TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

By Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 28

14.7K 390 9
By Summer_Alli


Jessica

KAGAGALING ko lang sa learning session ng makarating ako sa bahay ni sir Tristan. Naabutan ko pa si Calex na saktong papasok na ng gate ng bahay nito. Natigil ito sa tangkang pagpasok sa gate no'ng makita ako nito. Agad ako nitong sinalubong ng ngiti at yakap. Matagal-tagal na rin kasi kami nitong hindi nagkikita dahil naging busy ako sa mga learning session ko.

"Oh my gosh! Kumusta na, beks? Hindi kana tumatambay sa bahay a" wika pa nito na bahagyang lumayo mula sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabila kong balikat at pinakatitigan ang kabuuan ko. "Pak na pak! Still beautiful, beks" Dagdag pa nito bago ako hinalik-halikan sa pisngi. Natawa naman ako dahil doon.

"What the hell are you doing, man?" Singit ng isang boses mula sa aking likuran.

Natigil naman sa ginagawa nito si Calex at bahagyang lumayo sa akin. Ngumiti pa ito na para bang kinikilig. Ako naman ay kinakabahan na nilingon si sir Tristan dahil tulad ng aking inaasahan ay nakakunot na naman ang noo nito. Binigyan ko ito ng isang alanganing ngiti.

"A-ah kasi sir-----"

"Stay away from my girl, man" seryoso ang boses na baling naman ni sir Tristan kay Calex.

"W-what? Y-your girl? Y-you mean girlfriend mo si beks?" Baling naman sa akin ni Calex na ngayon ay nakamulaga ang mga mata. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa amin ni sir Tristan.

Napansin ko naman na parang naguguluhan si sir sa nangyayari. Pinandilatan ako ng mata ni Calex. Ngumiti naman ako dito at nag-peace sign.

"Sinulot mo sa akin si Fapa Tristan, bakla ka?" Nakapamaywang na tanong pa sa akin ni Calex. Napakagat-labi pa ito na para bang gusto ako nitong tirisin ngayon.

"S-sorry, beks" Nakayuko at naka-peace sign na paumanhin ko naman dito.

"What's going on?" Seryoso naman na tanong ni sir Tristan. Napatingin ako dito. Ngayon ay nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Calex. Ngumiti ako dito ng malawak.

"M-may gusto siya sayo, sir" sagot ko dito na itinuro pa si Calex. Napakunot-noo na naman ito.

"What do you mean?"

"I'm sireyna!" Sagot naman ni Calex na nag-pose pa. Muntik pa tuloy akong matawa dahil doon. Narinig ko naman ang pag-asik ni sir Tristan.

Ngayon ay nandito kami ni Calex sa may sala. Hindi ko maiwasang mailang dahil kanina pa ako nito pinagmamasdan. Si sir Tristan naman ay tumuloy na sa kwarto nito matapos nitong malaman na bakla si Calex at hinayaan nalang kami na makapag-usap.

Isa pa sa iniisip ko ngayon ay ang tampuhan namin ni sir Tristan. Simula kasi kahapon noong dumating si Sebastian at tita Trini ay hindi pa rin ako nito masyadong pinapansin. Wala na dito ngayon si Sebastian dahil umalis na rin naman ito kahapon kasama ni tita Trini. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Magkaaway ba kayo ngayon ng jowa mo?" Tanong bigla ni Calex. Napatingin naman ako dito. Ngayon ay kinakain na nito ang inihanda kong cookies. 

"Hindi kana sa akin galit?" Nakangiti na tanong ko dito. Inirapan naman ako nito.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? E jowa mo na ang Fapa Tristan ko. I'm your bestfriend so gora! Support kita, beks" sagot nito na ikinatuwa ko. "P-pero kapag nagsawa kana sa kanya, share mo nalang sa akin" Dagdag pa nito bago uminom ng juice na tinimpla ko dito. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Wala ako balak ibigay siya sayo 'no!" Nakairap na wika ko naman dito. Narinig ko naman ang pagtawa nito. 

"Haha just kidding, beks" Agad naman nitong bawi. Sinamaan ko naman itong lalo ng tingin. "Don't look me that way, baka mamaya agawan talaga kita diyan" Pananakot pa nito sa akin.

Iniiwas ko nalang ang tingin ko dito. Napabuntong-hininga na naman ako ng maalala ko na hindi pa rin kami ayos ngayon ni sir Tristan.

"Don't think too much, beks. Sa tingin ko naman ay mahal ka talaga ni Fapa Tristan. Baka kailangan niya lang ng lambing mo" wika pa ni Calex na ikinatingin ko dito. Ngumiti ito sa akin na nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Ngumiti din ako dito.

"Sa tingin mo?"

"Hay nako! Oo beks, ang mga fapables kasi natin minsan ay kailangan lang ng lambing. Sige na, babush na. Hahanap pa ako ng sarili kong Fapables e. Sa tingin ko, magiging busy na ako. See you nalang if I see you" wika ni Calex na tumayo na mula sa pagkakaupo. "Congratulations nga pala" Dagdag pa nito.

