Temptations With My Home Part...

Oleh danmax_orange

260K 6.8K 1.1K

Yoseff Gerald Alba and his schoolmate, Aidan James Barameda, share the coziest little house. Fate delivered t... Lebih Banyak

Temptations With My Home Partner
Unang Yugto
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Ikalawang Yugto
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Ikatlong Yugto
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29

Kabanata 24

4.1K 144 54
Oleh danmax_orange

Kabanata 24
Another Kiss

Ilang araw na ang nagdaan, parang hangin na kasing-bilis sa pagdating at pag-alis, doon ay biglang sumampal sa'kin ang katotohanang college student pa pala ako at kailangan ko munang magfocus ng matindi para sa mga schoolworks. Sobrang hirap nilang intidihin at gawin, pero mas kailangan kong pagtuunan ng pansin kaysa sumama nanaman sa gimmick ni Aidan.

Araw araw parang kalbaryo sa'kin ang pagpigil sa aking sarili na tumanggi sa mga pang-aakit sa'kin ni Aidan. Ilang beses na niya akong inaamok, lalo na kapag matutulog na kami. Pinipigilan ko na huwag magpatianod sa tukso dahil kailangan ko ng mahabang tulog para makapasok ako sa school ng may tamang lakas.

Nakakaubos kasi siya ng lakas.

Martes ng Setyembre, sa sandaling pagpasok ko sa room para sa first period ay agad akong dinaluhan ni Leila na umabsent kahapon.

Natataranta pa siyang lumapit papunta sa'kin.

"Sef, sef! May picture ka bang ni-lecture na notes sa Managerial Economics? Long quiz daw natin ngayon, yung tinuro daw kahapon yung mga itatanong, e, wala naman ako n'on."

And being a responsible student, of course I do have. Ni-review ko pa nga iyon kagabi.

"Yup, pero hindi ko sinulat sa notebook. Nasa cellphone ko, pinicturan ko lang yung blackboard. Magrereview ka ba?"

"Oo! Bilis na! Kailangan ko nang magbasa!"

Napakamot pa siya sa kaniyang ulo at gumulo ang kaniyang diretsong buhok.

Nagmadali akong kunin ang cellphone ko sa bag at binuksan ang password nito bago ko ibigay sa kaniya.

"Oh, ayan! Ikaw na bahalang humanap sa gallery ko at ireview mo na agad. Kung gusto mo, ipasa mo nalang sa cellphone mo."

Napatingin siya sa'kin na may kaunting pag-aalala.

"E, paano ikaw? Na sa'kin yung reviewer mo. Ayaw mo bang aralin?"

"Naku, e ako pa ba? I had memorized it all."

"Naks naman. Pakopya na nga lang ako sa'yo, prend!" she pleaded with her hands folded together.

"Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko ishe-share yung pinagpuyatan ko kagabi. Ang hirap kayang kabisaduhin yung mga lintik na principles at terminologies, tapos ikaw tamang silip at sulat lang para makapasa. No way!"

"Hoy, kadamot mo, baliw!" aniya at sabay kaming tumawa. "Pero sige na nga. Basta kapag naka-uno ka sa GPA mo, dapat mo 'kong ilibre. It would be a celebration for you, and a consolation for my dying grades. Hngh!!"

She crimpled her face.

I snorted. I felt very obligated by the way she said it.

"Okay lang sana sa'kin kung may ipanlilibre ako. Oh gods."

Tumawa lang siya at dali-dali kaming umupo sa aming puwesto at nagsimula na siyang hanapin ang mga pictures na kailangan niya.

"Good morning! Can I excuse someone?" ani ng isang lalaki na kumaway sa pinto ng aming room.

This guy is familiar. Then I realized that it was actually Ren, one of Aidan's friends, specifically the one who loves to party at night. He is wearing a P.E. uniform while carrying his backpack.

Buckets of sweats are trickling in his skin, yet he still looks very fresh. Mukhang kagagaling lang niya sa practice nila ni Aidan since may sports even na magaganap mamaya.

He roamed his eyes around, looking for someone. When his vision came into my direction, it settled. He gave me a quick smile as a form of greeting and I also did the same.

"Mind if I excuse you, Yoseff?"

Tumango ako at tumayo upang lapitan siya.

