Falling Into The Depth

By 1wannabefr33

14K 429 57

DEVOZIONE ISLAND SERIES #2 THE POLICE Police Lieutenant Fritillaria Amapola Galvez is the badass woman you'll... More

Falling Into The Depth
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 16

405 16 2
By 1wannabefr33

"Lieutenant, tama na 'yan. Ano bang nangyari ha?" Inis ko namang inalis ang kamay niya sa braso ko at muling ininom ng diretso ang alak na hawak ko.

Narinig ko naman itong bumuntong hininga at nakita ko rin sa peripheral vision ko ang pag-iling niya. Tumawa ako na parang baliw at maya-maya at pabagsak kong binagsak ang ulo ko sa bar counter.

"Ouch," tinatamad kong daing.

"Tangina? Bobo ka ba?" rinig kong sabi niya.

"'Wag mo 'kong mabobo-bobo dyan kundi sasamain ka sa 'kin," sabi ko habang nakapatong ang ulo ko sa bar counter.

Nakangiti kong kinumpas ang isa kong kamay habang nakahiga pa rin ang ulo ko sa counter. Mukha na akong tanga pero wala na akong pake. Alam ko ring wala na ako sa sarili dahil naparami na ako ng alak. Pero nanatili pa rin akong alerto dahil baka may mangyari gulo. Although, Reyes is here. Mabuti na rin 'yung nagiingat.

"Pare, bigyan mo nga ako ng jack daniels. Dali, naiinip na ako rito. Tangina kasi ng babaing 'to. Nag-aaya maglasing tapos hindi man lang ako alukin ng alak. Tangina'ng 'yan," sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkumpas ng kamay ko habang sinasabayan ang malakas na tugtog. I don't know where we are. Basta ang alam ko ay nasa bar ako. Bakit ba naman kasi si Reyes pa ang inaya ko. Imbis na nakapagrelax ako, mas lalo lang akong nagugulo dahil sa matabil niyang bunganga.

Natigil ako sa pagkumpas ng kamay ko nang muli ko na namang naramdamang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Bumuntong hininga ako at kinapa ito habang hindi pa rin inaalis ang mukha ko sa counter.

Napapikit pa ako nang masilaw ako sa brightness nito. Inis kong pinatay ang tawag nang makita ko na naman ang pangalan niya. Tangina, kanina pa siya ah. Ano bang kailangan no'n? Naka singkwenta na ata 'yong tawag sa 'kin at dahil sa inis ko, I turned off my phone and bring it back to my pocket.

"Oh, bakit hindi mo sinagot ang tawag ni Gauge? Magkaaway kayo? Kaya ba naglalasing ka? Malala na 'yan, hindi pa nga kayo tapos daig niyo pa ang magasawa kung mag-away." Inis naman akong napaangat ng ulo at sinamaan siya ng tingin.

Mariin pa akong napapikit nang mahilo ako sa biglaang paggalaw ko. Narinig ko naman itong napahagalpak sa tawa kaya malakas ko siyang sinapok sa ulo. Natigil naman ito sa pagtawa at nakanguso ako nitong tiningnan.

"Itikom mo nga 'yang mabaho mong bunganga. Fyi, hindi siya ang dahilan kung bakit ako naglalasing ngayon. Hindi ko lang sinagot ang tawag niya dahil sa 'yo pa nga lang ay halos magka uban na 'ko sa konsumisyon, ano pa kaya kung dalawa na kayo?"

"Grabe, hindi naman mabaho ang bunganga ko ah..."

I gritted my teeth in annoyance. Seriously? 'Yon lang talaga ang naintindihan niya sa pagkahaba-habang sinabi ko? Tangina... wala talaga siyang kwentang kausap.

"Hoy sa'n ka pupunta?" tanong niya.

Nilingon ko muna siya at saka inikutan ng mata. "Kung saan malayo sa mabaho mong bunganga. D'yan ka lang! Kapag umalis ka, mata mo lang ang walang latay!" sigaw ko at muling naglakad at nakipagsiksikan sa mga nagsasayawan.

Nagtatalon ako at binaliwala ko ang mga dumadaing na tao kapag nababangga o naaapakan ko sila. Tinaas ko sa ere ang dalawang kamay ko at nagpaikot-ikot sa dance floor. Tinanggal ko ang tali ko sa buhok at ginulo ito while I continue to sway my hips.

