Fall For Me, Eris Abreo (GxG)

By Azshura

42.5K 2.8K 306

"I don't do commitments" Linya ng magandang babae na walang ibang ginawa kundi ang ireject ang mga lalakeng... More

Chapter 2: Plato
Chapter 3: Sexy Kitten
Chapter 4: The Deal
Chapter 5: Sensei
Chapter 6: Pashpash
Chapter 7: Kanal
Chapter 8: Got A Perfect
Chapter 9: Date (1)
Chapter 10: Date (2)
Chapter 11: Buwan ng Wika
Chapter 12: Harana
Chapter 13: Wholesome Day
Chapter 14: Sick Kitten
Chapter 15: Byahe
Chapter 16: Siargao (1)
Chapter 17: Siargao (2)
Chapter 18: Siargao (3)
Chapter 19: Siargao (4)
Chapter 20: Siargao (5)
Chapter 21: Death Anniversary
Chapter 22: Secret Place
Chapter 23: Corteza Family
Chapter 24: Quarrel
Chapter 25: Make out/up
Chapter 26: Balancing
Chapter 27: Ms. Intramurals
Chapter 28: Tahanan
Chapter 29: Eight Letters
Chapter 30: Victory Ball
Chapter 31: Reason
Chapter 32: Next Plan
Chapter 33: Don't Mess w/ Me
Chapter 34: Dalawang Utos
Chapter 35: Exam Day
Chapter 36: Short Vacay (1)

Chapter 1: Meet Us

5.7K 162 22
By Azshura

Agad akong bumaba ng motor ni ate at tumakbo papuntang gate.


"Hoy yung helmet Mori!" Opps. Dali-dali ko itong hinubad at binato sa kanya. Kala ko nga di niya masasalo dahil napalakas yung bato ko pero mukhang may talent si ate dun. Kahit kailan ang talented naman talaga neto.


"Yah muntik nakong-" Buti nalang nasalo ni ate hehe


"Luv you ate Marie!" Nagheart sign ako at nagflying kiss. Tumawa lang siya kaya tumalikod na ako para magmadali.


"Mori! Salamat nga pala dun sa flowers!" Sigaw ni Lucas mula sa bench. Nagmamadali akong tumatakbo kaya tinaas ko lang yung kamay to at nga thumbs up. Holy shit late nanaman ako. Binilisan ko pa yung takbo at lumiko sa may hallway.


"Mori yung chocolates babayaran kita mamaya!" Pahabol na sabi ni Mark. Nilagpasan ko lang siya.


"Pati na yung papel!" Sigaw ko ng di lumilingon.


"Okay!"


Back to takbo ulit. Kung bakit ba kasi nagloko pa yung alarm ko at ngayon pa hindi gumana. Hingal akong dumating sa room. Pota bilib nako sa sarili ko. Feeling ko ready nakong sumali sa isang hundred meter dash. Kakabogin ko na mayhawak ng guiness.


"Nangyari sayo?" Bungad na tanong ni Dory.


"Di pa ba ako late?" Parang mamamatay kong tanong at napahawak sa tuhod ko.


"Mori it's still seven thirty." Sagot naman ni Marga habang pinapakita yung relo niya. Taka akong napatingin sa relo ko. Eight na.


"Pero bakit-" Don't tell me sinet ni ate Marie lahat ng orasan ko. So lahat ng effort kong magmadali naging abo. Ugh. Kaya pala ang kalmado niya kanina. Grr. Walang buhay akong naupo sa tabi ni Dory. Si ate minsan ang sarap talaga tirisin.


"Okay lang yan gurlah tara bili sa canteen?" Aya ni Pam.


"Game arat." Gusto ko rin bumili ng snack.


"Libre mo?" Ngiti-ngiting tumingin sakin si Marga. Mukha talagang libre to.


"No pagnilibre kita magpapalibre din yung dalawa." Ngumuso lang siya sa sagot ko.


"Tara na nga." Hinila na kami ni Pam papuntang cafeteria. Habang papuntang cafeteria naguusap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay. 


Let me introduce to you my friends. First of all my best friend Dorothea Bendulla in short for Dory ang artist ng grupo. Literal na artist, malambing, ang baby namin at isang Mechanical engineering student. Medyo di matangkad pero bawi naman sa kakyutan. Baby face eh at short haired.