I can hear the whispers of my classmates gossiping probably about Ren. Him being a good-looking school athlete, of course he would be totally famous. Too much information had been gathered by people from him since he's a very showy person, that's why he's always the talk of the town. Wala siyang tinatago. I looked into Ren's face, concerning if he feels awkward about the whispers that are very audible because they were all simultaneous. He looks like he doesn't give a shit. Or may be he's just pretending and ignoring them.

"May pinabibigay nga pala sa'yo si Aidan."

He rummaged his bag and picked something inside that is covered in a plastic bag. Tinanggap ko naman ito.

I felt a folded fabric inside.

"Suotin mo daw 'yan mamaya pang-cheer mo," aniya at ngumiti bago umalis.

Bumalik na ko sa aking kinauupuan. Mariing nakatitig si Leila sa aking cellphone.

"Oh shit." bulong niya sa kaniyang sarili.

"Bakit?" tanong ko at sinubukan tignan yung nasa screen ng cellphone ko ngunit bigla niya itong iniwas mula sa aking paningin. Tinitig siya sa'kin na may gulat sa kaniyang mga mata.

"W-wala. Nahanap ko lang yung mga picture ng mga lecture sa gallery mo."

She pursed her lips and bowed her head down like she's hiding something. Napataas lang ang aking kilay.

There's something in her shock that left a mystery.

"Ok," I simply said. I shouldn't mind.

Dahan-dahan kong nilabas ang bagay na nasa plastic bag na binigay sa'kin ni Ren. Isa 'tong kulay gray na t-shirt, uniform ng mga basketball players sa campus tuwing nagpa-practice sila.

Binuklat ko ito mula sa pagkakatupi. I examined it.

Gray Hornbills sa harap. Barameda 23 sa likod.

Halos mabitawan ko ito sa gulat. He sent me this shirt! One of his most-priced posession. Why the hell would I wear this? Its not even necessary.

Ano nalang ang sasabihin ng iba kung makita nila na suot ko yung t-shirt ni Aidan mamaya para sa sports event?

"Wow! Kay Aidan 'yan?" gulantang na tanong ni Leila nang mapansin niya ang hawak ko.

Marahan akong tumango.

"Seryoso? Pwede pakita?" tanong niya at nilahad niya ang kaniyang kamay.

"O ayan, nakikita mo naman, 'di ba?" sabi ko at pinakita sa kaniya ang kabuuan ng damit, baliktaran.

"I mean, pahiram."

"No," I simply said.

"Hala. Hindi ko naman 'yan aagawin sa'yo, baliw. Saglit ko lang naman hahawakan."

Walang kibo ko itong nilahad sa kaniya. Masaya naman niya itong tinanggap.

"Whoah! Ang laki naman nito. Grabe talaga yung katawan ni Aidan, 'no?"

She was right. But I just shrugged.

"Ano naman daw yung gagawin mo dito, bakit naman niya binigay sa'yo 'to?"

"Ewan ko," pagkukunwari ko.

"Weh? Baka naman pinapasuot niya 'to sa'yo?"

"Bakit naman niya gustong ipapasuot sa'kin 'yan?"

"Para i-cheer mo si Aidan... alongside with his teammates. Gano'n lang 'yon. Nakalimutan mo na ba? Tradisyon na daw ng mga players na ipasuot yung luma nilang playing uniforms sa mga kaibigan o special someone nila to cheer them up. Nandun kasi yung tatak nila sa damit kaya parang pagpapakita na rin yun ng suporta, in a special way."

Freshman palang kasi ako kaya hindi ko alam na may ganitong tradition sa school. 'Tsaka hindi kasi ako dumadalo sa mga sports event kasi hindi naman ako mahilig sa sports.

"Bakit kailangan yung luma pa?"

"That is just his practice shirt kaya walang namang kaso kung luma 'yan o hindi. Common sense, Sef. 'Tsaka hindi naman 'yan ganun kaluma. In fact, last year 'yan nirelease, kapapalit lang nila ng set of uniforms today."

Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako sa pinapagawa sa'kin ni Aidan.

"Pero sagutin mo muna ako, okay? Pinapasuot niya ba talaga 'to sa'yo o binigay niya lang sa'yo para iabot sa akin," aniya at paimpit na tumili at hinampas ako sa balikat.

Tumawa ako at umiling.

"That sounds more stupid," sabi ko nalang.

"Malay mo, 'di ba?"

