Lightless Sunshine

Od 4thsid

1.8M 36.2K 14.3K

[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and... Více

Disclaimer
AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 20 (Part 2)
Chapter 20 (Part3)
Chapter 21
Chapter 21 (Part 2)
Chapter 21 (Part 3)
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 25 (Part 2)
Chapter 26
-sunshine-
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Note
COVERS

Chapter 24

31K 558 89
Od 4thsid

Chapter 24

Life is not just about smooth flows like a sea water. Not just as colourful like the rainbow and not just a beautiful sunshine everyday. There were times that the storm will come and ruin everything you tried hard to build. There were a lot of calamities on your way, trying to stop you to achieve what you wanna be.

While walking in the midst of your journey, there were always grudges on your path. A stone that challenges you to do better. A river that will challenge your courage. And a sea of needles that will tease your patience.

And in order to pass it all, all you have to do is to trust yourself in the process. Go on with the flow but don’t let yourself be fooled and attached by the series of problems you are facing. Think wise and be brave.

It was so easy to tell. It was so easy to give an advice. It was so easy to give a motivational message. It was so easy for them to say those things. Because they don’t know what does it really feel when they stand on my shoes. They don’t really know what I feel. They don’t know what I’ve gone through.

It was too easy for them… because they don’t really care. They don’t really care about my feelings.

They thought that by giving me those pieces of advice and motivational quotes would lessen this pain inside me. No, they can’t. They won’t and they could never be.

All my life, I want nothing but a simple living… But the universe seems to disagree with the idea of me getting happy.

But it’s still okay for me. For some aspect, I am also lucky. I have those privileges that poor people don’t have. I am not starving, I am not working my guts out just to have a meal to eat. And most of all, I am not deprived of having luxury. I am still lucky in some aspects because I’m still not totally an orphan. Unlike those kids on the streets, asking for food and seeking shelter.

I am still lucky because I still have a family around me who can provide everything I needed, a family who will provide me shelter when the rain starts to fall, and a family who will let me eat a meal without an exchange. But what hurts me the most is, why can’t I feel them? Why can’t I feel the family? Why can’t I feel their presence?

They gave me almost everything except for one thing: warmth. They just provided me a house but not a home.

Matapos ng argumento sa pagitan ni Travis at Helios ay hindi na iyon nasundan pa. Fortunately, Helios stopped from hurting me. Si Travis naman ay tinawagan ang family nurse upang masuri ako. Isha cried when she learned my situation.

Nawalan ako ng malay ilang segundo pagkatapos makalabas ni Helios sa aking silid. Nang magising ako ay may dextrose na ako sa kamay. Out of exhaustion, my body gave up on me. Buong araw akong tulog at nang magising ako ay pinayuhan ako ng nurse na kumain nang marami.

It took me two weeks to get fully recovered physically. I’ve been staying in my room for the whole duration. I didn’t come with the twin when they told me they’ll take care of me in their unit. I just stayed in the house… scared that if I’ll go out, someone will come and hurt me again…

After a couple of weeks of staying in the house, I noticed the changes in the atmosphere. They became more silent than usual, causing me to think negatively. I knew how disappointed Dad at me. How mad he is. How much he wanted to confront me about who’s the father of my unborn child. Wala akong sinabi. Hindi ako nagsalita. Wala akong maipakilalang tatay ng magiging anak ko.

Days turned into weeks and weeks turned into months. Ilang buwan na akong hindi pumapasok sa iskuwela sa takot na maulit muli ang nangyari no’ng nakaraan. Mabuti na lang at nagpadala ng weekly professor ang school para hindi ako mapag-iwanan sa klase. Alam ko ring kagagawan iyon ni Travis para hindi masayang ang pag-aaral ko. They also sent a psychiatrist to help me. At first, I dislike the idea of it. But because of a couple of insisting from my siblings, pumayag na rin ako. Tinantanan na rin ako ni Isha matapos niya akong mapapayag.

