It Started With An Accident K...

By Ayanna_lhi

12.1K 651 61

Mara Elaisle or Mae never believes in the concept of pure or unconditional 'LOVE'. She has a broken family, h... More

Yanna Hearts
Prologue
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
Chapter 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
VALENTINE'S SPECIAL

CHAPTER 38

190 13 2
By Ayanna_lhi

CHAPTER 38 |Waiting|

Hindi ako pinatulog ng gabing ’yon. Bawat pikit ko ng mata, naaalala ko kung paano nangyari na lumapat ang labi niya sa akin. It was an accident but it feels so good. Pakiramdam ko noong araw na 'yon, mahal na mahal ako ng Diyos.

Putcha! Kung may nakakakita lang sa akin ngayon, malamang ay naakusahan na ’kong addict. I sighed. Ilang taon na lang ang hihintayin ko pero pakiramdam ko gusto ko ng simulan ngayon.

Pakiramdam ko ay mamamatay na ako, hindi na ako makokontinto sa pagtitig lang sa kanya. Habang mag-isang nakahiga ngayon sa tahimik kong kwarto, naiisip kong makipag lapit na sa kanya. O ligawan na siya. . . pero si Mike. Baka hambalusin ako ng kapatid nun. Haha!

Hindi naman sa takot ako, mataas lang talaga ang respeto ko sa barkadang nagbigay sa akin ng bagong pamilya.

HINDI ko makakalimutan ang awa sa mga mata niya habang nakatitig sa ’kin. Nalaman niyang wala na akong pamilya at mag-isa lang sa bahay.

That day, I pitied myself. Hindi dahil sa wala na ang mga magulang ko. Naaawa ako sa sarili dahil naawa siya para sa 'kin.

Matagal ko ng tanggap ang pagkawala nila. Masakit syempre. Pero kailangan kong magpatuloy sa buhay. Alam ko ring iyon ang gusto nila para sa 'kin.

I witnessed some of her downfalls, some of her misery. Lagi kong naabutan na nag-aaway sila ni Mike. I also saw how she cried a lot of times.

She's in pain, and I want to be her shoulder to cry on. She's bleeding, and she needs someone to heal it. I want to be that person.

Kapag may pagkakataon, lagi kong sinasabi sa kanya ang halaga niya at kung gaano siya kamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. I would always say that she's worth it. And I tell you, it feels so good. To give comfort to someone, especially the one you like. . . or probably love.

“GUSTO kita, Elaisle. Mula Seven hanggang ngayon na Señior High na tayo.”

Putcha! Ilang taon nga ba akong naghintay para maamin ko sa kanya ang nararamdaman? Limang taon? Tapos isang drunk confession lang ang mangyayari!

Ang tanga mo Jayda!

Ilang beses kong naipokpok ang ulo sa aparador nang magising ako mula sa katangahan. Sising-siisi ako sa nangyari. Gusto kong sisihin ang barkada dahil nilasing nila ako pero kasalanan ko rin dahil ako naman ‘yung uminom. First time ko pa nga lang malasing kapalpakan na agad.

Ang tanga ko lang dahil tameme pa ako nang nakaharap siya kinaumagahan. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay nilayasan ako. Dahil sa kaba hindi ko na alam ano'ng mga pinagsasabi ko.

“Mike, I confessed to, Elaisle,” sabi ko nang makapag-usap kami.

“Tapos?” kalmadong aniya.

“Wala, eh.”

“Ano'ng wala?” kunot-noo siyang napatingin sa akin.

“Hindi ko alam ano'ng reaksyon niya.” 

“Buti hindi ka nabasted?” Umiling ako. Hindi ko alam ang sagot. Sa ginawa ko kagabi dapat 'yon na nga ang asahan ko.  “Sigurado ka talaga sa kapatid ko ano?” seryosong tanong niya.

“Ilang taon na rin, ngayon pa ba ako hindi magiging sigurado?”

“Ewan ko sa 'yo, Jayda. Hindi kita ma-gets, ang dami namang babae bakit kapatid ko ba?” problemadong aniya sa akin. Kahit ganyan siya magsalita, at kahit madalas silang mag-away ng kapatid niya. Alam kong mahal niya ito.

“Hindi ko rin gets, ang daming babae pero bakit siya?” balik tanong ko. Sinapak niya ako sa braso kaya napangiwi ako.

“Pasalamat ka may nililigawan ako ngayon. Oh, sige ligawan mo si, Elaisle. Tingnan natin kung may chance ka.”

“H-huh?” Para akong nabungol sa narinig. Tumayo siya kaya napatingala ako.

“Ayaw mo?” aniya sa akin. Napatayo ako at agad na umiling.

“Syempre gusto!” pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa pinaghalong tuwa at kaba.