Margoux Tan ang aming walking dictionary. Studious pero di ko alam kung dahil sa talino niya yan kaya ang slow niya rin minsan. Studying Chemical engineering and dean lister pa. Singkit na intsik. Maganda sobrang puti, naligo yata to sa harina. Long straight hair at always naka glasses.


Next is Pamela Odette Francisco ang cool at astig sa grupo. Ang touble maker din pero handang makipagaway para sa mga kaibigan niya. She's popular in both girls and boys. Student dying in Geodetic engineering. Matangkad, smokey eyes, astig manamit at naka wolf cut yung buhok. Lakas din ng dating ng babaeng to eh kaya daming nagkakagusto.


Last but not the least is me, Mori Sein Corteza. Kilala sa school as takbuhan pag need ng love advice. Sabihin na nating I have the unofficial title of cupid in LSU. Isang Mechanical engineering student din. Basically, engineering kurso naming apat and currently a first year. Sakto lang ang height at least mas matangkad ako kay Dory. Sabi ng mga nakakakilala sakin ang cute ko raw ngumiti kasi nawawal mata ko. Shoulder length na medyo wavy yung buhok ko at hindi masyadong showy sa skin. Mahilig ako sa checkered.


Hindi naman kami magkaklase sa lahat ng sub sa ibang majors lang gaya ng calculus, chemistry, labs and PE. Oo major na yan, feeling major.


"Mori nagawa mo na yung assignment sa Chem?" -Marga.


"Hindi eh meron ka? Pakopya."


"Swap tayo calculus" Sabi na HAHAHA.


"Call."


"Huy ano to kayo-kayo lang? Parang hindi tayo magkaibigan ah." Reklamo ni Pam.


"Ano bang assignment wala ka?" Tanong ko. Nagisip naman siya.


"Lahat." Tangina talaga to parang di studyante.


"Wow nagenrol ka pa talaga Pam." Tumawa lang ang loka at inakbayan kami ni Marga.


"Pakopya Mori at Marga."


"Luhod ka muna." Pagbibiro ko.


"To naman parang di talaga kaibigan." Pagmamaktol niya at bumitaw sa pagkakaakbay.


"Bat kasi di ka gumaya kay baby Dory." Nakacross arms na sabi ni Marga. Napataas naman ang kilay ng babaeng minention niya. Magkaedad lang sila pero baby parin namin si Dory. Siya yung malambing eh si Marga super opposite pagkakamalan na naming nanay pero may time na super soft niya which is very rare. Shy type din.


"Sino nagsabing tapos ko na assignment ko?" Tugon nito kaya nagkatitigan kami ni Marga. Wow.


"Hoy seryoso di mo pa nagagawa?" Tanong ko kasi hindi niya naman ugali mag cramming. Trabaho yan ni Pam.


"Nakatulog ako kagabi eh pakopya din ah." Ngumiti lang siya. Aw ang cute. Dahil ngayon lang naman to nangyari papalampasin nalang namin.


"Okay." Simple naming sagot. Napamaang ang mukha ni Pam.


"Wow naman pag si Dory nanghinge okay lang pag sakin pahirapan pa?" Reklamo niya at ngumuso.


"Di bagay sayo Pamela. Bilisan na natin para makakopya na lahat." Hinila ko sila paliko sa hallway kung saan yung daan papuntang cafeteria. Una naming napansin ang kumpulan sa may locker room. Nagkatinginan kaming apat at mukhang parepareha lang kami ng iniisip. Dali-dali kaming lumapit para makichismis.


"Excuse me makikidaan." Nakipagsiksikan kami sa mga estudyante. Maraming nagreklamo pero wala akong pake. Curious ako eh. Pagdating namin sa dulo nakita namin ang isang babae at isang lalakeng umiiyak habang nakaluhod sa harap niya. What a scene.


"Please Eris just one more chance." Pagmamakaawa ni boy. Si babae naman parang walang pake. Kinuha niya yung flower na binibigay nung guy tapos nagtungo sa malapit na basurahan para harap-harapang itapon ito.


"I told you I don't do commitment." She smirked. I'm not surprised na makakita nanaman ng ganitong scene sa campus. Ang babaeng nagsalita lang naman ay si Avianna Eris Abreo, the one and only new Ms. popular sa school na to. Well safe to say sikat yung grupo nila but the problem lies on Eris. Matangkad, cat eyes, sakto lang yung haba ng buhok lagpas sa balikat, kissable lips at cold expression. Ang kinis din at maganda yung hubog ng katawa. Siya yung babaeng papalit-palit ng manliligaw sa isang linggo. Kahit ganun ni isa wala siyang sinagot. The longest suitor yata ay one week. Kaya di na nakapagtataka na binansagan siyang heartbreaker.


