Book 1: A Meme Threaderist

Від ZebedeeGaius

3K 1.5K 122

Love in Chat Series #1: [✅] Facebook to Messenger. ❇❇❇ Austrian Juxe Montecelio is a male rp'ier who is known... Більше

❇ Note ❇
❇ Epistolary Series ❇
❇ 01 ❇
❇ 02 ❇
❇ 03 ❇
❇ 04 ❇
❇ 05 ❇
❇ 06 ❇
❇ 07 ❇
❇ 08 ❇
❇ 09 ❇
❇ 10 ❇
❇ 11 ❇
❇ 12 ❇
❇ 13 ❇
❇ 14 ❇
❇ 15 ❇
❇ 16 ❇
❇ 17 ❇
❇ 18 ❇
❇ 19 ❇
❇ 20 ❇
❇ 21 ❇
❇ 22 ❇
❇ 23 ❇
❇ 24 ❇
❇ 25 ❇
❇ 26 ❇
❇ 27 ❇
❇ 28 ❇
❇ 29 ❇
❇ 30 ❇
❇ 31 ❇
❇ 32 ❇
❇ 33 ❇
❇ 34 ❇
❇ 35 ❇
❇ 36 ❇
❇ 37 ❇
❇ 38 ❇
❇ 39 ❇
❇ 40 ❇
❇ 41 ❇
❇ 42 ❇
❇ 43 ❇
❇ 44 ❇
❇ 45 ❇
❇ 46 ❇
❇ 47 ❇
❇ 48 ❇
❇ 49 ❇
❇ 50 ❇

❇ The End ❇

55 27 20
Від ZebedeeGaius


A Meme Threaderist: Ending.
Austrian Juxe Montecelio’s POV





"Trii, ang tagal mo naman! Bilisan mo na, aba."

"Ito na nga," anas ko sa kaibigan kong babae na sobrang atat ng pumunta sa simbahan.

Ayon pa sa kanya. Kaya niya raw ako isasama ngayon sa simbahan ay dahil hindi niya gustong wala siyang partner. So bali, ako ang naisip niyang best option niya para do'n, knowing that I'm her long-time boy bestfriend.

Reason why do we need to go to church?

Kasal daw ng high school girl bestfriend niya ngayon. Invited siya ro'n at siya naman mismo itong nag-imbita rin sa 'kin para makasama ako sa kasalan ng dating kaibigan niya.

I actually refused her at first but then, dahil nga kaibigan ko siya't nadadaan niya ako sa pangungulit niya kaya ito, pumayag ako sa huli.

"Tri, ano ba? Kailan ka pa naging pagong, ha? Aandar na lang lahat ng sasakyan nandito ka pa rin nagsasapatos, potek." panenermon pa nito sa 'kin. Nakapamewang pa siya sa harapan ko't halatang naiinip na sa ginagawa ko.

Nang matapos akong magsintas ng sapatos ko'y tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bangko saka nagpagpag ng suit na suot-suot ko ngayon.

"Hayan. . . mukha ka ng tao ngayon, Tri."
Napabuntong-hininga ako sa naging komento ng kasama ko. Napangisi naman ito sa harap ko.

Kahit kailan talaga, she doesn't know how to make compliments. Too sarcastic, tch.

Binalewala ko na lamang ang naisip ko't hindi ko na lang din sinabi sa kaniya. Tumayo na ako't hinarap siya saka ko ito niyaya. "Let's go?"

Maaliwalas ang mukha nitong napatingin sa kabuuan ko. Ngumiti pa ito sa 'kin bago yumakap sa isang braso ko.

"Sure, babe."

"What the fu—"

"No bad words!"

"Then don't call me with that kind of endearment, tch."

"Okay, dre."

Napailing na lamang ako sa inasta niya't sabay kaming nagpunta sa kulay pula kong sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa kotse ko't hinayaang makapasok ito sa loob.

Sa passenger seat ko siya pinaupo samantalang ako naman itong nasa driver seat.

Itinuro niya sa 'kin ang address ng simbahan kung saan ikakasal ang kaibigan niya. And the good thing is that, pamilyar ako sa lugar kaya nakarating kami kaagad nang 'di kami naliligaw.

Nag-park ako sa gilid nitong simbahan. Kaagad naman akong lumabas para pagbuksan ng pinto ang tamad kong girl bestfriend.

By the way, her name is Ryniovella. Mas sanay akong tawagin siyang Ry o Ryry dahil iyon ang palayaw niya sa bahay nila. So bali, parang in-adapt ko lang itong palayaw niya dahil mismo sa pamilya niya.

Pagkalabas nito mula sa kotse ko'y kitang-kita ko namang nagulat siya't namangha sa kabuuan nitong simbahan na napuntahan naming dalawa. At kagaya niya'y pasimple ko munang tinitigan ito.

A normal type of catholic church, I guess?

May kalakihan ito kaya todo tingala rin itong ginagawa ng kasa-kasama ko ngayon na si Ryry. Nagpormang letrang o ang bibig niya't napatakip nang ma-realize niyang napanganga na pala siya.

Palihim akong napangiti sa kaniya't napamulsa, ibinalik ko muli sa simbahan ang paningin ko.

I also have this guess na mas malawak itong tingnan kung papasok ka mismo sa loob ng simbahan.

Ahm. . . at kung sa design lang din naman ang pagbabasehan, mukhang na-renovate itong simbahan. Maayos kasi ang ilang kulay nito, halatang bagong pintura. 

Although, medyo mukha na itong luma dahil sa structure nito. Siguro kasi matagal ng nakatayo ang simbahan na 'to rito kaya mahahalata mo pa rin na hindi siya bagong tayo. . . but still, maganda siyang titigan. Maaliwalas is the right term actually.

Hindi pa man din ako tapos makipagtitigan sa simbahan ay bigla naman akong hinila ni Ry papasok sa loob nito, dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ko. Hindi na ako nagreklamo pa't sumunod na lamang ako sa kaniya.

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pag-aakalang late na kami pero 'di pa pala. Sinamaan ko ng tingin si Ry. Nag-aalangan naman siyang napangiti sa puwesto ko.

Ang lakas ng loob niyang i-rush ako kanina hindi pa pala nagsisimula, tch.

"Sorry!" pabulong niyang sabi sabay nag-peace sign sa harap ko.

Napasapo ako sa noo ko't tatlong beses na umiling sa harap niya. Tinawanan niya lamang ako dahil sa inakto ko.

Hindi ko na siya nasermunan pa dahil nakapuwesto na ang pari sa gitna. Pati 'yung groom ay nandoon na rin sa harapan. Nakahanda na ang lahat at nagsimula na nga ang kasalan.

I was smiling while waiting for that bride na papunta na ngayon sa groom niya, which is magiging asawa na niya pagkatapos ng araw na 'to.

But that smile fades when I've finally see that bride.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Natigilan ako. Palapit na siya sa puwesto ko ngayon. Does she...

Naaalala niya pa kaya ako?

Napatitig ako sa kaniya, parang nag-slow motion ang paligid ko't siya lang ang nakikita kong naglalakad ngayon palapit sa gawi ko. And she's so... beautiful. Bagay na bagay sa kanya itong puting wedding gown na kasalukuyan niyang suot-suot ngayon.

Napalunok ako nang bigla niya akong lagpasan. Natahimik ako't mariing napapikit. Sinungaling.

‘Hindi raw makakalimutan, hays.’

Napailing ako sa nasabi ng utak ko. Ang tagal na no'n. Malamang hindi na niya ako maalala.

‘Kung nakipagkita ba ako sa kaniya noon, possible bang. . . maging kami sa dulo?’

Mapait akong napangiti sa namuong tanong ng isip ko. Impossible.

Napadilat lamang ako gamit ang dalawa kong mata nang biglang may tumapik sa 'kin. Saglit kong tinapunan ng tingin itong kasama ko na ngayo'y nangunot na ang noong napatitig sa mukha ko.

