Bachelor Daddy (Rewritten)

By JuanCaloyAC

2.1M 43.4K 7.4K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng k... More

Welcome Hindots!
Suarez Next Gen Timeline
#BDPrologue
#BDChapter1
#BDChapter2
#BDChapter3
#BDChapter4
#BDChapter5
#BDChapter6
#BDChapter8
#BDChapter9
#BDChapter10
#BDChapter11
#BDChapter12
#BDChapter13
#BDChapter14
#BDChapter15
#BDChapter16
#BDChapter17
#BDChapter18
#BDChapter19
#BDChapter20
#BDChapter21
#BDChapter22
#BDChapter23
#BDChapter24
#BDChapter25
#BDChapter26
#BDChapter27
#BDChapter28
#BDChapter29
#BDChapter30
#BDFinale
#BDBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BDChapter7

59.2K 1.3K 263
By JuanCaloyAC

Another day, another day para magpaka-alila tayo sa salapi dahil wala tayong generational wealth. Sa cashier na naman ako nakatoka ngayong araw. Lagi kaming salitan ni Carmi sa pagiging barista at kahera. Si Ken kasi ang taga-linis at bantay sa floor.

Bumukas na ang pinto at kahit hindi ko tignan kung sino 'yon, sa amoy pa lang niya ay kilala ko na siya. Ini-angat ko ang tingin ko sa kanya ng huminto siya sa harap ko.

"One---"

"---Espresso Macchiato." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya.

Kita kong napa-oh ang bibig niya. Napaka-basic naman makabisado ang gusto niya. Wala ba 'tong ibang alam na kape?! Paulit-ulit na lang ang espresso macchiato na order niya. Sabagay, sana ganyan din siya sa relasyon. Pero hindi, kasi may nangyari sa amin noong bachelor party niya.

"Anything else, sir?" Tanong ko pa sa kanya. Baka bet mong taasan ang sales namin. May mga pastries kami. Mayaman ka naman. Emz!

"Just..." Sambit niya na pinutol pa ang gustong sabihin. "I mean, thank you for last night."

Napakurap-kurap ang mga mata ko sa sinabi niya. Kita ko rin sa peripheral vision ko na napatingin si Carmi sa amin. Bakit kailangan pa niyang sabihin iyon?! Nakaka-eskandalo naman ang pagpapasalamat niya dahil CEO siya at ako ay hamak na barista! Mamaya kung ano ang isipin nila sa 'last night' na sinabi niya!

"150 pesos, sir." Pagpapalit ko ng topic para mabura lang ang sinabi niya.

Tinignan naman niya ako ng walang kagana-gana bago i-abot ang card niya sa akin. Pesteng card na 'to, ang daming naganap sa amin kagabi! Okay lang, nalibre naman ako ng dinner.

Kinuha ko na ang cup para i-note ang order niya pero hindi ko alam kung bakit ko linagyan ng smiley: Sir Elijah :) Hayy, pagod kasi siya kagabi so baka makatulong ang smiley. Saka, pa-thank you ko na rin sa libreng buchi na nagustuhan ni Uno.

Ini-abot ko na kay Carmi ang cup na binigyan ako ng mapang-asar na ngiti dahil may chismis na naman na nakuha. Napailing na lang ako at ini-swipe ang card ni Mr. Elijah bago ito ibalik sa kanya. Lumapit naman siya kay Carmi para kunin ang order niya.

Naglalakad na siya papalabas nang napahinto siya sa gitna habang tinititigan ang cup. Kunot-noo niya akong nilingon. Ako naman ay nag-iwas ng tingin.

Parang smiley lang. Baka kiligin na siya kung heart na ang ilagay ko. Emz!

Kita ko pa sa peripheral vision ko na naglakad na siya palabas ng store. Nakahinga ako doon nang maluwag. Nakaka-panghina talaga ang presensiya niya. Sinasakop niya ang buong pagkatao ko.

Kinakabahan na ako sa mga babaeng mapapaligid kay Uno kung sakaling magbinata 'tong anak ko at mag-mana sa ama niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana sa tito na lang niya, e isa ring babaero itong si Mr. Eliot. Hayy, wala na bang ibang kapatid na lalake itong si Mr. Elijah?

