Third person pov
"Yo birthday boy!" sabi ni Neil.
"Oh bakit?" sabi ni Shin.
"Nakita mo ba si Hana? Umuwi na ata siya eh" sabi ni Nathan.
"Problema ko ba yun? Edi umuwi siya kung gusto niya" sabi ni Shin.
"Wow bro, ang cold mo naman. Bakit parang may bitterness dyan sa tono mo?" sabi ni Neil.
"Ewan ko sa inyo" sabi ni Shin at umalis na.
"Hyung!" sigaw ni Min.
"What is it Min?" sabi ni Shin.
"Did you do something to piggy noona?" sabi ni Min.
"What?" sabi Shin.
"I saw her leaving a while ago and she was crying" sabi ni Min.
Napatahimik si Shin.
"Yah, hyung. Piggy noona might be silly and annoying sometimes but she's a nice person. Im not used to seeing her cry" sabi ni Min.
Shin sighed.
"If they look for me, tell them i went outside to check on something" sabi ni Shin at lumabas na.
Pumasok na siya sa kotse at nagdrive paalis sa mansion.
Hana POV
Leche talaga.
Sana pala di na ko pumunta sa party na un.
Ayan tuloy, napapaiyak ako.
Kainis.
Dapat talaga sinabi ko na may gagawin ako.
Oh ano na ang gagawin ko sa regalo niya???
Pinagpuyatan ko pa naman to pero di ko parin nabigay.
Pero siguro pag binigay ko, di rin niya gagamitin.
Nagabala pa kong gawan siya ng regalo.
Kainis talaga.
Mas tuloy akong naiiyak.
Nakakafrustrate eh!
tapos ung pagkausap niya pa sakin kanina, parang sinasabi niya na ayaw niya na nasa party ako.
Leche ang lalaking un.
Ang dilim naman dito. . .
Sandali. . .
Tama ba tong dinaanan ko??
Hala.
Nagkamali ata ako ng daan.
Di ko napansin sa kakaiyak ko!
Nasan to?!
Naku naman Hana!!
Naligaw ka na naman!!
Tanga ko talaga!
Nagdrama pa kasi eh.
Siguro kung babalik ako kung san ako galing, makikita ko ulit ang daan.
Tama un na lang.
"Hey ate, cute mo ah" may lalaking nagsabi.
O__O
Tuloy lang sa paglakad Hana, wag kang lilingon.
"Uy teka ate, sa ka pupunta?" may isa namang lalaking nagsabi.
Oh sh*t.
Lumakad ako ng mas mabilis.
May humila sa kamay ko.
"Aaah!!! Bitawan mo nga ko!!" sigaw ko.
"Uy may regalo pa oh! Salamat ah" sabi nung isang lalaki.
Ung regalo!
"Bitawan mo yan!!! Akin yan!!" sabi ko at sinipa ko ung lalaki.
"Aray!! Lumalaban ka pa ha!!" sabi niya at sasampalin na niya ko.
"Ugh!" sabi nung lalaki.
At nakita ko siya.
Sipa dun.
Ilag dyan.
Suntok dun.
Ewan ko kung imagination ko lang peromsi mr. Putik ata un.
"Tara alis na tayo!!!" sabi nila at tumakbo.
Biglang kinuha ni mr. Putik ang phone nya.
"Hello, Henry? Alam mo naman kung nasan ako diba? Habulin mo ang dalawang lalaki na naka blue at yellow. Pag nahuli mo sila, kasuhan mo sila ng attempted rape at robbery" sabi niya at binaba na niya ung phone
Wow.
May ganun?
Sandali, bat nandito si mr. Putik.
"Stupid!" sabi niya.
O___O
Sa dinami dami ng sasabihin, un ang sasabihin??!!!
"Ano??!" sabi ko.
"Bakit ka pa nakipaglaban? Tanga ka ba?! Tingin mo kaya mo sila?? Sa lampang katulad mo???!" sabi niya.
Tanga???
Nagsisimula na naman tong lalaking to.
Kanina pa to eh!!
"Eh leche!!! Sinabi ko bang pumunta ka??!! At fyi, kaya ko silang kalabanin noh!!" sabi ko.
"Anong kaya??! Kelangan pa kitang hanapin cause I was so worried!!" sabi niya.
Ano daw???
Worried???
Siya??
Si mr. Putik???
Tama ba ang mga naririnig ko???
"Worried. . .? Baliw ka!! Ang sungit mo kaya kanina!!" sabi ko.
"Aish. . . I was jealous!! Nagseselos ako, ok?!" sabi niya.
O___O
Unexpected un ah.
At parang bumilis ung tibok ng puso ko.
"Nagseselos? Kanino?" sabi ko.
"Sa kanila, di ko gustong makita ka na kasama ang ibang lalaki kahit pa kaibigan ko" sabi niya, serious ang expression niya.
Di ako makasalita.
Masyado tong mga information na naririnig ko.
Bigla kong natandaan ang mga sinabi ni nathan at neil.
'siguro gusto mo siya noh?'
Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Gusto ko ba si mr. Putik?
Do I like Shin?
"Oo nga pala, bakit mo hindi na lang binigay yang regalo sa kanila? Lumaban ka pa? Wala kang laban sa kanila knowing how fragile you are" sabi niya.
Humigpit ang hawak ko sa regalo.
"Kasi. . ." sabi ko.
"Kasi bakit? How stupid Hana! Mapapahamak ka nyan! Binigay mo na lang sana yan at tumakbo!" sabi niya.
"Dahil pinaghirapan ko tong gawin!. . . Kainis ka talaga. Regalo mo to. Happy birthday. . ." sabi ko at binigay ko sa kanya ung gift.
". . .Bakit hindi mo nilagay sa gift table?" sabi niya, medyo stunned.
"Kasi nakita ko na ung mga regalo mo dun, puro branded kaya parang nakakahiya kung bibigay ko to sayo. . ." sabi ko.
Binuksan niya at kinuha ung red scarf na nasa loob.
"You made this?" sabi niya.
"Oo. Diba kasi lagi ka nag napunta ng korea eh malamig dun. Sige na since birthday mo naman, laiitin mo ung pagkagawa ko dyan.
Nagsoften ang expression niya at ngumiti.
"It's perfect" sabi niya.
Moment of silence. . .
"Dammit! Sabi ko sa sarili ko na i wont let this happen again so early" sabi niya at tiningnan niya ko sa mata.
"I like you Hana Stella Kano" sabi niya.
At dun.
Nasagot na ang tanong ko.
Kahit mapangasar siya.
Kahit nakakabuwisit siya.
Kahit lagi kaming nagaaway.
Kahit napapamura ako dahil sa kanya.
Kahit ganun siya. . .
Gusto ko siya.
Di ko na madeny.
Gusto ko si mr. Putik.
E\N
Talo sa rspc pero ok lang, Parang vacation na rin un para sa akinXD and best of all, nakita ko siya pero i gotta move on na since un na ang last kita ko sa kanya;D
remov8]Mfw