Muling nagbago ang music kaya tumigil ako sa sway ng hips ko. Napangisi ako nang marinig ko ang pamilyar na beat. Pati ang mga tao sa dance floor ay naging energetic. Many tried to talk and dance with me but I just refused them. Marami nga ang hindi naniwala na pulis ako. Pero ano bang pake ko kung hindi sila maniwala. Eh sa ayaw kong ako ang kumamot sa makati nilang longganisa.

"Hi Miss... do you mind if I join you here?" Nilingon ko naman ang nagsalita sa likod ko. I scrutinize him while looking at him up and down.

He's actually a decent guy. He's still wearing a tuxedo at mukhang galing pa sa meeting. But sorry not sorry, I don't like business men. I like hacker— what the heck.

"Don't ruin my fvckin' mood, Mister. I'm a police, if you don't want to get arrested, then leave," malamig kong sabi habang sumasayaw pa rin.

"You're a police? That's nice... I'm Sean by the way and you are?" Napairap ako at pinanlisikan siya ng mata.

"Try to hunt some bitches, bro. I know that I'm a bitch but this bitch isn't available. Just get the fvck off dude!" Napapailing na lang ito habang natatawa.

Muli akong bumalik sa pagsasayaw pagkaalis niya. Napangisi ako nang maramdaman kong malapit na. Pati rin ang mga tao ay mas lalong nagsigawan at nagtatalunan. Halos lumindol na dito dahil tila nayayanig na ang sahig sa pagtalon nila.

Napahead bang ako habang napapatalon. Mas lumakas ang tugtog at nang malapit na ito sa pagtigil ay sabay-sabay kaming tumigil sa kakatalon hanggang sa tumigil na nga ang tugtog.

"PO-TANG-INA!" sabay-sabay naming sigaw at muling lumakas na naman ang tugtog.

Para akong baliw habang tumatawa. Tangina kasi, ito 'yung fave part ko kapag nagbabar ako. 'Yung bigla nalang titigil ang kanta tapos lahat kasi ay sisigaw ng potangina. Best thing in BGC.

Napatigil ako sa pagtalon nang biglang kumirot ang ulo ko. Napasapo ako sa ulo at napakurap-kurap. Nang may makita akong waiter na may dalang glass wine ay agad kong kumuha.

"M-ma'am—" Agad kong nilagok ang alak at pabagsak itong nilagay sa tray niya. Muntik pang bumagsak ang tray na hawak niya kung hindi niya agad naagapan.

"Alis!" sigaw ko kaya nataranta itong umalis sa harap ko.

Napahawak ako sa bibig ko nang maramdaman kong maduduwal ako. Halos matumba na ako sa kakapilit kong makaalis sa dance floor.

"What the fvck!" bulyaw no'ng tinulak ko.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa paggewang habang nakahawak sa bibig para pigilang maduwal. Nang maramdaman kong hindi ko na talaga kayang pigilan ay tumigil na ako at pinakiramdaman ang sarili ko.

"Hey Miss are you—"

"Fvck!" nandidiri nitong sabi habang nakatingin sa nasukahan niyang damit.

Bangag akong napangisi at gumewang pa no'ng bigla ko siyang hinarap. I balanced myself hanggang sa makatayo na ako nang matuwid. Well, hindi masyadong tuwid pero okay na rin 'to.

Napapakurap pa ako habang tinititigan siya. At first he's blurry but later on naging malinaw na siya. Natatawa ko siya tiningnan habang nakaturo pa sa damit niyang may suka ko. Galit ako nitong tiningnan na parang umuusok pa ang ilong niya.

"What the fvck woman! Tangina ang baho!" sigaw niya.

Napataas ako ng kilay. "Is it my fault?" taas kilay kong sabi. "Eh sa haharang-harang ka eh. May nalalaman ka pang hi miss. Tangina mo!" sigaw ko.

Tila naman nagaalburuto na itong nakatingin sa 'kin. Napamewang ako sa kanya at muntik pa akong mapaatras ng mahilo ulit ako. Tanginang alak to. Pahamak eh.

"Iinom-inom kasi hindi naman pala kaya. Perwisyo ka Miss." Tila tumaginting ang tenga ko.

Perwisyo? Oo tangina alam ko na 'yon. Perwisyo talaga ako sa buhay ng mga tao. Potangina talaga! Kaya nga ako nag-inom para makalimot pero lagi na lang may nagpapaalala. Bwesit na buhay 'to!

"Aba't tangina ka ah!"

Ngumisi naman ito. "Sige nga, suntok nga. Tapang mo ah babae ka lang naman."

