Los Ricos #3: He's Literally...

By oppangelz

1.3K 411 5

Callista Asuncion is a typical girl who provided his brother's needs. But behind her simple life, there's hap... More

Beginning
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Ending

Part 49

14 3 0
By oppangelz

Nalingat


Hindi nagdalawang salita si Mrs. Costales at umalis si Sid ng makapagpaalam.

Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko ng maiwan kami ng nanay ni Aldrien. Pagkapasok namin ng bahay, pinaupo ko siya sa tanggapan at tahimik niyang tinungo 'yon.

"Gusto po ninyo ng kape, o kahit anong maiinom?" alok ko ng mahimasmasan.

Nakikita ko na siya noon tuwing dumadalaw siya sa bahay ni Aldrien, ipinakilala na rin ako ni Aldrien sa kanilang mag-asawa at alam kong mabait silang dalawa.

Kaya lang ngayong alam kong may hindi pagkakaintindihan sa naging tagpo kanina, hindi ko maiwasang hindi kabahan at maging aligaga sa pakikitungo sa kanya.

Ang alam niya ay engage ako sa anak niya. Hindi niya alam ang katauhan ni Aldrien, kaya nag-aalala akong maging iba ang tingin niya sakin.

Walang magandang paliwanag ang natagpuan niya kanina dito sa apartment ko pagbukas ng pintuan. Si Sid lang at ako ang nabungaran niya at hindi ko alam kung paanong ipaliliwanag sa kanyang wala akong ginagawang masama ng hindi siya magdududa.

Hindi ako tanga at alam ko ang kadalasang takbo ng isip ng tao. Madali silang nakakabuo ng konklusyon wala pa man ang paliwanag rito.

"Okay na ang tubig." mababa niyang tugon.

Tumango ako at agad tinungo ang kusina. Pinagsalin siya ng tubig habang nanginginig ang kamay ko at agad ring bumalik sa kanya pagkatapos.

Nang maipatong ang baso, naupo ako sa harapan niya at hinintay ang maaari niyang sabihin.

Mauunawaan ko kung pag-iisipan niya ako ng masama ngunit pipilitin kong ipagtanggol ang sarili ko. Isa pa talaga namang wala akong ginagawang masama, may relasyon man kami ng anak niya o wala.

Huminga siya ng malalim, ako nama'y nanatiling nakaantabay sa kanyang sasabihin.

"How are you?"

Nagulat ako sa lamyos ng tono ng boses niya ngayon.

Ang inaasahan ko, susuatan niya ako sa nadatnan dito sa bahay. Susumbatan at ipamumukhang mali ang ginagawa ko gayong engage ako sa anak nila sa pagkakaalam nilang pamilya.

"M-maayos naman po." nginig kong tugon.

Hindi ko alam bakit hindi ako mapanatag gayong maayos naman ang tungo niya?

Malungkot siyang ngumiti. Kumirot ang puso ko.

Sa saglit na panahong pagkakakilala ko sa kanilang mag-asawa, maayos ang pakitungo nila sa akin kahit ipanakilala  ako ni Aldrien bilag girlfriend at may dalang anak. Hindi nila ako pinakitaan ng kung anong hindi kanais-nais, kaya nalulungkot akong tinitingnan niya ako ng malungkot na mga mata.

"K-kayo po, kumusta?" dagdag ko sa tugon kanina,

Namula ang mga mata niya at may namuong luha. Muling pumitik ang puso ko.

Anong problema?

"I'm not fine." she tried to smile. "I think I wouldn't be fine."

Nagdugtong ang kilay ko sa kalituhan. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"

Tumulo ang luha niya, agad niyang sinalo 'yon ng kanang kamay.

Maging ako naluluha sa nakikita.

"I came to talk to you, to beg on you rather."

Umawang ang labi ko sa gulat.

"I've learned my son's condition. Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? Kung hindi pa ako tinawagan ng doktor."

My heart sank on what I've heard. Ilang beses kong kinumbinsi si Aldrien na sabihin sa pamilya niya ang kondisyon niya ngunit ayaw raw niyang maging pabigat kaya kami nalang raw muna. 

Isa pa hindi rin daw niya balak sabihin sa akin kung hindi nadulas ng gabing 'yon.

Humikbi ako, kasabay ng paghikbi ni Mrs. Costales.

"As a mother, learning this gave me an excruciating pain. Walang katumbas ang sakit na malaman mong bilang na ang araw ng anak mo. Bakit hindi n'yo sinabi?"

"I-it was his c-choice." sumisinok kong tugon.

Napakasakit sa aking malamang bilang na ang araw ni Aldrien ayon sa kanya, kaya hindi ko masisisi si Mrs. Costales sa nararamdaman niya. Alam kong mas masakit 'yon para sa kanya.

"That kind of illness is not just some kind of flu that you can hide and mend eventually. That's leading him to death, and it's painful that both of you didn't told us. Akala n'yo ba hindi kami masasaktan? Hindi kami mangungulila kung hindi namin malaman? Bakit hindi ninyo sinabi agad?" humikbi si Mrs. Costales.

Gusto ko pang mangatwirang si Aldrien ang may gustong ilihim sa kanila, pero ayaw kong lalong pahirapan ang kalooban niya. Sa pagkakataong ito, nauunawaan ko kung saan siya nanggagaling.

"Kung sana sinabi n'yo agad, napadala natin siya sa ibang bansa. Find the best specialists for him, give him the best treatment he'll needed. Sana mas mapapahaba natin ang buhay niya."

Ayaw ko ng magsalita, ayaw kong dumagdag sa nararamdaman niya. Kaya pinili kong lapitan siya at yakapin.

Ang inaasahan ko itutulak niya akong palayo, ngunit nagpaubaya siya at malaya kong nayakap.

Humikbi siya sa balikat ko at hindi ko mapigilang tumulo rin ang luha.

I know how painful it is. I felt it, and I knew my pain can't compare to what she's feeling right now, but still it hurts. Ina na rin ako kaya alam ko ang pakiramdam. Alam ko ang hinagpis ng isang ina tuwing masasaktan ang kanyang anak. At ito, hindi lang basta-bastang sakit, it's life and death.

"Please marry him."

Tila tumigil ang lahat ng marinig ko 'yon. Natigil ang paghaplos ko sa likuran niya ng dahil do'n.

"He loves you, and I know that... that can make him happy." humiwalay siya sa yakap. "Kung wala na akong magagawa para pahabain ang buhay niya, gusto kong mapaligaya siya. Gusto kong ibigay ang lahat ng makapagpapaligaya sa kanya."

Awang ang labi akong umiling. "Hindi po maaari."

"You'll get there anyway, paaagahin lang natin."

"Hindi niyo po naiintindihan."

Muling bumagsak ang mga luha niya. "I'm begging you, Callista. Please marry my son."

Gusto kong tumanggi at ipagtapat sa kanyang hindi ganoon ang relasyon namin ni Aldrien. Kasinungalingan ang lahat at hindi rin gugustuhin ni Aldrie'ng ikasal kaming dalawa.

"I know what's holding you back." inayos niya ang sarili at pinatatag, "he's my son. Nasa sinapupunan ko palang siya kilala ko na siya, habang lumalaki alam ko na kung ano siya. Akala lang niya nailihim niya sa amin pero noon palang tanggap ko na. I know what he desires, I know what he wants. But still I want him to have family on his own, kaya namin pinipilit na mag-asawa siya. But deep inside me, I know who my son is. And I accepted that long ago."

Tiningnan ko siyang puno ng pagtataka. Alam niyang lahat ng 'yon ngunit bakit gusto niyang magpakasal kami ng anak niya? Hindi ba parang lalo niyang aagawin ang kasiyahan ni Aldrien kung gagawin namin 'yon?

Oo, at niyaya akong magpakasal ni Aldrien nitong nakaraan ngunit hindi ko tinuturing na seryoso 'yon. He just wanted to do that to secure me and Sivan. Hindi 'yon dahil sa natural na dahilan upang ikasal.

"Isa kana ring ina. Alam mo ang tibok ng puso ng anak mo, ramdam mo 'yon. Alam mo kung kailan siya malungkot at maligaya. And believe me, I saw that when he found you. Iba ang Aldrien na mayroon kami noon bago ka dumating. He never introduced a woman to us, though I knew he'll never be even we're forcing him to find one. But when you came, I saw how his eyes sparked whenever he looked at you and Sivan. He treasured you more than anything. And I know he'll be happy if you'll marry him."

Nanatili sa akin ang gabing inalok ako ni Aldrien ng kasal. He asked for it sincerely as a friend. Ayaw lang niya akong bumalik sa dati kung mawawala siya kaya niya gagawin 'yon.

"Nagkakamali po kayo. Imposibleng gustuhin akong pakasalan ni Aldrien." alinlangan kong tugon.