“Are you really sure, Sunny?” Isha asked as she caressed my hair. Napatungo ako at kinagat ang ibabang labi. I pinched myself as I felt my tears trying to come out from my eyes.

Umiling ako. “I-I’m scared…” amin ko sa totoo. We talked about the abortion of the baby and my decision with it. Sa totoo lang ay hindi ko pa alam. Natatakot pa rin ako.

Isha immediately hugged me. “Puwede mo namang hindi iyon gawin. We’ll take care of the baby once he comes out… You don’t have to do it if you’re scared,” malambing niyang saad at hinalikan ako sa ulo.

I looked at her with teary eyes. “C-can you come with me? I wanna look at the baby first… Then I’ll think about if… if…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumango siya.

She smiled and pulled out her phone from her pocket and texted someone. “I’ve texted Sin to set us an appointment. Tomorrow we’ll leave, okay?”

Napalunok ako. “S-si… Daddy…”

“Don’t think about that old man. I can handle him. And…” Lumikot ang kaniyang mga mata. “Ah, basta.” She giggled. Bulol pa rin siya hanggang ngayon ‘pag nagtatagalog pero mas humusay siya ngayon kumpara noon.

I nodded and smiled a bit before I yawned. “I’m sleepy…”

“Oh, it’s still early. You haven’t eaten for dinner pa.” Ngumuso siya. “Eat ka muna then you sleep pagkatapos, okay?”

Tumango na lang ako kahit na antok na antok na talaga ako. Humiga ako sa kama at tumagilid. Nasa likuran ko siya at marahang minamasahe ang ulo ko.

“You want some milk?” I heard her ask.

Umiling ako at pumikit. “Just water…” I murmured.

“Okay. Magpapatawag na lang ako ng kasambahay para iakyat ang dinner mo.”

“Hmm… Thank you, Isha…”

Naramdaman kong umusog siya papalapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. She kissed me on my cheek. “Sunny?” she called.

“Hmm?”

“Do you want to share something to me? You know I’m always here to listen… We may not be that close to share our secrets together but always remember we’re sisters, okay? I’m your ate…” mahina niyang sabi. “You can always count on me.”

Napangiti ako. “Thank you…” I muttered, indirectly dismissing her.

Nagbuntong-hininga siya. “May masakit ba sa ‘yo? Masama ba ang pakiramdam mo ngayon? Do you want me to call our doctor, hmm?”

“No… I’m okay. Pagod lang ako.”

“Are you sure?” she worriedly asked.

“Yes.”

Sandali siyang hindi umimik bago humugot ng malalim na hininga at umalis sa kama. “I’ll be back. Kukunin ko lang yung pillow ko para tabi tayo matulog tonight.”

Nang makaalis na siya ay inabala ko naman ang sarili sa pag-iisip ng maraming bagay. Iniisip ko ang kinabukasan ko kung sakaling ipagpapatuloy ko itong pagbubuntis ko. Ang mga posibilidad na mangyayari. I’m scared to admit it but I already love this child inside me.

What if magbago ang isipan ni Icarus at panagutan kami? What if nabigla lang siya kaya niya nasabi ang mga sinabi niya no’ng gabing iyon? What if he didn’t really mean what he said?

Sobrang dami ng mga what-ifs sa isip ko. Simula nang araw na sabihin niya iyon ay hindi na kami muling nagkita pa. It’s already been months. Hindi ko na rin ipinagpilitan ang sarili ko kaka-contact sa kaniya dahil ni isang beses ay hindi niya naman ako ni-reply-an.

Marami akong tanong sa kaniya. Marami akong gustong isumbat. Gusto ko siyang murahin at saktan din pabalik. Gusto kong ibuhos sa kaniya iyong galit, sakit, at sama ng loob na idinulot niya sa akin.