"Girl what are you doing here? May class pa us." At dumating na nga rin yung mga kasquad niya. This girl na may ashgray highlights is Amber Cole. foreigner na conyo. Sasakit nalang ulo niyo pag nakinig kayo sa isang to. Di ko keri. Long wavy hair at matangkad din. Ang ganda niya halatang may ibang lahi talaga dahil yung kulay ng mga mata niya ay kulay blue. 


"Nice pang ilang paluhod mo na yan? Pwede ka na maging santo gurlah." and here comes Aria Miyuki. I heard may kakambal siya pero hindi dito nagaaral. The singkit na hapon na mahilig ngumuya ng bubblegum. Ewan ko ba dito at kada makikita ko sila may bubblegum talaga siya. Endorser siguro. Siya lang din yung medyo maliit sa kanila. I think ka height ko siya. Mahaba din ang buhok pero laging nakatali ng ribbon niya.

Mortal enemy din siya ni Pam kaso palagi siyang naiisahan. Galing lumusot eh pero I think siya yung kalog sa grupo nila. All three are CBA students. They are usually called as Triple A's. Nakakatawa kasi ang naaalala ko yung battery. Sikat sila sa campus dahil sa ganda at charisma nila.


"Girls stop it. Tara na." Naunang maglakad paalis si Eris. Lalagpasan na sana niya yung lalake kaso bigla siyang hinawakan nito. Nakita ko ang pagiba ng timpla ng ekpresyon niya.


"I did everything you said. But why?" Humigpit yung hawak niya sa wrist ni Eris napansin ko kasing nag flinch siya.


"Let go." Pagbabanta niya sa lalake.


"Hindi ako titigil. You are too much. If you don't have any plan you shou've have rejected me in the beginning pero hindi eh pinaasa mo ako... kami. You think you'll get away with this? Babalik din ang karma sayo Abreo." Pilit na hinihila pabalik ni Eris yung kamay niya. Tutulongan na sana siya ng mga kaibigan niya nung biglang.


"What's happening here?" Humawi ang kumpulan ng mga estudyante na nasa likod namin. Paglingon namin kung sino agad kami napa tabi.


"Ate Bunny." Usal ko. Tumingin lang siya sakin at saglit na ngumiti bago binaling ang atensyon sa harap. The ever student council president is here. Kasunod niya lang si ate Wan.


"Eris? Anong nangyayari dito?" Baling niya ng atensyon sa pinsan niya. Agad napabitaw yung lalake nung makita kung sino yung dumating.


"Ate Irene." Napabuntong hininga lang si ate Bunny kay Eris. Di na nga kasi bago yung scene.


"You." Turo niya sa lalake.


"W-what?"


"Go to the guidance." Seryoso niyang sabi.


"Bakit naman ako pupunta-"


"Pupunta ka o ipapakaladkad kita?" Matalim na tingin sa kanya ni ate. Woo scary bun. Natameme yung lalake. Alam na man din ng lahat na hindi marunong magbiro si ate Irene. She means what she says. Kaya nga takot yung ilan na mapunta sa bad side niya. Wala siyang nagawa kundi tumayo at naglakad nga papunta sa guidance office.


"And all of you. Wala ba kayong mga klase? Malapit na magtime go to your rooms." Ginala niya ang tingin sa mga nakapalibot. Kanya-kanya namang nagsialisan yung mga studyante.


"Mori tara na rin balik nalang tayo sa room." Bulong ni Pam. Oo nga malapit na magtime. So ayun nga babalik na din sana kami kaso biglang tinawag yung pangalan ko.


"Mori you stay. Ikaw rin Eris. The rest you go." Hala bakit ako kasali?


"Ingat ka Mori." Tapik ni Pam sa balikat ko at naunang maglakad paalis.


"Balik ka pag nakasurvive ka ah." Isa pa tong si Dory.


"Don't worry gagawan ka namin ng assignment." Madramang sambit naman ni Marga bago hinila si Dory at sumunod kay Pam. Mga hayup. Umalis narin pala yung squad ni Eris. Kami nalang apat ang naiwan.


"Uhm bakit niyo ako pinaiwan ate Bunny?" Pagtataka ko kasi mukhang wala silang plano magsalita at magtitigan nalang.


