The Keepers [TKS#1]

De iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... Mai multe

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

25. The Grand Parade

78.7K 2.6K 169
De iamrurumonster

LARA

Natigilan ako dahil halos magkasabay na nag-ayang ihatid ako nina Alvis at Laurent. Anong meron sa dalawang 'to? Naisip ko pa habang nagpabalik-balik ako ng tingin sa kanila. Kaya ko namang bumalik mag-isa sa house of draco dahil ilang hakbang lang naman yun mula sa headmasters house. Napayuko ako, ayokong isipin nilang masyado akong paimportante o may pinapaboran ako sa kanila. Hindi ko naman kasi ugaling mamahiya ng tao saka hindi ako komportableng sa sitwasyon.

"I t-think I should go." Bulong ko habang nakatingin lang sa sementong daraanan ko. Humakbang ako paalis. Malalaking hakbang para mas mabilis akong makalayo sa kanila. I even crossed my fingers wishing neither of them would follow. Nakalang hakbang pa ako palayo hanggang sa narating ko ang lobby ng draco. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong hindi na ako sinundan ng dalawang magulo ang pag-iisip.

Kailangan ko munang magpahinga. Kailangan kong matulog at takasan pansamantala ang dagok sa aking buhay. Saka na ako babawi sa kanila kapag maayos na ang estado ko. Saka na...


***

SILEX

Nagising ako sa ingay ng mga estudyanteng abala sa paghahanda para sa nalalapit na anniversary ng academy. Labing-apat na oras na pala ang lumipas simula nang maidlip ako sa ilalim ng malaking oak tree na nasa pinakadulo ng academy. Mas komportable ako kapag sa damuhan natutulog. Weird pero dun ako masaya. Mag-aalas dos na ng hapon at biglang humilab ang aking tiyan. Gutom na ako. Ang huling kain ko ay noong pabalik pa lang kami ng academy -dalawang pirasong tinapay na baon ni Amber. Kahit papano'y may silbi din yung napakabigat na maleta ni Amber.

Mabilis akong bumangon at naglakad patungong house of Monceros. Uubusin ko lahat ng pagkain sa kusina. Nadatnan ko pang nagkakabit ng mga palamuti at banderitas sa Road of Moondane sina Lara at Alvis habang nasa isang sulok naman si Laurent na tila bad mood. Mukhang nagkakaselosan. Natatawa akong napailing nang lingunin ko uli ang tatlo bago tuluyang naglakad patungong Monceros. Himalang walang maingay na Amber ngayon ah? Nabore tuloy ako. Oo. Napansin kong wala nga si Amber at hindi ko ito nadatnan o nakita man lang sa kahabaan ng daan. Dapat nandoon na yun ngayon kasama nina Lara habang pinapairal na naman ang mga kaalaman niya sa designs. Naalala ko nga pati kuko nito kailangang araw-araw may design. Pampa-good vibes daw. I don't get it...Hanggang ngayon. Nasaan na kaya yun? Wala rin ito sa kusina pati sa lobby ng monceros.

Is she hiding or something? O siya ang punong abala para sa pangangampanya sa labas ng eskwelahan para sa nalalapit na pagdiriwang? I asked my self while eating. For sure hindi na yun mangangailangan ng mikropono sa sobrang ingay. Nang matapos ako sa kantina ay tinawag ako ni Ollyn at Raivenrei na mga kapwa ko taga house of monceros. Kailangan ko daw magtungo sa opisina ni Phobus, ang cute na cute na batang head ng monceros.

Mabilis naman akong nakarating sa opisina ni Phobus. Nasa bungad lang ito ng lobby. Nakabihis na ito ng isang green na ballgown. Ewan, madaming palamuti sa suot niya at pati sa ulo niya. Nagmukha tuloy siyang isang manika. Napakunot ang noo nito nang mapansing nakakunot din ang noo ko habang tinitignan siya.

"Silex?!" Mataas ang tono ng boses nito na parang bata. Hindi ko alam kung galit ito o sobrang excited lang kaya ganun. Mukha itong manika -literal. She has round big blue eyes surrounded by black long eyelashes. She has rosy and chubby cheeks with tiny lips. Itim ang buhok nitong laging may bangs at may dalawang set ng strand ng buhok na nahuhulog mula sa magkabilaang tainga. Napakacute nito na mukhang gumagalaw na laruan lang.

"Phobus? Ano na naman ba?" Angil ko dito. Ganun din ang trato niya sa iba pang mga estudyante ng monceros. Parang kapatid lang. Ayaw niyang tinatawag siyang master o kaya'y pormal. "Is this about Amber again?"

"Yes! At bakit ganyan ang itsura mo? Alas singko magsisimula ang parada at alas siyete naman ang Musa de Cairos." She reminded me habang tinatali nito ang natitirang hibla ng buhok.