Hindi ko man aminin pero umaasa pa rin ako sa mga pangako niya dati. Iyong mga pangako niyang hindi niya ako iiwanan at nandiyan lang siya palagi sa akin. Umaasa akong maalala niya iyon at pupuntahan niya ako rito para bawiin iyong mga sinabi niya.

Pero naghintay lang ako sa wala. Ilang beses akong umiyak dahil sa sama ng loob. What a jerk! After he impregnated me, he’ll just dump me as if I am just a trash blocking his way?! How dare him! How dare him abandon me and our baby? How dare him ignore me?

Napuno ng galit ang puso ko at nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Bago pa man iyon pumatak ay mariin ko nang ipinikit ang mga mata at pinigilan iyon.

Naalala ko iyong mga panahon na bata pa ako. Iyong mga kantyawan at panunuya na natanggap ko mula sa mga kaklase at kababata dahil sa pagiging anak sa labas. Iyong mga pam-bu-bully na natanggap ko dahil hindi ako tunay na anak ni Papa. At iyong sakit dahil hindi ako tanggap ni Daddy.

Bata pa lang ako, napuno na ako sa mga agam-agam sa sarili at sa paligid ko. Napuno na ako sa bully na natatanggap dahil sa maling desisyon ng mga magulang ko. I was bullied because my mother was a maiden when she had me tapos hindi pinanagutan ng nakabuntis.

I often hear our neighbours back then gossiping about my mother because of her status. Na kaya raw siya nabuntis ay dahil malandi, makati, at kung ano-ano pa. May kumakalat din kasing tsismis dati na naging kabit siya kaya ako nabuo. And because of that, kids omy age often bully me…

At ayaw kong maranasan iyon ng magiging anak ko. I don’t want my child to experience the same pain I got every single day of my life. I don’t want my child to experience the cruelty of the world. I don’t want my child to think that the reason why he had not had a father beside him is that he’s just a mistake. As much as possible, I want him to have the complete family he deserves.

But it’s impossible…

“ARE YOU ready?” I heard the OB said with a warm smile etched on her lips.

I flashed a nervous yet sure fire curve on my lips and nodded my head. “Y-yes…”

This is it. Hindi na ako maaaring mag-back out dito. This is now or never. Whatever the consequences might be, I’ll face it.

Think positively, Sunshine.

Kung hahayaan kong maging batang ina ang sarili, hindi lamang ako ang maghihirap. The child would suffer, too. Hindi siya tanggap ng ama niya. Wala akong pera para buhayin siya. Wala pa akong nararating sa buhay. Kung… kung nasa tamang edad lamang ako ngayon, hindi ko ito gagawin.

Napalunok ako. Kinakabahan ako at nagdadalawang isip. 

No, Sunshine. Think about the possibilities kung ipagpapatuloy mo ‘to. Maraming batang walang makain ngayon at hindi makapag-aral dahil walang pera ang kanilang mga magulang. Do you want that to happen on your child, too? Maraming batang natatapon sa bahay-ampunan dahil hindi kayang palakihin ng kanilang mga magulang dahil nabuntis din ang iba sa mga ito nang maaga.

Kawawa ang bata kung sakaling ipagpatuloy ko ang pagbubuntis. I don’t have a father to give. Wala akong pamilyang maibibigay sa kaniya. Wala akong magandang buhay na maibibigay.

My mind and my heart were arguing. The one says to do it and the other one says not to do so.

“I’ll ask you again. Sigurado ka ba sa desisyon mo?” she once asked.

We were inside a clinic Isha and Sinon brought me to. Nasa labas lang sila dahil hindi ako pumayag na magpasama sa loob. Natatakot akong makita nila akong mahina sa panahong ito.

Napatungo ako at kinagat ang ibabang labi. I pinched my hand hardly to subdue the sob wanting to go out from my throat.

Natatakot ako…

“C-can… I see it first? I-I wanna look at the baby…” nanginginig kong sabi.

She smiled a bit. “Sure.”

I was wearing a hospital gown when she assisted me to lay down on the bed. Naiilang ako at natatakot pero kailangan kong gawin ito.

