2. Trouble's back!

10.5K 273 75
                                    

Ding

"Ding... Dong..." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi ko marinig ang tunog ng door bell. Gusto ko pang matulog. Late na akong nakauwi kagabi at napuyat pa ako sa nagdaang magdamag.

Wala akong inaasahang bisita at wala rin akong intensyon na alamin kung sino iyon.

"Bernard, please make it stop. Inaantok pa ako." Sabi ng katabi kong babae. Yumakap siya sa bewang ko at ipinatong pa ang mukha sa dibdib ko.

"Mapapagod din yun." I said before caressing her arms.

Kahit medyo inaantok pa ako, nawala iyon nang maramdaman ko ang hubad niyang katawan ay unti-unting nagising ang 'diwa' ko.

Pero sadyang makulit kung sino man ang pumipindot ng door bell, sunod-sunod at tuloy-tuloy pa rin ang pambubulabog.

"Bernard..." She whispered my name.

"Hold that thought." Napilitan akong bumangon. "Stay in bed, I'll be back." Bilin ko habang nagsusuot ng shorts.

"Hurry up lover boy!" Mapang-akit na bilin sabi niya sa akin

She didn't need to remind me. Talagang wala akong balak na paghintayin siya ng matagal dahil kahit ako ay hindi makapaghintay na muling bumalik sa tabi niya

Lumabas ako ng kwarto at patakbong bumababa ng hagdan. Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng bottled water sa loob ng ref. Inubos ko muna ang lamang tubig sa plastic bottle bago humakbang pumunta sa front door.

"Oo sandali!" Naririnding ako sa tunog ng doorbell.

Dapat ay urgent ang dahilan ng taong nasa labas.

I opened the door. When I saw whose outside, I wanted to close it again.

"Good morning Sunshine! You sleep like a baby, ang tagal mong magising."

Walang sabi-sabi na pumasok siya sa bahay ko kahit hindi ko naman iniimbitahan. Komportablenng umupo sa sofa at itinaas pa ang paa.

"Everything looks the same." Sabi niya habang inililibot ang tingin sa buong paligid. "I'm glad hindi mo binago ang ginawa kong pag-aayos dito sa living room mo." Nakangiting sabi niya sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"I'd pretend that I didn't hear you say that because I know that what you really want to say is, you're glad I'm finally here." Sabi niya sabay kindat sa akin.

I am speechless.

It's like déjà vu.

Ang makita siyang nakaupo at nakangiti sa akin ay parang isang pagbabalik tanaw. Nangyari na ito noon. Hinayaan ko din siya pumasok sa bahay... sa buhay ko.

2006

"What are you doing here?" Gulat na tanong ko. Mabilis na nagtago ako sa likod ng pinto para takpan ang hubad kong katawan.

"Good morning Sunshine!" Nakangiting itinaas niya ang food tray na hawak. "I made you breakfast!"

Walang sabi-sabing pumasok siya sa loob ng kwarto ko. She walked in as if she owned the room and headed straight to my bed. She sat and put the food tray on her lap. Ibinuka ko ng malaki ang pinto para muli kong magamit pantakip sa katawan ko.

How could I allow her to enter my room with me wearing nothing?

"Ding bakit andyan ka sa likod ng pinto?" Nakangiti maging ang asul na mga mata niya. "Hindi naman ako nangangagat eh."

"Romina, I don't eat breakfast in bed. Ibaba mo na 'yan. Sa baba na lang tayo kumain." Utos ko.

"Well, there's always the first time." Inalis niya sa kandugan ang tray na kalong at ipinatong iyon sa kama ko. Tumayo siya at humakbang palapit sa akin.

Sweetest TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon