Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 52

42.1K 991 276
By letmebed1

Anne Del Rio

“KUNG siya talaga ang kapalaran mo, kahit ilang beses kayong paghiwalayin ng tadhana siguradong babalik at babalik pa rin siya sa buhay mo.” Napalingon ako kay Vergie. Busy ito sa pagbabasa ng horoscope dito sa tabi ko habang ako naman ay abala sa pagbabasa ng libro, pero dahil ang ingay-ingay niya hindi ako makapag concentrate sa binabasa ko.

“Sabi pa dito, mali ang sumuko sa isang taong alam mong mahal mo pa, pero mas mali ang gumamit ng iba para lang makalimutan mo siya. Halluh!”

Nagkatinginan kami ni Virgie. Napakunot noo na lang ako nong mapanganga ito saka dahan dahang tinutop ang bibig niya.

Anong problema niya?

“Girl, hindi kaya may iba na si Jill? Kaya sumuko na siya sa iyo?”

Hay!

Napapa-iling na lang ako saka ko ibinalik ang tingin ko sa librong hawak ko. Wala talagang magawa tong baklang to! Ayokong isipin na ganon si Jillian. Dahil kung may iba na siya siguro naman mararamdaman ko iyon.

“Hoy bakla! Baka gusto mong baliin ko yang leeg mo! Ano yong sinasabi mo tungkol kay Jill, huh?!” si Jo.

Bigla na lang itong sumulpot dito sa harapan namin ni Virgie.

 

“Joke lang eto naman! Namamana mo na kay Jean ang pagiging warfreak!”

“Hindi ako warfreak! Pero pagdating sa mga kaibigan ko hindi ako papayag na manahimik na lang!”

“Oh my gosh! Help! Help! Help! Classmates si Jo pinagbabantaan ang buhay ko! My death threat ako. Paano na ang pamilya ko sinong magpapakain sa kanila? Ang puri ko?…wala pang nakakakuha neto. Pag pinatay mo ako wala ng makikinabang neto. Kaya wag mo akong papatayiiiiin!”

“Sira ulong baklang to ah! Tadyakan ko to,eh!”

Natatawa na naiiling ako. Parang aping api kasi si Virgie na nakaupo sa sahig habang yakap ang sarili niya. Si Jo naman, parang nag iiba na nga siya. Mula sa pagiging tahimik at kalmado ngayon nagiging madaldal na rin siya. Mukhang nahawaan na nga siya ni Jean sa pagiging warfreak niya.

Hindi na pinansin ni Jo si Virgie saka eto tumabi sa akin.

“Anne wag kang magpapaniwala sa baklang yon, ha? Ahh siya nga pala nakita mo ba si Jean?”

Umiling lang ako habang tutok pa rin ang mga mata ko sa librong hawak ko.

“Asan kaya yong taong yon? Tsk!”palabas na si Jo nong maisipan kong magtanong sa kanya.

“Jo?”

“Mhm bakit?”

“Uhh..mhmm na-nagpakita na ba si Jillian sa inyo?” nahihiyang tanong ko sa kanya.

“Hindi pa eh. Bakit?”

Umiling-iling lang ako saka ako yumuko ulit.

“Hayaan mo pag nagpakita ko si Jill sabihin ko agad sa iyo. Ikaw ang unang makaka-alam.”

Matipid na ngiti lang ang naging tugon ko kay Jo.

Namimiss ko na si Jillian….kailan ko ba siya makikita ulit?

“Anne diyan ka muna ha? Hanapin ko lang si Jean. Nakaka-tuyo ng utak ‘yon. Lagi na lang nawawala. Hay!”

Lumabas na ulit siya ng classroom para hanapin si Jean.

Itinigil ko muna ang pagbabasa. Kanina ko pa kasi hawak tong libro pero hindi talaga pumapasok sa utak ko yong binabasa ko. Hindi ako mapakali dito sa upuan ko kaya naisipan kong tumayo  saka ako lumabas ng campus.

Nakaupo lang ako dito sa ilalim ng waiting shed nong maisipan kong umuwi na muna. Ewan, pero nalulungkot ako. Ilang araw ng hindi nagpapakita si Jillian sa akin. Sobra akong nalulungkot. Gusto ko siyang mayakap at makausap. Pero hindi na ulit siya nagpakita pa mula nong puntahan niya ako sa apartment.

Napabuntong hininga ako.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad nong mapansin kong may pumarada sa harapan ko na pulang kotse.

“Anne!”

Mhmm?

“San ka pupunta?”

Ahh si Arvie pala.

“Maaga pa para umuwi, tara! Sakay ka na. Ipapasyal muna kita.”

Napangiti lang ako pero umiling ako. Ayokong mamasyal. Gusto ko lang talaga mapag-isa.

“Sige na Anne. Ngayon lang ako nag-invite tatanggihan mo pa.”

“Sa susunod na lang Arvie.”

Nong hindi ako mapilit ni Arvie bumaba ito sa sasakyan niya saka niya ako hinila.

“Wag ka ng kill joy mas okay kung makakalanghap ka ng sariwang hangin para kahit papaano makalimutan mo saglit ang problema mo okay?”

“Pero Arvie…”

Wala na akong nagawa nong pilitin niya akong ipasok sa kotse niya.

“Saan ba tayo pupunta?”

Ngumiti ito sa akin saka ito nagpatuloy sa pagmamaneho niya. Yakap ko lang ang librong hawak ko habang nakapatong naman ang bag ko sa lap ko.

“Kung saan tayo dalhin ng mga gulong ng sasakyan ko doon tayo.” Sabi niya ng hindi lumilingon sa akin. Tutok lang ito sa daan.

Hindi na ako umimik itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ko lang ang mga gusaling nadadaanan namin.

“Anne?”

“Mhmm?”

“Bakit kasi hindi mo na lang kalimutan si Jill? Marami pa diyang iba. Mas deserving. Hindi katulad niya na basta ka nalang iniiwan.”

Napakagat ako sa labi ko sa tanong ni Arvie. Bakit nga ba hindi ko na lang kalimutan si Jillian?

Pero lagi naman kasi akong may sagot sa tanong na iyon.

“Mahal ko si Jillian.” Matipid na sagot ko.

“Mababaliw ka lang sa pagmamahal na yan, Anne. Ibinibigay mo ang lahat ng pagmamahal mo pero nasusuklian ba? Sinasaktan ka lang niya. Hanggang kailan ka kakapit? Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo?”

Napahigpit ang hawak ko sa librong yakap ko sa mga sunod-sunod na tanong ni Arvie. Pero kahit anong itanong niya isa lang ang sagot ko…...mahal ko si Jillian.

“Hindi mo ako maiintindihan Arvie dahil wala ka sa katayuan ko. Madali para sayo na sabihing kalimutan ko si Jillian pero hindi ko kaya, hindi ganon kadali para sa akin. Mahal ko siya, ibibigay ko lahat ng pagmamahal ko kung kinakailangan. Kahit walang matira sa akin, kahit sabihin pa ng iba na ang tanga-tanga ko dahil naghihintay lang ako sa wala. Pero anong magagawa ko? Kapag pinilit kong kalimutan si Jillian mas lalo lang akong mababaliw.”

“Wiiiw! She’s so lucky! Pero kung gaano siya kaswerte kabaliktaran naman pagdating sayo dahil hindi ka niya kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya.”

Nangingilid ang luha sa mga mata ko pero hindi ko ito hinayaang tumulo.

“Ako na lang Anne ang ibigin mo, hindi kita iiwan katulad ng ginawa ni Jill sayo. I will do everything for you, lahat gagawin ko Anne at hindi mo pagsisisihan pag ako ang minahal mo.”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Arvie.  Ang totoo nagulat ako.

“Alam kong hindi mo agad makakalimutan si Jill pero maghihintay ako. Handa akong maghintay sa pag-ibig mo.”

“Arvie ano bang pinagsasabi mo?”

“Ang tagal-tagal na kitang mahal Anne. Ako na lang, handa akong mahalin ka ng buong puso. Kung anong hindi kaya ni Jill kakayanin ko para sayo.”

“Arvie mahal ko si Jillian.”

“Anne, I’m just telling you this kasi mahal kita at ayokong nakikita kang nahihirapan gaya ngayon.”

“Si Jillian lang ang mahal ko, Arvie. I’m sorry.””

Ramdam ko ang pagkadismaya ni Arvie. Pansin kong napapahigpit ang hawak neto sa manibela at ang ekspresyon ng mukha niya ay lalong naging matapang.

“It’s okay. Pero payo ko lang sayo wag ka ng umasa pa kay Jill. At kung ako sayo iiwasan ko na ang mga kaibigan niya. Pinapaikot ka lang nila.”

Naging mahinahon na siya. Nawala na ang matapang na anyo niya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi nila hinahanap si Jill?” sumulyap si Arvie sa akin saka ibinalik ulit nito ang tingin sa daan. “Nabalitaan ko kasi na umuwi na siya rito pero hindi alam ng mga kaibigan niya kung nasaan siya. Pero hindi ako naniniwala, tingin ko alam nila kung nasaan si Jill. Malamang ayaw lang nila na malaman mo kung nasaan si Jill para itago kung ano man ang kalokohang ginagawa ng taong yon. Malakas ang kutob kong may iba na si Jill kaya ito lumayo sa iyo.”

“Hindi magagawa sa akin ni Jillian yon.”

“Nagawa ka nga niyang iwan, eh.”