“Set up niyo 'yung banda, may aakyat ng ligaw!” sigaw ni Mike sa mga barkada namin. Agad naman silang naghiyawan at halos itulak na ako. Alam nilang may gusto ako kay Elaisle. Problema ko nga sila dahil ang lakas nilang mang-asar lahat.

She said yes and I started courting her. I thought everything is going to be fine and we'll go on smoothly. I want to give her my everything.

Nasa garden na naman ako, paborito ko na yata rito dahil sa kanya. I'm busy writing the song I'm going to write for her. Ang sabi niya, gusto niya ng inspirational song kaya 'yon ang ginagawa ko. Sa lahat ng kantang mga sinulat ko, ito ang pinakamatagal. I want it to become perfect for her.

“May sasabihin ako.” Naiangat ko ang tingin nang dumating si Nerrisa. Namamaga ang mga mata niya kaya kinunotan ko siya ng noo.

“Ano'ng nangyari sa 'yo?”

“Jayda, huwag ka munang magsasalita. Makinig ka lang.” Tumayo ako at hinarap siya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

“I can't keep this anymore, nasasaktan na ako.”

“Ano'ng ibig mong sa--”

“Shh, let me talk.” She put her index finger on my lips.

“Jayda, mahal kita. Mahal kita higit pa sa isang kaibigan.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Tumulo ang luha ni Nerrisa pero hindi ko magawang palisin.

“Alam mo naman sino ang gusto ko 'di ba?” I said carefully.

She nodded at me, sunod-sunod ang patak ng mga luha niya. “Si, Elaisle. Bakit siya, Jayda? Ako naman 'yung nasa tabi mo noong panahong kailangan mo ng sandalan 'di ba? Mas matagal mo akong kasama kaya bakit siya? Bakit hindi ako?” puno ng pagmamakaawang aniya.

“I'm sorry.” Gulat pa ako sa inamin niya kaya 'yon na lang ang nasabi ko.

Pinalis niya ang luha at binitiwan ang kamay ko. “Ang tanga ko no? Alam ko namang chance pero umamin pa rin ako.” Tumingala siya upang pigilan ang luha. “Good luck sa 'yo, matagal mo na siyang pangarap kaya ano'ng laban ko 'di ba?”

“Nerrisa, kaibigan kita.”

“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi hanggang kaibigan lang ako sa 'yo. But I guess, I should be grateful right? Kasi kahit papaano may lugar ako sa 'yo.”

“Mahalaga ka rin naman sa akin,” I told her.

“Pero mas mahalaga siya para sa ’yo.” It wasn't a question, it's a statement.

After that day, alam kong may magbabago sa relasyon naming dalawa. Para ko na siyang kapatid kaya mahalaga siya sa akin. Hindi ko man kayang masuklian ang pagmamahal niya pero kaya ko siyang mahalin sa sarili kong paraan. She's important to me. Isa siya sa mga dahilan kung bakit kinakaya kong mag-isa ngayon sa buhay.

I will not let that confession ruined us. I gave Nerrisa days to have space. Pagkatapos ng araw na 'yon ay muli ko siyang nilapitan, sinabi ko sa kanyang hindi ko hahayaan na may magbago. I don't want to ruin our friendship.

Nang malaman ko kay Mike na kapatid nila si Nerrisa ay nagulat talaga ako. I don't want to keep it from Elaisle kasi alam kong masasaktan siya pero si Mike na mismo ang humiling sa akin na huwag kong sabihin. It's a family matter so I let her.

I can't blame Nerrisa dahil masasaktan na naman ulit si Elaisle. Wala siyang kasalanan dahil wala rin siyang alam. Besides, she also needs love from a father. Pinagkaitan siya ng bagay na 'yon.

Wala silang kasalanan pero sila ang nagdudusa dahil sila ang biktima.

I trusted Mike na sasabihin niya rin kay Elaisle sa tamang oras. Besides, it's a family matter kaya labas talaga ako roon. Not until that night happened.

She told me she doesn't know about love, me either. Pero kaya kung matutunan iyon para sa kanya. Ang sabi niya mahirap siyang mahalin, hindi ko naman iniisip 'yon kaya hindi ako nahihirapan. Not until she told me to stay away from her.

One thing I've learned about love is you can't give everything when you're in pain.

Elaisle is in pain, ubos na siya at wala siyang maibibigay sa akin. Ayos lang, I'm complete and I can give her love without complaining and not asking for a return. Pero wala, eh. Siya na mismo ang nagsabing bitiw muna.


Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter and instagram:
@Ayanna_lhi

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 520 46
[ C O M P L E T E D ] Paano magkakatuluyan ang dalawang tao na pinaiikot lang ng tadhana? Dalawang tao na laging hindi nagtutugma. Dalawang tao na pi...
548 55 25
"You're my greatest cure." Her home is only the safest place for her. She developed this unusual kind of fear when she reached age 25, it's Agorapho...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.