Pinalobo ko ang pisngi ko at pinanlisikan siya ng mata. This is not the first time na may nagsabi na babae 'lang' ako. Tangina talaga ng mga lalaking 'to. Ang hihilig mangdiscriminate ng mga babae. Well not all naman but still, tangina pa rin.

Tinaas ko ang manggas ng tshirt ko at pinatunog ang leeg ko. Narinig ko pang maraming naghiyawan, I thought it's because of the music pero nang nilibot ko ang paningin ko. Nalaman kong napapalibutan na pala kami ng mga tao.

"Oh ano? Suntok na, oh ito. Ako na lalapit sa 'yo ah. Suntok na!" sigaw niya na may pang-aasar.

Malakas akong napahinga at bwumelo para suntukin siya sa mukha. Muntik na akong mapasubsob sa sahig nang bigla itong yumuko nang suntukin ko siya. Marahas kong iniling ang ulo ko at muli siyang binalingan.

Tumatawa na ito habang napapaapir pa sa mga kaibigan niya. Narinig ko rin ang tawanan ng mga nanonood sa 'kin kaya mariin kong kinuyom ang kamao ko. Muli akong naglakad papunta sa walang hiyang lalaki 'yon at kwinelyuhan siya.

Nakangisi naman ako nitong tiningnan at marahas akong tinulak kaya napaupo ako sa sahig.

"Ohhh!" sigawan ng mga nanonood sa 'min. Napangiwi pa ako nang maramdaman kong masakit ang pang-upo ko.

Muli kong pinanlisikan ang lalaking tumulak sa 'kin pero nginisihan lang ako nito habang nakikitawa kasama ang mga kaibigan niya.

"Please be gentle daw tol!" sigaw ng isang kaibigan niya kaya natawa ang mga nanonood.

Nawalan ako ng emosyon at pilit na tumayo sa pagkakabagsak sa sahig. Palihim akong napangiwi nang hindi ko magalaw ang pang-upo ko. Shit! Mukhang napasama ang pagbagsak ko.

Muli kong sinamaan ng tingin ang lalaking nakangisi sa harap ko. "Oh ano, kaya pa? Yabang mo kasi—"

"Ahh!" tili ng mga oa na babae na nanonood sa 'min.

Pati ako ay nalaglag ang panga at napakurap-kurap ng bigla na lang may sumipa sa lalaking tumulak sa 'kin kanina. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa sa kanya ay tumilapon na siya sa sahig at malakas na napadaing.

"Tol!" sigaw ng mga kaibigan niya at agad siyang nilapitan.

Tiningnan ko naman ito mula sa sapatos niya hanggang sa magulo nitong buhok. Tila bumilis ang tibok ng puso ko nang pamilyar ang body build nito. Kahit na nakatalikod siya ay alam na alam ko kung sino siya.

"G-gauge..." I whispered.

Nanlaki ang mata ko nang bigla itong lumingon sa 'kin. Napalunok ako nang parang hindi siya ang Gauge na kilala ko. He's eyes are dark, too dark that it became so dangerous. Wala na ang coward na Gauge sa katauhan niya ngayon. All I can see is the Guage that's fvcking dangerous.

Paano siya nakarating dito? I mean, paano niya ako nahanap? Ilang minuto pa kaming nagkatitigan at nanlaki ang mata ko nang makita ko na susugurin na sana siya ng kaibigan ng lalaking sinipa niya mula sa likod.

I was about to scream to warn him pero muli akong naspeechless nang bigla niya siniko ang lalaki sa likod niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin. Tila nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya.

Fvck! This is the second time na nakita ko ang mapanganib na Gauge. And this is the worst. Natigil din ang music kaya lahat na ng atensyon ay nasa amin. I tried to get up pero muli na naman akong napaupo. Nilingon ko si Gauge at nakita ko itong umiigting ang panga at malakas na sinipa ang lalaking nagtangkang sumuntok sa kanya.

Marami ang nagtilian nang mabilis siyang naglakad papunta sa nakahigang lalaki. Marami rin ang umiwas sa kanya na parang takot silang makalapit si Gauge sa kanila. He's really different. He's scary!

"H-hey! Tumigil kana nga!" sigaw ko nang marahas niyang hinawakan sa kwelyo ang lalaki at walang pasabi niya itong itinaas habang nakahawak sa kwelyo.

Hindi naman nakapalag ang lalaki dahil nanghihina pa rin ito dahil sa palakas na pagsipa sa kanya sa tiyan. Nagsilapitan naman ang mga barkada nito upang awatin sila pero tiningnan langb sila ni Gauge nang matalim kaya agad silang napaatras.

