Defiant Youth Series # 12: Un...

By AthanWP

7K 424 53

PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, t... More

Defiant Youth Series
Playlist
Prologue
Chapter 1: Pagkabata
Chapter 2: Eskwelahan
Chapter 3: Magnanakaw
Chapter 4: Bugbog
Chapter 5: Dead
Chapter 6: Pagtatapos
Chapter 7: High School Life
Chapter 8: Karahasan
Chapter 9: Alak
Chapter 10: Pariwara
Chapter 11: Kicked out
Chapter 12: Pulis, Kulong, Pagbabalik
Chapter 13: Pag-alis
Chapter 14: Buhay sa Lungsod
Chapter 15: Babae sa iskinita
Chapter 16: Babae sa nakaraan
Chapter 17: Pag-alok
Chapter 18: Bagong Trabaho
Chapter 19: Aling Berna
Chapter 20: Kawalan ng tiwala
Chapter 21: Two years
Chapter 22: Paggahasa
Chapter 23: Atty. Mishel Marrey
Chapter 24: Muling pagkikita
Chapter 25: Pagsampa ng Kaso
Chapter 26: Warrant of Arrest
Chapter 27: First Hearing/Trial
Chapter 28: Feelings
Epilogue
Special Chapter

Chapter 29: Last Hearing/Trial

232 11 6
By AthanWP

Note: The words and articles in this chapter has a proper credits to The Philippine Law. I'm still practicing law, so don't be exaggerated about the content of the articles of Philippine Law. 

Warning: Rape case and Sexual Assault. Please be guided that it is just a mere imagination of the author. I don't intend someone to be offended by my words.


Laxxus POV

ITO na ang huling araw ng trial sa korte. Kakapasok pa lang namin sa loob ay bumungad na sa akin si Manager Felix. Naglakad kami sa kabilang bench, sinalubong kami nito.

"Oh, huling trial na, Laxxus. Siguro naman kapag napatunayan na walang ginawa ang boss ko sa iyo, matatahimik ka na," nangunguyam na sambit nito.

Naikuyom ko ang aking mga kamao. "Kung mapatunayan man na walang katotohanan ang kababuyan ng amo mong demonyo, huwag kang pakampante..." putol ko, "nasa paligid lang ang karma niyong pareho," dugtong ko at nagkibit-balikat bago tumuloy ng lakad. Narinig ko pang nagsalita si Attorney Mishel na siyang ikinangisi ko.

"Tsaka ka ngumisi kapag nagwagi na kayo, Mister."

Huminga ako nang malalim sa tabi ni Attorney. Hinawakan nito muli ang aking kamay at hinaplos iyon.

"Kalma, huli na ito, Laxxus. Makakamit natin ang hustisya." pagpapakalmang muli sa akin ni Attorney.

Ngumiti ako, "Sana makamit ko rin ang matamis mong oo... pero mukhang malabo na rin," sambit ko ngunit bulong na lamang ang dulo. Wala siyang naging imik kaya hinayaan ko na lamang.

Lumipas ang ilang oras ay nagsimula na ang trial. Nasa witness stand ngayon si Manager Felix na kasalukuyang tinatadtad ng katanungan ni Attorney Mishel.

"Hindi ba't nabanggit mo sa amin kanina na may CCTV sa loob ng silid na iyon, Mr. witness?" tanong ni Attorney Mishel.

Pinagmasdan ko siya kung paano siya humarap sa taong tinatanong niya. Seryoso lamang ito sa harap. Tumingin rin ako sa reaksyon ni Manager Felix na ngayon ay nanginginig na ang kaniyang labi.

"Y-Yes," nauutal na sagot niya.

Napangisi si Attorney Mishel. "Then where is the footage?" muli niyang tanong at hindi na ito nakasagot pa.

"Objection Your Honor, the relevance of the ca-" pinutol ni Attorney Mishel ang pagtutol ng abogado ni Versoza. Nagulat ako nang hinampas niya ang lamesa na siyang nagpapitlag kay Manager Felix.

"Okay, let me change the question. How do you know your boss?" muling tanong niya.

Hindi ito agad nakapagsalita. Tumingin pa siya sa Judge na kasalukuyang nakatingin rin sa kaniya. Ibubuka na niya sana ang kaniyang bibig ngunit nagsalitang muli si Attorney Mishel.

"Your Honor, I think the witness doesn't really know his boss in the first place. He doesn't have enough proof to prove his innocence," nakangiting sambit ni Attorney Mishel. "Your Honor, may we ask this Honorable Court to make the accused stand?" paghingi ng permiso nito.

