Bachelor Daddy (Rewritten)

By JuanCaloyAC

2.1M 43.4K 7.4K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng k... More

Welcome Hindots!
Suarez Next Gen Timeline
#BDPrologue
#BDChapter1
#BDChapter3
#BDChapter4
#BDChapter5
#BDChapter6
#BDChapter7
#BDChapter8
#BDChapter9
#BDChapter10
#BDChapter11
#BDChapter12
#BDChapter13
#BDChapter14
#BDChapter15
#BDChapter16
#BDChapter17
#BDChapter18
#BDChapter19
#BDChapter20
#BDChapter21
#BDChapter22
#BDChapter23
#BDChapter24
#BDChapter25
#BDChapter26
#BDChapter27
#BDChapter28
#BDChapter29
#BDChapter30
#BDFinale
#BDBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BDChapter2

62.6K 1.3K 148
By JuanCaloyAC

V-Villavicencio?

Villavicencio na naman?

Naniniwala na ako na kapatid siya ni Mr. Elijah, hindi lang dahil magkamukha sila pero obvious naman sa pagkakahawig ng name nila dahil common ito sa mga Filipino na pangalanan ang mga anak na may pagkaka-pareho. At sa datingan niya, mukhang may posisyon din siya rito sa kumpanya. 

Kung titignan, mas maamo ang mukha niya kesa kay Mr. Elijah. Mas approachable siya kesa kay Mr. Elijah dahil palangiti siya habang iyong isa ay seryoso ang mukha. Pero, delikado rin ang buhay ko kay Mr. Eliot kapag naalala niya ako dahil siya lang ang lalaking nakakita sa mukha ko n'ong gabi ng bachelor party.

Nakahinga nga ako kay Mr. Elijah na hindi ako kilala pero kapatid pala niya itong posibleng maka-alala sa mukha ko. First day ko pa lang sa work pero parang gusto ko ng mag-last day dahil mukhang magla-last day na rin ako sa mundo sa sobrang kaba. Akala ko ay sinuwerte na ako sa bago kong trabaho pero ito pala ang magdadala sa akin sa hukay.

Pinunas ko muna ang kamay ko sa apron ko bago ako nakipag-kamay sa kanya. "I'm Alyssa po."

Tumango-tango naman siya at napakunotn pa ang noo. Matagal niya akong tinitigan bago may sabihin. "Have we met before? You look so familiar, e."

Ito na nga ba ang sinasabi ko! Kahit saglit lang niya nakita ang mukha ko noon ay posibleng matandaan niya pa rin ako hanggang ngayon. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sobrang kaba. Ayoko na ngang balikan ang gabing iyon dahil sobrang mali ang pumatol ako sa lalakeng ikakasal. Bakit parang hinahabol pa rin ako ng bangungot ng gabing iyon?

Sasagot na sana ako nang tumunog na ang elevator tanda na nasa floor na kami. Thank you, Papa G-Shoes, sa pagsagip! Nauna ng lumabas ng elevator si Eliot habang naka-sunod lang ako sa kanya. Iyong floor na ito parang hotel ang itsura. Naka-carpet ang sahig tas parang ang lalaki ng mga rooms kaya layo-layo ang mga pinto.

Opisina ba talaga 'to? Ang gara naman.

Nang makalapit na kami sa isang pinto kung saan ay may isang office table ay tumayo iyong babae na parang secretary. Ngumiti siya kay Mr. Eliot at pinagbuksan ito ng pinto. Nakasunod pa rin ako kay Mr. Eliot hanggang sa huminto siya.

Humarap sa akin si Mr. Eliot at itinuro ang center table. "Just put it there na lang, Alyssa."

Tumango ako at naglakad palapit sa center table at linapag ang dala kong coffee sa lamesa. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa couch kaya hinarap ko siya matapos.

"Una na po ako." Pagpapaalam ko.

Ngumiti siyang muli sa akin. "Thank you, Alyssa." Patalikod na sana ako ng muli siyang magsalita. "Wait---"

Ano na naman?!

Ngumiti ako bago humarap sa kanya.

