TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

By Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 20

17.6K 421 39
By Summer_Alli

ILANG araw na rin ang lumipas noong halikan ako ni sir Tristan pero hanggang ngayon ay malinaw pa rin iyon sa aking isipan. Hindi ko lubos maisip kung bakit nito iyon ginawa. Ano ba ang gustong kumpirmahin ni sir Tristan sa akin?

Paulit-ulit kong ipinilig ang aking ulo para alisin sa aking isipin ang halik ni sir na parating bumabalik sa aking ala-ala. Gusto kong kalimutan ang nangyari at kumilos na parang walang nangyari pero sa tuwing nakikita ko si sir ay napapatingin ako sa labi nito dahilan para bumalik ang halik na pinagsaluhan namin. Yay! Tumigil kana Jessica!

"Wala ka bang trabaho, beks?"

"Ay kabayong pangit!" Gulat na reaksiyon ko dahil sa isang boses galing sa aking likuran na bigla nalang nagsalita. Napalingon ako kay Calex.

"Kabayong pangit talaga, beks? Ang sama mo huh!" Nakairap na reaksiyon naman nito sa akin.

Nginitian ko nalang ito bilang paumanhin. Inirapan pa muna ako nito bago nito ibinigay sa akin ang dala nitong kape. Umupo kami sa naroong upuan at sinimulang ininom ang tinimpla nito.

Sa mga nakalipas na araw ay parati akong tumatambay dito sa may terrace ng bahay ni Calex tuwing umaga para hintayin ang pag-alis ni sir Tristan. Sinusubukan ko talaga na iwasan ito para kalimutan ang nangyari.

"Bakit ba lagi ka nakatambay dito, beks? Kung alam ko lang na ganyan kadali maging maid, sana nag-maid nalang din ako" wika pa ni Calex pero hindi ko ito pinansin dahil pasimple akong tumitingin sa bahay ni sir Tristan para alamin kung nakaalis na ba ito. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Calex na para bang naiinis na ito sa akin. "Deadma, gurl? May iniiwasan ka ba diyan sa bahay ng amo mo? Who? Si Fafa Tristan ba? What happened? Care to tell me? Share share, beks" sunod-sunod na tanong pa nito.

"Hinalikan niya ako" wala sa sarili na sagot ko dito.

Napansin ko na paalis na si sir Tristan dahil papunta na ito ngayon sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Napangiti ako.

"Huwwaaaat? Hinalikan ka ni Fafa Tristan?" Gulat na reaksiyon ni Calex pero hindi ko na ito pinansin dahil tumayo na ako para umalis.

"Salamat sa kape, beks. Gora na ako! Back to work na. Babush!" Nagmamadaling paalam ko pa dito bago patakbong bumaba ng terrace. Hindi ko na hinintay ang reaksiyon nito.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ni sir Tristan ay dahan-dahan pa akong pumasok ng gate. Nang tuluyan na akong makapasok ay napangiti ako. Lumingon ako sa may gate para sana isara iyon pero nagulat ako no'ng makita ko na nakatayo roon si sir habang nakatitig sa akin.

"S-sir k-kayo pala" Kinakabahan na bungad ko dito. Binigyan ko ito ng isang pilit na ngiti. Kumunot naman ang noo nito. "B-bakit po pala kayo bumalik, sir?" Usisa ko pa dito. Nagsimula naman itong lumapit sa akin kaya lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Napalunok-laway ako.

"Are you avoiding me?" Baritonong boses na tanong nito sa akin. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko kaya nakaramdam ako bigla ng pagkailang. Tumawa akong pilit para alisin ang tensiyon na namamagitan sa amin.

"Huh? Hahaha! Sige sir, trabaho na po ako" Paalam ko kay sir bago nagmamadaling pumunta ng aking kwarto para doon magkulong.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nagpakawala ng isang malalim na hininga. Noon ko lang napagtanto na sobra na pala ang pagpipigil ko ng aking hininga.

Paulit-ulit akong nagpakawala ng malalalim na hininga sa aking kwarto. Nang maramdaman ko na maayos na aking pakiramdam ay inilapat ko ang aking tainga sa may pintuan para alamin kung nakaalis na ba si sir Tristan.

