Bachelor Daddy (Rewritten)

By JuanCaloyAC

2.1M 43.4K 7.4K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng k... More

Welcome Hindots!
Suarez Next Gen Timeline
#BDPrologue
#BDChapter1
#BDChapter2
#BDChapter4
#BDChapter5
#BDChapter6
#BDChapter7
#BDChapter8
#BDChapter9
#BDChapter10
#BDChapter11
#BDChapter12
#BDChapter13
#BDChapter14
#BDChapter15
#BDChapter16
#BDChapter17
#BDChapter18
#BDChapter19
#BDChapter20
#BDChapter21
#BDChapter22
#BDChapter23
#BDChapter24
#BDChapter25
#BDChapter26
#BDChapter27
#BDChapter28
#BDChapter29
#BDChapter30
#BDFinale
#BDBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BDChapter3

58.8K 1.2K 107
By JuanCaloyAC

"One Espresso Macchiato, please." Rinig kong order ni Mr. Elijah. Buti na lang si Carmi ang nasa cashier. Kailangan ko na atang sanayin ang sarili ko na laging magtatagpo ang landas namin. Para hindi na ako kinakabahan. Tutal hindi naman niya ako tanda.

Maski si Mr. Eliot, sana magka-amnesia 'tong Mr. Eliot na 'to dahil sa kanya ako kinakabahan. Buti na lang na mukha syang babaero kaya sa dinami-rami ng babae niya ay hindi niya ako magawang matandaan. Sana nga lang na ang iniisip niya na parang nagkita na kami ay naging babae na lang niya ako. Ikamamatay ko kapag isiniwalat niya na ako ang babae sa bachelor party!

Hinanda ko na ang order niya nang i-abot na sa akin ni Carmi ang cup. Naglakad naman si Mr. Elijah papunta sa akin para hintayin ang order niya. Ewan, kahit hindi naman nagtatama ang tingin namin sa isa't isa, pero madama ko lang na nakatingin siya sa akin ay binabalot talaga ako ng takot. Naalala ko lang iyong gabing iyon, iyong mga tingin niya sa akin, iyong mga mata niyang nakaka-hypnotized. Kaya heto, may anak na kami, s'yempre hindi niya alam.

Agad ko namang iniabot sa kanya ang order niya. "Thank you, Sir."

Seryoso lang niyang kinuha ang cup sa counter bago ako talikuran para umalis na. Gaya kahapon ay pinagmasdan ko lang ang pigura niyang naglalakad palabas ng store. Hindi ko talaga maalis ang takot ko sa kanya. Dahil sa yaman niya, alam kong kaya niyang kunin sa akin si Uno kapag nalaman niya ang totoo.

Lumapit naman sa akin si Carmi kaya naputol ang pagtingin ko sa pigura ni Mr. Elijah. "Grabe ang presensiya niya, 'no? Nakaka-intimidate."

Nanlaki naman agad ang mga mata ko kay Carmi. Nahalata ba niya ang titig ko kay Elijah? Wow, first name basis. Close?! Mr. Elijah kasi.

"Pero gago lang, e." Habol ni Carmi.

Doon ako napatingin kay Carmi. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Gago? Si Mr. Elijah? Oo, takot ako sa presensya niya kasi may sekreto akong tinatago pero kung titignan naman ang personality niya, tahimik lang siya pero mukha naman siyang mabait. Pansin ko kasi iyon na tumatango siya sa mga empleyadong binabati siya sa tuwing nakakasalubong siya.

Lumapit naman si Carmi sa akin lalo para mag-kwento nang pabulong. "Hindi kasi natuloy ang kasal niyan dahil nahuling may babae doon sa bachelor party niya. Kaya ayon."

Nanlaki ulit ang mga mata ko sa sinabi ni Carmi. Kumalat pala ang nangyari noong gabing 'yon. Pakiramdam ko ay nawala ang kaluluwa ko pansamantala. Dahil ang babaeng tinutukoy nila sa bachelor party ay ako.

Bumaliktad ang sikmura ko nang maalala ko ulit ang gabing 'yon.

REWIND

Nakatingin lang ako sa perang iniwan niya sa kama matapos ang makasalanan naming pagtatalik. Ten thousand. Ito na ang halaga ko bilang babae. Ito na ang kabayaran sa akin matapos akong maging parausan ng lalakeng ikakasal na.

Pinunasan ko ang luha ko nang kunin ko ang pera.

Para kay nanay...

'Yan na lang ang patuloy kong iniisip.

Tumayo na ako at nagtungo sa CR para linisin ang sarili ko. Ang sakit pa rin ng parte kong iyon. Wala na. Wala na iyong dapat pagka-ingatan ko bilang babae. Binigay ko lang ang virginity ko sa hindi ko kilalang lalake. Hindi ko na alam kung paano ako tatanggapin ng lalakeng mamahalin ko kung malaman niyang hindi na ako virgin. Baka nga hindi na lang ako mag-asawa matapos ng gabing ito.

Matapos mag-shower ay sinuot ko na ulit ang damit ko at inayos ang sarili ko. Muli akong nagpayakap sa suot kong coat dahil hindi nabura ng shower ang pakiramdam na parang nasa ibabaw ko pa rin si Elijah.

Sinuot ko na lang muli ang mask dahil baka sakaling may tao pa sa labas, at para hindi pa rin nila makita ang mukha ko. Pagbukas ko ng pinto ay napalingon sa akin ang isang babae na umaasikaso sa lasing ng si Elijah na nakahiga na sa couch. Pero, bakas sa mukha niya ang pagkalito at galit. Pinalipat-lipat niya ang tingin niya sa akin at kay Elijah.

Nabigla ako nang sampalin niya si Elijah. "Cheaters! Fucking cheaters! How could you do this to me!"

Binitawan niya si Elijah na nagising dahil sa malakas na sampal ng babae. Nilingon ulit ako nung babae at mabilis na naglakad papunta sa akin. Aatras pa sana ako pero naabot na ng palad niya ang pisngi ko at pinagsasampal ako.

"Bitch! Whore!" Galit niyang sambit sa akin. "How could you have sex with someone who is going to get married! Ang dudumi niyo!"

Hinaharang ko ang braso ko sa mga sampal at hampas niya sa akin para hindi na niya ako masampal pa. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya pero nasaktan ko rin siya dahil nagpagalaw ako sa lalakeng malapit na niyang pakasalan.

"Babe---" Agad lumapit si Elijah sa amin at sinubukang pinigilan ang fiancé niya.

Pero, isang malakas na sampal ulit ang natamo niya. "Fuck you, Elijah! Niloko mo ako! Niloko niyo akong lahat!"

Kita kong napahawak si Elijah sa pisngi niya. Kahit binabalot pa siya ng kalasingan ay tinignan niya ang fiancé niya. Kita ko sa mga mata niya na hindi niya gustong makita na nasasaktan ang fiancé niya, at wala na siyang magawa sa galit nito.

Nasasaktan din ako sa nagawa ko sa fiancé niya, hindi niya deserve ito. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa akin para pumayag na magpagalaw kay Elijah. Hanggang sa makita ko na lang ang mga mata ni Elijah na lumipat ang tingin papunta sa akin.

Awa. Iyon ang nakikita kong tingin niya sa akin. Siguro dahil sinaktan ako ng fiancé niya pero hindi na mahalaga iyon, ang dapat isipin niya ay maayos niya ang gulong ito. Tumakbo na ako palayo sa kanila. Pero, napalingon akong muli sa kanila para sana humingi ng tawad.

"I'm sorry." Iyak ko.

Bago ako tumalikod ay nagtama ulit ang mga tingin namin ni Elijah---ang lalaking kahit isang gabi ko lang nakilala ay habangbuhay kong maaalala dahil siya ang nakakuha sa pagkababae ko.

Tuluyan na akong lumabas ng hotel room at pinuntahan si madam na nag-aabang sa akin sa parking. Simula niyon ay binaon ko na sa limot ang gabing ito.

Pero, may mga bagay na muli palang nahahalungkat.

END OF REWIND

Muli akong napatingin sa pinto ng store na nilabasan ni Mr. Elijah. Wala na akong naging balita simula ng gabi ng bachelor party. Ngayon ko lang nalaman na nasira ko pala ang masaya sanang pagbuo nila ng isang pamilya. Nang dahil sa akin ay nawala ang babaeng pinaka-mamahal ni Mr. Elijah.

