Nakakabinging tili ng puso ko.

Nakakatuwang marinig na boyfriend ko si Ding.

"Akala ko buong araw mo na akong paghihintayin." Pagalit na sita ni Mommy kay Ding.

"Sorry, Tita kung natagalan ako. May client lang na tumawag."Paghingi ng paumanhin ni Ding.

"I don't want to beat around the bush. I have a flight to catch." My mother stood up. "What are your plans for my daughter? Alam ba ni Mark na may relasyon kayo ng bunso ko?"

"Tita." Ding looked at me. Naroon sa mga mata nito ang piping pakiusap na pahindian ko ang maling conclusion ni Mommy.

Nag-iwas ako ng tingin at piniling manahimik. Sinubukan ko na kaninang magpaliwanag pero hindi naman ako pinakinggan ni Mommy. Hahayaan ko na lang na mapag-isipan kaming may relasyon, in a way that was advantageous on my part.

Naging instant girlfriend ako ni Ding ng walang kahirap-hirap.

"I don't need a very long explanation but I'm not expecting you would just stand there and call me Tita. You are no longer a boy, be a man and speak up!"

"I'm sorry po talaga sa nakita ninyo. Pero wala po kaming relasyon ni Romina." He looked at me again. This time, may kasama ng kunot ng noo ang tinigin niya sa akin. "Rome, help me here. Sabihin mo kay Tita Joey kung bakit ka nasa kwarto ko."

"Mommy." Simula ko habang nakatingala kay Mommy. "Dinalan ko lang siya ng breakfast na niluto mo. Totoo, wala kaming relasyon." Panandaliang akong huminto sa pagsasalita. "It's not yet official because I'm still young." Yumuko ako para maitago ko ang ngiti at pamumula ng pisngi.

"Romina anong pinagsasabi mo." Gulat na bulalas ni Ding. "Tita that's not true!"

"Hindi kita ganoon kakilala pero puro mabubuting bagay lang ang naririnig kong kwento kapwa nila Mark at Romina tungkol sa iyo. Nagkamali ba sila ng pagkakakilala sa iyo?" Lalong naging seryoso ang tono ng Mommy ko.

Napatayo ako at napahawak sa braso ni Mommy. "Mommy, huwag kang magalit kay Ding, it's was..." Babawiin ko na sana ang sinabi ko at sasabihin ko na nagbibiro lang ako pero naunahana akong magsalita ni Mommy.

"I may be at fault. I'm always away and I'm not here to monitor my daughter. Ganoon din si Mark, naging pabaya dahil hinayaan niyang mapalapit ka kay Romina. But you're very much aware that my daughter is a minor and there are legal consequences of your actions."

"Legal consequences!?" I uttered in disbelief. "Mommy you're exaggerating! We've done nothing wrong. He'd done nothing wrong. He just hugged me kanina and we only shared one kiss. Swear! Just one quick kiss!" Dahil nataranta ako kaya kung ano-ano na ang nasabi ko.

"Ano!?" Namula ang mukha ng Mommy ko at parang nanlambot ang mga tuhod.

Naging mabilis si Ding at inalalayan makaupo si Mommy.

"Rome, ikuha mo ng tubig si Tita." Utos ni Ding sa akin.

Mabilis naman akong tumalima at patakbong pumunta ng kusina. Dahil madalas naman ako roon kaya kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga glassware ni Ding. Nanginginig ang kamay na nagsalin ako ng tubig sa isang baso.

Natakot ako sa naging reaksyon ni Mommy.

Dapat ay hindi ko nasabi iyon. Papaano kung may mangyayaring masama kay Mommy? Walang ibang dapat sisihin kundi ang aking sarili. Pinahid ko ang luhang nagbabantang tumulo sa mga mata ko.

Foolish of her!

I composed myself and with big steps, I headed back.

"Here, Mommy drink this." Sabi ko bago ko inabot ang baso ng tubig. "Are you okay? Do you need anything?" Nag-aalalang tanong ko.

"Halika na Romina. Tulungan mo akong tumayo at umalis na tayo sa bahay ng lalaking ito. Huwag mong sayangin ang panahon mo sa pagmamahal sa taong hindi ka naman mahal."

"Mommy." Tumingin ako kay Ding, sandaling naghinang ang aming mga mata pero ito naman ngayon ang naunang nag-iwas ng tingin.

Tumayo si Ding at inalalayan niya muli si Mommy. "Sorry po talaga Tita." Paghingi ng paumanhin ni Ding.

"Huli na ang paghingi mo ng tawad, sinaktan mo na ang bunso ko. Romina, umuwi ka na at bilisan mong mag-impake kahit ng ilang gamit mo lang. Isasama na kita ngayon pabalik sa States."

"Mommy! Ayoko!" Mariing tanggi ko. "Hindi mo kami pwedeng paghiwalayin ni Ding." Bago pa ako mahawakan ni Mommy ay lumayo na ako at tumayo sa likuran ni Ding. "Ding huwag mo hayaan na isama ako ni Mommy."

