8:36 am
Bakla:
Good morning, tomboy.
Sorry, hindi ako nakapagreply
sa mga messages mo kagabi.
Naiwan kong bukas 'yong data ko.
Late ka na naka-uwi, ah.
1:28 pm
Tomboy:
Hello.
Good afternoon.
Kagigising ko lang po.
Bakla:
Late na.
Napuyat ka ba?
Tomboy:
Hmm.
Masama pakiramdam ko.
Bakla:
Bakit?
Naulanan ka ba kagabi?
O masyado kang nagpagod?
Sabi ko sa'yo 'wag kang
magpapatuyo ng pawis mo,
'di ba?
Kumain ka ba kahapon?
Hindi, 'no?
Uminom ka na niyan ng gamot?
Tomboy:
Hindi pa.
Kagigising ko nga lang.
Hindi pa nga ako kumakain, e.
Bakla:
Tsk.
Kumain ka na nga muna.
Uminom ka ng gamot.
Tapos magpahinga ka.
Magpagaling ka na muna.
'Wag ka na munang gagamit
ng phone.
Ang tigas ng ulo.
Tomboy:
May sakit na nga, e.
Pinapagalitan mo pa.
Bakla:
Malamang!!!
Nag-aalala ako sa'yo.
Tsk.