TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

Summer_Alli tarafından

740K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... Daha Fazla

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 21

15.6K 424 20
Summer_Alli tarafından

INIWAN ako ni Sebastian dito sa may sala habang nanonood ng english movie. Ipinayo kasi nito sa akin ang panonood ng mga english movie para matutunan ko daw ang mga gano'ng salita. Binigyan din ako nito ng mga english books na pwede kong mabasa.

Ngayon ay nasa kusina si Sebastian para kumuha ng maiinom at makakain namin habang nanonood ng movie.

Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa may dingding. Napabuntong-hininga pa ako nang malaman ko na mag-aalas nuwebe na ng gabi pero wala pa rin si sir Tristan.

Naalala ko na agad kaming umalis sa kinainan naming restaurant kanina para pigilan ang pag-eeskandalo ni Bianca roon. At matapos akong ihatid dito ni sir sa bahay ay agad rin itong umalis para ihatid ang kasintahan nito. Muli akong napabuntong-hininga at itinutok nalang ang paningin sa pinapanood.

"Hindi dapat ako nasasaktan ng dahil sa kanila" bulong ko pa sa aking sarili.

Napatingin ako sa may pintuan ng makarinig ako ng ingay mula roon. Naramdaman ko bigla ang pamilyar na pagtibok ng puso ko sa tuwing nasa harapan ko ang isang tao.

Hindi ko pa man nakikita ang nasa may pintuan ay alam ko na kung sino ang nasa likod niyon. Sir Tristan! Agad akong nataranta at nagpanggap na natutulog. Humiga ako sa inuupuan kong sofa at ipinikit ang aking mga mata.

Naririnig ko ang mga yabag na unti-unting lumalapit sa direksiyon ko. Pigil ang hininga na pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko no'ng maramdaman ko ang presensiya ni sir at ang pag-upo nito sa tapat ng aking hinihigaan. Alam ko rin na pinagmamasdan nito ngayon ang aking mukha dahilan para pigilan ko ang paglunok-laway.

Nagwala pang lalo ang aking puso ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa noo ko. Wahhhh anong nangyayari? Minamanyak ba ako ni sir? Lalo kong ipinikit ang aking mga mata at lihim na ginuyumos ang suot kong bestida para pakalmahin ang aking sarili.

"I'm sorry" Malumanay na bulong sa akin ni sir na hinaplos pa ang aking pisngi. Pakiramdam ko ay biglang kumalma ang aking sarili dahil sa banayad nitong paghaplos sa aking pisngi.

"You are here, bro" Narinig kong boses ni Sebastian na marahil ay kalalabas lang galing kusina. Naramdaman ko ang pagtayo ni sir Tristan. "Maybe she's too tired in our learning session" Natatawa pa na dagdag nito na alam ko namang ako ang tinutukoy.

"You don't have to do this. I'll manage her from now on, I'm gonna hire best tutor for her and I will also guide her" Narinig ko naman na boses ni sir Tristan.

Pakiramdam ko ay dudugo na ang aking ilong dahil sa pag-uusap ng mga ito. Mabuti nalang dahil kahit papaano ay naiintindihan ko na ang alien words. Narinig ko ang pagtawa ni Sebastian. Lihim naman akong napakunot-noo. Nababaliw na yata si Sebastian?

"Are you her guardian, bro? Or you are acting like a caring boyfriend for her?" Natatawa pa na tanong ni Sebastian kay sir. Natigilan naman ako bigla.

"I'll be her boyfriend soon" Sagot ni sir na ikinasamid ko dahilan para mapatingin ang mga ito sa akin. Namumula ang pisngi na tumingin din ako sa mga ito. "So you are awake?" Tanong pa ni sir sa akin habang nakakunot-noo. Napapahiyang tumingin ako dito.

"H-hindi sir, s-sleep walking lang po" Sagot ko naman dito na agad umalis sa harapan ng mga ito. Narinig ko pa ang pag-asik ni sir at ang mahinang pagtawa ni Sebastian. Napapakagat-labi na pumasok ako sa aking kwarto.

Kanina pa ako dito pagulong-gulong sa aking higaan pero hanggang ngayon at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Paulit-ulit kasing pumapasok sa isip ko ang sinabi ni sir na magiging boyfriend ko ito. Nakakaramdam ako ng inis para dito dahil alam ko naman na may kasintahan na ito.

"Gusto bang paglaruan ni sir ang nararamdaman ko?" Malungkot na tanong ko pa sa aking sarili. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

Sinubukan ko muling makatulog pero wala pa ring nangyayari kaya pinili ko nalang ang bumangon. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago umalis ng aking higaan at lumabas ng kwarto.

Naisip ko na pumunta nalang ng kusina at magtimpla ng gatas. Nag-iinat-inat pa ako ng aking mga braso habang papasok ng kusina. Natigil pa ang aking paghikab ng mapansin ko na nakatingin sa akin si Sebastian na nasa kusina rin pala. Ngumiti ito sa akin. Agad ko namang itinikom ang nakabuka kong bibig at ngumiti dito.

"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong sa akin ni Sebastian. Tumango-tango naman ako. Ngumiti ito sa akin bago ibinigay sa akin ang katitimpla lang nitong gatas.

"Salamat" Nakangiting sabi ko naman dito bago tinanggap ang gatas na iniaabot nito sa akin.

Umupo rin ako sa bakanteng upuan na katapat ng inuupuan nito ngayon. Nakaramdam ako ng pagkailang ng mapansin ko na nakatitig ito sa akin.

Sebastian

Hindi ko maiwasang hindi titigan si JM habang iniinom nito ang tinimpla kong gatas. Napansin ko na naiilang ito sa mga titig ko kaya napangiti ako at ginulo ang buhok nito. Napabuntong-hininga ako pagkatapos. She really looks beautiful and innocent.