Daig ko pang sinampal sa sinabi ni Arvie. Tama nga naman siya. Nagawang lumayo sa akin ni Jillian. Pero hindi! Alam kong hindi gagawin ni Jillian ang makalimutan agad ako.

“Wag kang magtitiwala sa mga kaibigan niya. Sigurado akong alam nila ang mga pinaggagawa ni Jill pero nililihim nila ito sa iyo.”

“Bakit naman nila gagawin iyon sa akin?”

“Para hindi mawala yong tiwalang ibinigay mo sa kanila. Ayaw nilang masira ang image nila, kunyari mabubuting tao pero pwe!”

“Hindi magagawa sa akin ng mga kaibigan ni Jillian ang magsinungaling at lalong hindi gagawin sa akin ni Jillian ang bagay na iyon.”

“Bakit hindi mo tanungin si Jo? Tiyak kong alam niya kung nasaan si Jill.”

“Tinanong ko na siya kanina ang sabi niya hindi pa nagpapakita si Jillian sa kanya.”

“Sigurado ka?”

Biglang kabog ng dibdib ko sa mga sinasabi ni Arvie. Bakit naman magsisinungaling si Jo sa akin?

“Imposible, laging nag aalala si Jo nong malaman nilang nawawala si Jillian. Hindi ako lolokohin ng mga iyon.”

Natatawa lang na naiiling si Arvie. Pero ang totoo nanginginig ang mga kamay at paa ko.

Paano kung totoo ang sinabi ni Arvie? Pano kung alam pala nila kung saan nakatira si Jillian ngayon? Samantalang ako ni cellphone number niya hindi ko alam. Hindi ko na rin matandaan kung saang lugar yong pinagdalhan niya sa akin noon. Kaya wala akong kaalam alam kung nasaan ngayon si Jillian.

“Hindi mo talaga sila kilala Anne, kaya maraming galit sa grupo nila dahil ubod sila ng yabang at mga sinungaling. Wala silang ginawa kundi manakit ng damdamin ng iba.”

“Wag kang manghusga Arvie. Kaibigan mo rin sila.”

“Si Yana lang ang tinuturing kong kaibigan, hindi yong tatlo. I don’t trust them.”

“Hindi magagawa ni Jo ang magsinungaling sa akin. May tiwala ako sa kanya.”

“Sino ba ang kaibigan ni Jo? Ikaw ba? Hindi ba’t si Jill? Kaya hindi imposible ang sinasabi ko. If I were you, ask Jo para malaman mo ang totoo.”

Napaisip ako saglit.

“Sige, ibalik mo ako sa campus.”

Napangiti siya.

 “Sure.”

Agad na nag U-turn si Arvie. Tahimik lang ako pero hindi ko maiwasang matakot at magduda.

“Oh, we’re here.”

Pagkarating namin dito sa tapat ng campus nilabas ko sa bag ko yong cellphone ko. Ang daming text ni Jo. Hinahanap niya kung nasaan ako.

Tinext ko siya sabi ko puntahan ako dito sa labas ng Campus at ilang saglit lang nakita ko na siyang palabas ng sasakyan. Bumaba na ako at ganon din si Arvie pero sinabihan ko si Arvie na hintayin na lang ako sa sasakyan niya.

“Anne, san ka nagpunta. Sobrang nag-aalala ako sayo. Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka.” Sabi niya sa akin pero ang mga mata ni Jo ay nakatanaw sa kotse ni Arvie. “Bakit kasama mo si Arvie?”  tanong niya saka niya ibinaling ang tingin sa akin.

“Hindi na mahalaga kung sino ang kasama ko. Bumalik lang ako dahil may gusto akong itanong sa iyo.”

“Ano yon?”

“Wag ka sanang magsisinungaling at sana sabihin mo sa akin ang totoo.”

Tumango lang ito.

“Nong dumating si Jillian galing states nagkita na ba kayo?”

Halatang nabigla siya sa tanong ko.

“Uhh! Ano bang klaseng tanong yan Anne?”

“Yong totoo?”

Hindi makatingin ng diretso si Jo sa akin kaya sigurado akong may inililihim siya.

“Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?”

 Napalunok ito at iniwas niya ang mga tingin niya sa akin.

“Mabuti sigurong bumalik na tayo sa classroom. Magsisimula na ang klase.”

“Ang tanong ko ang sagutin mo!” napapataas na ang boses ko sa kanya. Hindi ko sinasadya pero naramdaman ko ng may hindi siya sinasabi sa akin tungkol kay Jillian.

“Anne, let me explain.” Hinawakan ni Jo ang braso ko pero binawi ko agad ito.

“Alam mo kung nasaan siya? Sagutin mo ang tanong ko!” nanginginig ang boses ko at ganon din ang mga paa ko.

Matagal bago sumagot si Jo. Bumuntong hininga ito saka nagsalita.