Tumango ang Judge. Tumayo naman si Versoza at nagtungo sa witness stand. Naupo siya roon na parang siga lamang sa kalye't iskinita. Matalim ang mata niya, kita ko ang pamumula nito na siyang ibig sabihin ay gumagamit siya nang droga maging sa loob ng kulungan na walang Pulis ang sumisita sa kaniya.

Lumingon si Attorney Mishel sa akin at ngumiti. May inilabas siyang mga papeles na nagpapatunay na ako ay ginahasa ng hayop na Zach Versoza. May footage rin dahil na rin sa ibinigay ni Kuya Mikel ang access niyon bago ang huling hearing.

"Your Honor, I want you to analyze this medical result of my client as a proof of evidence and I have also the footage... that will make the accused to prove guilty on this very honorable court."

Kinuha nang Judge ang papeles. Binasa niya ito bago muling tuminigin kay Attorney Mishel. "Proceed with the cross examination, Attorney."

Ngumisi si Attorney at dahan-dahang lumapit kay Versoza na ngayon ay walang bahid ng emosyon sa kaniyang mata.

"Did you raped him?" direktang tanong ni Attorney Mishel.

Kumuyom ang aking kamao nang dumako ang tingin ni Versoza sa akin. Kung wala lang siguro kami rito sa korte ay baka nasuntok ko na siya sa mismong pagmumukha niya.

He violated the law, unless he's making his own way to ran away with his crimes. I should not let him escape. I want him to rot in hell forever.

"No."

"Did you raped him?" ulit muli ni Attorney.

Hinampas ni Mishel ang lamesa. "Do you want me to reveal the truth, Mr. Versoza?" nagtiim bagang na sambit nito.

"Objection Your Honor, the question is a violation of Rights of the accused. Speculative!" tutol ng Attorney nito.

Damn! This is how he play and manipulate the law, huh!

"Sustained!"

Napabuntong-hininga si Attorney Mishel. Mukhang masisiraan ng bait dahil pilit pa rin minamanipula ni Versoza ang kaso. Napaisip akong muli, wala na ba akong pag-asa na makamit ang hustisya sa aking sarili? Tanong ko sa aking isipan. Kahit hindi ko na sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko basta ang sarili ko, makamit ang katarungan na hangad nito.

"Did you had a take of Drugs that night?" madiin na tanong ni Attorney Mishel.

Nagngitngit sa inis si Versoza na siyang dahilan ng pag-ngisi ng aking abogado. Huwag mong kalabanin ang isang abogado na maraming hawak na ebidensya dahil kahit anong gawin mong pagmamanipula sa batas, hindi mo matatakasan ang kasalanang ginawa mo.

"No," deny nito.

"Did you use a knife against my client?"

Ngumisi si Versoza at tumingin sa aking gawi bago sumagot. "Oh he's so handsome! I can't deny the fact that I enjoyed what happen," direktang tanong niya.

"Your Honor, the genital findings shows the clear evidence of blunt force or penetrating trauma to my client," pahayag nito sa Judge. "He denied raping but he admitted he used a knife to my client to blackmail him." She continued.

"Noted," sambit ng Judge.

"Rape is a painful experience of every individual who got abused and forced. It traumatized people." She said, looking at me before gazing at the Judge who's listening. "Your Honor, there is no further questions. It's your decision."

Inilibot ng Judge ang kaniyang tingin sa loob ng korte. Tumingin ito sa akin at tumingin rin kay Versoza na ngayon ay sobrang putla na nang kaniyang mukha.

"According to the law, rape is an unlawful crimes. The accused violates the R.A. No. 8353 or the Anti-Rape Law of 1997 and sexual assault is added." imporma niya. Humarap siya kay Versoza na ngayon ay namumutla na. "Chapter 3 Article 266 of the Revised Penal Code of R.A 8353, the accused that committed a crime of rape shall be punished by reclusion perpetua." sambit ng Judge.

Lumingon sa akin si Attorney Mishel na may ngiting panalo sa kaniyang labi kaya ngumiti ako at naluluha sa pagkamit ng aking hustisya.

"I, the Honorable Judge will sentence the accused by reclusion perpetua to death," sabi ng Judge at ipinukpok ang kaniyang gavel.

Napatayo ang abogado ni Versoza. Wala na silang nagawa sa desisyon ng Judge. Nagsisisigaw na ngayon si Zach Versoza na masama ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao na tila handa na akong sugurin sa aking kinauupuan.

Ngumisi lang ako sa kaniya.