"Mori I want you to tutor my cousin." Mali yata yung pagkakarinig ko.


"Wait lang ate hindi kami same department ni-"


"Alam ko pero may same sub kayo diba? I think it's Rizal right?" She turned to me at ngumiti. Tumango naman ako. May magic talaga yung ngiti ni ate nakakabudol.


"Great and you Eris as a punishment for always causing ruckus in the campus. You have to listen to her at dapat yung grades mo mas tumaas kung hindi I'll tell tito about these craps." Nagcross arms lang si ate Irene habang mataray na pinapagalitan yung pinsan niya. Nasa lahi na siguro nila yung mataray. Kahit hindi kataasan si ate Bunny yung charisma niya naguumapaw and did I ever mention na ang gaganda nilang magpipinsan? Minsan nakakabakla nga kaso ayoko kay Eris baka ako pa mabugahan ng apoy eh. 


"Ate naman." Napanguso nalang si Eris.


"Huwag mo kong ma ate ate. Mamayang uwian pumunta kayo sa office." Then sakin nanaman siya tumingin ang pinagkaiba nagiging soft yung tingin niya sakin. "Mori if you managed to make her grades go up. I'll grant you a wish." Sa sinabi niya pakiramdam ko kuminang yung mga mata ko.


"Anything ate?"


"Hmm anything be it money or kahit ano." Ngumiti lang siya. Aw.


"Tch." Irap ni Eris. Di ko na pinansin baka ma highblood pa ako.


"Sabi mo yan ah."


"Yeah I don't break my words. Wan yung papel." Mayinabot naman si ate Wendy na dalawang piraso ng papel. Kinuha ito ni ate Irene at isa-isang binigay samin.


"I want you two to write your own five rules. The duration of the contract is until the end of first sem." Tumango lang ako habang nakatitig dun sa blankong papel na binigay niya.


"Five lang?" Reklamo ni Eris.


"Yes cous now come with me ihahatid ko kayo sa kanya-kanya niyong klase. Mori SB303 ka diba?"


"Yes po ate."


"Eris LS200?"


"Yeah." Tipid niyang sagot.


"Good let's go."



...



Tulala lang akong nakatingin sa papel. Ano ba ilalagay ko? Hindi naman sa hate ko si Eris pero iniiwasan ko kasi yun. Feeling ko magkakabuhol-buhol yung brain cells ko sa sobrang opposite ng standing namin. Napabuntong hininga nanaman ako. Bet ko din naman yung rewards kahit na wala pa talaga akong naiisip na specific na request.


"Hoy babae kakain na nga lang tayo nakatingin ka parin sa papel na yan." Pansin ni Dory.


"Eh kasi nga diba kailangan kong magsulat ng five rules. Wala akong maisip." Tugon ko at tinago muna yung papel sa bag dahil malapit na pala yung linya. Kasalukuyan kasi kaming nasa cafeteria para bumili ng lunch. Nasabi ko narin sa kanila yung nangyari kanina at ang mga hunghang ang supportive.


"Lagay mo in memory of Mori Sein Cortez." Natatawang suhestyon ni Pam.


"Ha Ha funny mo talaga hindot ka." Hinampas ko nga. Tumawa lang ulit siya.


"Hmm lagay mo 'During the tutorial session you must follow whatever I say.'" Napaisip naman ako sinabi ni Marga. Actually may point siya. One of the main problem is kung makikinig si Ms. Popular sakin.


"Nice idea sige ano pa?"


"No bad words kundi magbabayad ng isang libo." Tumango ulit ako at sinimulang itype sa note ng phone ko.


"Go on."


"Everytime tumataas yung score I'll give you a reward. " Napatigil ako ng konti din sa sinabi at tinignan siya ng maypagtataka.


"Ano namang klaseng reward?"


"Ewan ko sayo ikaw na magisip niya." Kibit balikat niyng tugon kaya napakamot nalang ako ng ulo. Sige na nga parang reasonable naman din.


"Okay tuloy mo."


"Every offense from the three rules mas lalake yung bayad." Napatingin ulit ako sa kanya.


"Bakit parang nagmukha akong pera diyan sa rules mo?" Pansin ko.


"Money is life sis kaya lagay mo na." Sabat naman ni Pam. Kung sa bagay.


"Last na." Sambit ko.


"Don't fall in love with me or you will face the consequence." Tangina naman ginogood time yata ako neto eh.