Confusion's reigning inside me. Is that even possible?

"Mother's instinct never fails. You knew better cause you have little angel now. Mas dapat nauunawaan mo ang sinasabi kong dama ko ang nararamdaman ng anak ko." mas lumambot ang mga mata niya sakin. "Mahal ka niya, Callista. That's for certain."

I slowly shook my head. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Mahal ako ni Aldrien, ngunit bilang isang kaibigan. Mahal niya ako bilang kauna-unahang taong tumanggap sa kanya ano pa man siya. 'Yon lang 'yon.

"Mahal ka niya, hija. At sana hayaan mong maging masaya siya sa mga nalalabing oras ng buhay niya."

"May iba pa naman po sigurong paraan para mapasaya siya. Hindi naman po natin sigurado kung talagang magugustuhan niya kung matatali siya sakin."

"Hindi ka ba niya inalok ni minsan?"

Natigilan ako sa tanong niya.

He did. But I never thought that that was serious. Ang sabi niya gusto niya lang na may maiwan siya sakin na agad ko namang tinanggihan kasi ayaw kong 'yon ang dahilan kung bakit kami matatali sa isa't isa. Alam ko ang gusto niya at alam niyang hindi ako handa para ro'n, kaya imposible 'to.

"He wouldn't ask that if he didn't mean that. Come to think of it, who'll going to offer that, knowing he'll leaving eventually? Taong gustong lumigaya sa mga huli niyang sandali ang hihiling ng ganoon, hija." muling himikbi si Mrs. Costales.

Ayaw kong isatinig ang sinisigaw ng isip kong selfish ang humingi ng ganoon kung alam mong lilisan ka. bakit mo itatali ang isang tao sa'yo kung alam mong bandang huli mang-iiwan ka?

Huminga ng malalim si Mrs. Costales, "If you really love him as a friend, please consider his happiness. 'Yon lang ang hinihiling ko, Callista."

I love him, yes. But I'm not sure if I can do what she's asking me. Hindi ko alam kung kaya kong itali si Aldrien sa hindi naman niya talaga ikaliligaya.

"Bakit po biglang hinihiling ninyo sa akin 'to? Kung alam po ninyo ang gusto ng anak n'yo, bakit po sa akin ninyo hinihiling? Maaari pong may iba siyang gusto-"

"Sigurado akong ikaw ang gusto niya at magiging masaya siya kung tatanggapin mo ang kasal na inaalok niya." tumayo siya at pumuwesto sa harapan ko.

Lito sa naririnig na tila alam niya ang alok na kasal ni Aldrien nitong huli, sinundan ko ng tingin ang ginawa niya. Tmayo siya at tumigil sa aking harapan. Nagulat ako ng unti-unti siyang bumaba upang lumuhod sa harapan ko!

"'Wag niyo pong gawin 'yan." agap ko sa kanya.

Mabilis akong tumayo. Sinapo ko ang magkabila niyang siko at pilit siyang itinatayo. Medyo mabigat si Mrs. Costales dala ng panghihina at paghikbi kaya nadala ako ng puwersa niya. Bumagsak kaming dalawa sa sahig ng apartment.

"'Wag niyo pong gawin 'yan." ulit ko, nakalugmok rin sa harapan niya.

"I'm willing to do anything for his sake, so please.... I'm begging you, Callista. Please marry him, that'll make him happy. Please...."

Nakakadurog ng puso ang pagsusumamo sa boses niya habang nakasalampak kaming dalawa. Halo ang paghikbi at pagmamaawa sa tono.

Pakiramdam ko lumulutang ako. Hindi sa kasiyahan ngunit sa pagkakatuliro sa mga nangyayari.

A friend of mine is dying yet his mother is here asking me to marry him. Does that make sense? 

Paano ko tatanggihan ang inang handang lumuhod at magpakababa mapagbigyan lang ang hiling at ang kaibigan ko, paano ko siya makokompronta sa kabila ng kalagayan niya ng hindi lalong makakasama?

Saan ako lulugar? Anong dapat kong gawin?

Muling bumalik sakin lahat ng tulong ni Aldrien simula ng matagpuan niya kami. Hindi siya ni minsan nag-atubiling ibigay ang pangangailangan namin. Tinulungan niya kami sa abot ng makakaya. Naroong ang kapatid ko hanggang ngayon ipinapagamot niya sa ibang bansa. Paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na tanggihan kung 'yon nga ang ikaliligaya niya?

Pero totoo kayang ito ang nais niya? I remember he asked me to marry him out of concern. 