“I’ll put a probe on your vagina to see the baby, alright?” she informed.

“M-masakit ba?”

“No, honey… It’ll feel a li’l bit uncomfortable but rest assured it won’t hurt you, okay?”

I relaxed. “O-okay…”

Pinabuka niya ang aking hita. It felt quite awkward since wala pa namang ibang nakakakita ng pribadong parte ng katawan ko kun’di ako lamang at si Icarus. Medyo nahihiya pa ako noong una ngunit ngumiti lamang siya sa akin.

I bit my lip when she put something inside me. “There.”

She quickly went beside me to check the monitor. Nanatili naman akong tahimik habang hinihintay siyang may sabihin.

My heartbeat fasted its pace. Nervousness filled my whole system. Ilang beses akong napalunok upang maibsan ang nerbyos at takot sa aking sistema. But along with it, nakaramdam din ako ng excitement.

I’m excited to see the baby…

“Here’s the baby!” the doctor enthusiastically cheered.

Napapikit ako nang mariin at napahugot ng malalim na hininga bago ko dahan-dahan iyong nilingon.

Para namang may humaplos sa puso ko nang masilayan iyon. I looked at the monitor where I could see a tiny human moving a bit. It was so small yet the body of a baby was already formed. My lips quivered as my eyes started to water.

“Do you wanna know the sex, honey?” I heard her ask.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman. Hindi ko maiiwas ang tingin ko sa monitor habang ang kamay ko naman ay nasa tiyan ko, marahan iyong hinihimas. “M-may I?”

The doctor chuckled and resumed on scanning the monitor. “It’s a beautiful baby girl.”

Napatakip ako sa bibig ko nang umalpas ang hikbi ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga emosyong nasa dibdib. Ang sakit, pagsisisi, at tuwa ay naghahalu-halo.

“How about the h-heartbeat, Doc? Can I hear it?” Nabasag ang boses ko.

Doctor Beriza—Eleazar’s aunt—held the heartbeat monitor and placed it on my belly to find the sound. And the moment I heard my baby’s heartbeat… I lost it. Napahagulgol ako. There was an indescribable happiness that crept into my heart the moment I got to hear it.

“H-how can I be so c-cruel to kill her?” I whispered in the air.

How can I be so cruel to get rid of this innocent angel? How can I be so selfish to abort this baby of mine? How can I be too heartless to kill my very own flesh and blood?

How?

May bata na nabubuhay sa loob ko. Tumitibok ang puso nito. Paano ko magagawang patigilin ito sa pagtibok? Paano ko magagawa iyon kung ang tunog na iyon ay naging paborito ko nang musika?

“I d-don’t think I still can do it, Doc… I don’t know… I don’t wanna kill her…” sabi ko sa gitna ng aking paghikbi.

The doctor smiled at me gently and caressed my cheek, wiping my tears. “I’m glad you’ve changed your mind, hija. Mahirap magbuntis at mahirap maging batang ina. Ngunit ang higit na mas mahirap ay ang pagsisisi sa mga bagay na kailanman ay hindi mo na maibabalik.”

Umiiyak na tumango ako. “S-si Isha… I want her here, Doc…”

“Alright, I’m calling her.”

Hindi naman nagtagal ay pumasok na rin si Isha. Nag-aalala niyang hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang aking luha. “W-what’s wrong, Sunny? Are you hurt?”

Umiling ako. “Get me out of here, please… G-gusto ko nang umalis… Ayoko rito, Isha…”

Niyakap niya ako at hinagod ang aking likuran. “Shh, okay, okay… I’m gonna take you home now. Stop crying na, okay? Stop crying na.”

SEEING the sonogram photo of my baby touched my heart. It gives me the most comfortable feeling I haven’t felt from anyone. No one. There was a contentment filling in my whole being when I got to hear my own child’s heartbeat.