Mas lalo tuloy akong kinabahan para sa sarili ko dahil alam kong may galit sa akin si Mr. Elijah matapos ang nangyari. Malamang ay gagantihan niya ako, at baka hanggang ngayon ay pinapahanap niya ako sa mga tauhan niya. Hindi lang nila ako mahanap dahil hindi nila alam ang buong itsura ko.

Hindi na ako nagkomento kay Carmi. Bumalik na ako sa pagta-trabaho para hindi ko na maisip pa ang tungkol kay Mr. Elijah. Safe pa rin naman ako sa ngayon dahil hindi pa rin nila ako kilala. Maski iyong bugaw ko noong gabing iyon, hindi na niya alam kung nasaan ako.

Muli akong tumambay sa park dahil breaktime ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakipag-video call kay Mimi.

"Asan si Uno?" Tanong ko sa kanya.

May face mask pa siya sa mukha dahil sa skin care routine niya. "Uno! Mama mo!"

Rinig ko naman ang pagtakbo ni Uno. Agad siyang kumandong kay Mimi at masayang humarap sa camera. "Mama! May four stars po ako today!" Pinakita niya pa ang braso niya na may tatak na mga stars.

Napangiti naman ako sa kanya. Nasa kinder na ngayon si Uno. Worth it ang mga pagod ko kapag ganito masipag siyang mag-aral. Hindi ko man siya nabigyan ng buong pamilya ay lumalaki pa rin siyang mabuting bata.

"Wow! Ang galing naman ng baby ko." Pagbati ko sa kanya. "Dahil d'yan may pasalubong ka ulit kay mama."

"Yehey! Donut!" Masayang sagot ni Uno na tinaas niya pa ang kamay niya sa sobrang excitement. Bumaba na siya kay Mimi at tumakbo ulit palayo para maglaro.

"Kumusta ang trabaho?" Tanong ni Mimi.

Hindi na kasi kami nagkikita halos nitong pinsan ko. Pang-gabi naman kasi ang pasok niya, habang ako ay pang-umaga. Iyong pagkikita lang namin ay pag-uwi ko ay saka siya aalis. Wala na akong time para magkwentuhan.

"Maayos naman. Gusto ko iyong ginagawa ko. Sana tuloy-tuloy na para stable na ang income ko bilang mag-grade school na si Uno." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Mimi sa sagot ko. "Proud ako sa'yo, Alyssa."

Napangiti ako sa sinabi niya. Siya talaga ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Hindi ko maisip kung kakayanin ko bang buhayin si Uno nang wala si Mimi sa buhay ko. Siya talaga ang pangalawang nanay ni Uno.

"Salamat Mimi, ha. Marami pa akong utang sa'yo. Konti pa, mababayaran na rin kita." Sagot ko naman sa kanya.

Rumolyo na naman ang mga mata niya kaya natawa ako. "Binayaran na 'yon ni Uno sa lahat ng yakap, halik at paglalambing niya sa akin. Hindi utang iyon, ambag ko iyon kasi mahal ko rin si Uno."

Kaya siguro hindi hinahanap ni Uno ang papa niya ay dahil may dalawa siyang ina sa amin ni Mimi. Ang swerte ko dahil may pinsan akong mahal ang anak ko. "Swerte ko talaga sa'yo." 

"Sana may magsabi rin sa akin n'yan na lalake." Hirit niya sabay tawa.

Natawa rin ako sa sinagot niya. "Hindi na natin kailangan ng lalake sa buhay."

"Gago!" Singhal niya sa akin sabay katok niya sa lamesa naming de-kahoy. "Ako kailangan ko ng titi sa buhay."

"Mimi!" Sita ko sa kanya. "Marinig ka ni Uno. Iyong bibig mo!"

Tumawa naman siya sa naging reaksyon ko. "Wala. Naglalaro na sa labas."

Hindi ko talaga kaya ang kabastusan ng bibig ni Mimi! "Sige na. Baka saan pa mapunta 'tong usapan na ito."