"It was fun to be with you, JM" Panimula ko habang nakangiti. Napakunot-noo naman si Jessica. "I'm leaving" dagdag ko na lihim kong ikinalungkot.

"Huh?" Clueless na tanong pa nito sa akin. Ginulo ko naman ang buhok nito.

"Aalis na ako" Ulit ko dito. Tumingin ito sa akin na para bang naguguluhan. Ngumiti ako at bumuntong-hininga pagkatapos. "I'll go back home later. Thank you JM for wonderful moments with you"

"Huh? P-pero bakit ka------"

"Because I don't want to hurt myself more, I can't see you happy with someone else" Bulong ko sa aking sarili. "Dahil maraming chickababes ang naghihintay sa pagbabalik ko" Putol ko sa pagtatanong nito na tumawa pa ng peke.

Napangiti naman si JM dahilan para matuwa rin ang puso ko. Hinampas pa nito ng bahagya ang balikat ko.

"Gano'n ba? Ang lupit mo pala kung gano'n" Nakatawa pa na sabi nito. Natawa naman ako ng bahagya. She really innocent and clueless. Napabuntong-hininga ako. Tinitigan ko ito dahilan para matahimik ito. "B-bakit ganyan ka makatingin sa akin, Sebastian? May problema ka ba?" Worried na tanong pa nito sa akin. Umiling-iling naman ako.

"Be happy, JM" sagot ko dito. Kumunot lang ang noo nito senyales na naguguluhan ito ngayon sa mga sinasabi ko. "Do what makes you happy. Diba may gusto ka sa pinsan ko? Bakit hindi mo aminin sa kanya ------"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil natataranta na tinakman ni JM ang bibig ko gamit ang isa nitong kamay. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Stop it Sebastian! You are leaving!

"Huwag kang maingay, Sebastian. Baka marinig niya tayo" Putol nito sa mga sinasabi ko. "Saka may girlfriend na si sir kaya hindi ko masabi na may gusto ako sa kanya" Dagdag pa nito na ikinatawa ko ng mahina. Inalis ko na rin ang kamay nito sa bibig ko.

"Paano kung sabihin ko sayo na hindi naman talaga siya girlfriend ng pinsan ko?"

"Huh?"

"They are fake couple, JM. Hindi totoong girlfriend ng pinsan ko si Bianca" sabi ko dito dahilan para matigilan ito. Napabuntong-hininga nalang ako pagkatapos. Pakiramdam ko ay naging masokista na ako. Alam ko naman na gusto ko si JM pero gumagawa pa ako ng paraan para mapalapit ito sa iba. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na hininga. "I just want her to be happy as well as my cousin. I want them to be happy! Alam ko naman na makakalimutan ko rin si Jessica, not now but I will, I must" Bulong ko sa aking sarili.

"P-pero----- paanong naging hindi sila totoo Se-----"

"Ang pinsan ko na ang bahalang magpaliwanag sayo, JM" Putol ko sa pagtatanong dito na nagsimula ng tumayo sa aking kinauupuan. "By the way, about do'n sa learning session natin, si Tristan na bahala sayo. Sana may natutunan ka sa akin kahit paano. Sige, aalis na ako" Paalam ko na dito. Nakita ko pa sa mga mata nito ang kagustuhang pigilan ako pero hindi ko nalang pinansin iyon. Ayoko na magpaapekto sa nararamdaman ko dahil baka lalo lang ako masaktan sa huli.

"Aalis kana ba talaga? Ngayon na ba?" Malungkot na tanong nito dahilan para makaramdam din ako ng lungkot.

Tumango-tango ako bago ginulo ang buhok nito. Tumalikod na rin ako para hindi na makita pa ang lungkot sa mata nito. Nagulat pa ako no'ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni JM. Natigilan ako at hindi na napigilan pa ang pagtulo ng aking luha. I'll miss her!

"Salamat, Sebastian. Balik ka huh? Ingat ka rin palagi" wika pa nito sa akin na ikinangiti ko. Agad ko namang pinunas ang aking luha. Hinarap ko ito para bigyan ng halik sa noo.

"Ikaw din, mag-iingat ka palagi" Habilin ko din dito. Tumango-tango naman ito bago ako nginitian.

Ngayon ay nandito ako sa terrace kung saan nakatambay ang aking pinsan. Lumapit ako dito at nakitanaw sa langit na pinagmamasdan nito ngayon. Inakbayan ko pa ito bago nagpakawala ng malalim na hininga.

"I'm leaving" Inform ko dito. Ngumiti ako ng bumaling ito sa akin. "Nagpaalam na rin ako kay JM" Dagdag ko pa. Napakunot ang noo nito.

"Why are you leaving? I don't push you to leave anyway" Tanong pa nito sa akin na ikinatawa ko ng mahina. Tinapik-tapik ko pa ang balikat ko.

"Yes, you don't push me away but my feelings do" sagot ko dito. "I don't want to feel the pain anymore, bro. I'll leave before I can't, before everything becomes too late for me to control my feelings. Baka hindi ko na siya ibigay sayo kapag hindi pa ako umalis" Natatawa na dagdag ko pa dito. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito.

"Why don't you tell her that you like her?" Tanong pa nito. Ngumiti ako ng bahagya bago tumingala sa langit at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Because I can't take rejection" Pag-amin ko dito. Alam ko naman ang magiging sagot ni JM at ayoko nang mas masaktan pa ng dahil doon. I want to reserve my ego for myself.


🌻 Thank you for reading! 😊 Do you like it? Hope you do 😁 feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ keep safe everyone!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

353K 15K 64
PURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a lif...
196K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
776K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...