Tears escaped from my eyes when I looked at the sonogram on my palm. There was a tiny angel in it and it is my baby. My child.

I know I am too young for this responsibility, but what choice do I have? Ayokong mawala siya… My baby became my life the moment I saw and hear her. She already has a life. Tumitibok ang puso nito.

“You’ll get through this,” said Sinon. He was rubbing my back and pampering me. Nasa loob kami ng isang restaurant at kumakain. Sa harapan naman namin ay si Isha na nakatingin din sa isang copy ng sonogram ni baby.

“I-I will… I’ll get through this.” Lumamlam ang aking mga mata at pinaglandas ang daliri sa larawan.

Baliw na ‘ata talaga ako. Ang sama-sama ko. Muntik ko nang ipalaglag ang bata. Muntik ko na siyang ipapatay. Muntikan ko na siyang patayin.

“Hush… ‘Wag ka nang umiyak. Sobrang pangit mo na, Araw.”

Umurong ang luha ko. “What?!” I hissed. I became so moody again. It might be because of his offensive remark or dahil sa pagbubuntis ko.

Ngumisi siya sa akin nang nakakaloko. “Totoo naman talaga, ah? Ang pangit mo na. May eye bags ka na nga, sobrang itim pa. Tapos nabawasan ka pa ng timbang, eh, sobrang payat mo na nga dati. Tapos ang buhok mo, ang gulo. Parang walang suklay nang isang taon, nilulumot na sa sobrang tigas.”

“ANO?!” Nanlaki ang mga mata ko tinuran niya.

“Tapos ang putla mo pa. Para kang nakakakita ng multo araw-araw,” pagpapatuloy niya. “Tapos—“

“Fourth, titigil ka o isasaksak ko ito sa bunganga mong pasmado?!” Isha hissed, holding a fork, stopping Sin. “And excuse me, bitch? Araw-araw ko kayang sinusuklayan ang kapatid ko!”

He smiled cheekily and scratched his brow. “‘Di joke lang, bhie.”

She rolled her eyes and crossed her arms. “Kailan ba dadating ang pagkain? Nagugutom na ako,” she complained.

“Wait ka lang, madam. Dadating din ‘yon.”

“Ang tagal, Sinon, ha? Gosh, if I just have known na dito mo kami dadalhin, mabuti pang si Kuya na lang ang kasama namin!”

Ngumuso si Sinon. “Sorna, sweetheart.”

Namula ang mukha ni Isha. “FOURTH!”

Natatawang tumayo si Sinon at tumabi ng upo sa kapatid ko. Inakbayan pa niya ito bago hinalikan sa pisngi. “Tayo naman gagawa ng baby pagka-graduate natin,” rinig kong bulong niya.

Kung may mas pupula pa sa hinog na kamatis ay iyon ngayon ang mukha ni Isha. “Ugh! You’re such a bad influence talaga sa mind ko! You’re annoying!”

“What? Anong annoying doon? Sure na akong ikaw ang magiging nanay ng mga anak ko, Trisha Angeline. Ikaw lang,” he said, the seriousness was evident in his voice. “At ikaw lang din ang nag-iisang babaeng pakakasalan at mamahalin ko habang buhay.”

Napipilan si Isha at halatang hindi alam ang sasabihin. Nakaawang ang labi nito at namumula ang mukha. “Aww…” Her eyes softened as she smiled sweetly.

The corner of Sinon’s lips rose up as he smirked. “Kilig ka naman?” Mabilis na nawala ang ngiti ng kapatid ko at nasapak si Sinon.

I was just watching them in awe. Really, good thing comes to those who wait. Who would’ve have thought that these two person in front of me were once broken individuals who both found love while they’re in the middle of battling with their own pain and struggles?

Nagsalubong ang mga kilay ko bigla. Pakiramdam ko ay may nakatigin sa akin. Inilibot ko ang paningin sa paligit at natigilan nang makita ang pamilyar na pigura.

