pagod pero gwapo (especially sunghoon)
group chat
jake
sa tingin niyo okay pa ba si heeseung?
jay
bakit anong meron?
jake
ngumingiti siya mag-isa, parang tanga
sunghoon
hindi lang parang, tanga na talaga siya
jake
weh? nakita mo? nakita mo?
sunghoon
pumasok po ako sa dorm niyo kanina at nakita ko si heeseung na tawang-tawa na akala mo baliw na
jake
hindi ko alam yan pero okay
heeseung
ako naman topic niyo ngayon?
jay
nasisiraan ka na daw ng bait hee?
heeseung
hindi, hindi naman ako si jay at hoon no
sunghoon
GRABE???
jay
nADAMAY AKO?
heeseung
kami lang naman ni jake ang matino satin
jake
ilang beses ko na yang sinasabi kay jay pero ayaw niyang maniwala na parehas silang brainless ni hoon
sunghoon
grabe naman kayo don sa brainless mga lods
jay
alam kong hindi ako katalinuhan pero at least hindi ako bobo katulad ni sunghoon
sunghoon
poor sunghoon
sunghoon
teka- ako ba?
heeseung
jusq
jay
kitang-kita na ebidensya oh
jake
mga abno talaga
jake
PERO HOY HEESEUNG OKAY KA PA NAMAN DIBA?
heeseung
wala akong sakit kaya malamang okay lang ako
jake
UGH BAKIT BA ANG SARKASTIKO NIYONG MGA KUPAL KAYO?
jake
PEDE BANG SUMAGOT NA LANG KAYO NG MAAYOS KAPAG TINATANONG KAYO NG MAAYOS?
sunghoon
high blood na si jakey HAHAHAHA
jake
hindi ako galit ha? nagpapaliwanag lang
jay
halata ngang hindi ka galit
heeseung
HAHAHAHA joke lang
heeseung
pero ayos pa nga ako, bakit ba?
jay
tumatawa ka daw kasi mag-isa at ngumingiti na parang tanga
jake
anong nangyayari sayo?
heeseung
ah ayon?
heeseung
wala may ka-chat lang akong mas funny pa sa inyo
sunghoon
yan ba si shin maruya na 1 month ka na hindi chinachat?
heeseung
busy lang daw siya
jake
ah sige kunwari naniniwala kami
heeseung
totoo nga, gusto niyo pakita ko pa senyo convo namin?
jay
no thanks, for sure puro kalandian mo lang yan
jake
nagsalita ang hindi malandi 🙄
jay
3 months na kong walang nilalandi fyi lang
jake
sml?
sunghoon
nga pala pahiram ako ng ballpen
heeseung
bakit? nasan ba ballpen mo hoon?
sunghoon
nasa puso mo 😙
✓️seen by jay, heeseung, jake
jay went offline
heeseung went offline
jake went offline
sunghoon
sige ganyan naman kayo
sunghoon
MGA MANG-IIWAN!