Lumapit naman sa akin si Carmi at binangga niya ang balakang niya sa balakang ko. "Oy, bakit may pa thank you for last night? Ang sabi mo, ibabalik mo lang iyong card niya. Bakit parang nagamit niyo ang SOGO loyalty card mo?"

"Gaga!" Singhal ko kay Carmi. Habang patagal talaga nang patagal ay parang kasama ko rin si Mimi. "May ini-utos lang siya sa akin kaya nagpasalamat siya. Nakatulog na kasi siya pagbalik ko." Pagdadahilan ko na lang.

Tinignan naman niya ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "E, bakit may pa-smiley? Crush mo na, 'no? Hindi naman kita masisisi, si Sir Elijah Villavicencio lang naman ang most eligible bachelor ngayon."

Tinignan ko naman si Carmi. Ano'ng pinagsasabi niyang crush? Ano ako high school?! Saka, hindi na siya ang most eligible bachelor dapat dahil may anak na siya! Pero syempre, ako lang ang may alam ng sikretong ito.

"Ano ka ba, kita mo naman na laging naka-busangot ang mukha ni Mr. Elijah. Saka, mukha siyang stress lagi. Kaya linagyan ko ng smiley ang cup niya para naman matuto siyang ngumiti, at gumaan naman ang araw niya." Pagdadahilan ko na lang.

"Hmmm..." Sagot ni Carmi na hindi talaga naniniwala sa sinasagot ko. "Pero aminin mo, gwapo talaga siya at papable. Silang triplets talaga. Kaya lahat ng empleyado rito ay kinikilig kapag nakaka-salubong sila."

Triplets?

Napataas ang kilay ko. Hindi twins? "Sino 'yong isa? Ang akala ko si Mr. Elijah at Mr. Eliot lang."

"Ah, hindi mo kasi makikita rito 'yong isa lagi. Si Sir Elias. Dalawa kasi ang trabaho n'on sa pagkaka-alam ko. Kaya laging hati ang oras niya. Sa tatlo, siya ang halos mailap sa mga tao pero mabait naman siya kapag kausap mo." Pagku-kwento pa ni Carmi.

Ngayon ko lang nalaman na triplets pala sila. Ang alam ko, si Mr. Elijah ang panganay. Ayoko na sanang malaman ang tungkol sa pamilya niya dahil hindi naman kami magiging parte n'on ni Uno. Iyong impormasyon lang talaga ang lumalapit sa akin.

"Magkakahawig talaga silang tatlo pero n'ong baby pa sila halos magka-kamukha talaga sila. As in parang mga pinagbiyak na mga bunga." Pagpapatuloy pa ni Carmi.

Napatango naman ako sa kanya. Ang dami naman nitong alam sa pamilya ni Mr. Elijah. Ganoon ba ka-publicize ang buhay niya na hindi ko man lang magawang basahin para naman may alam ako sa kung sino ba talag ang papa ni Uno.

"Pa'no mo alam? Kasama ka nila sa paglaki?" Asar ko naman sa kanya.

Tumawa naman si Carmi sabay hampas sa balikat ko. "Gaga! Nakita ko lang sa magazine! May interview kasi siya sa isang magazine bago maging CEO ng Suarez-Villavicencio Enterprise. Syempre, gusto rin namin makilala kung sino ang bagong CEO dahil sobrang bait ng lolo niya, iyong dating CEO na si Sir Jake Suarez."

Jake Suarez? Kaya pala naging Suarez-Villavicencio ang pangalan ng kumpanya. Ang dami ko ng nalalaman sa pamilya ng papa ni Uno. Mas lalo tuloy akong nanliliit sa sarili ko. Paano kaya nila tatanggapin kapag nalaman nila ang tungkol kay Uno? Hay, mas mabuti pang h'wag na lang.

Bigla namang tumalikod si Carmi sabay naglakad papunta sa isang istante ng mga magazine. May kinuha siyang isa bago lumapit sa akin at binuksan ang pahina kung saan kita ang mga batang triplets.