Our eyes instantly met. He smiled at me and waved his hand in a manly way. Umawang ang labi ko nang makilala siya.

Harper…

Napangiti ako at kumaway pabalik. Hindi ko inaakalang makikita ko siya ngayon. Ilang buwan na rin simula nang huli naming pagkikita at hindi na iyon naulit pa. Our engagement was also stopped. Hindi na iyon inungkat pang muli ni Helios sa akin at sa tingin ko’y payag na rin ito.

May kasamang siyang babae ngayon na sa tingin ko ay girlfriend niya. But then again, I remembered, he doesn’t do girlfriend stuff. I forgot he’s a notorious playboy and fuckboy in this city. He sees every woman as a fetish he wants to fuck.

Napailing ako at napangisi sa naisip. He may be like that but I knew he’s a good man. It is so rare nowadays to see a man standing up for the rights of every woman and child out there. Madalas ay kaparehong babae lamang ang naglalayon na matugunan ang hindi patas na pagtrato sa mga kababaihan ngayon.

I bit my bottom lip and averted his gaze when the waitress delivered our food. Maganang kumain ang dalawa. Paano ba naman ay laging sinusubuan ni Sinon ang kapatid ko. Napaka-PDA nila. And I, on the other hand, was barely eating. Wala akong gana pero pinipilit ko ang sariling kumain para lang magkaroon ng laman ang tiyan ko. I needed to have strength for the both of us. Kailangang healthy ako at si baby.

MATAPOS naming kumain ay nagkayayaan kami ni Isha na mamili ng mga gamit ni baby. Tinawagan niya rin si Quinn upang papuntahin para samahan kami. Mabuti na lang at hindi iyon tumanggi.

We bought some cute dresses for the baby and the swaddling clothes. May mga laruan din kaming binili. The excitement filled my chest as I imagined my child wearing and playing those things. Hindi ganoon karami ang binili namin dahil sobrang aga pa naman para paghandaan ang paglabas niya. I also attempted to buy a crib for the baby but I was contemplating, too. Baka kasi sobrang maaga pa para bumili nito?

“Do you want to have it, Sunny? This one’s good.” Trisha stood beside me while I was busy scanning the baby’s crib.

Kulay pale pink ito at sobrang ganda sa mata. Malinis at halatang matibay ang pagkakagawa. I imagined my baby lying in this crib while giggling at me. Napangiti ako at napahawak sa manipis kong tiyan.

“Sa susunod na lang siguro. Feeling ko, ang aga pa, eh,” saad ko.

“What? Sayang naman. Kuhanin na lang natin!” she insisted and shook her head in disapproval. “We’ll take this. May spare room naman doon sa second floor na katabi ng room mo. Doon tayo gagawa ng nursery room ni baby!” excited na aniya.

Umiling ako at malungkot na napangiti. “Dad will get mad… I disappointed him.”

She sighed and cupped my face to make me look at her. “He’s just disappointed but he’s not mad. Trust me…”

Nagbaba ako ng tingin. Alam kong pagpapalubag-loob lamang iyon ni Trisha. Galit sa akin si Daddy dahil sa pagpapahiya ko sa kaniyang pangalan. Galit siya dahil sa kahihiyang dinala ko. Galit siya dahil isa akong kahihiyan sa pamilya.

Ngumiti ako nang mapakla at tumango na lamang upang sumang-ayon sa nais ni Trisha na bilhin ang crib. I know she’s excited as I am. Halata sa kaniyang mga mata ang galak sa tuwing tinitingnan niya ang mga gamit ng pambata.

I would just smile everytime Isha and Sinon will tease each other about their future kids. Si Quinn naman ay panay irap sa akin sa tuwing may ipinapakita siya sa aking gamit. Ngumunguso pa siya sa tuwing kumakausap sa akin.

