Chasing Him (COMPLETED)

By StarMoonyyy

4.6K 473 6

Cover is not mine. Credits to the rightful owner. More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 2: Rooftop
Chapter 3: Eavesdrop
Chapter 4: Rain
Chapter 5: Fault
Chapter 6: Menstruation
Chapter 7: Voice
Chapter 8: Init
Chapter 9: Overthink
Chapter 10: Curious
Chapter 11: Good kisser
Chapter 12: New friend
Chapter 13: Facebook
Chapter 14: Shipper
Chapter 15: Friends
Chapter 16: Chase
Chapter 17: Lunch box
Chapter 18: Maybe
Chapter 19: Last name
Chapter 20: Mr. Stranger
Chapter 21: Believe
Chapter 22: Sorry
Chapter 23: Like
Chapter 24: Feelings
Chapter 25: Jealous
Chapter 26: Food
Chapter 27: Promise
Chapter 28: Boyfriend
Chapter 29: Catch
Chapter 30: Leave
Chapter 31: Explain
Chapter 32: Miss
Chapter 33: Relationship
Chapter 34: Twin
Chapter 35: Friendship
Chapter 36: Surprise
Chapter 37: Gift
Chapter 38: Ring
Chapter 39: Weird
Chapter 40: The truth
Chapter 41: Choose
Chapter 42: Scent
Chapter 43: Welcome to the world
Chapter 44: Nagmana
Chapter 45: Birthday
Chapter 46: Luke
Chapter 47: Meira
Chapter 48: Bryce's wishes
Chapter 49: Love
Chapter 50: Awkwardness
Chapter 51: Wound
Chapter 52: Party
Chaptee 53: Met
Chapter 54: Give up
Chapter 55: Useful
Chapter 56: Chance
Chapter 57: Beg
Chapter 58: Thank you
Chaptee 59: Fight
Chapter 60: Gone
Chapter 61: Mistakes
Chapter 62: Dream
Chapter 63: Children
Chapter 64: Marry me
Chapter 65: Life
Chapter 66: Heal
Chapter 67: Forever
Epilogue

Chapter 1: Him

190 8 0
By StarMoonyyy

"Thank you, Xander!" I smiled widely at him.

I looked down at my wrist and saw the bracelet he gave me.

He smiled at me.

"That is the sign of our friendship, Janine," sabi nya sa may accent na boses.

Halos hindi ko na makita ang mata nya dahil sa sobra nyang pag ngiti at nawawala ang mata dahil singkit sya.

"Lagi ko 'tong susuotin kahit saan man ako magpunta. Iingatan ko 'to, Xander." Ngumiti ako lalo sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi kaya nanlaki ang mata ko pero tumawa lang sya.

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila at naglalaro. Nagulat na lang ako bigla dahil sa pagsuot nya sa akin ng bracelet.

"M-mommy..." utal kong tawag.

Masama ang tingin nya sa akin na parang may nagawa na naman akong mali.

"Hindi ba ang sabi ko sayo ay lumayo ka sa batang 'yon, Janine?!"

Napatalon ako sa gulat sa sigaw nya. Nag simula na naman mangilid ang luha ko.

Ilang beses niya na itong sinasabi simula noong mapalapit ako kay Xander. Bagong lipat lang sina Xander dito kaya wala syang ibang kaibigan bukod sa akin. At sya lang din ang kaibigan ko rito.

Yumuko lang ako at hinayaang magtuluan ang mga luha.

Even though Xander and I have only known each other for two months, we are already close to each other.

"Lumapit ka nga sa akin!"

Natatakot akong lumapit sa kanya.

"Bilisan mo!"

"Kahit kailan talaga ay ang tigas tigas ng ulo mo!"

Nadamdaman ko ang hapdi sa pwetan ko nang pinalo nya ako.

"M-mommy... T-tama na po!"

Niyakap ko ang sarili nang tumigil sya at lumayo.

Patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Masakit pa rin ang pwetan ko dahil sa pagpalo nya.

"Umakyat ka sa kwarto at ayusin mo ang mga gamit mo! Ilagay mo sa maleta! Bukas na bukas ay aalis na tayo sa bahay na 'to!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Gumapang ako palapit sa kanya at umiyak.

"M-mommy, h-huwag po tayong umalis..."

Hindi ako tumigil sa pag-iyak at nagmakaawa.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at iniwan akong umiiyak.

Umakyat ako sa aking kwarto. Kahit na hindi ko gustong umalis kami ay wala talaga akong magagawa.

Mas lalo lamang magagalit sa akin si mommy at sasaktan ako.

Simula nang magising ako sa mundo ay puro pananakit ang ginagawa nya sa akin. Parang kahit anong gawin ko... mali sa paningin niya at hahanap at hahanap sya ng dahilan para masaktan ako.

I am only six years old and I am already quite aware of the world.

Patuloy ako sa pag-iyak habang inaayos ng kasambahay ang mga gamit ko. Nanonood lang ako sa kanila.

Gusto ko sanang kausapin Si Xander para magpaalam pero hindi na ako pinayagan ni mommy.

Madilim pa lang ay ginising na ako para mag-ayos ng sarili at aalis na kami.

Habang nasa byahe ay umiiyak akong nakatingin lang sa dinadaanan namin. Hindi ko matignan nang maayos ang kalsada dahil sa naulan din.

Nakasunod ang truck kung nasaan ang mga ibang gamit namin.

Hindi ko kabisado ang lugar na dinadaanan pero sigurado akong ilang oras ang binayahe namin bago makarating sa bagong bahay. Sa isang village.

Maliwanag na rin kaya 'yung ibang tao ay nasa labas.

Nakatingin lang sila sa amin. May kinausap si mommy na dalawang babae. Siguro ay ka edad nya. Nakangiti silang dalawa kay mommy bago lumipat ang tingin sa akin.

Mapungay lang ang mata kong nakatingin sa kanila.

"Wow! You have a cute daughter!" They giggled.

Hindi nakaiwas sa akin ang masamang tingin ni mommy bago sya ngumiti ulit sa dalawang babae na alam kong plastik na ngiti.

"Ilan taon na sya?"

"She is 6 years old."

"Good! Kaedad nya ang anak namin na parehong babae rin." Tuwang-tuwang sabi ng babaeng nakapula. Mahaba ang buhok, maputi. Namangha ako sa ganda nya.

Hindi sumagot si mommy at nagpaalam na sa kanila.

Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin. Baka magalit na naman si mommy kapag kumausap ako ng iba.

Lumuhod ang babaeng nakaputi at medyo kulot ang buhok.

"Ang cute mo..." Hinawi niya ang bangs na nakaharang sa mata ko.

Napakurap-kurap ako. They look kind.

"Gusto mo bang makilala si Kendra?"

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya natawa sya at muling nagsalita.

"She's my daughter. Kaibigan niya si Ishihara na anak ng Tita Irisha mo." Tumingin siya sa babaeng nakapula.

Umawang ang bibig ko. Nakaramdam ng tuwa dahil may bago akong magiging kaibigan.

Tumango ako nang paulit-ulit.

Pero nabawasan ang tuwa ko nang maisip si mommy. Siguradong aalis ulit kami rito kapag napalapit ako sa iba at kapag nagkaroon ng kaibigan.

"Pupunta kami sa bahay niyo. Isasama namin sina Kendra."

Tumango ulit ako at medyo ngumiti.

Nagpaalam na sila sa akin dahil tinawag na rin ako ni mommy. Malaki ang bahay. Dalawang palapag at may tatlong kwarto sa taas.

Pumasok na ako sa aking kwarto. Nahiga ako sa malambot na kama at nakatulog dahil sa pagod at maagang nagising kanina.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa pinto. Agad akong bumangon at binuksan dahil baka si mommy iyon at magalit. Pero nanlaki ang mata ko sa dalawang maliit na babae ang nasa pinto at malaki ang ngiti sa akin.

"Hi!" sabi ng babaeng nasa kanan.

