Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 42: The Beginning

1.3K 58 12
By Brave_Lily

Third Person's POV

"Mahal na Hari, anong nangyayari?" tanong ng Inang Reyna. Kahit ito ay naguguluhan sa mga nangyayari. Nagpatawag kasi ng pagpupulong ang Hari para magsagawa ng malaking paghahatol para sa Reyna. At kasalukuyan na ngang naghihintay ang lahat ng mga magiging saksi sa gagawing paghahatol. 

"Ano bang nangyayari?!" naiinis na ang Inang Reyna dahil hindi pa rin siya sinasagot ng Hari, na patuloy lamang sa paglalakad palabas ng bulwagan. Dahil sa labas ng bulwagan gaganapin ang paghahatol. 

Nasa linya na ang mga kawal at mga opisyales ng Hari kasama na ang Punong Ministro at ang Kanang- kamay nito na si Pinunong Kang. Puno man ng pagkabigo at galit sa kaniyang puso hindi niya naman maiwasang hindi matuwa sa mga nangyayari ngayon. Dahil ang pagbabalik ng Reyna ay isang malaking pagkakamali na ginawa nito. 

"Malalaman mo rin, Inang Reyna." sagot ng Hari sa kaniya at nakalabas na nga sila ng tuluyan. Laking gulat naman ng Inang Reyna ang nasaksihan niya. Gulong-gulo na ngayon ang isipan niya. Wala pa siyang alam sa mga nangyayari tanging utos lamang ng Hari ay ang sumama ito para masaksihan ang gaganaping paghahatol. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nitong hahatulan pero may kutob na siya, ayaw niya lamang maniwala. Natatakot siyang masaksihan muli ang mga naganap noon. 

"Kamahalan, ano po bang nangyayari?"

"Kamahalan, bigyan niyo po sana kami ng kalinawan sa mga nangyayari? At kung bakit niyo po kami kailangan?"

Tanong ng kaniyang mga opisyales na hindi pa rin nalilinawan sa mga nangyayari. Kagaya lamang sila sa Inang Reyna na naguguluhan. Sino ba namang matino ang magpapatawag ng pagpupulong para lamang masaksihan ang paghahatol na gagawin ng Hari sa gitna ng gabi? 

Gabing-gabi na at malamig pa ang panahon ngayon. Tanging mga ilaw na apoy lamang ang nagbibigay liwanag sa gabing ito. 

"Malalaman niyo rin." maikling sagot ng Hari na siyang ikinagulo pa lalo ng kanilang mga isipan. 

"Dalhin niyo sa akin si Reyna Shin!" sigaw na utos ng Hari sa mga kawal na siyang ikinagulat ng lahat. Nagsimula na ang lahat sa kanilang pag-uusap. Hindi naman maiwasan ng Inang Reyna at ng Punong Ministro ang manghina. Parehas nilang mahal ang dalawang batang mag-asawa noon pa man. Kaya labis-labis ang sakit na nararamdaman nila sa tuwing naaalala ang mga bagay na nais na nilang ibaon sa limot. Pero bakit bumabalik lamang ang lahat sa nakaraan? 

"Oh, Mahabagin! Ano bang nangyayari? Kamahalan, ipaliwanag mo sa akin ang lahat! Bakit humahantong naman ang Reyna sa ganito? Kailan pa nakabalik ang Reyna? Bakit ganito ang nangyayari? Kamahalan!" humahagulgol na ang Inang Reyna mabuti na lamang at nariyan ang Punong Ministro at nasalo ito. Dumaan na ang minuto at hindi pa rin siya sinasagot ng Hari kaya para bang nasaktan pa lalo ang kaniyang damdamin. 

"Bakit ganito ang nangyayari?!" sa isip ng Reyna. Napahagulgol na lamang siya sa Punong Ministro na kasalukuyan na ngayong pinapapunta ang doktor nito para suriin ang kalagayan ng Inang Reyna. Ayaw niya lamang humantong sa malalang kondisyon ang Inang Reyna kaya mas mabuti nang nasa tabi ng Reyna ang doktor nito. 