After namin matapos sa pamimili ay umuwi na rin kami ng bahay. Wala si Helios ngayon dahil sa trabaho kaya naman hindi ako nailang nang iakyat ng mga worker ang crib sa itaas. Sinabi kong doon na lang sa kwarto ko ilalagay dahil nahihiya akong gamitin ang isang kwarto para sa bata. Malaki naman ang kwarto ko kaya kasyang-kasya kung maglalagay ako ng ilang gamit doon. Kasing laki ng kwarto ko ang mga kwarto ng mga kapatid ko. Lahat ng meron sila ay meron din ako, pwera na lang siguro sa atensyon at pagmamahal.

Nang ako na lang ang natira sa loob ng kwarto ay hindi ko mapigilang mapangiti nang mapakla. He should’ve been here, helping me arrange our baby’s things…

Humiga ako sa kama matapos kong kumain at uminom ng gatas. Nakatihaya ako at hinahaplos ang aking tiyan. Medyo lumalaki na rin ang baby bump ko at mahahalata na nagdadalang tao. Naisip ko ang pagbabalik sa iskuwela upang tapusin ang natitirang buwan ko bilang senior high.

Ayos lang sa akin ang hindi makatanggap ng recognition ngayong taon at hindi makuha ang referral ng school namin patungkol sa exchange student abroad. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay matapos na ang pag-aaral ko ngayong taon para pagkatapos kong manganak ay diretso na ako sa college, hindi na poproblemahin pa ang naiwang patlang.

KINABUKASAN agad ay lumabas ako ng bahay upang asikasuhin ang mga papeles ng mga ari-arian ni Papa. Malapit na ang birthday ko kung kaya’t pinaghahandaan ko na ito. Good thing na may attorney si Papa na nakahanda sa araw na ito.

So, he really planned it all along. Iyong pagpapakamatay niya… at hanggang ngayon sa kinakaharap.

Matapos kong makipag-usap kay attorney ay pumunta muna ako sa sementeryo upang bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Their tombs were clean and there were fresh flowers above it. Dinampot ko iyon at binasa ang sulat kamay ng kapatid ko sa isang papel.

I miss you, ‘Ma, ‘Pa…

Napailing ako at naisip ang kalagayan ng kapatid ko ngayon. Alam kong naghihirap din siya sa sitwasyon namin. I wanted to be with him but he, himself, already distanced away from me. I know because I can feel it.

“Mama, Papa…” panimula ko habang pinapasadahan ng daliri ko ang kanilang mga puntod. “I’m so sorry for everything po…”

I sighed deeply. “I know na-disappoint ko rin kayo dahil sa mga maling desisyong nagawa ko. Alam kong hindi niyo nagustuhan ang mga pinanggagagawa ko sa buhay ko… And I am so sorry, Mama, Papa…”

Umihip nang malakas ang hangin at tumama iyon sa aking pisngi, doon ko lang din napagtanto na umiiyak na pala ako.

“Mahal na mahal ko po kayo… ‘Ma, I’m sorry kung maaga kang kinuha ng Diyos dahil sa akin. I’m so sorry. Kung hindi sana dahil sa akin, buhay ka pa sana ngayon…” Pumiyok ang boses ko. “P-papa…I’m so sorry for lying po. Sorry kung nilihim ko sa ‘yo iyong secret namin ni Mama… I just don’t want you to get hurt that’s why I kept that secret. I didn’t mean it. I’m so sorry…”

Huminga ako nang malalim bago iyon pinakawalan nang dahan-dahan. Tumingala ako sa langit at hinayaan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Umihip muli ang hangin. Napangiti ako nang maisip na presensya nila iyon.

I would’ve been creeping out at this moment but instead, I found peace during this time.

“I love you…” bulong ko sa hangin.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

5.7K 158 24
Ahtisa Cherry is the definition of your perfect daughter with a perfect life. She has everything she wants, Love life, Beautiful Face, Richness, and...
4.6K 85 23
Bella Swan has two younger twin siblings that she just doesn't like but oddly enough are liked by others.
70.9K 2.2K 27
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...