"Paanong mangyayari 'yon, e sa akin nga gustong ipasuot," pag-amin ko.

"Ayun naman pala, hindi mo naman kasi sa'kin sinasabi agad."

"E, sa ayaw ko ngang suotin."

"Bakit naman?"

"Ang awkward kasi para sa'kin," tugon ko.

Medyo nahihiya ako. Kahit gaano man kaespesyal sa'kin si Aidan, at kahit gaano rin ako kaespesyal sa kaniya, may mga bagay na dapat akong isaalang-alang. Natatakot ako na magpakita ng kahit anong kahina-hinalang bagay na magsisiwalat sa tunay naming relasyon.

Natatakot din ako na mahusgahan.

"Paano magiging awkward? Susuotin mo lang 'yan para suportahan siya. Jusko, ang arte mo. Kung ayaw mong suotin edi ako nalang," aniya at dinakma ang damit mula sa kamay ko ngunit hindi ko ito pinakawalan.

"Wag!"

"Suotin mo na kasi," she said and sneered.

She finally released her clutch. I twisted my lips. Bigla kong napagdesisyonan na buong puso ko na itong gagawin.

By imagining myself wearing his shirt intoxicated with his scent gives me butterflies.

"Eto na nga pala yung cellphone mo," ani Leila at inabot na sa'kin yung phone ko na hiniram niya.

"Naipasa mo na lahat ng mga kailangan mo?" tanong ko.

"Oo. Sobra pa sa kinakailangan," aniya at ngumiti na halos mapunit ang bibig. Makahulugan ito ngunit hindi ko nalang pinansin sapagkat marami pa akong bagay na dapat intindihin.

...

Dumaan ang limang oras ng nakakaburyot na klase. Kung tutuusin, ayos lang sa'kin 'yon sapagkat tumutodo ang pagtatambol ng aking puso habang naririnig ko ang bawat pagtunog at pagpihit ng mga kamay ng orasan. Kinakabahan ako sa pagsapit ng hapon kung saan magaganap na ang sports event.

Nasa malawak covered court kami ngayon ni Leila sapagkat dito daw gaganapin ang basketball. Pareho kaming may hawak na iced tea at chips.

Nakapwesto kami sa pinakaharap na bleachers. Nagsisigawan ang lahat ng tao kahit hindi pa nagsisimula at kahit isang player ay wala pa sa gitna. Salung-salo ko ang ingay na nagpabingi sa akin. Namamanhid na ang tainga ko kaya ilang beses ko na itong tinatakpan.

"Hornbill Supremacy! Ahu! Ahu! Ahu!"

They chanted again and again. Hindi natuwa ang mga bisitang audience so nag-come up din sila ng ipapang-cheer nila.

Ang mga professors naman ay sinusubukang pahinahin ang mga boses ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbawal, but they still insist to be loud.

"What the fuck is happening?!"

Napatingin ako sa katabi ko sa kanan. It was Martim, yung delinquent student na madalas pinapagalitan ng professors dahil sa kawalan ng manners. Siya rin yung nagbuhat sa'kin patungo sa clinic noong nagkasakit ako sa gitna ng klase.

Napansin ko na may bandage siya sa kaniyang mukha. May mga pasa din siya sa leeg.

"Hindi 'to palengke, my god!" sigaw niya ngunit tila ba isang bulong kung tabunan lang ito ng mga sigaw.

"Kumalma ka, Tim. Of course, maingay kasi maraming tao ngayon dito. Kung ayaw mo pala ng maingay, hindi ka nalang sana pumunta," sabi ni Leila na nasa kaliwa ko.

"Don't care about your opinion," masungit nitong tugon.

"Ah talaga? If you don't have any reason to be here, better leave now, troll," bwelta ni Leila.

"I'm here to bash your stupid Hornbills. Ano niyo ba sila? Poon? You are all such a bunch of poor losers. Hindi niyo alam kung gaano kadilim ang mga ugali ng mga 'yan. You guys are cheering for the devils," he said with a sneer at the end.

"Sabihin mo nalang kasi ang totoo, Tim. Kaya ka nandito kasi gusto mong gumanti sa pambubugbog sa'yo nina Ren. Walang magagawa yung pagmamaktol mo, ano. Aminin mo nalang din kasi na sa pangit ng ugali mo, ayaw ka nilang kabonding," pambabara ni Lei sa kabilang banda.