"Kamahalan, huminahon po kayo. Hayaan na lamang muna natin ang Hari. Naniniwala naman akong hindi hahantong ang lahat kagaya sa mga nangyari noon. Magtiwala na lamang tayo sa Hari. Manalangin na lamang tayo. Tatagan mo ang loob mo, Kamahalan." mahinahong saad ng Ministro. 

"Tama, hindi na ako magpapakita ng awa." malamig na tugon ng Hari sa kanila. 

Disha's POV 

Umiiyak at nag-iisa ako ngayon sa malamig na sulok ng piitan na ito. Hindi ko kasama ngayon si Hyun dahil tumakas siya habang nasa tirahan pa kami ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon baka hinahabol pa rin siya. Pero ang matitiyak ko ay ligtas si Haya dahil alam kong hindi niya ito papabayaan. 

Kailangan ko lamang silang bigyan ng panahon para dumating ang tulong na nakasaad sa plano. Sinabi sa akin ni Hyun ang lahat-lahat ng mga nalalaman niya at mga tinatago nitong sekreto. At ang lahat ng mga iyon ay isang malaking pagkakataon para mailigtas ko ang kaharian sa pagbagsak nito. Nasa palad ko ang kaligtasan ng mga mahal ko. At handa akong magsakripisyo alang-alang sa kanila. 

"Kamahalan?" napatayo ako kaagad nang marinig ko ang boses ni Weyla. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang nagkabuhay muli. At sa likod niya nakita ko ang batang Prinsipe. Halos magkadarapa ako sa paglapit. Parang dinudurog ang puso ko. 

"Xu'en… Weyla…" inabot ko sila sabay yakap nang mahigpit kahit na may nakaharang pa man sa amin. 

"I-Ina? I-Ikaw na nga ba i-ito?" nauutal at hindi makapaniwalang saad ni Xu'en. Tumango-tango na lamang ako bilang tugon. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis sabay haplos ko sa kanilang mukha. 

"Salamat…" saad ko. Alam kong wala siya sa loob pero nagpapasalamat pa rin ako kay Hyun dahil dinala niya ang mga bata sa akin. Binalikan niya nga ako. 

"I-Ina! B-Bakit ngayon ka lang umuwi?!" natawa na lamang ako ng mahina dahil bumulwak na nga sa pag-iyak si Xu'en. Kahit si Weyla ay nadadamay na sa pag-iyak niya. 

"Ssssshhhhh…anak, patawad kung ngayon lang ako. May mga bagay kasing inasikaso ang iyong ina. Kapag lumaki ka na maiintindihan mo rin ang mga bagay-bagay na nangyayari. Pero sa ngayon 'wag mo munang isipin." paliwag ko. 

"Ang akala ko po ay hindi na kita muling makikita. Hindi mo po alam kung gaano ako nangulila sa iyo. Si Ama hindi ko na po siya tulad ng dati. Hindi ko na po siya kilala!" muli na naman siyang umiyak habang nagkwe-kwento.  

"May bago ng napangasawa ang Hari na siyang papalit sa trono mo, Kamahalan. Kaninang tanghali naganap ang pag-iisang dibdib nila. Bakit…" bumigat ang paghinga ni Weyla na parang iiyak na. "B-Bakit ngayon lang po kayo, Kamahalan?" napaluha na nga si Weyla. 

Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang lungkot. At kahit ako ay dinudurog na rin ng sakit. Kagat-labi ko na lamang ininda ang lahat. Masakit. Sobrang sakit lang na babalik kang may iba ng bagong kinakasama ang taong mahal mo. 

"Hindi ako… Alam kong hindi ako na huli sa lahat. Konting lakad na lamang namin noon eh, ang kaso dumating ang Shaman at inilayo kami sa palasyo. At alam kong sinadya niya iyon para hindi ko mapigilan ang kasal na nais niyang mangyari. Gusto niya akong mawalan ng trono at mawala ng tuluyan sa kahariang ito." paliwanag ko. 

"Eh di sabihin na natin sa Hari ang totoong nangyari, Kamahalan. Bawiin mo na sa kanila ang kinuha nila sayo, Kamahalan." suhestyon ni Weyla. Ngumiti na lamang ako. 