"Iyan sila n'ong baby pa. Ngayon ay kaya na nilang gumawa ng baby!" Sabay tawa ni Carmi.

Oo, dahil iyong isa sa kanila ay may baby sa akin!

Tinitigan ko ang mukha nilang tatlo. Nakadama ako ng kaba at halos magtaasan ang balahibo ko sa batok kasi...ganito rin ang mukha ni Uno n'ong baby pa siya.

Panigurado akong makita lang ni Mr. Elijah si Uno, iisipin niyang kanya ang bata. Natatakot na ako agad sa araw na 'yon. Sana lang talaga, h'wag na silang magtagpo na mag-ama para wala ng gulo pa. Makasarili man, pero ayos na ang buhay namin.

Linipat pa ni Carmi ang pahina at doon ay ang mga larawan nilang tatlo na halos kasing edad nila si Uno. Medyo nagbago na nga ang mga mukha nila pero iyong mukha ni Mr. Elijah ay hindi nalalayo sa mukha ngayon ni Uno.

Hindi maipagkakaila. Mag-amang mag-ama nga sila ni Uno. Hindi talaga pwedeng mag-krus ang landas nilang mag-ama. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ni Mr. Elijah kung sakaling malaman niya ang totoo. Ayokong mawala sa akin si Uno.

Buti na lang ay may dumating ulit na customer kaya natigil kami ni Carmi sa kwentuhan. Habang nasa trabaho ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko si Mr. Elijah. Bakit parang gumagawa ang mundo ng paraan para pagtagpuin kami---sila ni Uno? Okay naman na si Mr. Elijah, okay na rin kami ni Uno. 'Di ba pwedeng hindi na lang niya malaman ang katotohanan?

Muli naman akong napatingin sa pinto ng pumasok si Mr. Eliot at nakangiting naglalakad papunta sa akin. Isa pa 'tong lalakeng ito sa sakit ng ulo ko.

Sa totoo lang ay mas okay ang personality ni Mr. Eliot kesa sa ama ni Uno dahil pala-ngiti ito pero s'yempre, obvious naman na talamak 'tong lalaking ito sa paghahasik ng pamba-babae.

Kailangan ko pa ring mag-ingat sa kanya dahil itong lalaking ito ang pwedeng magsabi kay Mr. Elijah na ako ang stripper sa bachelor party at mas yari ako kapag nalaman nilang may anak ako dahil madali lang sa kanila ang mag-DNA.

"Good morning, Sir." Bati ko sa kanya.

"Hi, Alyssa. One iced caramel macchiato, upside down with two shots of caramel." Order niya.

Nginitian ko na siya at linagyan ng note ang cup niya. "Anything else, sir?"

Ngumisi siya at hindi ko gusto ang ngisi niya. "May smiley ang cup ni kuya. I smell favoritism here, ha?"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil naririnig siya ng mga taong nakapila sa likod niya. Obvious naman kung sino ang 'kuya' na tinutukoy niya. Napalingon din sa akin si Carmi na nagpipigil ng tawa. Kailan ba ako tatantanan ng magkapatid na ito?! At pa'no niya nalaman?! E, ngayon pa lang siya papasok?!

Parang nabasa ni Mr. Eliot ang nasa utak ko dahil linabas niya ang phone niya at pinakita sa akin ang myday ni Mr. Elijah kung saan kuha ang coffee cup na may sulat ko na pangalan niya at may smiley. May caption pa ito na: :).

Hindi ako makapaniwala. Nagma-myday pala 'yong lalakeng 'yon?!

Nginitian ko si Mr. Eliot bago ko dagdagan ng heart sa tabi ng name niya: Sir Eliot <3. Pinakita ko pa ito sa kanya.

"Okay na po, Sir?" Tanong ko pa sa kanya.

Kinagat pa ni Mr. Eliot ang babang labi niya na nagpipigil ng tawa. "Sana may mukha pa ako bukas." Sabay tawa niya.

Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya. Bakit? May mangyayari bang masama sa kanya? Hay, ewan ko sa kanilang magkapatid. Ini-abot ko na lang kay Carmi ang cup bago kunin ang bayad ni Mr. Eliot.

Kumaway pa siya sa akin nang maglakad na siya palabas ng store. Papa G-Shoes, ilayo niyo po ako sa mga Villavicencio. Pero may Villavicencio nga pala sa buhay ko---si Uno. Naka-apelyido lang sa akin pero habangbuhay na akong nakadikit sa Villavicencio.

Buong biyahe ko pauwi ay si Mr. Elijah at Uno lang ang nasa isip ko. Kung ex ko lang siguro si Mr. Elijah, at kung normal na tao lang siya, baka hindi ako ganito katakot na magka-kilala sila. Pero nabuo si Uno sa one night stand, at makapangyarihan siyang lalake. Hindi ko alam kung ano ang posible niyang gawin sa amin ni Uno.

"Mama!" Sigaw agad sa akin ng anak ko nang makita na niya ako.

Bumaba siya sa papag at tumakbo papunta sa akin. Yayakapin ko sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa pinaka-kanto ng rooftop. May tinuturo ang maliit niyang kamay kaya tinignan ko kung ano 'yon.

Isang billboard. Billboard ni Mr. Elijah.

Shuta. Napatingin naman ako kay Uno na nakangiti nang nakatingin sa akin.

"Mama, sabi ng mga kalaro ko sa school, kamukha ko daw 'yong lalakeng 'yon."

Bagsak ang panga ko. Ang chismosa ng mga kalaro mo! Hindi ko alam ang isasagot ko kay Uno. "Ano-ahmm..."

Hindi ko na natapos ang isasagot ko dahil muling nagsalita sa Uno. "Sa kanya po ba ako pinaglihi?"

Nakahinga ako doon ng maluwag. Kala ko ay ang itatanong niya ay kung si Mr. Elijah ba ang tatay niya. Sa dinami-rami ng pwedeng paglagyan ng billboard ni Mr. Elijah, bakit sa kita pa ni Uno! 

"Oo, anak. Kasi sikat siya, e. Crush siya ni mama." Palusot dot com.

Tumango naman si Uno na parang naniwala sa sinabi ko kaya nakahinga pa ako lalo. "Sana makita ko po siya, mama. Artista po ba siya?"

"Ha?" Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya, at lumiliit na rin ang mundo para sa aming tatlo. "Naku, mahihirapan tayo d'yan anak kasi, sikat siya kaya hindi tayo makakalapit sa kanya. Madalang lang natin siyang makikita sa labas dahil pribado silang tao para hindi sila dumugin ng mga fans."

Bumusangot naman si Uno. "Sayang naman po."

Nag-squat naman ako sa harap niya para pumantay sa kanya. "Titigan mo na lang ang mukha niya tutal kita naman mula rito ang billboard niya..." ng ama mo Uno. Kung alam mo lang, kaya magkamukha kayo dahil siya ang ama mo.

Ngumiti naman si Uno. "Gusto ko rin magkaroon ng gan'on kalaking picture, mama."

Wow. Bet pang magka-billboard. "Mahal 'yan, anak. Pang-tronix lang tayo, Uno."

Tumawa naman si Uno. "Okay po. Balang araw po, magkakaroon din po ako ng malaking picture gaya niya."

Barya lang 'yan sa papa mo. E, hindi ka niya kilala.

Pinisil ko na ang pisngi niya at kinarga siya papasok sa loob para makapag-luto na ako ng hapunan.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

368K 8.6K 60
Grayson is a bachelor business man, his a introvert man who were enjoy to be alone rather staying with his friends and cousins. The mysterious guy wh...
1.1M 35.8K 28
Zyle Kevin Villavieja was the eldest son of the President of the Republic of the Philippines, and he shared his father's interest in politics by purs...
6.3K 532 21
Atasha only wants to have a simple college life. Her sole objective is to complete her studies. She doesn't have time for relationships, for her it's...
1.8M 24.3K 43
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 3 of Wild Series Read at your own risk. Si Iyah---nagdalaga na sa piling ng kanyang ate at ng bago...