"You son of a bitch!" He shouted directly at me.

Naglakad patungo sa akin si Attorney Mishel. "No, huwag mong patulan ang may problema sa pag-iisip, Laxxus. You already had your justice." mahinang sambit niya.

Mabilis kaming lumabas sa korte. Kinuha na rin ng mga Pulis si Versoza. Napaluha ako at napayakap kay Attorney Mishel nang makarating kami sa labas ng korte.

"Maraming salamat, Attorney. Maraming salamat sa pagbibigay katarungan sa ginawang kababuyan sa akin," umiiyak na sambit ko sa kaniya.

Hinagod nito ang aking likod. "Tahan na, malaya ka na, Laxxus. Nakamit mo na ang hustisya. Makakatulog ka na nang maayos."

Naghiwalay kami ng yakap. Nakita ko ang pinaghalong lungkot at saya sa kaniyang mata. Hinaplos nito ang aking mukha.

"Attorney..." tawag ko sa kaniya. "Pwede na ba kitang... mahalin?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Sa harap ng korte, handa na akong magtapat sa kaniya. Handa na akong ipaglaban siya.

"Maaari mo na ba akong mahalin?" muli kong tanong.

"Laxxus... I-I can't," nakayukong sagot niya sa akin.

Nanlumo ako, nanghina ang mga tuhod ko sa kaniyang sinabi.

"Hindi kita kayang mahalin ng buo, Laxxus. I-I can't love you back," aniya. "Narito lang ako... para tulungan ka, pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa akin," dagdag niya.

Lumuha ang aking mata. Ang sakit sa dibdib. Ang bigat sa pakiramdam na tinutulan niya ang pagmamahal ko sa kaniya. Na hindi niya ako kayang mahalin kasi hindi kami pwede sa isa't isa. Hindi niya ako pwedeng mahalin kasi nais niya lang tumulong.

Nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. Hindi ko lubos akalain na magiging mag-isa ako hanggang sa kamatayan ko.

"T-Tama nga ako... hindi kita pipilitin na mahalin ako," mahinang sambit ko at tumingin sa kaniya. Kita ko ang lungkot at panghihinayang sa kaniyang mata. "Kinaya mo akong ipaglaban sa korte... pero ang pagmamahal natin sa isa't isa, hindi mo kaya... hindi mo binigyan ng tyansa," bagsak ang balikat kong sabi sa kaniya.

She held my hands. "We will never be together, Laxxus. I like you but I can't love you, please understand. I am not a worthy woman for you. I don't deserve your love. Let's move on."

"I understand," I said, sarcastically. "I always understand, Attorney! Kahit masakit na tinanggihan mo ako, iintindihin ko. Katulad nga ng sabi ko, hindi kita pipilitin na mahalin ako kung wala ka naman nararamdaman para sa akin." sagot ko.

She's crying for Pete's sake! "I-I'm sorry..."

"No, it's okay." sambit ko at namulsa. "P-Pwede ba... pwede ba na huwag na sanang magkita ang landas natin? Maaari naman akong maging masaya nang wala ka." paki-usap ko at naglakad palayo.

Hindi na ako muling lumingon sa kaniya kahit ilang beses na niyang tinawag ang pangalan ko. Ang sakit. Ang bigat at ang hirap.

Minsan na nga lang akong magmahal, tinanggihan pa ako. Ito na rin siguro ang balak ng Diyos, ang mabuhay ng mag-isa sa ibabaw ng mundong nilikha niya. Nakuha ko nga hustisya para sa sarili ko pero ang babaeng nais kong makasama sa habang buhay ay hindi sinuklian ang pagmamahal ko.

Hindi lahat ng tao ay kailangan kumapit sa patalim. Dapat matuto tayong dumiskarte sa buhay para hindi tayo mapahamak at magtungo sa maling direksyon sa ating buhay.

Ako si Laxxus Harris Sarmiento, ito ang kwento ko. Ang pagiging pariwara ay napupunta sa maling desisyon sa buhay pero natuto akong aminin ang aking pagkakamali. Magsisimula ulit ako para bumangon sa nailugmok kong pagkatao. Babangon ako sa bagong pag-asa, bagong buhay at bagong sarili.




-THE END-

Continue Reading

You'll Also Like

142K 1.7K 61
Flores Brothers #1 Si S.G ay isang alipin na pagmamay-ari ni Seifer, ang kanyang tinatawag na 'master'. Isa siyang hot slave at hindi mo aakalain n...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
564K 10.7K 56
UNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Ga...
90.4K 2.5K 48
"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Ra...