"Wag kang mag-alala dahil kaya ko na ito. Lagi mong tatandaan na hindi na ako tulad ng dati. Minsan ko ng nabawi ang trono kaya magagawa ko ulit iyon. Hindi ko hahayaang magwagi sila sa kanilang mga binabalak." sabi ko. 

"Ina, itakas ka na lang namin dito! Gusto na kitang makasama. Nanabik na akong makatabi ka sa higaan. Ina, umalis na lamang tayo dito. Hayaan na lamang natin si Ama sa bago niya. Ikaw lang naman ang gusto kong makasama eh! Ina!" hagulgol niya. Gusto kong hagkan pa siya ng mahigpit kung pwede lang. Napakasaya ko na naging parte ako ng mundong ito lalo na ng makilala ko kayong mga mahal ko. 

"Sssshhhh…tahan na. Alam kong masakit para sa iyo ang mga nangyayari sa pamilya natin. Pero sana 'wag kang panghinaan ng loob dahil nandito lamang ako. Kahit na ano man ang mangyari ibabalik ko sa dati ang lahat. Ibabalik ko sa ayos ang lahat-lahat, anak. Darating din ang araw kung saan magiging masaya din tayo sa huli. Pangako ko sa iyo 'yan." saad ko habang pinupunasan ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pag-agos. 

"Kamahalan, magagawa mo ba talaga iyon?" tanong ni Weyla. Hinaplos ko na lamang ang pisngi niya. 

"Gagawin ko ang lahat." tugon ko. Tumango-tango na lamang sila. Para mawala ang lungkot nila pinahawak ko sa kanila ang lumalaki kong tiyan. 

"Malaki na, hindi ba?" sabi ko na may ngiti sa aking labi. 

"Ito po ba ang dahilan kung bakit masama lagi ang pakiramdam niyo, Kamahalan? Nagdadalang-tao po kayo? Ibig po bang sabihin nito…may…may bago ng kapatid ang mahal na Prinsipe?" gulantang niyang saad. 

Ngumiti na lamang ako sabay tango. 

"Mm, may kapatid na ang prinsipe. Pero wala pang alam ang Hari tungkol dito. Nais ko sanang sabihin na sa kaniya ang lahat pero may pumigil lamang sa amin at inilayo kami sa palasyo. Pero 'wag kayong mangamba dahil mabibigyan din ako ng pagkakataon kung sakaling tawagin na nila ako. Doon ko sasabihin ang lahat-lahat ng mga dapat malaman ng Hari." sabi ko. 

"Tutulong ako, Ina." ngumiti na lamang ako. 

"Ikararangal ko, Kamahalan." tugon ko naman sabay haplos ko sa malambot niyang pisngi. 

"Kamahalan," napalingon ako kay Weyla. 

"Bakit?" tanong ko. 

"Ano na pong balak niyong gawin? May nais po ba kayong ipag-utos sa akin? Nais ko po sanang makatulong sa inyo kahit papaano." saad niya. Kung maaari lamang kitang utusan at hingan ng tulong patungkol sa mga bagay na ito, kaso hindi pwede eh. Masyadong delikado at baka mapahamak pa kayo. 

"Salamat, Weyla, pero hindi maaari. Ayokong ipahamak ka. Masyadong delikado at maaari kang mapahamak kung sakaling hingin ko pa ang tulong mo. Salamat na lamang." paliwanag ko. Hindi kita pwedeng ipahamak dahil may pamilya ka pang uuwian na matagal ng naghihintay sa inyo. Kung may karapatan lamang akong sabihin sayo ang totoo niyong pagkatao ay hindi ko iyon ipagkakait. 
Pero darating din kayo riyan at malalaman niyo rin na kayo ang matagal ng nawawalang kapatid ni Emperor Wei Jin Hang.

"P-Pero nais ko pong tumulong." pagpupumilit niya. Bumuntong-hininga na lamang ako. 

"Sige, tulungan mo na lamang akong alagaan ang prinsipe. Bantayan mo ang prinsipe hanggang sa matapos ang gulong ito." sabi ko. 

"Maaasahan ba kita?" tumango-tango na lamang siya. Ngumiti na lamang ako nang malumanay. 

"Salamat." ngiti kong saad. 