"Romina, anong oras na! Baka ma-miss natin ang flight natin. Halika na!" Sabi ni Mommy.

"Ayoko! Wala naman akong plane ticket." Sabi ko sabay iling.

"Hindi peak season ngayon kaya malamang na maraming available seats." Pamimilit ni Mommy.

"I can't go with you! I have summer classes!" Pagsisinungaling ko para lang hindi ako mapilit na sumama.

"Huwag matigas ang ulo mo. You're going with me sa ayaw at gusto mo. Kung kailangan na ilagay kita sa maleta ko, gagawin ko maisama lang kita sa States."

"Ding, please don't let my Mom do this to us." Mahigpit na kumapit ako sa braso ni Ding.

"Romina, please sumama ka na. Ito ang mas makakabuti sa iyo." Inalis ni Ding ang kamay ko sa braso niya.

"No!"Maiyak-iyak na ipinadyak ko ang isang paa ko. "Gusto ko dito lang ako. Alam ko may gusto ka na rin sa akin kaso in denial ka pa din kasi bata pa ako. Kapag sumama ako kay Mommy baka makalimutan mo na ako at ipagpalit mo ako sa iba. Ayokong mangyari iyon!"

"Romina, stop that nonsense. You're so young to beg for love!" Galit na hinila ako ni Mommy.

"I'm not begging. Ding is mine, mine alone!" I cried.

"Halika na, nakakahiya kang bata ka." Galit na sabi ni Mommy habang hila-hila niya ako sa braso.

Masakit ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi iyon ang ikinaiiyak ko kundi ang sakit na ilalayo niya ako kay Ding. Alam kong hindi nagbibiro si Mommy at talagang isasama niya ako sa States.

"Mommy, hindi mo ako mailalayo ng matagal kay Ding. I'll find a way na makabalik agad ng Pilipinas, I swear I'll do anything just to be with Ding."

"Rome, huwag matigas ang ulo mo. She's only thinking what's best for you." Singgit ni Ding.

"No! Ayokong magkakalayo tayo."

"Andito lang naman ako hihintayin kita. Kahit gaano katagal, hihintayin kita." Sabi ni Ding, maybe to console me.

Lalong bumalong ang luha ko sa narinig. Na-sense ko sa boses ni Ding na ayaw din niyang maghiwalay kami.

"Mommy please, dito na lang ako. Promise, mag-behave na ako. Hindi na ako pupunta sa kwarto ni Ding at hindi ko na siya i-kiss. Please huwag mo lang akong ilayo kay Ding. Please Mommy. I'll be good girl na promise!" Nagbago na ang tono ko. Kung kanina ay nagbabanta ako, ngayon ay nagmamakaawa na ako kay Mommy.

"See what you did to my daughter." My mother said to Ding. "See how much control you have over her?"

Nakita kong napalunok si Ding bago ito napasuklay ng kamay sa buhok.

"Rome, nag-usap na kami ni Tita Joey. Hindi makakabuti na..." He paused and sighed. "Magkasama tayo. Na diyan ka lang sa kabila nakatira at ako nandito naman. Kagaya ng sinabi ko na kanina. Sumama ka na muna kay Tita Joey at patunayan natin sa Mommy mo kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Na kahit na magkalayo tayo, hindi natin makakalimutan ang isa't isa. Magtapos ka muna ng pag-aaral and when the time is right. Andito lang ako."

"What do you mean andito ka lang?"I asked crying.

"Hihintayin kita at kung sakaling gusto mo pa rin ako. You will be Mrs. Bernardino Cortes. Hindi ba iyon naman ang gusto mo na someday maging Misis ko?"

Ipiniksi ko ang braso na hawak ni Mommy at patakbong yumakap kay Ding.

"Yes! Yes! Yes! I will marry you." Bulalals ko habang nakadikit ang pisngi ko sa malapad nitong dibdib.

It may not be a conventional proposal but he stated his intention of marrying me, in a way that's the implication of his words. I believed him and now he's saying he never meant it?

No way!

"No, you can't back out now! You said kung gusto ko pa rin I'll be your wife." Pagmamatigas ko.

"Who's going to be your wife?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakita kong bumababa ang isang babaeng nakamaong at nagbubutones pa ng blouse na suot. Base sa basa nitong buhok, mukhang kakaligo lang nito.

"Sino ka?" Mataray kong tanong.

"I'm Veronica Bernard's girlfriend. Ikaw sino ka?" Ibinalik nito ang tanong sa akin pagkatapos na huminto ito sa tabi ni Ding.

Gusto kong kalmutin ang mukha ng mayabang na babaing ito.

"Well, ako lang naman ang fiancée ng tinatawag mong boyfriend at ngayon na nandito na ako." Pairap na tumingin ako kay Ding. "Ako ba ang makikipag-break sa kanya o ikaw ang magsasabing tapos na kayo?" Tanong ko sa 'fiancée' ko.

Nagsukatan kami ng tingin ni Ding. Nanunumbat ang mga tingin ko samantalang nananaway naman ang mga mata niya. Pero maliban doon ay may nababasa pa akong ibang damdamin.

Amusement?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...