"Marga seryoso kasi." I deadpan.


"No seryoso din ako di malayong mangyari yan hello ilang buwan din kayong magkakasama." Pagrarason niya. Nasobra nanaman siguro to sa kakabasa ng stories.


"Does Eris even swing that way?" Kunot noong tanong ni Dory. Kami na yung bibili kaya tinigil na muna yung chikahan. After naming makabili ng lunch bumalik na kami sa table. To be continued ulit yung usapan.


"Baka nga girl diba nga she rejected every men na nanliligaw sa kanya." Tugon naman ni Pamela. Hala oo nga noh.


"Well who are we to judge." Sagot naman ni Marga. Saktong nakita namin si Amber kakagaling lang sa counter habang maraming bitbit ng bag ng pagkain.


"Psst! Amber!" Tawag ni Pam sa kanya. Lumingon naman siya sa direksyon namin.


"Uy sup girlies bakit?" Nakangiti lang siya habang nakatingin samin. Hinila siya ni Pamela para yumuko. Napalapit naman kaming tatlo para marinig yung bulong.


"Is Eris gay?" Sa pagtanong niya bigla nalang hugalpak ng tawa si Amber. Luh nabaliw yata.


"Seriously?" Natatawa niya paring tanong.


"Seryoso nga so ano?" Pagpupumilit ng isa. Pinunasan ni Amber yung nangigilid niyang luha mula sa pagtawa.


"No. She's straight as poste kaya kung may plan you girls manligaw it's a zero percent." Umiiling niyang sagot.


"Eh bakit ni isa wala siyang sinasagot sa mga lalakeng nanliligaw sa kanya?" Ako na yung nagtanong kasi nacucurious talaga ako. Maganda naman kasi si Eris as in yung gandang pang model kaya di ako magtataka kung marami siyang manliligaw pero yung paasahin lahat ng yun parang ang ewan lang. Di magandang abusuhin ang kagandahan na binigay ni Lord. Amen.


"No, hindi like nagpapaligaw siya. Sila yung pushy kahit she says no kaya she hayaan them nalang dahil they're persistent. Eris is kadalasang na mi-misunderstood. It's just she hates love." Pageexplain niya na maslalo akong naguluhan. Conyo amfutek pero pwede ba yun? Ang sarap kaya mainlove.


"Why naman?"


"I hindi alam. She ganun na since nakilala namin siya. Anyways mauuna na me ah. I lost sa laro namin kaya ako yung pinabuy. See you girls around" Pagmamadali niyang sabi at umalis na nga sa harap namin. Kumaway nalang din kami sa kanya.


"Woah so she's straight." Tango-tangong paguulit ni Pam sa sinabi ng pinsan niya.


"Yeah so ekis na yung fifth rule." Pagsangayon ni Dory. Kumain nalang din kami. Di maalis sa utak ko yung sinabi ni Amber. Nagusap lang kami tungkol as mga chismis sa school. Most of it are from Marga tapos malalaman nalang namin sabit pala si Pam dun sa chismis na sinasbi niya. Si Dory taga segway lang ng panglalait. May share din naman ako ng chika pero most of it ay yung mga kabaliwan na ginawa ko para lang tulungan yung mga lumalapit sakin dun sa mga crush nila. 

One example ay yung pang haharana namin ni Mark sa harap nung nililigawan niyang babae. Impromptu kaya walang pera si Mark nun ending ako na ang gumawa ng paraan. Isa pa ay yung kay Lucas. Hayup muntik akong mahuli sa garden ng members ng Green Org sa pangunguha ng flowers nila. Marami-rami din nakakakilala sakin dito dahil sa Lycee din ako nag junior at senior high kasama tung tatlo.


"Girls yung buwan ng wika malapit na. Magpapasiklaban ang bawat department." Pagiiba ng topic ni Dory.


"Oo nga no required din ang lahat na sumali kundi ibabagsak daw ni Mr. Caballo" Nakahalumbaba na sabi ni Pam.


"Naghahanda na nga yung CBA diba? Wala bang plano si president natin?"


"Magmemeeting daw bukas para sa gagawin. I think we are going to have a semi play nung sa battle of Mactan." -Marga.


"Hulaan ko si Pam magiging Lapu-Lapu natin." Turo ko kay Pamela.


"Tapos magbabahag ka girl." Dagdag pa ni Dory. Natawa ako sa inimagine ko. Pati narin yung dalawa.