Napatingin kaming tatlo sa may kaliwa nang may dumating. Kinabahan pa ako para sa mga bata buti na lamang ay hindi mga kawal at si Hyun lang pala. Dali-dali siyang lumapit sa amin. 

"Paparating na ang mga kawal." saad ni Hyun. 

"Gano'n ba? Sige, mga bata, sumama na kayo sa kaniya. Ligtas kayo kay Hyun, ha? 'Wag kayong aalis sa puder niya. Hintayin niyo na lamang na matapos ang lahat. Hayaan niyo na lamang kaming tapusin ang lahat ng kaguluhang ito. Mag-iingat kayo." bilin ko sa kanila. 

"Hindi! Dito lang ako! Ayokong sumama! Dito lang ako sa ina kong reyna!" nagwawala na si Xu'en dahil kinukuha na siya ni Hyun palayo sa akin. Hindi ko naman maiwasang hindi mapaluha. Pinunasan ko na lamang ang aking mga luha para tatagan ang aking sarili. 

"Hyun, ikaw na ang bahala. 'Wag mo silang pababayaan." saad ko na siyang tinanguan niya bilang tugon. 

"Akong bahala." sagot niya. 

"Ina!" tawag sa akin ni Xu'en. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya hanggang sa dinala na siya ni Hyun sa labas. 

"Weyla, mangako kang hindi gagawa ng kung ano na ikapapahamak niyo. Sumama lamang kayo sa kaniya at may surpresang naghihintay sa inyo. Mag-iingat kayo." bilin ko sa kaniya. Agad na rin siyang tumakbo para maabutan niya si Hyun. 

Unti-unti na silang nawawala sa paningin ko, kaya nagdasal na lamang ako na sana hindi sila mapahamak sa daan. 

"Bakit bukas ito?"

"May nakapasok ba?"

"Halughugin niyo ang paligid! Siyasatin niyo rin ang piitan ng Reyna baka may nagtatago. Talian niyo na rin at nang maihatid na natin siya sa kaniyang Kamahalan." 

"Masusunod!"

Rinig na rinig ko ang papalapit na mga kawal kaya tumayo na ako. Hinahanda ko na ang aking sarili sa mga bagay na maaaring mangyari. Alam kong hindi ako madasaling tao pero hihingin ko ang lakas Mo, Diyos ko. Reyna Shin, sana tulungan mo rin akong wakasan ang paghihirap na ito. 

"Kamahalan," napatingala ako. Isang kawal ang kumakausap sa akin ngayon na may pag-aalala sa kaniyang mga mata. Ngumiti na lamang ako nang mapait. Kung ano mang bagay ang naipamalas mong kabutihan Reyna Shin, sana matulungan ako nito. 

"Ayos lamang ako." saad ko. Tumango na lamang siya at ginawa na nga ang pinag-uutos sa kanila. Tinalian na nga nila ako gamit ang makakapal na lubid. Napasinghap pa siya nang mapansin niyang nakaumbok ang aking tiyan. Tinignan niya pa ako. Hindi ko naman inaasahan na pululuwagan niya ang tali sa aking katawan maliban na lamang sa aking pulsuhan. 

"Patawad po, Kamahalan." saad niya. 

"Ayos lamang ako. Tara na at may tatapusin pa akong laban." saad ko. Agad din siyang tumango bilang tugon at inalalayan niya ako mismo palabas ng piitan. 

Napatingin na lamang ako sa paligid. Ang dating kahariang tahimik ay napuno na nang bantay na mga kawal. At kahit ang kalangitan ay dinadamayan ako, dahil kasama nito ang pagbigat nang mga ulap sa langit na para bang nagpapahiwatig na may nagbabadyang panganib. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 193 94
She's a warrior, not a princess. She held the sword, no crown on her head. She was destined to fly, not to sit on a throne. An armour hugged her body...
61.6K 2.5K 51
Harien Norme, is a ordinary girl in 12 grade. After falling from a tree she woke up into a lease unexpected place of ancient Egypt, follow by China t...
18.4K 1K 86
Habang hinuhulma ang sarili bilang isang maharlika ay kumakalakip ang paghulma ng panibagong problema. Ang tinapos niya ay siya pa lang umpisa. Umpis...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...