4. Silly

8K 230 66
                                    

Ding

I'm not surprised to hear those words from her. Even before, she can be assertive and prank. She speaks her mind. Silly of me but I found it amusing, her branding me.

"Wow ang tapang ha?" Sarcastic na sabi ni...

Ano na nga ba uli ang pangalan ng babaing katabi ko? Nakilala ko siya kagabi sa party ng magulang nila Mark at Romina. Kung naaliw ako sa pag-akin sa akin ni Romina, hindi naman ako natuwa sa ginawa niyang pagsasabi na boyfriend daw niya ako.

We had sex yes but I had no intention of going beyond that. Lalo na ngayon na mukhang may pagka-clingy pala ang babaing ito.

"Tatawagan na lang kita." Nilapitan at hinawakan ko sa braso si...

"Sinabi mo 'yan ha. I save my number on your phone." Binawi niya ang braso at saka ini-angkla niya iyon sa braso ko. "Who's she? Is she really your fiancée?" Tanong niya.

Inihatid ko siya hanggang sa pintuan.

"Saka ko na lang ipapaliwanag sa iyo. Goodbye." Tipid na sagot ko.

"Sure. I hope this is not goodbye." Tumingkayad pa siya at hinalikan ako sa labi.

Tanggo at ngiti lang isinagot ko.

Pag-ikot ko pagkaraang isara ang pinto nakita ko ang naniningkit na mga mata ng nakahalukipkip na si Romina. Kung mabilis kong napaalis ang 'girlfriend' ko mukhang mahihirapan naman akong magawa iyon sa 'fiancee' ko.

"Girlfriend mo ba talaga 'yun?" Tanong ni Romina.

"Yes." Pagsisinungaling ko.

"I'm no longer young and naive. I've heard her clearly. She just saved her number on your phone." She smirked.

Sandaling bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Her face didn't change a bit, she still looked beautiful but her body developed and gained weight at the right places. Mabilis na ibinalik ko ang tingin sa mukha niya.

"Yes I can see you're all grown up now." Sinalubong ko ang tingin niya. "Kaya dapat, itigil mo na ang pangungulit mo sa akin."

"Hindi kita kinukulit." Nagsalubong uli ang mga kilay niya. "Ikaw ang nagsabi na hihintayin mo ako. You even said, kahit gaano katagal nandito ka lang, maghihintay ka sa akin." She paused for a while. "I believed you, I never dated. I reserved myself only for you. Kasi alam ko hinihintay mo ako. And now that I want you to fulfill your promise, sasabihin mo na you never meant those words. Ano ito lokohan?"

Puno ng panunumbat ang tono ni Romina. No doubt she's hurt. Iyon ang dahilan kung bakit tinanggihan ko noong una ang gustong mangyari ni Tita Joey.

"I can't Tita. Mas masasaktan si Romina kapag pinaasa ko siya sa wala." Sabi ko pagkaraang marinig ang hiling ni Mommy ni Romina.

Pumunta ng kusina si Romina para ikuha ng tubig si Tita Joey.

"Pero hindi na makapag-isip ng tama ang anak ko. Iniisip niyang may gusto ka rin sa kanya. It's useless to argue with her. Just tell her na hihintayin mo siya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral but for now, kailangan na layuan mo muna siya. If you care for her, alam mong ito ang makakabuti kay Romina."

"Tama po kayo I do care for your daughter kaya alam ko mas masasaktan lang siya kung papangakuan ko siya ng bagay na hindi ko naman kayang tuparin."

"Hijo don't take this as an insult but I think Romina will soon forget you. It's just an infatuation, a temporary feeling that can be easily forgotten once she met other boys. Kaya para matigil na ang kahibangan ng anak ko, pagbibigyan mo ang pakiusap ko. Believe me this is what best for the both of you."

Sweetest TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon