It Started With An Accident K...

By Ayanna_lhi

12.1K 651 61

Mara Elaisle or Mae never believes in the concept of pure or unconditional 'LOVE'. She has a broken family, h... More

Yanna Hearts
Prologue
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
Chapter 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
VALENTINE'S SPECIAL

CHAPTER 36

190 14 1
By Ayanna_lhi

CHAPTER 36 |First|

~Jaydañiel Escleto~


Music was been with me all the time. Lolo ko ang nagturo sa akin tumugtog ng gitara kaya naman labis ang pagpapahalaga ko roon. Bukod sa alaala, gitara, musika, at mga kaibigan. Hindi ko akalaing makikita ko ang taong hindi ko naman alam kung bakit pero mahalaga sa ’kin.

Vivid in my eyes, I still remember that day. Grade Seven ako noong una kong makilala si Mike, siya ang pinakamatanda sa klase dahil dalawang taon siyang tumigil sa pag-aaral. Kamamatay lang ng mga magulang ko nang mapasali ako sa barkada, sa kanila ko nahanap ulit ang pamilya.

Inaya ako ni Mike sa bahay nila dahil birthday daw ng nanay Sita niya. Hindi ko naman inaasahan na sa unang beses na tutungtong ako sa bahay nila, magiging mahalaga na siya.

Parang eksena sa music video. Pababa siya ng hagdanan nila noong parang tumigil ang mundo ko. Hanggang balikat na buhok, nakasuot ng pink na sando at sky blue na short. Nakasimangot at halatang wala sa mood. At that moment, I knew I can’t take my eyes at her already.

Snobbishly beautiful with her delicate white skin. Her pouting lips was red, may katabaan ang pisngi niya pero bagay na bagay sa kanya. Her hooded eyes screams something. Medyo pamilyar sa akin ang mukha niya, may kamukha siya pero hindi ko mapagsino. Her beauty is just so unique to compare to others.

Para siyang si Belle ng Disney noong pababa siya ng hagdanan. Sa oras na 'yon, gusto ko maging halimaw para ako ang prinsipe niya.

“Jayda, bunganga mo. Nakanganga.” Nagising lang ako sa pagkakatulala nang bumulong sa akin si Tim. Nagugulat ko naman siyang hinarap

“Ha?”

“Halaka ka kay, Mike!” aniya. His index finger wave na para bang isusumbong niya ako.

“Ano’ng pinagsasabi mo?” tanong ko.

“Kapatid ’yan ni Mike,” aniya sabay tingin sa hagdanan. Napatingin din ako roon pero wala na 'yung babae.

“Ah, may kapatid pala siya?” sabi ko. Sa utak ko ay naiisip ko pa rin ang mukha niya.

“Oo, ang ganda no? Kaso masungit 'yan. Huwag kang lalapit para hindi ka ma-bad luck 'pag na bad mood 'yon.”  Sinamaan ko ng tingin si Tim.

“Mukhang hindi naman masungit,” ani ko. Totoo, masyadong mabait ang mukha niya. Minus lang 'yung nakabusangot niyang mukha.

Sarkastikong tumawa si Tim, “Mukha lang! Pero heh! Ayoko na ngang magsalita! Makikikain pa naman ako rito.” Natatawang umiling si Tim bago naglakad papuntang kusina kaya sumunod ako.

Naabotan ko roon si Mike na sobrang busy sa niluluto. Ang babae naman ay pumunta sa cupboard para uminom ng tubig.

“Elaisle, magsuot ka nga nang maayos!” sita ni Mike sa kapatid niya nang makita ang suot nitong shorts.

Elaisle pa lang ang pangalan niya, paano kaya isulat 'yon? Elayl, Elayle, o  Elaile?

“Tss,” singhal nito sabay baling sa aming dalawa ni Tim. Kitang-kita ko kung paano niya pinaikot ang mga mata para irapan ako.

Medyo nagulat ako at naestatwa roon, wala naman akong ginawa pero ang sama ng tingin niya sa 'kin. She walked out the kitchen, tahini ko naman siyang hinatid ng tingin.

“Nakakatakot talaga kapatid mo, Mike!” Maarting hinawakan ni Tim ang dibdib niya, umaaktong takot na takot talaga.

“Hayaan niyo na 'yon, topakin. Intindihin niyo na lang.” Humagalpak ng tawa si Mike. “Nasaan na sina Xander at Glen?” he asked.

“Inirapan si, Jayda,” ani Tim sabay tawa. Napabaling naman si Mike sa akin. Hindi ko pa sila gaanong close kaya medyo nahihiya pa ako. First time ko rin makapunta sa bahay ng kaklase.