Tumingin ako sa katabi niya. Ang ganda. Maputi sya, medyo mahaba ang brown na buhok, maganda ang kilay at matangkad pa, medyo parang masungit lang. Ito siguro ang anak kanina ng babaeng nakapula dahil medyo kahawig niya.

I smiled shyly at them.

"H-hello... Pasok kayo..."

Umakyat sila sa kama at naupo. Nakababa ang mga paa at nilalaro-laro.

Ako naman ay nanatili ang tingin sa kanila.

"I'm Kendra and she's Ishihara!" pagpapakilala ng babae kaninang nag hi sa akin.

"Uh... I-i'm Janine..." kinakabahan kong sabi.

Tumawa ang nagpakilalang Kendra.

"My mommy said you're also six years old."

Lumipat ang tingin ko kay Ishihara.

Nakagat ko ang labi. Nakakatakot kasi syang tumingin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya medyo napaatras ako.

"What?" she asked.

"O-oo," natatakot kong sagot.

Muling tumawa si Kendra. Ang umaalon na buhok ay inayos niya dahil hinangin. Ang may kasingkitang mga mata ay tumuon sa akin. Malaki ang ngiti niya. Nilipat ko ang tingin sa katabi niya. Nililibot ni Ishihara ang mga mata niya sa kabuuan ng kwarto ko.

"Your room is big but... my room is even bigger."

Ngumiti lang ako at walang maisagot.

Nakakatakot ang aura niya at parang kagalit nya lagi ang mga tao...

"A-ano nga pala ang kailangan niyo rito?" nag-aalinlangan kong tanong.

Ang malamig nyang tingin at matalim na mga mata ay lumipat muli sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at hindi naman siya sumagot.

"Sinabi ni mommy at Tita Irisha. Kausap nila ang mommy mo," sagot ni Kendra.

Ngumiti ako sa kanya. She looks friendly, hindi katulad ni Ishihara.

"It's summer. You should come with us to our house. May swimming pool kami. Pwede tayong maligo roon." Muli akong napalingon kay Ishihara.

Medyo nanlaki ang mata ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon. Nanatili ang tingin niya sa balcony ng kwarto ko. Nakaharang ang isang nililipad na puting kurtina kaya hindi kita ang labas.

"Oo nga! Maganda 'yon!" pag sang-ayon ni Kendra.

Hindi ako nakaimik dahil naisip ko si mommy. Mabuti ay pinapasok niya rito sina Kendra o dahil sa kausap niya ang magulang nina Kendra kaya siya pumayag? Kahit na ganoon ay nakaramdam ako ng tuwa.

"It's okay if you don't want to. I will not force you." She shrugged.

Napatango na lang ako. "I don't know if mom will allow me..." mahina kong sabi.

Lumingon sya sa akin at kumunot ang noo. "Of course, she will let you!" She messed her hair. Parang mas gumanda pa siya kahit magulo ang buhok.

This is the first time I praise someone and she is only six years old like me. I can't help but compare myself to her. Ang buhok nyang brown ay tuwid na tuwid. Ang akin ay maalon ang ibaba at itim ang kulay. Matangos ang kanyang ilong ang akin din naman. Inosente ang aking mga mata at ang kanya ay mataray at matalim tumingin kaya parang nakakatakot. Parehong mapula ang labi namin at ang kurba. Mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada. Parang hindi lang sya six years old base sa tangkad niya. Parehong maputi ang balat namin pero mas maputi pa rin siya.

Napasinghap ako. Sobrang laki ng pagkakaiba sa amin. Aaminin kong maganda talaga siya. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanila.

Nagpaalam din sila sa akin matapos makipag-usap kaya naligo na lang ulit ako kahit malamig ang panahon.

"Janine!" tawag ni Kendra. Naglalakad sila palapit sa akin ni Ishihara. May maliit na ngiting nakapaskil sa labi ni Ishihara pero nanatili pa rin ang talim ng mga mata. Halos ng mga nadadaanan nila ay nakatingin kay Ishihara at ang iba naman ay kay Kendra.