"Tangina niyo bakit ako?"


"Hello mas astig ka pa nga yata dun sa iba nating kadepartment." Agree ako sa sinabi ni Marga.


"Bahala kayo mas pipiliin ko nalang magging kahoy."


"Walang kahoy dun sa battle of Mactan babae nasa dalampasigan kasi yun." Pangbabara ko.


"Edi ako yung isda." Hayup HAHAHA. "Hays. Maganda sana yung kay Rizal." Nakanguso niyang sabi.


"Pwede rin baka magvovolunteer din akong sumali pag yun ang ginamit nila." Ngiti ko. Medyo nagulat naman sila sa sagot ko. Minsan lang naman ako magparticipate sa mga ganitong event kung required lang talaga.


"Anong role?"


"Ako yung babaril sayo." Sa sagot ko kinuha niya naman yung tissue at binato sakin. Inirapan lang ako ni Pam kaya nagtawanan lang ulit kami. Sa amin lang to ganito. Pagyung iba nangasar sa kanya goodluck nalang di talaga siya titigil paghindi nakaganti. Speaking of ganti naalala ko nanaman yung five rules. I think I know what to do for the fifth one.


...



Binigay ko na kay ate Irene yung akin. Pati si Eris binigay narin yung kanya. Binasa niya ito at bigla nalang natawa. Napangiti narin ako. Ewan ko ba at sinulat ko iyon.


"Ganda ng rules niyo ah. Here have a look." Pinagpalit niya yung dalawang papel at binigay sakin yung kay Eris. First thing I noticed is yung magandang sulat kamay niya.


1. Before and after the tutorial you will never bother me.

2. You have to raise my grade. I don't know how you'll do it but you must.

3. Don't push me things I don't want to do.

4. It's up to me to answer your questions or not. Specially, if it's unrelated to the topic.

5. Don't fall in love for me.


Wow now gets ko na kung bakit tumawa si Irene. Ang opposite ng huling rule namin.


"What the hell is this? 'You can fall in love with me'?" Kunot noo niyang tingin sakin. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko nalang. Kung ibang estudyante ang makakatanggap ng tingin na to pagpapawisan na sa kaba. Kaso walang epek sakin.


"Yup why may mali ba?"


"Hmm how bout we change that?" Pagiinterrupt samin ni ate Bunny.


"Ano po yun?" I asked.


"If either the two of you falls for the other then you must face a consequence but if both failed then there is a reward." Nakangiti niyang sabi. Ohh.


"Ate parang sinasabi mo na mas okay na mainlove kami sa isa't-isa. I don't swing that way." Mataray niyang tinignan ang pinsan niya.


"Yeah? Then don't fall for her. Make her fall for you. Easy." Nagsmirk lang si ate Irene. Yung mga ganito niya alam kong may binabalak siya. Hindi na sumagot si Eris kasi again tama naman yung sinabi ni President. Minsan nagwowonder din ako kung anong nasa loob ng utak ni ate Irene. Obvious naman na kasi na may pagka manipulative siya tapos magaling din sa leadership, cunning, matalino, maganda, talented. Nasa kanya na yata lahat. How I met her? next time ko na ikukwento. She's already a third year studying business administration.


"Now let me have this." Binawi niya yung dalawang papel at binigay kay ate Wan. Ilang minuto lang din at bumalik siya ng may hawak na dalawang contract paper kung saan adun lahat yung rules namin. Speed talaga ng secretary ni ate Bunny.


"Pirma na."


...



Kakalabas ko lang sa USG office nung sumalubong sakin yung tatlo. Naiwan sa loob si Eris dahil maguusap pa raw sila ng pinsan niya. Hindi ko rin naman business yun kaya umalis nako. Next week na magsisimula yung tutoring namin.


"Musta naman yung bardagulan sa loob?" Bungad ni Pam.


"Walang ganun Pamela." Naglakad na kami papalabas ng building.


"So anong sinulat mo sa fifth rule?" Curious na tanong ni Marga.


"Secret. Amin na daw yun." Nagsmirk ako dahilan para mas maintriga sila.


"Sabihin mo na maypasecret pang nalalaman." -Dory.


"Hindi nga-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil may biglang tumawag sa pangalan ko.


"MORIIIII!!!!" Lumingon ako sa may gate at naningkit yung mata ko sa nakikita ko. No way.


"Ate Bear!?"


"The one and only!"


...

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...