Para akong nakapagitan sa dalawang leyon.

"Shut up kung ayaw mong masabihan kita ng mas masasakit pa na salita," mariing sabi ni Martim.

"Weh? 'Di nga? Paano? Kilala mo ba ako?" saad ni Lei.

"Don't know who you are exactly but you seems stupid. Kung gusto mo, i-record mo pa yung mga sasabihin ko, para sana paulit-ulit mong madinig," sarkastikong ani Martim.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya lubusang kilala si Leila dahil magkaklase naman sila sa maraming subject. Tapos bigla kong naalala na minsan lang pala pumasok si Martim sa klase.

"Go! Let's see kung ano ang masasabi mo," ani Lei at nilabas ang kaniyang cellphone upang i-video record si Martim.

"What's wrong with you, stupid girl? I'm just being sarcastic. Are you actually filming me?"

"Oo. Sabi mo, 'di ba? And as a school journalist, I want to write an article about something dumb. It should be entitled as: Reasons Why People are Brainless. I need to record your attitude for a basis."

"Fuck you! You're the first one who insulted me!" sigaw niya.

"Go, isa pa! Sumigaw ka pa!" ani Leila habang tumatawa.

"Drop that phone or I'll smash your face?" pagbabanta niya.

"Lei, tama na--" pipigilan ko sana siya ngunit binuwelta niya ulit si Martim.

"Gaya ng pag-smash ni Ren sa mukha mo? Aww, I'm scared," ani Lei na may kunwaring nagpapaawang tono.

I can see Martim's fists were firm and ready to punch someone. Hinawakan ko ang braso ni Leila upang maibaba na niya yung cellphone niya, ngunit nahuli kami.

Mabilis na inagaw ni Martim ang phone ni Leila mula sa kaniyang pagkakahawak, at agad siyang tumakbo palabas ng court.

"Putang ina! Mapapatay kita, Martim!" sigaw ni Leila at sinundan niya ito ng patakbo.

Susundan ko na sana sila ngunit may biglang nagtext sa aking phone. It was Aidan. Binasa ko ang pinasa niyang mensahe.

From: Aidan

Can you visit me here at the Athlete's Room, Sef. I just need something.

Luminga-linga ako sa paligid habang hinihintay ang pagbabalik ni Leila sa kaniyang upuan, ngunit 'ni anino ay hindi ko man lang siya nasilayan. Baka hanggang ngayon ay hinahabol pa rin niya si Martim.

For sure, ibabalik din naman agad ni Martim yung phone ni Leila. Mukha namang wala siyang interes na nakawin ito, e.

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan upang tumungo sa lugar na pinapapunta ako ni Aidan.

For a second, I met the glance of the crowd to me. Napansin siguro nila na suot ko ang t-shirt ni Aidan. Napalunok ako ng laway at iniwas ko nalang ang aking tingin. Hindi ako sigurado sa mga emosyon nila ngunit ayaw ko nang isipin pa ito.

Ilang minuto ang aking inabot upang matunton ang Athlete's Room. Naabutan ko doon sina Aidan at Ren na nag-uusap. As I stepped on the threshold, they stopped talking and their eyes shifted to me.

"Come on in," paanyaya ni Ren sa akin. "Pupuntahan si Coach saglit. Kayo muna ang maiwan dito."

Agad namang naglakad paalis si Ren paalis at naiwan kami ni Aidan sa loob. Walang ibang tao kun'di kami lang. At kahit ayaw kong isipin ay dumadaan nanaman sa utak ko ang mga eksena dati namin ni Aidan sa loob ng silid na 'to.

"Bakit mo ba akong pinapatawag?" tanong ko sa kaniya.

"You sound mad," aniya.

Huh? Really?

"Sorry, gusto ko lang ng agarang sagot," sabi ko naman.

"I'm nervous, Sef," he said.

Nagsalubong ang aking kilay.

"What do you mean?"

"This will be my very first game in college, and the loud cheers I heard outside were giving me chills," pahayag niya habang makikita sa kaniyang fierce na mga mata ang kaunting pangamba.

Aidan on his weakness. Rare and cute.

"I'll cheer for you but I will never put my expectations," I said and cleared my throat. "I know, its none of a big deal yet I still want to motivate you there. Kahit wala akong maiintindihan sa laro niyo, I'll try my best to cheer you up. But I'm not going to pressure you to win."