"H-hoy!" sigaw ko nang malakas niyang tinulak ang lalaki sa harap ko kaya nakadapa na ito sa harap ko. Napangiwi pa ako dahil alam kong masakit ang pagkakabagsak niya.

Hindi ko alam kung bakit wala pa ring dumadating na bouncer dito. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumayo ito sa harap ko. Tiningnan ko ang nakalahad nitong kamay at tiningala siya. Sumalubong sa 'kin ang madilim nitong mukha at ang magkasalubong nitong kilay.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang kamay niya. Malakas naman itong napahinga at marahas na ginulo ang buhok bago ako hinawakan sa bewang at inangat hanggang sa napatayo na ako sa harap niya.

"Stop being so stubborn, Lieutenant," bulong niya.

I was about to say something when he turned his back on me. Nalaglag ang panga ko nang muli niya na namang inagat ang lalaking mukha nang naghihingalo.

"H-hoy... a-ano na naman ang g-gagawin mo?" utal kong sabi.

Walang emosyon lang ako nitong tiningnan at pwumesto sa likod ng lalaki. Kinuha nito ang dalawang kamay ng lalaki at nilagay sa likod nito. Bale nasa harap ko ngayon ang lalaki habang nasa likod niya si Gauge na ngayon ay hinahawak siya na parang sinisigurado na hindi siya makakatakas.

"Punch him," he coldly said.

"What?" sigaw ko.

"I said punch him! You didn't able to punch him earlier because you're fvcking drunk. Now punch him! Harder baby... I want him to get in coma, now!"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nagulat din ako nang bigla na lang magcheer ang mga nanonood sa 'min. Napalunok ako nang mariin at muling bumaling sa kanya.

"Nahihibang kana ba?" bulong ko sa kanya.

"Just punch him. Bumawi ka. He dared to hurt you and I won't let that slide. Igaganti rin kita mamaya."

Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. Nababaliw na ata siya. I know that I'm also at fault kasi nasulahan ko ang lalaki. But whatever, pinagtawanan niya ako kanina so might as well bumawi rin ako sa kanya.

"Fine... after this, what will happen na?"

Mariin niya akong tiningnan. "We'll go home, Lieutenant," he said.

"O-okay..."

Huminga ako nang malalim at bwumelo para sapakin ang lalaking mukhang maiihi na.

"T-tama na p-please... p-pasensya na sa g-ginawa ko," pagmamakaawa nito.

"Shut up! Punch him baby." Napairap naman ako sa sinabi ni Gauge.

Marami naman ang napatili nang akmang susuntukin ko na ito pero agad ko ring tinigil ang kamao ko sa mukha niya. Mga two inches na lang ang layo nito sa nakapikit niyang mukha.

"Let's go Gauge. I'm tired. Nahihilo na rin ako, I badly wanted to rest." Huminga ito nang malalim at malakas na tinulak ang lalaking hawak niya.

Gulat ko naman itong tiningnan at napahinga nang maluwag nang naagapan ito ng mga kaibigan niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero imirap lang ito at agad akong hinawakan sa balikat at nilapit ako sa tabi niya. Napahawak naman ako dibdib niya nang magsimula na kaming maglakad.

"B-bitaw nga! 'Pag ikaw nasukahan ko..."

"Go on. Kahit sukahan mo pa pati mukha ko, that's totally fine. Let's go home?" malambing niyang sambit.

Tingnan mo 'to. Parang kanina lang para siyang makakapatay ng tao tapos ngayon parang bata na kung maglambing. Napailing na lang ako at niyakap siya sa bewang niya habang kami ay naglalakad palabas ng bar.

Narinig ko pa itong tumikhim pero hindi ko na siya pinansin at nilagay ko ang tenga ko malapit sa dibdib niya. Nakaramdam ako ng antok kaya napapikit ako at bigla na lang napangiti nang marinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.

Agad akong dumapa sa kama pagkatapos niya akong inihiga sa kama ko. Umungol ako nang naramdaman kong tinatanggal niya ang sapatos ko. Napaangat ako ng ulo at tiningnan siya. Inihip ko pa ang buhok kong nakatabon sa buhok ko para makita ko siya.

"What are you doing?" mataray kong tanong.

Tumigil naman ito sa ginagawa niya at inosenteng napatingin sa 'kin. "Removing your shoes para maayos kang makatulog?" inosente niyang sagot.

"Whatever. After niyan, you can leave my condo na. How dare you to enter my room. This is my privacy. Bilisan mo na!" sigaw ko na parang boss.