"Ayos ka lang?" usisa pa niya. Tumango lamang ako bilang tugon sa naging tanong nito.

Kaagad naman akong umiwas ng tingin nang makita kong nakarating na ang bride sa groom niya. Hawak na ng lalaking iyon ang kamay niya't magkatabing nakaharap sa pari na nasa harapan nila mismo.

Hindi ko kayang tumingin sa kaniya, sa kanilang dalawa. Napatungo ako't nakipagtitigan sa mala-peras na kulay na sahig nitong simbahan.

"She's Emiya Maunice Albares, soon to be Mrs. Elveda."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman matapos sabihin sa 'kin ni Ry ang totoo niyang pangalan.

May katiting sa part ko na masaya pero mas lamang 'yung lungkot, panghihinayang at sakit sa puso ko ngayon.

Nasasaktan akong makita siyang ganito kasaya sa harapan ko't nakangiting napapatingin sa taong mahal niya. Mapait akong napangiti sa sarili ko nang ma-realize ko ang kasalukuyang kalagayan ko.

Ako na lang pala ang natirang nasasaktan ngayon.

"And she's..." nanginginig kong usal. Marahan akong napatingin sa katabi kong babae.

Malungkot siyang tumingin sa 'kin at dahan-dahang tumango.

"The one who ghosted you, ten years ago."

"Umize Alastair Montefalco," wala sa sariling bulong ko na siyang rinig naman ni Ryry.

"I'm sorry for not telling you na sila 'yung ikakasal na high school friend ko dati," paliwanag pa nito sa 'kin. Napailing ako.

"No, don't be sorry. I'm happy to witness this wedding, masaya akong makita siyang masaya sa taong mahal niya talaga."

"Juxe..." mahinang tawag nito sa pangalawang pangalan ko. Napasimangot pa ito sa harapan ko.

Sinubukan kong ngumiti sa kaniya kahit na ramdam kong peke ang mga ito tsaka ko kinapa mula sa bulsa ko itong phone ko't mabilis na binuksan ang power button nito.

"Wait, I think I need to go." Pasimpleng paalam ko pa sa kaniya, kay Ryry. Nagkunwaring may nakitang message galing sa phone ko mismo.

"At saan ka naman pupunta?"

"Someone texted me," palusot ko. Awtomatik namang naningkit ang mga mata nito sa 'kin. Meaning, nagdududa siya sa nasabi ko.

"Maniwala ako, patingin nga?"

"It's private, you know."

"Sus. Oh siya, basta bumalik ka ha. Ihahatid mo pa ako, huwag mong kalimutan."

"Sure, no problem."

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang tumalikod kay Ry. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng simbahan kung saan ikinakasal ngayon ang taong. . . ilang taon ko na ring hinintay.

Hindi ko alam kung bakit nagawa kong hintayin siya nang gano'n katagal. Umaasa na sana makita ko siya nang personal pero hindi naman sa ganitong paraan.

It f*cking hurts like h*ll.

Sakto namang nasa labas na ako ng simbahan nang biglang mag-unahan sa pagtulo itong mga luha ko galing mismo sa dalawang mata ko.

I hate it.

I really do hate myself loving that person who can't be mine in the first place...

I hate that I let myself to fell inlove with her knowing that there is this someone who knows her better than I do.

Someone who can easily make her happy...

That special someone that can make her stay and she'll never get tired in choosing that person all over again but sadly, I will never be that someone for her.

In the end, I'm just her replacement. And I hate it because I can't let go her. I...

Napatingala ako sa makulimlim na langit. Ilang minuto lang at tuluyan na ring umiyak ang ulap na kanina lang ay natititigan ko pa.

Mukhang dinadamayan niya yata ako, ah.

Mapait akong napangiti sa naisip ko. Ngayon ay nasa harapan na ako ng simbahan pero wala ako sa main entrance nito. Nandito ako sa may gilid, sa lugar kung saan ko pinark itong kotse ko kanina.

Hindi kaagad ako umalis. Nananatili lang ako sa puwesto ko't hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Wala na akong pakialam kung magkasakit man ako kinabukasan.