––

Nakailang buntong-hininga muna ako bago ko naisipang katukin ang pinto ng kwarto ni sir Tristan. Naisipan ko kasi na sundin ang payo ni Calex. Susubukan kong lambingin si sir para mawala ang tampo nito sa akin. Kinakabahan na nagpakawala ulit ako ng hininga.

"L-love?" Tawag ko pa kay sir mula sa loob. Naramdaman ko pa ang pamumula ng aking pisngi dahil hindi pa naman ako sanay na tawagin itong love. Napakunot-noo ako ng wala akong narinig na anumang reaksiyon mula sa loob. "Sir, nandiyan ka po ba sa loob?" Tawag ko pa dito pero katulad kanina ay wala pa rin akong narinig na anumang reaksiyon mula sa loob.

Hinawakan ko ang seradura ng pinto at napakunot-noo no'ng malaman ko na bukas pala ang kwarto nito. Naisipan ko nalang ang pumasok roon.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ni sir ay agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto nito para hanapin ito. Nasaan kaya si sir?

Nakarinig ako ng mga lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya inilapag ko muna sa naroong lamesa ang dala kong heart cookies na ginawa ko para dito. Napangiti ako dahil sigurado akong magugustuhan nito iyon.

Naglakad ako palapit sa may banyo. Bahagya pa akong natigilan no'ng saktong bumukas ang pinto niyon at lumabas mula roon si sir Tristan na bagong ligo.

Natigilan din si sir sa pagpupunas ng tuwalya sa basa nitong buhok. Napalunok-laway pa ako no'ng mapansin ko na nakatapis lang ito ngayon ng tuwalya. Nahuli ko pang napangiti si sir Tristan na lalong nagpatulala sa akin dahil naging mas gwapo ito sa aking paningin. Ang landi mo Jessica? Bumaling ni sir sa lamesa na nasa gilid ng kama nito.

"Did you do that for me?" Tanong nito sa akin na ipinagpatuloy na ulit ang pagpupunas sa basa nitong buhok na para bang wala ako sa harapan nito. Tumango-tango naman ako dahil alam ko naman na 'yung heart cookies ang tinutukoy nito.

"H-hindi kana ba galit sa akin, s-sir?" Tanong ko naman dito habang nakatingala at nakatingin sa mga mata nito.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko no'ng sumilay ang maganda nitong ngiti. Pakiramdam ko ay lalo akong nahuhulog dito. Natawa ng mahina si sir bago nito bahagyang ginulo ang buhok ko dahilan para mapayuko ako at mapatingin sa tiyan nito. Napamulaga ako ng makita ko ang anim na bukol sa may tiyan nito.

"I'm not mad, love. I just-----"

"A-ano ito, sir? B-bakit may bukol ka dito?" Putol ko sa sinasabi nito na dinama pa ang bukol sa may tiyan nito. Naramdaman ko na matigas iyon kaya lalo akong nahiwagaan. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni sir na ikinatingin ko dito ng masama.

"Pervert" Natatawa na wika pa nito na nagpakunot sa aking noo.

"B-bakit ka tumatawa diyan, s-sir? Baka mamaya may sakit ka pala sa tiyan kaya may bukol ka diyan tapos anim pa siya, sir. H-hindi ka ba-----"

"Pandesal 'yan, love" Putol ni sir sa sinasabi ko na hindi pa rin mawala ang pagkakangiti. Naguluhan naman ako bigla sa sinabi nito.

"P-pandesal? Kung gano'n, pwede siya makain, sir?" Inosente na tanong ko pa dito.

Napansin ko na biglang namula ang pisngi ni sir at parang bigla itong natigilan. Naguguluhan na hinintay ko naman ang sagot nito.

"What the?" Reaksiyon nito no'ng matauhan ito. Natawa pa ito ng mahina bago ngumiti sa akin ng nakakaloko. "Y-yes, love. You can taste it if you want" Dagdag pa nito. Naramdaman ko bigla ang pag-iinit ng aking pisngi kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito.

"Huh?"

"Damn! You are still my innocent girl" wika naman nito bigla bago ako niyakap ng mahigpit. Bahagya akong nailang dahil sa hubad nitong katawan. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa ulo ko. "You make me fall for you everyday, love" Bulong pa nito sa akin na ikinangiti ko. Yumakap din ako dito pabalik.

"My boyfriend and his maid, what a perfect scene! Congratulations slut!" Pukaw bigla sa amin ng isang boses mula sa may pintuan.

Napabitaw kami bigla ni sir sa isa't-isa at sabay na napalingon sa may pintuan. Sa tingin ko ay sabay rin kaming napakunot-noo no'ng makita namin kung sino ang naroon.

"What are you doing here, Bianca?"

🌻 Thank you for reading my summies! Malapit na po matapos ang His Maporma Maid so goodluck 😁 Marami pong salamat sa lahat ng nag-ko-comment at nagvovotes, natutuwa ako sa inyo! Nakaka-inspire kayo! 😰😰 Thank you thank you! ☺😌 Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
90K 2.4K 52
Si Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging a...
32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022