His eyes focused on mine. Fierce and deep as always. I cleared my throat once more.

"Victorious or not, whatever happens, you're still amazing... to me."

In a sudden move, our lips collided. His hands covered my heated cheeks as I held his forearm for support.

"Damn. Paalalahanan mo naman ako kapag gagawin mo 'yon," I said in muffled voice. I almost got ran out of breath. Just one straight minute and he already took all of my oxygen.

"Another kiss?" he asked me.

I was hesitant at first so I snorted. Mukhang hindi niya 'yon nagustuhan kaya napangunot siya ng noo. I just chuckled and answered him with a kiss.

"Want more?" he asked right after. Hope is evident in his dark pupils. Nangunot ang ilong ko.

"Ang sugapa ko naman if I'll say yes again," sabi ko.

"To ask for more isn't a big deal. I'm not hesitant to give what I must give. Basta ikaw, Sef. Basta ikaw," he said it like a promise in a prayer. With his solemnity, I felt the... love.

Don't deny. Don't deny. Don't deny.

I gave him a peck... again.

"I guess that's enough," sabi ko sa kaniya.

"I doubt it," ani Aidan at ngumisi habang hinahawi ang aking buhok. "I still need your kisses for the time ahead. For the next hours, next days, next months, next years."

"But I'm done at this very moment. You must now prepare yourself, okay?"

Tumango siya na may matamis na ngiti na nakasilay.

"Kaya mo 'yan, Aidan. I believe in you. Hindi por que ikaw ang pinakabata sa kanila ay pang beginner level ka palang. You trained yourself too much. You have already done your best."

He gave me the sweetest smile of the moment.

...

Nauna na akong pumunta sa court kung saan naabutan ko si Leila sa pinakadulo ng bleachers. Malamang, naagawan na kami ng seats sa harap. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Walang hiyang Martim 'yon, kung hindi pa rin niya ibibigay sa'kin yung cellphone ko within this day, isusumbong ko siya sa mga professors," aniya habang nakahalukipkip at nakabusangot.

"Kung gusto mo, isumbong na natin ngayon," suhestyon ko ngunit umiling siya.

"Huwag na muna. Pahupain ko muna yung galit ko. Wala namang importante sa phone na yun bukod sa notes ko tsaka social media. Pwede ko naman 'yun palitan," she simply said.

"Naks. Richkid."

"Anak kasi ako ng mafia boss," saad niya.

"Weh? Seryoso?"

"Joke lang. Masyado ka namang inosente sa buhay, Sef," aniya.

"At least hindi ako inosente sa mga lessons natin," banat ko naman pabalik.

"Edi ikaw na magaling," aniya at tumawa lang kami pareho.

Dumoble ang ingay nung nagsimula nang lumabas isa-isa ang mga players.

"Give it up for Gray Hornbills from Beaufort University!" pagpapakilala ng emcee at isa-isang lumabas ang team ng school namin.

They were all looking fresh sa bagong jersey uniform.

Napakuyom ang aking kamay sa shirt ni Aidan na suot ko. I can smell his fragrance in it. I watch him pacing to the center while his eyes were searching something in the crowd.

He never met my gaze until the other team came after.

"Let's give another round of applause for Maroon Vultures from Raconteur University!"

The visiting audience cheered for their representatives. And when everyone tried to cheer in unison, but in different chants, it created a chaos not only in surroundings but also in my ears.

Damn.

Isa-isa nang dumating ang mga kalaban nina Aidan ng nakapila.

They were giants too.

Sa lahat ng players nila. Isa lang ang tanging pumukaw ng aking atensyon. Isang lalaki na hindi ko inaasahan na makikita ko sa event na 'to.

"Sir London?" I said quietly.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
6.6K 454 35
Luhan and Lukas are identical twins. One that grew with love and care and one grew with anger and hatred. Jealousy that turns to insecurity, insecuri...
43.5K 1.2K 29
" Bitawan mo nga ako!" Patulak Kong sabi ni Drake na pawang sampay nang kamay Kong saan-saan sa kawatawan ko. " Wala kabang ibang gagawin? Dahil Kong...
6.7K 540 60
An AU ft. JoKen and KenTin Mina is known to be the most favored yet also most notorious in their group AkaBlackz. Josh is the most charismatic membe...