Naka-dekwatro siyang naka-upo sa couch habang ang isang braso niya ay nakapatong sa ibabaw ng sandalan ng couch. Ang isang kamay naman niya ay hawak ang isang coffee cup na binili niya sa amin. Sumipsip muna siya sa kape bago magsalita.

"I really feel like we've met before."

Bakit ba niya pinipilit alalahanin?! Mukhang hindi ko madadala sa libingan ko ang lihim ko. Mukhang itong lalaking 'to ang ililibing ko ng buhay dahil siya ang pwedeng magsiwalat kay Mr. Elijah kung sakaling maalala na niya kung sino ako!

Anak, patawarin mo ako pero maililigpit ko itong tito mo para hindi tayo mapahamak na dalawa! Pabuka na sana ang bibig ko nang may magsalita sa likod.

"Who are you talking about, Eliot?" Boses ni Mr. Elijah.

Nanginig na naman ang kalamnan ko sa presensya ni Mr. Elijah. May dalang takot sa akin ang presensya ni Mr. Elijah dahil hindi ako magpapanggap na kung sakaling malaman niya ang tungkol sa amin ni Uno ay natatakot akong kunin niya si Uno sa akin. Sa impluwensya na meron siya ay hindi malabong mangyari ang takot ko.

Kita ko sa peripheral vision ko na naupo siya sa tapat ng isa pang couch na inuupuan ni Mr. Eliot. Hindi ko siya kayang tignan kaya yumuko na lang ako bilang respeto at para na rin itago ang mukha ko para hindi na niya ako maalala pa.

Napailing naman si Mr. Eliot. "Nevermind. Thank you, Alyssa."

Tumango naman ako at nagmadaling lumabas sa opisina. Napasandal ako sa pinto dahil sobrang nanghihina na ako sa kaba. Naghabol ako nang paghinga ko dahil parang sasabog na ang puso ko. Limang taon na ang nakalilipas, pero ang epekto sa akin ni Mr. Elijah ay dala-dala ko pa rin. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit magkamukhang-magkamukha sila ni Uno.

Napatayo naman ang secretary para i-check ako. "Okay ka lang, Miss?"

Ngumiti ako ng pilit. "Oo, salamat."

Naglakad na ako papuntang elevator. Ito ang literal na whattaday! Mas napagod pa ako sa kaba ko kay Mr. Elijah kaysa sa trabaho ko. Ginawa naman nilang magkapatid na memorable ang first day ko.

Sinalubong naman ako ni Kennedy pagpasok sa shop. "Bulung-bulungan ka kaagad ng mga tao dito kanina, Alyssa."

Napataas naman ang kilay ko. "Bakit naman?"

"Kasi kasabay mo sa elevator iyong COO." Sagot naman ni Ken.

Si Mr. Eliot? Ang Chief Operating Officer ng Suarez-Villavicencio Enterprise? So, siya ang sunod na may pinaka-mataas na posisyon kay Mr. Elijah. Bakit ba ako nagtataka e ang apelyido nila ang pangalan ng company na ito? Nanganganib talaga ang buhay ko sa magkapatid na ito.

Pero, ano namang isyu sa kanila kung makasabay ko sa elevator ang COO?! "Nagpatulong lang naman siyang dalhin iyong coffee niya sa opisina niya." Rason ko naman.

Gusto ko ng mag-resign.

Pagod na ako agad sa unang araw ng trabaho ko!

Hanggang sa matapos ang araw ko sa trabaho ay nakahinga na ako. Wala na ulit nanggulo sa akin na Villavicencio. Pero, hindi ko pa rin mawala sa isip ko na muli kaming nagtagpo ni Mr. Elijah. Ito ba ang way ni Papa G-Shoes para paglapitin kami ng ama ni Uno?

Okay naman kami. Hindi namin siya kailangan ni Uno. Kaya ko namang buhayin si Uno, oo, hindi sa marangyang paraan kumpara sa kayang ibigay ni Mr. Elijah sa anak namin pero kaya kong buhayon si Uno sa paraan na kaya ko.

O, feeling ko lang 'yon dahil hindi lang nagsasabi si Uno ng totoong nararamdaman niya? Na hahanap-hanapin pa rin niya sa akin ang papa niya. Kausapin ko na lang ang anak ko para mapaliwanag sa kanya na wala na siyang papa na aasahan pa. Safe pa rin naman ako dahil kahit makilala nila ako ay hindi naman nila alam na nagbunga ang gabing iyon---na may Uno sa buhay ko.