Ngunit biglang dumagundong sa isipan ko ang mga sinabi niya noong gabing 'yon, kung gaano raw niya ako kamahal.

Itinuring kong pagmamahal bilang kaibigan 'yon. Seryoso ba siya noon?

May mga binaggit pa si Mrs. Costales tungkol kay Aldrien kung gaano raw ito kasaya simula ng makasama kami ni Sivan, kaya lang habang nangyayari 'yon nanatili na akong tahimik at paminsan minsan nalang ang tinutugon sa kanya. Lutang na ang isip ko at malayo na ang nilalakbay.

Kalaunan, namaalam si Mrs. Costales at naiwan akong mag-isa sa bahay.

Patuloy ang paglalakbay ng isip ko ngunit pinili kong umuwi makalipas ang ilang oras. Pero pagkarating ng bahay wala naman akong lakas ng loob na komprontahin si Aldrien kaya pinag-ukulan ko ng pansin si Sivan.

Tinawagan ko rin si kuya, ngunit gaya noong nakaraan iba ang oras doon kaya hindi rin kami nakapag-usap ng matagal.

Nakakapagtakang kinabukasan nagsimula kong mapansin ang extra sweetness sakin ni Aldrien. 

Dati na naman siyang ganito ngunit matapos ng pag-uusap namin ni Mrs. Costales hindi ko maintindihan kung bakit tila highlighted lahat ng sweet gestures niya na noon pa naman kung tutuusin.

Ipinagluto niya kami ni Sivan ng agahan kahit hindi naman kailangan. Siya itong may sakit kaya dapat siya ang inaalagaan ko. Pati simpleng paghalik niya sa ulo na dati pa namang mayroon, napupuna ko na at napapitlag pa ako kanina ng ginawa niya.

The way Sivan calling him Dad took my attention for a while. Hindi ko alam kung bakit ang sensitibo ko sa lahat? Dati pa namang mayroon ngunit pansing-pansin ko ngayon.

Even the way he called me, pakiramdam ko may kakaiba rin.

Anong nangyayari sakin? Wala akong malisya ngunit hindi ko maiwasang hindi mapansin.

Ang hirap ng hindi ko siya makompronta upang maitanong kung anong saloobin niya sa sinabi ni Mrs. Costales sa akin? Kasi ako sa totoo lang nahihirapang magdesisyon.

Nahihirapan akong tanggapin na higit nga sa kaibigan ang turing ni Aldrien sa akin. Nahihirapan rin akong tanggapin na totoong gusto niya akong pakasalan sa dahilang alam ni Mrs. Costales gayong alam ko ang gusto niya at sigurado akong hindi ako 'yon.

He wouldn't like me. But why did I can't take away the thoughts his mother told me. Iba raw ang Aldrien simula ng matagpuan kami nina Sivan.

But then again, it might be because I accepted him to what he is. Namis-interpret lang siguro ni Mrs. Costales sa kagustuhan niyang magkapamilya ang anak.

Those thoughts lingered on my mind as days goes by. Madalas inaabala ko nalang ang sarili ko sa mga estudyante ko at sa presensiya ni Sid na hanggang ngayon mas pinipili kong manatili sa aking paningin.

Nakatulong kahit papaano kasi pansamantala kong nakakalimutan ang pinag-usapan namin ni Mrs. Costales, ngunit tuwing gabi na naririto ako sa bahay ni Aldrien at wala ng makausap, nanunumbalik ang lahat.

Ilang araw na ang lumipas, ligalig pa rin ako sa mga isiping 'yon.

At dahil na rin siguro sa sobrang pag-iisip, hindi ko na rin namalayang dinala ako ng mga paa ko sa tabing dagat. Bihira kong gawin ito, mas iniisip kong manatili sa bahay noon upang makasama si Sivan, ngunit ngayong magulo ang utak gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Sasamantahin habang tulog si Sivan ng mahimbing.

Punung-puno ang utak ko at hindi nakakatulong na wala akong makausap tungkol dito. Hindi ko nga alam kung kailan ako naghanap ng makaka-usap gayong sanay naman akong mula pa noon ako lang mag-isa madalas.

Malamig na simoy ng hangin ang pumayid sa nakalugay kong buhok na hanggang balikat. 

Inayos ko 'yon at inakap ang sarili, malamig pa rin kahit may suot na akong jacket.