“Oo, nagkita na kami ni Jill.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jo. Buong pag aakala ko ako lang ang nakakita kay Jillian. Sa akin lang siya nagpakita. Pero nagkukunwari lang pala sila na hindi nila alam kung nasaan siya.

“Ilang beses na kayong nagkita?” garalgal na ang boses ko habang tinatanong si Jo.

“Maraming beses na Anne.”

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko dahil hindi ko matanggap na nagawa sa akin ni Jo ang maglihim at magsinungaling.

“Nagawa mong maglihim sa akin. Alam mo pala kung nasaan siya. Jo, araw-araw akong umaasa na sana makita ko si Jillian pero pano mo nagawa sa akin to? Tinanong kita kanina kung nagpakita na sayo si Jillian ang sabi mo hindi pa! Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?”

“Anne ipapaliwanag ko sayo ang lahat please makinig ka lang.”

“Anong kasalanan ko sa iyo Jo? Bakit pati ikaw? Ang laki ng tiwala ko sayo akala ko kaibigan na rin ang turing niyo sa akin pero nagkamali pala ako.”

“I’m so sorry kung naglihim ako pero Anne mahal ka namin. Kaibigan mo kami—”

Umiling iling ako tanda ng pagtanggi ko sa paghingi niya ng tawad at ang sinabi niyang kaibigan ko sila.

“Si Jillian lang ang kaibigan niyo pero hindi ako, kaya nagawa niyo akong lokohin ng ganito. Pinagmukha niyo akong tanga!”

“Hindi yan totoo Anne. Kung may sinabi man sayo si Arvie pakiusap lang wag kang magpapaniwala sa kanya.”

“Oo may sinabi si Arvie. Pero tama siya, alam mo kung nasaan si Jillian. Hindi ko ba dapat paniwalaan yon? Sayo na mismo nanggaling na ilang beses na kayong nagkikita ni Jillian pero hindi mo man lang iyon nabanggit sa akin.”

Hindi siya nakaimik.

Tumalikod na  ako at naglakad pabalik sa kotse ni Arvie para kunin ang mga gamit ko pero pinigilan ni Jo ang braso ko.

“Anne listen to me—“

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha ni Jo na ikinagulat niya.

“Anne….” napapahawak ito sa pisngi niya.

“Iyan ang dapat sa iyo! Nagtiwala ako sa iyo Jo. Pero katulad ka lang ni Jillian. Wala na kayong ginawa kundi saktan ako! Akala niyo ba biro lang ang sakit na nararamdaman ko?! Akala niyo ba nagda-drama lang ako pag umiiyak ako? Hindi niyo alam kung gaano kasakit dito! dito! Punong puno na ang dibdib ko sa sakit. Pero tinitiis ko ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ko sa kaibigan mo. Pero pinagmukha niyo lang akong tanga!” nanginginig ang mga daliri ko at ang buong katawan ko dahil hindi ko na napigil ang pag-iyak ko. Kusa na itong tumulo. “Ngayon ko lang napatunayan na nagpapakatanga ako dahil kung mahal ako ni Jillian sana sa akin siya madalas magpakita pero hindi. Inililihim niyo sa akin ang pagkikita niyo, para ano?”

“I’m sorry Anne.”

Pagkasabi non ni Jo tuluyan na akong tumalikod at mabilis na naglakad patungo sa sasakyan ni Arvie. Binuksan ko ang pinto nito at dinampot ang mga gamit ko saka ako naglakad palayo pero hinabol pa rin ako ni Arvie.

“Anne san ka pupunta. Ihahatid na kita.”

“No! Gusto kong mapag isa Arvie. Please….iwanan mo muna ako.” Paki usap ko kay Arvie pero hindi niya ako iniwan kundi niyakap lang niya ako ng mahigpit.

“Sorry kung hindi kita nabalaan agad. Don’t worry hindi ka na nila masasaktan ulit. Andito lang ako para sayo. I wont leave you. Hindi ko hahayaang saktan ka nila ulit.”

Sa pagkakataong ito si Arvie na lang ang nasa tabi ko. Hindi ko inaakalang ang mga taong sinandalan at pinagkatiwalaan ko nong umalis si Jillian ay sila din pala ang mga taong mananakit sa akin. Hanggang kailan ko ba iiyakan si Jillian? Hanggang kailan ako magiging ganito? Bakit kung sino pa ang minahal mo ng totoo at minahal mo ng sobra siya pa itong mananakit sa damdamin mo. Sobra-sobra na ang iniyak ko kay Jillian pero ang isinukli niya lang sa akin ay ang saktan ang damdamin ko.

_____________________________________________

Thank you for reading.








Continue Reading

You'll Also Like

905K 12.6K 53
Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pami...
337K 10.8K 93
Eto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb
366K 16.7K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...