"Salamat po sa araw na ito. Bukas po ulit." Nagpaalam na ako sa dalawa dahil ibang way ang pauwi nila. Naglakad naman ako papunta sa bus station at naupo habang nag-aabang ng bus.

Ang daming pumapasok sa utak ko. Buti pa 'yong utak ko napapasukan. Chz!

Una, never nagtanong si Uno tungkol sa ama niya, kaya hindi ko naman binubuksan ang topic tungkol dito. Pangalawa, tama pa bang magpatuloy akong magtrabaho sa KAPEPRINCE bago pa mapahamak ang buhay ko sa mga Villavincencio? Kayo na ang sumagot para sa akin.

Tumayo na ako para abangan ang paparating na bus. Sumakay ako at naupo sa may window side. Bumalik sa ala-ala ko iyong araw na pinagtabuyan ako ng pamilya ko.

REWIND

"Malandi kang bata ka!" Bulyaw sa akin ni mama.

Pinagsasampal ako ni mama nang malaman niyang nagdadalang-tao ako. Walang humpay ang pagluha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Isang semester na lang sana ay patapos na ako sa kolehiyo pero nabuntis pa ako ng lalake sa bachelor party.

"Pinag-aaral kita para makatulong ka sa mga kapatid mo at buhayin kaming pamilya mo dahil ikaw na lang ang inaasahan namin na bubuhay sa amin! Inuna mo pang lumandi! Haliparot ka!" Patuloy na pagbulyaw sa akin ni mama.

Sampal.

Isa na namang sampal.

Nakaluhod ako sa harap nila. Luhaan. Humihingi ng kapatawaran. 

Ang laki ng takot ko nang malaman kong nagdadalang-tao ako pero hindi ko kayang ipalaglag ang batang ito kahit ang nakataya ay ang mga pangarap ko. Dahil alam kong habangbuhay akong mumultuhin ng konsensya ko kung ipapalaglag ko ang bata. Kahit bunga pa siya sa maling paraan ay mahal ko ang batang ito dahil dugo't laman ko siya kaya papanindigan ko siya.

Pero, ang sakit lang. Isang beses lang ako nagkamali pero parang hinusgahan na nila akong masamang tao. Ang dami kong sinakripisyo para lang sa pamilya namin pero nabalewala ang lahat ng 'yon dahil lang sa isang pagkakamali ko. Anak naman din niya ako pero parang ang role ko lang sa pamilya ito ay magdala ng pera sa kanila.

Patuloy pa akong pinagtutulakan ni mama. "Lumayas ka! Wala kang silbi!" 

Kinuha ni nanay ang mga damit ko sa tokador at pinagtatapon ang mga ito sa labas. Hinila niya ako palabas ng bahay bago saraduhan ng pinto. Nabuntis ako dahil kailangan kong maghanap ng pera para pambayad sa ospital niya pero pinili niya akong kamuhian. Pagod na ako para manumbat.

Napa-angat ang tingin ko nang maramdaman kong may humaplos sa likod. "Pinsan, tara, sama ka na lang sa akin sa Doldam."

"Mimi---" Napatakip ako sa bibig ko nang umiyak na ako sa harap niya.

"Sshhh..." Yinakap niya ako inalo. "Alyssa, alam mo, wala nang mas magiting pa sa babaeng pinagpatuloy ang pagbubuntis at pagbuhay sa anak niya na mag-isa. Ngayon pa lang ay hinahangaan na kita sa iyong pagiging ina."

Hinawakan pa ni Mimi ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "H'wag mo muna silang isipin. Ang anak mo na ang priority mo ngayon. Kailangan mong tatagan para sa kanya. At nandito ako para tulungan ka. Tara na?"

At dinala na nga ako ni Mimi sa Doldam.

END OF REWIND

Kung wala si Mimi sa buhay ko ay hindi ko na alam siguro kung saan na kami dinala ni Uno ng buhay. Nagpapasalamat ako kay Mimi dahil sa tulong niya sa pag-aalaga kay Uno. Kung anu-ano ang pinasok ko para lang magka-pera. Si Mimi ay tumutulong din sa gastos ko kay Uno kahit pinipigilan ko siya. Hindi siya humihingi ng kapalit dahil mahal din niya ang anak ko.