Atlis sa ganitong paraan walang makakakita sa mga luha ko. Atlis, makakayanan kong magtago pa rin at magpanggap na ayos lang ako't hindi ako apektado sa nangyari ngayong araw.

Grabe. Sampung taon!?

Bakit ko siya hinintay nang gano'n katagal? Ako na lang pala talaga itong naiwan at hindi na makausad kasi nakatali ako sa nakaraan na 'di ko kayang kalimutan.

It s*cks.

Pagkatapos kong magdrama sa gitna ng malakas na ulan ay nag-decide na rin akong pumasok sa sasakyan ko.

Wala sa sariling pinaandar ko ito at malumanay na nagmaneho. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang nasa daan ang paningin ko ngayon. Huminga ako nang malalim.



What the f*ck?!

Why am I too sensitive lately?

Oh wait, am I too soft for letting those tears fall from me?

And why am I being like this? This isn't me.



"Hays," buntong-hininga ko't dahan-dahang napailing sa mga naiisip ko. Nasasaktan lang ako ngayon, iyon 'yun.

Sa totoo lang hindi ko alam kung kailan pa ako natututong magdrama nang gano'n. May pag-iyak pa ako sa ulan, gumawa pa ako ng palusot para lang makaalis sa simbahan. Iniwan ko si Ry doon without knowing na nag-aalala rin sa 'kin ang babaeng 'yun.

"Babalik ako, babalikan ko si Ry. . . mamaya," anas ko sa sarili ko.

Grabe. Nakakainis pala 'yung ganitong pakiramdam.

Iyong tipo na hindi mo naman siya gustong maramdaman pero kusa mo siyang mararamdaman dahil sa ilang mga tao o sitwasyon sa buhay mo na bigla na lang dumarating sa 'yo.

Akala ko dati naka-move on na ako sa alaala na 'yun, hindi pa pala.

Hindi ko naman na siya naiisip, e. Kapag nga binabanggit ng mga kaibigan ko mas lalo na ni Ry ang pangalan niya'y hindi naman na ako naapektuhan, pero...

Sa 'di ko malamang dahilan, ngayon ko na lang ulit ito naramdaman mula no'ng nag-deact siya't nag-delete ng fb account niya. At ngayon na finally ay nakita ko na siya ng personal, ewan ko na.

Bigla na lang lumitaw sa kung saan ang lahat ng naramdaman ko no'ng nakakausap ko pa siya. . . noong kami pa kahit na kunwari lang iyon at 'di totoo.

Wala sa sariling napangisi ako. So this is how internet love works, huh.

At first, I really don't want to believe it but not until I met Umize.

...the first and last person na minahal ko thru internet is now owned by someone else.

And the pain that I feel right now, is real. Those feelings are too real and I don't like it.

"Panahon na siguro para palayain na kita nang sa gano'n ay mapalaya ko na rin ang sarili ko mula sa 'yo..." nanghihinang bulong ko sa sarili ko.

Muli, hinayaan kong tumulo ang mainit na likido mula sa dalawang mata ko. Huminga ako nang malalim. Tahimik akong umiiyak ngayon habang nasa sasakyan ako't walang imik na nagmamaneho. Deretso sa daan ang mga paningin ko.


.
.
.


Subalit, nang dahil sa pagiging pre-occupied ko't sobrang pag-iisip ng kung anu-ano'y hindi ko namalayang may sasalubong pala sa 'kin.

Bigla na lang nanlabo ang paningin ko dahil sa sunud-sunod na pagluha ko. What the...

Isang maliwanag na ilaw ang nagpasilaw sa mata ko dahilan para marahas kong tinagilid ang minamaneho kong kotse.

So I think, this is really the end.








Продовжити читання

Вам також сподобається

108K 4.8K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
Hey, Cohen (COMPLETED) Від beeyotch

Підліткова література

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
65.9K 6.6K 163
KF BOOK 1: AN EPISTOLARY Date Published: April 8, 2021
77.3K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...