“Hayaan mo 'yon, Jayda. Ganun na talaga 'yon. Pero mabait naman si, Mara Elaisle.” So, Mara Elaisle ang buong pangalan niya. Maganda. . .  kasing ganda niya.

Simula nang araw na 'yon, lagi ko na siyang napapansin. Kapag nakikita ko siya sa school ay lagi ko siyang sinusundan ng tingin. Ganun ang naging routine ko sa halos dalawang taon na lumipas. Tahimik siyang pinagmamasdan, ni hindi ko nga alam kung bakit.

Nakaraang buwan lang noong lagi siyang mag-isa at tila walang kasama, it makes me want to be his friend. Curious ako kung ano'ng pakiramdam na maging kaibigan siya. Before I could make a move, may mga bago na siyang kaibigan. Medyo napanatag ako na may dalawa siyang kasama.

Judging her eyes, she seemed bothered and in pain. Parang laging malungkot ang mga mata niya. Pero ngayong may mga kaibigan na siya, lagi ko na siya nakikitang nakangiti at tumatawa.

I'm busy strumming my guitar while silently creating a lyrics on my head. Gusto kong gumawa ng kanta, gusto kong subukan. I'm looking for an inspiration, but all I could see is her face behind shadow. Nakatingala ako sa langit habang nakahilig ang likod sa puno. Kandong ko rin sa hita ang gitara.

Nakapikit akong nag-iisip nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Pabango pa lang alam ko na kung sino. Si Nerissa-- kababata ko.

“Oh? Nagsusulat ka ng kanta?” Bago ko pa matago ay kinuha na niya ang notebook ko. Napadilat ako at tiningnan siyang aliw na aliw sa mga sinulat ko.

“Nakangiti sa langit. Sa likod ng isip ay nagtatanong kung bakit.” Pagbasa niya sa isang lyrics. “Ang lalim naman nito,” aniya sa akin. Naisip kong kasing lalim niya ang lyrics ng kanta.

“Wala akong maisip na iba, eh,” sabi ko na lang.

“Naks! Good luck sa 'yo, Jayda! Kapag sikat ka ng singer huwag mo akong kalimutan, ah!” Pabiro niya pang sinapak ang braso ko.

“Loko!” Natawa na lang ako sa kanya.

“Nga pala! Sa Sabado, samahan mo 'ko mamalengke. Isasali ko na rin 'yung mga ihahanda ko para sa birthday ni Lolo.” Ang tinutukoy niyang Lolo ay ang ama ng papa ko. Ang kaisa-isang nag-aalaga sa akin.

“JAYDA! Sa Sabado birthday ng kapatid ko, punta kayo, ah!” ani Mike sa amin.

March 16, pati birthday niya ay saulo ko na. Naka-set na 'yon sa kalendaryo ng cellphone ko kaya hindi na ako nagulat sa sinabi ni Mike.

“Ay, oo nga pala! Birthday ni Elaisle.” Dahil sa dalas naming pumunta sa bahay nila nasanay na kami kay Elaisle. Lalong-lalo na ang dalawa na mukhang malakas ang loob na makipag-asaran sa kanya. Laging irap at isnob naman ang inaabot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang ilapit ang sarili sa kanya. Lagi akong natatahimik sa tuwing lumalapit siya, takot na baka magkamali at may hindi siya magustuhan sa akin.

But why I am even thinking about her opinion of me? Ang tanong na 'yan ay ilang buwan ko ring inisip hanggang sa nasagot ko ngayon.

“Oh! Kay, Jayda tumama ang bote!” nagsigawan silang lahat. Huli ko na na-realize dahil nakatingin ako kay Elaisle.

Suot ang simpleng puting dress, kasama niya ang dalawang kaibigan na sina Lish at Serene. Siya ang pinakamaganda sa kaarawan niya.

“Bobo, tumapat hindi tumama! Edi nabukol na 'yan.”

“Seryoso na kasi! Jayda, truth or dare?"

“Truth,” wala sa sariling sagot ko.

“Ako magtatanong.” Nagsalita si Mike kaya bumaling ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“May crush ka sa kapatid ko, no?” deritsang aniya. Noong una ay nagulat ako na alam niya. Naghiyawan ang mga barkada ko sa tanong na 'yon. Sa isip ko ay paulit-ulit kong tinanog ang sarili, pareho lang din ang sagot.

“Oo,” I answered.

”Usap tayo, halika...”





Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
61.1K 1.9K 102
Matapos nakawin ang cellphone ay sinubukang tumawag ni Jenna sa nagnakaw nito. Ngunit ayaw nitong ibalik, bagay na ikinainis niya. Hanggang sa pumaya...
6.1K 1.2K 49
Eleazar Girls Series #1: Book 3 of 3 [COMPLETED] They had the best friendship of all. But they also had the worst pain of having that rule to protect...