Kaya siguro hindi na hinahanap ni Uno ang papa niya dahil napupunuan na ng iba ang pagmamahal na dapat ay nakukuha niya sa sarili niyang papa. Ang swerte talaga namin ni Uno kay Mimi. Kaya sasaya ako kay Mimi kung sakaling mag-asawa na rin siya pero sa ngayon ay hindi pa siya gano'n kaseryoso pumasok sa isang relasyon.

Bumaba na ako ng bus nang marating nito ang station ng Doldam. Bumili ako ng isang choco butternut sa isang donut store na nadaanan ko para pasalubong sa anak ko. Favorite kasi ito ni Uno.

Nagpatuloy pa akong maglakad hanggang sa marating ko na ang munti naming bahay. Sa may tuktok ng apartment building ang inu-upahan namin ni Mimi. Kaya kailangan ko pang umakyat ng hagdan.

"Mama!" Sigaw ni Uno nang makita niya ako sabay takbo sa akin. Hinalikan niya ako agad sa labi. "Na-miss po kita, mama!"

"Na-miss din kita, my one and only!" Sagot ko naman sa kanya at tinaas ko ang paper bag na dala ko. "May pasalubong sa'yo si mama."

"Donut!" Masaya niyang banggit. Inagaw niya ito agad sa akin sabay takbo sa papag na nasa labas ng bahay namin.

Napangiti ako nang sundan ko siya sa papag at naupo sa tabi niya. Naghubad ako ng sapatos para mahiga sa papag. Nahiga rin si Uno at ginawang unan ang tiyan ko.

"Uno..." Tawag ko sa kanya.

"Po?" Hindi man lang niya ako tinignan dahil busy siya ngumata sa donut.

Hinaplos ko naman ang bunot niyang buhok. "Bakit hindi mo hinahanap sa akin kung sino ang papa mo?"

Doon siya napatingin sa akin. Matagal niya ako tinignan bago sumagot. "Baka po kasi 'di kayo bati kaya okay lang po sa akin na wala po siya."

Natawa naman ako sa naisip niyang hindi kami bati ni Mr. Elijah. Ang lakas maka-bata. Pero higit pa sa hindi kami bati ang dahilan, Uno. Hindi talaga kami magka-kilala ng papa mo. Ang hirap sa akin na nabuo ka lang sa isang kasalanan. Ayokong maka-apekto ito sa'yo kaya hindi ko sinasabi sa'yo ang totoo.

Nagpatuloy pa si Uno sa pagsasalita. "Bati na po ba kayo?"

Natahimik ako sa tanong niya. Ang hirap na hindi magsinungaling sa bata dahil matandain sila sa mga sinasabi mo sa kanila. Kung may iku-kwento man ako kay Uno tungkol sa papa niya ay dapat mapanindigan ko ang kwentong iyon para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Gusto mo ba siyang makilala?"

Hinawakan pa niya ang baba niya na parang nag-iisip. "Kung bad siya, ayaw ko na lang po, mama."

Hindi ko pa masasabi kung bad siya. Kaya shut up muna ako. Pero base kanina, medyo strict siya. Iyong tito mo, feeling ko makaka-sundo mo siya. Iyong totoo mong papa, hindi ko alam kung matatanggap ka niya.

Hinila ko siya paakyat sa akin para mayakap ko siya. "I love you, my one and only."

"I love you, too, mama!" At gumanti siya sa akin sa pagkakayakap.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

368K 8.6K 60
Grayson is a bachelor business man, his a introvert man who were enjoy to be alone rather staying with his friends and cousins. The mysterious guy wh...
6.3K 532 21
Atasha only wants to have a simple college life. Her sole objective is to complete her studies. She doesn't have time for relationships, for her it's...
87.6K 1.6K 29
Dr. Russel Ashton Tryze 'Rat' Velaroza. One of the handsome OBGyne Doctor of HC Medical City. He's famous to call 'Dr. RAT' Lagi silang cat and rat...
1.6M 34K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And I think it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samanth...