"Oh tapos? Phobus naman diretsahin mo na kasi ako. Gagala pa ako kasi mukhang madaming pakulo sa labas." I sounded impatient.

"Oh gosh Silex Silan! Ikaw ang escort ni Amber sa parada! Anong pinagsasabi mong gagala ka ha?" Phobus almost yelled. Nananatili parin itong nakaharap sa malaking salamin habang kausap ang repleksyon ko.

"A-ako? Escort? Ni Amber? Ano na naman bang pakulo ang sinalihan ni Amber at pati tahimik kong buhay ay dinadamay niya?" I waited for her to say she was kidding me like the usual, but I was wrong. "Halah. Phobus, hindi ako sanay humarap sa maraming tao. May stage fear ako!" With all honesty, takot talaga akong humarap sa maraming tao. Kaya todo tanggi ako.

"Arte mo. Anong stage fright ang punagsasabi mo? Hindi ka sasayaw o kakanta sa harap ng maraming tao habang nakasakay sa higanteng float. Tatayo ka lang katabi ni Amber habang kumakaway siya sa mga trivialis at iba pang mamamayan ng Cairos."

"Phobus, ipadala mo na ako sa Garon forest huwag lang sa parade na yan. Natatakot ako!" Tutol ko. Nagmukha akong batang pinipilit ng nanay na sumali sa isang patimpalak kahit ayaw ko. "Please sa iba na lang? Hindi ko hilig ang mga ganyan."

Humarap saakin si Phobus. Kapagka ganun ay galit na ito. Maiksi lang kasi ang pasensya nito. Parang bata lang. "Sasamahan mo si Amber o magpapaliwanag ka kay Mistress Fhaun?"

Lagot na. Damn. Mukhang wala akong lusot. Choose the lesser evil.

"Ano?" Nagitla ako. She was waiting for an instant answer.

"M-magpapaliwanag ako kay m-"

Bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay pumitik na ang mga daliri nito. Magic transformation. Again? Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo nang maramdaman kong ginamitan ako ng kapangyarihan ni Phobus. Tila isang pagpapalit balat ang nangyari nang pitikin niya ang mga daliri. My head was enveloped by neon lights. Tila isa itong taling nakapaikot sa ulo ko hanggang sa nagsimula na itong bumaba. Bawat madaanan ng neon light na yun ay nagtatransform. From head to toe, my outfit was changed. From shabby gray pants, a sweatshirt and sneakers, instantly I was wearing a royal blue suit with a white undershirt and a red bow tie. Damn this queen of transformation. Pati ako binibiktima.

"Sige na. Puntahan mo na ang float na sasakyan niyo ni Amber. Nasa malaking gate yun sa entrada ng academy. Don't make her wait. Alam mo naman ang batang yun, mas maiksi pa saakin ang pasenya. Kaibigan mo yun, kaya kailangan mo siyang samahan kapag nangangailangan siya ng kaibigan." She declared. As if without any form of rebuttal, I was doomed. Pero naisip ko, tama rin naman si Phobus. Para sa pagkakaibigan sige na, haharapin ko na ang stage fright na 'to.

Napakamot na lang ako ng ulo. Wala akong nagawa kundi sundin si Phobus. Naisip ko, kapag sumuway ako, tatlong naglalakihang dragonesa ang nakaantabay at papatay saakin -si Amber, si Mistress Fhaun at si Phobus. Mga babae talaga, sinasabihan kaming control freaks pero sila 'tong ginagawa kaming alipin sa mga kaartehan nila. Tsk tsk tsk.

"Mister Silan, you were saying?" Narinig ko mula sa aking likuran. Impyerno. Shit. Si Mistress Fhaun na mukhang narinig ang iniisip ko.

Napangiti ako paglingon ko. Sakaling umubra ang ngiti ko sa matandang dalaga. "Ah eh, hehehe Mistress Fhaun, si Amber po?"

Tinaasan ako nito ng kilay at pinasadahan ang suot ko mula ulo hanggang paa bago ito nagsalita. "Did Phobus give you this suit? Hmmmm. May taste din pala ang bulinggit na 'yon. Halah, sumakay ka na sa float na nasa pang siyam, yung kulay aquamarine na may mix of black and ice."

Sus! Sana matapos na 'to! Hindi pa lang magsisimula ang parada, nanginginig na ako! Damn! I almost whined habang mabilis na naglalakad patungo sa higanteng float na nasa pang siyam. Bawat isang kandidata pala ng Musa de Cairos ay may sariling float bukod pa sa mga float ng faculty and staff at mga estudyante ng Cairos Academy.