Nasa tabing dagat kami ngunit hindi ko nagagawa itong madalas. Ngayon lang naman kasi ako dinapuan ng ganitong mga alalahanin simula ng napadpad kami sa lugar. Ang mga nauna kong problema lagi kong nakakausap si Aldrien, pero ngayong siya ang inaalala ko hindi ko mabuksan sa kanya. That would be strange of I did.

Mula sa nilalakaran ko, napalingon ako sa bar ni Sid. Doon ko naisip kaninang pumunta upang i-distract ang sarili, pero dahil nga hindi ko gawain. Pinili kong maglakad sa tabing dagat. Isa pa naroroon si Sid, baka mang-usisa, hindi pa naman ako magaling magpalusot lalo at biglaan. 

Tama ng nakakapagsinungaling ako sa kanya tungkol kay Sivan. Ito sa akin nalang.

"Enjoying the breeze, huh."

Napapitlag ako sa nagsalita mula sa kung saan. Kunot noo akong bumaling roon at inaninag. 

Maliwanag ang buwan ngunit dahil gabi nga medyo madilim pa rin ang paligid.

Nanliit ang mga mata ko sa hindi ko kilalang pigura. Makatawan siya at naninibago ako sa tindig kaya sigurado akong hindi ko siya kilala.

"Ah, oo." tipid kong sagot.

Hindi ko siya kilala ngunit sumagot ako para hindi masabing walang modo. Maayos rin namang ang una niyang tungo.

Ngumiti ako ng tipid kahit hindi ko sigurado kung makikita ba niya bago sinenyas na mauuna na ako.

Pagtalikod, muli kong inumpisahan humakbang, naantala nga lang ng hulihin niya ang braso ko.

"I can walk with though, you if you want." aniya sa parehong tono kanina.

Mabilis akong umiling at tumawa ng alanganin. "Hindi. Pauwi na rin ako, sige, mauna na ko."

Binawi ko ang braso ko.

Alam kong walang masyadong krimen sa lugar na 'to. Hindi ko rin naman siya pinag-iisipan ng kung ano. Kaya lang talagang hindi ako magaling makipag-usap lalo na sa mga estranghero.

"I'll walk with you until your doorstep, then." habol niyang muli.

"Hindi na nga." sabi kong luminga pa kung may ibang tao.

Kaya lang biglang dumagundong sa kaba ng dibdib ko ng matanaw na medyo napalayo na pala ako. Iyong bar pala ni Sid na tanaw ko kanina ay likod na bahagi na at malayo na sa puwesto ko.

"Look, Miss. I just want to make sure you're safe as you go back. Kanina pa kita nakikitang naglalakad. You even crossed the boundary of the resort you're from."

Muli kong inaninag ang pinaggalingan at talagang malayo na nga ang narating ko. Ni hindi ko napansin na nakatawid na ako ng resort.

"H-hindi na, sige mauna na ako."

Hindi ko siya hinintay na magsalita. Tinalikuran ko siya kaagad.

Kaya lang muling natigil ang hakbang ko sa muli niyang paghawak.

Tiim bagang ko na siyang nilingon ngayon. Kung kanina maayos akong haharap sa kanya ngayon hindi ko maipapangako. Bakit ba hindi niya maintindihang ayaw ko?

"But I can walk with you. Gusto ko lang namang makipagkaibigan, kasi sa ilang araw kong pananatili rito ngayon lang may nakaagaw ng pansin ko." he said, then scanned my body.

Nagdugtong ang kilay ko at lumikha 'yon ng maraming linya sa noo ko. Kanina maayos naman ang pakikipag-usap niya, bakit ngayon parang may laman?

Tumiim ang bagang ko at muling inagaw ang braso ko. Marahas kong ginawa 'yon ngunit sa bigla niyang pagbitaw muntikan na akong mabuwal.

I expected my back to land on the sand but instead it landed on a firm but warm thing. May agad ring pumulupot sa harapang bahagi ng katawan ko bilang suporta.

Pinanuod ko ang pagyakap ng brasong maigting sa kalamnan ngunit banayad ang paghawak. 

'Yon palang alam ko na kung sinong binagsakan ko.

"Don't bother, I can do that walking thing for her." ani Sid.

Napahakbang palikod ang lalaki.

"Isa pa, nalingat ang ako kaya ka nakasilay, gago!"

Continue Reading

You'll Also Like

733K 60.6K 33
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
6.5M 179K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
10.9M 251K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 π„π§πžπ¦π’πžπ¬ 𝐭𝐨 π‹π¨π―πžπ«π¬ Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
28.9M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...