"Tangek. Need mo pa rin ng titi sa life!" Ay, wow. Ang gandang advise.

"Ewan ko sa'yo!" Tinapos ko na ang video call namin dahil grabe ang dumi ng bunganga ni Mimi!

Bumalik na ako sa store para magtrabaho ulit. Nadatnan ko naman si Mr. Eliot na umo-order kay Carmi. Wala bang ibang alam na coffee shop itong magkapatid? Hindi ba nila nahahalata na ikamamatay ko ang presensya nilang Villavicencio brothers?!

Napatingin naman siya sa akin nang pumasok ako sa counter. Ngumiti naman ako sa kanya dahil pala-ngiti naman siya. Ako na ang nagtimpla ng kape niya habang ina-asikaso siya ni Carmi na may magandang ngiti sa kanya. Ang landi rin nito ni Carmi.

Tangina, ang gwapo naman kasi ng magkapatid na Villavicencio.

"Pwedeng pa-help ulit?" Tanong niya sa akin nang kukunin na niya sa akin ang order niya.

Napahinto ako sa ginagawa ko at unti-unti siyang tinapunan ng tingin. Kita kong naka-pout siya na nagpapa-cute pa. Ramdam kong napatingin din sa akin si Carmi nang marinig iyon.

Wala na bang ibang way para malayo ang landas ko sa mga Villavicencio na ito? Wala na bang ibang branch ang KAPEPRINCE?!

Pinilit kong ngumiti. "Sige po, sir."

Binigyan naman niya ako ng magandang ngiti. "Thanks much, Alyssa. Lakas ko talaga sa'yo."

Nginitian ko na lang siya, at gaya kahapon ay kami lang ang sakay ng elevator. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko kahapon." Sambit niya sa gitna ng katahimikan namin.

Napatingin ako sa kanya pero agad din yumuko dahil grabe ang presensiya ng magkapatid na ito. Hindi lang basta mga gwapo, ang lakas din ng mga appeal. Sasakupin talaga ang buong pagkatao mo. Kaya nasakop ako ng isa e, at naanakan pa!

"H-hindi ko po kayo kilala." Pagsisinungaling ko. "Si Carmi lang po ang nagsabi na kayo po ang may-ari ng kompanyang ito. Galing po akong probinsiya." 

Tumango-tango naman siya. "Baka kamukha mo nga lang." Nagkibit-balikat pa siya.

Pagbukas ng elevator ay saktong nandoon din si Mr. Elijah sa harap na mukhang naghihintay ng elevator. Nagkatinginan silang magkapatid. "Where are you going?" Tanong ni Mr. Eliot sa kapatid niya.

"I have an appointment with our partner vendors. Ikaw na muna ang bahala rito. Babalik din ako agad." Sagot naman ni Mr. Elijah bago pumasok sa elevator.

Susunod sana ako kay Mr. Eliot sa labas ng elevator pero pinigilan niya ako. "Okay na, Alyssa. Kay kuya 'yang kape. Pakibigay na lang sa kanya para may inumin siya sa biyahe niya. Thanks, Alyssa! Kuya, si Alyssa nga pala at ang kape niya---ay mo pala. Kape mo. Ingat ka, bro."

Tangama?

Wala akong choice kung hindi harapin si Mr. Elijah dahil tinalikuran na kami ni Mr. Eliot at nagmadaling maglakad palayo sa elevator. Ini-abot ko sa kanya iyong kape na kinuha naman niya. Doon nagtamang muli ang mga balat namin.

Just like that, I felt his warm hand once again.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

87.6K 1.6K 29
Dr. Russel Ashton Tryze 'Rat' Velaroza. One of the handsome OBGyne Doctor of HC Medical City. He's famous to call 'Dr. RAT' Lagi silang cat and rat...
63.3K 1.6K 42
Betrayal Series #3 COMPLETED ALSO AVAILABLE TO READ IN NOVELAH APP. Addilene is living her simple life. Not until there was an accident that change h...
4M 68.9K 43
Rohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost t...
406K 8.6K 33
Raveah ValeJandre Alarcon, the only child. Madaling makuha ang lahat ng bagay na gugustihin niya dahil sa yaman na meron ang pamilya niya. Makukuha n...