"Yes Ma'am." Napairap na lang ako because he's not taking me serious.

Nang matapos na siya sa pagtanggal ng sapatos ko ay agad itong umupo sa tabi ko. "What are you still doing here? Di ba pinapaalis na kita?"

Huminga ito nang malalim at tinitigan ako nang mataimtim. Agad akong napa-iwas ng tingin dahil parang hinihigop niya ang kaluwa ko. Inis kong nilagay ang mukha ko sa unan para hindi ko na siya makita.

Nakakainis lang, everytime na nakatingin ako sa kanya. Lagi na lang lumalakas ang tibok ng puso ko. I'm not dumb naman para hindi ko malaman kung anong ibig sabihin nito.

Napalunok ako nang maramdaman kong hinahaplos niya nang magaan ang buhok ko.

"Bakit ka naglasing?" malambing niyang tanong.

I didn't answer him. Binaon ko pa rin ang mukha ko sa unan ko dahil pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko.

"Do you have a problem? Okay ka naman no'ng iniwan ka namin sa bahay niyo ah. May nangyari ba? C'mon you can tell me, Lieutenant."

"W-wala... umalis ka na nga!" sigaw ko habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa unan.

Hindi naman ito nagsalita kaya tinagilid ko ang mukha ko para tingnan kung nandito pa ba siya.

"Ahhh!" sigaw ko nang bumungad sa 'kin ang mukha niya. Napaupo pa ako at naiinis siyang pinukpok ng unan. Tumatawa lang ito habang nakasalag ang kamay niya sa mukha.

"Bwesit ka! Ba't ka ba nanggugulat!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagpukpok sa kanya.

"Sorry na. Hindi mo kasi ako sinasagot eh." Natigilan naman ako sa sinabi niya  Parang double meaning ata. Whatever, assuming na naman ako.

Natahimik naman kaming dalawa at nagkatitigan lang. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig sa kwarto. Napaiwas naman ako ng tingin para iwasan ang tingin niya. He's like he is soothing me, parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko and it's making me want to cry. At ayaw kong umiyak sa harap ng mga tao.

Lumapit naman ito sa 'kin at inalis ang nakatabon na buhok sa mukha ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin nang bigla niyang inipit ang panga ko kaya nakanguso na ako sa harap niya. Tumawa naman ito at pinisil ang ilong ko.

"C'mon, tell me. Makikinig ako...."

Muli na naman kaming natahimik pagkatapos niya 'yong sabihin. "I'm all ears for you, Lieutenant. Hindi mo kailangang sarilihin 'yan. I'm here, you can share your miserable, Lieutenant. I'm willing to take all of it."

Napayuko ako at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang humikbi. He triggers me na naman. Bumalik na naman sa 'kin ang nangyari kanina. Naramdaman ko na naman ang sakit no'ng sinabi sa 'kin na hindi na ako pwede sa bahay. Na itinatakwil niya na ako.

"H-hey... a-are you okay? U-umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong nito.

Tiningala ko siya at kita ko ang gulat sa mata nito nang makita niya ang luha kong tumutulo sa mata ko. "Oh baby..." He grabbed my nape and he hugged me like he never wanted to let go of me.

I felt my heart warms. I felt... home... Niyakap ko siya pabalik at sa hindi inaasahan ay umatungal na ako na parang bata. Naramdaman ko naman itong hinahagod ang likod ko at ang paghalik nito sa tuktok ng buhok ko.

"Shh... that's okay. Everything will be okay. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan, Lieutenant."

"H-he abandoned m-me Gauge... ang sama niya!" sumbong ko na parang bata.

Mariin ako nitong hinalikan sa buhok at pinaharap sa kanya. He gave me a warm smile that melts my heart. Pinahid nito ang luha ko sa mukha at mariin akong hinalikan sa noo. Napapikit ako at muling yumakap sa kanya na parang sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas.

I just met him for how many days but I felt comfortable around him. He's like my comfort zone. He's different. I never met a man like him. Nakakatakot... magkakilala pa lang kami pero ganito na agad kami kakomportable sa isa't-isa. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya na parang pusa.

"S-siya na nga lang ang pamilya ko tapos..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at muli na namang napaiyak. I love my father. Siya na lang ang meron ako. My mom died. And he's the only one I have. And I can't believe that he will disowned me like that. For what? For his new family? Eh pineperahan lang siya ng mga 'yon.

"W-wala na akong pamilya, Gauge.," sumbong ko sa kanya.

"I'm here... I can be your family."

Continue Reading

You'll Also Like

860K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...