Sa wakas ay narating ko ang Float kung saan kami sasakay ni Amber. Isa iyong higanteng float na pinuno ng yelo at inuulan ng niyebe. May isang malaking elepante namang hihila sa ala winter castle na float. Gawa siguro ni Mistress Fhaun ang falling snow na nasa float lang namin. May nakapwestong trono na gawa sa ice sa gitna nito na napapaligiran ng mga halamang bahagyang natabunan ng niyebe. Napansin kong ang ibang float ay may tema din ng iba pang season gaya ng spring, summer at autumn. Samot sari ang kulay at iba-ibang palamuti na para saakin ay halos magkakaparehas din dahil ako ang dehado sa paradang ito. Pero para kay Amber, sige na nga!

Nakatayo na ako sa tabi ng tronong uupuan ni Amber nang ilang saglit pa ay unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kalakok. Napuno na rin ang float ng mga preceptors. Napansin kong wala si Master Uran. Marahil ay abala ito sa ibang bagay.

Then, I saw Amber from afar. She was wearing a blue gown that perfectly revealed her curves. Hapit na hapit ito sa balingkinitan niyang katawan. Her hair was pulled up like a bun revealing her flawlessly sexy skin. Napalunok ako habang nakatitig lang sa kanya. Porcelain. Halos bilang ang paghinga ko. Then she looked at me and smiled when she realized I'm already waiting for her. That sweet smile from an Amber with a new perspective, the world stood still. Nung una'y tumatanggi pa ako. It felt weird kung bakit parang iba ang dating ni Amber ngayon saakin. Hindi naman ako ganito dati. No Silex, you just admire her kasi nakabihis siya ng ganyan. I tried convincing myself. Hanggang sa narinig ko na ang mga yapak nito palapit saakin. Napalunok uli ako. Damn. She's hot! Nasaway ko pa ang sarili ko bago ko tuluyang naramdaman ang bahagyang pagtapik ni ng babae sa balikat ako as her form of acknowledgement.

Then naupo na ito sa trono. I smelled the scent of a blooming flower. Napapikit ako at sinamyo ang napakapreskong pabango ni Amber.

"Anong pinipikit-pikit mo diyan?" Narinig kong saway ng babae saakin bago tumawa na gaya ng dati.

Nang imulat ko ang aking mata'y nakatawa ito habang nakakunot ang noo. "W-wala. Takot lang ako sa madaming tao."

Buy my alibi then I'll just shut up in here.

Nagsimula ang parada ng alas singko ng hapon. Mula sa gate ng Cairos Academy of Magic paikot sa buong kapitol. Maraming taong nakahilera sa mga kalye. Ang iba'y may hawak pang mga banderitas ng academy at masaya kaming pinapanood. Kasabay ng parada ang halos isang oras na fireworks display sa iba't ibang sulok ng capitol. Halatang pinondohan ng capitol ang anibersaryo ng academy. Napailing na lang ako sa ideyang yun. Damn the capitol. Damn King Holoma. I gathered my fist together for the uncounted times. Hanggang ngayon hindi parain nawawala ang lahat ng sama ng loob ko sa mga Holoma.

Natuon ang pag-iisip ko sa mga Holoma. Ang hari at reyna ng capitol. Napatiim ang bagang ko nang dumaan ang aming float sa mismong kastilyo ng mga Holoma. Naroon ang hari at reyna kasama ang kanilang tagapagmanang si Prinsipe Kaiser. Nakaantabay ang nga ito sa isang shed na nasa bungad ng kastilyo upang kunwari'y ipakita ang suporta sa academy. Pinilit kong huwag na lang silang tignan ngunit tila may isang malakas na pwersang humila sa aking paningin para titigan ang mga Holoma. Nagtama ang paningin namin ng hari. Gaya ng dati, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Lumipat ang tingin ko sa reyna. Hindi parin nawawala sa mga titig nito ang pangmamaliit sa isang katulad ko. Napakapit ako ng mahigpit sa trono ni Amber. Nang tignan ko si Kaiser ay hindi nito sinalubong ang aking titig. Nakatuon ang atensyon nito sa babaeng nasa tabi ko -si Amber.

###

Continuă lectura

O să-ți placă și

HIDDEN FILES 2 De avy

Polițiste / Thriller

11.3K 509 33
[02/03] complete | unedited Jade Cesaire and Bryce Valeron journey continues unravelling the mysteries surrounds their lives and hidden secrets of th...
1.5M 62.8K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
61.3K 2.7K 35
✯ONGOING | The Alpha Goddess (Demigod Trilogy Book 2 of 3) After Heshiena, the daughter of Poseidon and Artemis refused to accept the Olympian thron...
715K 38.1K 35
GIFTED SERIES #3 Hey. Have you heard about the Principal? It is said that she's a little girl with a blonde hair. And she always walks with a cup of...