Wala akong narinig na anumang ingay mula sa labas kaya naman sinimulan ko nang buksan ang pinto. Napamulaga ako at napapigil hininga nang bumungad sa harapan ko si sir Tristan pagkabukas ko ng pinto. Nakatayo ito ngayon sa harapan ko, nakalagay ang dalawang kamay sa suot nitong pantalon, at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Tsk! You are really avoiding me huh" Nakaasik na panimula nito. Nanatili naman akong nakatitig dito habang pigil ang hininga. Natigilan ako no'ng biglang tumawa ng mahina si sir. "Fine, avoid me as you can but I will chase you persistently. I have to go. Don't forget to take your breakfast" Dagdag pa nito. Nagulat pa ako ng inilapit nito ang mukha sa mukha ko. Hindi ako nakakilos.

Ngumiti lang ito sa akin ng malapitan dahilan para makita ko ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Naamoy ko pa ang mabango nitong hininga. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng guluhin nito ang buhok ko. Umalis na rin ito pagkatapos. Natitigilan na sinundan ko nalang ito ng tingin. Bakit gano'n ang ikinikilos ni sir?

"Sobrang bilis ng tibok ng puso ko" usal ko pa habang nakahawak sa aking dibdib at nakatanaw sa papalayong si sir Tristan.

"Are you ok?"

"Ay butiki!" Gulat na reaksiyon ko dahil sa biglang nagsalita mula sa aking likuran.

Napalingon ako at nahuli ko pa na natatawa si Sebastian. Sinamaan ko ito ng tingin. Nag-peace sign naman ito sa akin.

"Sorry" wika pa nito sa akin.

Hindi ko nalang ito pinansin. Bumuntong-hininga ako. Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga ni Sebastian kaya napatingin ako dito. Binigyan ako nito ng isang pilit na ngiti. Napakunot-noo naman ako.

"May gusto ka ba sa pinsan ko?"  Tanong nito sa akin. Bahagya akong natigilan pero agad din namang nakabawi. Bumuntong-hininga ako.

"Oo" simpleng sagot ko dito. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Agad din naman itong ngumiti sa akin.

"I like your innocence but not your honestly" wika pa nito sa akin. Bahagya nitong ginulo ang buhok bago ako tinalikuran. "Let's continue our learning session" Dagdag pa nito. Naguguluhan na sinundan ko nalang ito.

Ngayon ay nandito ako sa kusina para maghanda ng hapunan para kina Sebastian at sir Tristan. Nagrigodon na naman ang puso ko no'ng makita ko na papasok dito sa kusina si sir. Agad kong tinapos ang ginagawa ko at nagtangkang lalabas na ng kusina. Natigilan ako nang harangin ako ni sir sa may pintuan.

"Ano ba, sir?" Gigil na tanong ko dito sa aking isip. Hindi ba nito nahahalata na ayaw ko itong makasalamuha ngayon?

Napabuntong-hininga ako ng marahas. "May iuutos po ba kayo sa akin, sir?" Pilit pinapakalma ang sarili na tanong ko dito. Ngumiti pa ako dito.

"I want to take you for dinner" Sagot dito at naintindihan ko iyon. Malaki ang pasasalamat ko kay Sebastian dahil nararamdaman ko na ang improvement sa akin. Unti-unti ko nang naiintindihan ang mga alien words.

"Huh? P-pero sir, naghanda na po ako ng hapunan-----"

"I want dinner for two of us" Putol nito sa mga sinasabi ko. Napamulaga naman ako.

"Tayo lang, sir? Paano po si Sebastian----"

"Tsk! Don't mind him. Let's go" Masama pa ang tingin sa akin na wika nito bago ako hinigit sa braso. Nang dahil sa gulat ay wala akong nagawa kung hindi magpatangay dito.

"T-teka lang s-sir, h-hindi pa po ako nagbibihis" Hinihingal na wika ko dito habang higit-higit nito. Ang suot ko ngayon ay simpleng skirt, crop top shirt at wedge sandals. Sandali itong tumingin sa akin.

"No need" simpleng usal nito bago ako muling hinigit.

"H-hindi pa ako nagmi-make up, sir" wika ko pa dito. Narinig ko naman ang marahas nitong pagbuntong-hininga.

"But you always wear it. Tsk! And stop making yourself beautiful because you already are. I don't want you to be surrounded by different guys" wika naman nito na bahagyang ibinulong nalang ang mga huling salita na narinig ko naman.

Naisip ko na sana hindi ko nalang naintindihan ang mga sinabi nito dahil lalo lang akong nahuhulog dito. Naramdaman ko bigla ang pamumula ng aking pisngi. Nagpatangay nalang ako dito.

"Saan ang punta niyo?" Narinig ko pang tanong ni Sebastian na naabutan namin na nasa sala. Lalo namang binilisan ni sir ang paglalakad palabas ng bahay kaya hindi ko na ito nagawang sagutin.