It's been 7 years since I met them. Kahit papaano ay nabago ang buhay ko. Mabait ang mga pamilya nila. Si mommy naman ay halos laging wala sa bahay dahil nagtatrabaho kaya ako at mga kasambahay lang lagi sa bahay. Kahit malaki na ako ay napapagalitan at sinasaktan pa rin. Pinagtatanggol naman ako ni daddy kapag nasa bahay siya pero dahil sobrang busy niya ay hindi siya lagi nakakauwi.

Maraming nagbago. Minsan hindi ko maiwasan makaramdam ng selos kina Ishihara. Sana ay katulad ng magulang ko ang mga magulang nila. Sa kanila ko lang kasi nararamdaman ang pagmamahal. Umaasa ako na sana ganoon din ang pamilya ko. Palaging masaya at magkakasama. Sana ay katulad ng mommy ko ang mommy nila. Hindi nananakit at hindi palagi mainit ang ulo sa akin.

Malaki ang ngiti ni Kendra nang makalapit sa akin.

"Come on. Faster. I'm starving. I want to eat!" reklamo ni Ishihara.

Napailing na lang ako. Kahit naman medyo masungit ay mabait din.

Magkaklase sila at ako lang ang nahiwalay. Isang room lang naman ang pagitan ng classroom namin.

Ramdam ko ang mga titig ng ibang estudyante sa amin lalo na sa katabi kong si Ishihara. Ngayong first year high school na kami ay mas lalong tumangkad si Ishihara. Ang height ay pwede nang pang grade nine or ten. Ang height ko ay hanggang itaas ng tenga nya. Hindi ko talaga maiwasan ikumpara ang sarili ko sa kanya. Hindi ko maiwasan mainggit...

"Janine!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil kay Kendra. Tumawa siya nang malakas.

Kagat labi ko syang sinamaan ng tingin. "What?" I asked.

"Anong gusto mo?"

Tumingin ako kay Ishihara na nakahalumbaba. Parang kanina pa sila naghihintay.

"Anything."

Tumayo si Kendra at bumili ng pagkain namin. Tahimik naman kami ni Ishihara sa lamesa at walang balak magsalita. Minsan lang naman ako madaldal at maingay at sinasabayan lang si Kendra.

Huminga ako ng malalim at nilibot ang mga mata. Natigil ang tingin ko sa lalaking nakapamulsa at kapapasok lang sa cafeteria. Parang tumigil ang oras at tumigil sa paggalaw ang mga tao maliban sa lalaking naglalakad. May ngisi sa labi niya. Singkit ang mga mata. Matangkad siya at maputi rin. Sobrang tangos ng ilong. Katamtaman lang ang laki ng katawan. Parang nang-aakit ang mga mata niya nang tumama sa akin. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya at sigurado akong napaawang ang labi ko habang nakatingin pa rin kami sa isa't-isa. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito hindi dahil sa kaba... kundi sa hindi ko malamang dahilan.

Kita ko ang pagdila nya sa kanyang mapupulang labi. Lumiit lalo ang singkit nyang mga mata dahil sa pagkunot ng noo. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya kahit na ganoon din siya sa akin pero nagtataka at mukhang naguguluhan pa. Nawala na ang ngisi sa mga labi niya at tumuwid bigla na parang hindi nya nagustuhan ang paninitig ko sa kanya. Ang mapaglarong mukha nya kanina ay biglang nawala. Nakaramdam ako ng pagkabigo sa hindi malamang dahilan.

At alam kong sa puntong 'to, nahulog na ako. Nahulog na ang loob ko sa unang pagkakataon. At ang masaklap ay hindi ko kayang ipakita sa kanya at hahayaang itago na lang kahit magtagal man hanggang sa mawala na lang bigla.

Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
28.2K 564 32
Marangya at masayang pamilya ang kinabibilangan ni Allona Monique. She is a typical dalagang filipina na may angking ganda at katalinuhan. Bukod sa t...
77.1K 2.2K 42
MAFIA SERIES 4 Alexandría Giovanna De Rossi is the only daughter of one of the most powerful Mafia Boss in Italy. STARTED: AUGUST 2021 ENDED: JANUARY...
90.2K 2.4K 56
Started: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bay...