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan ni sir ng makarating kami sa isang restaurant. Hindi ko na kasi kaya ang tensiyon na namamagitan sa aming dalawa lalo na no'ng muling subukan ni sir na hawakan ang aking kamay.

Mabilis akong pumunta sa tapat ng pintuan ng restaurant para subukang pumasok roon. Nakaramdam naman ako ng inis dahil hindi ko magawang buksan ang pintuan. Paulit-ulit ko itong itinutulak pero walang nangyayari. Napapansin ko nga na nakatingin na sa direksiyon ko ang mga tao sa loob ng restaurant. Lalo pa akong nakaramdam ng inis no'ng mapansin ko na palapit na sa akin si sir Tristan. Kainis!

"Don't push it Ica, because its pull" Narinig ko pang wika ni sir mula sa aking likuran. Agad ko namang binasa ang nakadikit sa may pintuan na ngayon ko lang napansin. Nabasa ko ang salitang "PULL". Lihim akong nakaramdam ng pagkapahiya.

"Bwiset!" Inis na bulong ko pa sa aking sarili. Agad kong hinigit ang pintuan at nagmamadaling pumasok doon. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni sir Tristan.

Nang makaupo kami ni sir sa bakanteng upuan ay agad itong umorder ng mga pagkain na agad ko rin namang nilantakan ng dumating sa amin. Napapangiti nalang si sir habang pinagmamasdan akong kumain. Tahimik naming tinapos ang pagkain dahil wala rin naman akong balak na kausapin ito.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong pa sa akin ni sir no'ng mapansin nito na napasandal ako sa upuan at napahaplos sa aking tiyan dahil sa kabusugan. Napangiti naman ako.

"Sobra, salamat sir" sagot ko naman dito habang nakangiti.

"Welcome" Usal naman nito.

Bahagya pa akong napatitig dito no'ng ngumiti ito. Sobrang naninibago talaga ako dito nitong mga nakaraang araw. Agad kong ginising ang aking ulirat at tumayo para ligpitin ang aming pinagkainan. Nagulat naman si sir sa ginawa ko kaya agad nitong pinigil ang kamay ko. Naramdaman ko bigla ang kuryente na dumaloy sa aking katawan.

"Don't do this, Ica. May ibang magliligpit ng pinagkainan natin" Pigil sa akin ni sir na hawak pa rin ang aking kamay.

Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko ang mga taong nagliligpit ng mga pinagkainan ng iba. Napansin ko rin na parang pagod na ang mga ito. Agad akong bumaling kay sir at inalis ang kamay nitong pumipigil sa aking kamay.

"Mukang pagod na sila, sir e" wika ko naman kay sir habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni sir.

"But this is their work" Katwiran pa nito. Napatingin naman ako dito. Nakakunot-noo ito habang pinagmamasdan ako.

"Hindi ko naman inaagaw sa kanila 'yung trabaho nila, sir e. Gusto ko lang po mabawasan 'yung gagawin nila kahit papaano dahil alam ko po na sobrang pagod na sila" Paliwanag ko naman dito na nginitian pa ito.

Natitigilan naman na tinitigan ako nito. Iniiwas ko nalang ang tingin ko dito at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Narinig ko ang pagpapakawala ng isang buntong-hininga ni sir.

"T-then I'll help you" wika ni sir na ikinabigla ko. Napatingin ako dito dahil sa gulat. Nginitian naman ako nito bago nito sinimulang ligpitin ang mga pinagkainan namin. Lihim akong napangiti.

"Nandito pala ang boyfriend ko" Biglang singit ng isang boses na papalapit sa amin. Sabay pa kaming napatingin dito ni sir Tristan. "And he's with his stupid maid" Dagdag pa nito na pinasadahan pa ang kabuuan ko.

"Why are you here, Bianca?" May diin sa boses na tanong naman dito ni sir Tristan. Natawa naman ng mahina si ma'am Bianca.

"Why do you ask? Hindi ka ba masaya na makita ang GIRLFRIEND mo, MY TRISTAN?" May diin din sa boses na tanong ni ma'am Bianca.

Napakagat-labi naman ako dahil alam ko na may gusto itong ipahiwatig sa akin. Nakaramdam ako bigla ng sakit dahil sa katotohanan na sinampal nito sa akin. Pakiramdam ko ay bigla akong nagising sa aking ilusyon.



🌻 Thank you for reading! 😊 Hope you like it my summies 😊 Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

80K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
90K 2.4K 52
Si Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging a...
802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.1M 61.2K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...