Again, Perfectly Tied- Yilmaz...

By MGraceDM

7.1K 2.4K 286

After 5 years .. Phoebe reached her dream and became a famous Singer and Model. But despite her popularity, s... More

A/N :
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
A/N
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!!
SPECIAL CHAPTER - HELIOS AND PHOEBE

CHAPTER 24

113 41 4
By MGraceDM

"Kaninong Unit ba to mga bruha? Baka mamaya madali tayo dito ha! Naku parang awa nyo na hindi pa ko tapos sa issue ni Phoebe bilang broken hearted. Wag nyo na munang dagdagan baka pumuti ang buhok ko sa baba! Nakakahiya sa magiging asawa ko." walang humpay ang tawa namin ni Leigh Ann dahil sa reklamo ni Glenda. Naka blindfold kase sya ngayon habang papasok kame sa isang Unit na pina Rent ko at sila kuya Primo ang nag asikaso nung sabihin ko sakanilang lahat ang birthday surprise para kay Glenda dahil hindi pwede sa Unit ko alam kong wild ang mga girls pag nakainom.

"Happy birthday!!!"

"Oh my god!"

Masaya at malakas naming bati sakanya ng tanggalin ko ang blindfold nya. Pinag masdan ko ang buong sala at napangiti. Ang galing talagang mag decorate ni Antonette pag dating sa mga ganito, black and Rosegold ang theme na ginawa nya sa buong paligid kahit sa mga balloons. Si Katy naman nakatoka sa pag luluto at tinulungan nalang sya ni Kuya Payton sa pag hihiwa dahil wala namang alam sa pag luluto yun habang si Kuya Primo naman ay naka toka kay Baby Kurt.

"Hala! Hindi ko manlang napansing may paganito pala kayo saken. Akala ko bibile lang tayo ng beer sa baba at mag papakalasing!" natatawa man ay halatang naiiyak sya.

"Plano lahat ni Phoebe yan kaya toka toka kameng lahat sa pag hahanda."niyakap naman ako ni Glenda.

"Thank you so much bebe girl! nag abala pa kayo."

"Ako nalang kase ang walang regalo sayo kaya eto naisip ko. Tutal hindi din naman ako makalabas ngayon dahil alam mo na .." natawa naman sya sa sagot ko.

"Yeah. Baka madumog ka sa labas."parang wala sa sariling sagot nya kaya napakunot ang noo ko mag tatanong na sana ako ng May confetti na pumutok at pag lingon namin hawak hawak ni Kuya Primo at nakangiting aso.

"Sorry? Ang hirap kase eh. Di agad gumana kanina." napailing nalang kame at sinimulan ang party.

Nasa kalagitnaan kame ng party ng magising at umiyak si Kurt dahil naingayan.

"Katy, ako na. Mag enjoy ka lang dyan alam kong sobrang stressed ang dinulot ko sainyo." nakangiting pigil ko sakanya saka binuhat ang anak nya "anong gusto ng gwapo kong inaanak hmm?" Tanong ko kay Kurt

"Hala! Okay lang Phoebe." Nahihiyang sabe ni Katy kaya nginitian ko lang sya.

"Ninan Mimik po." Isang taon lang kase syang napa breastfed ni Katy dahil kailangan nyang mag trabaho agad kaya ngayon ay naka formula milk ito.

"Ow! Gusto mo ng Milk?" Tumango naman ito saka ako tumingin kay Katy "Nasan gatas nya?"

"Nasa kabila eh, sa bag nya."

"Sige na ako ng bahala sakanya."

"S-sige. Baby, wag pasaway kay Ninang okay?"

"Opo." Nakangusong sagot ni Kurt.

"Sige kame nalang kukuha .. naiingayan din siguro sya."

"Sige salamat Phoebe.. baby, kay naning muna ikaw ha? Kunin kita mamaya." Nakangiting sabe nya saka pinisil ang pisngi ng anak.

Lumabas ako na buhat ko si Kurt hindi na sya ganung umiiyak at nakayakap lang sa leeg ko. Natigilan at nanlake ang mata ko ng makitang may pamilyar na tao sa tapat ng unit ko at muhkang nag aantay na pag buksan sya.

"Creed!" Masayang tawag ko sakanya napatingin naman sya saken nag tataka kung baket sa ibang Unit ako galing at saka sya napatingin sa batang karga ko. Nakatalikod ito sakanya.

"Phoebe! Ayos ka lang ba? .. akala ko nandito ka sa Unit mo kaya nag punta ako. I tried to call you and Glenda pero walang sumasagot kaya mas nag alala ako akala ko kung ano ng nangyare dahil sa mga news." puno ng pag aalala nitong sinabe.

"Sorry Creed, hindi kase ako hinahayaang mag cellphone or laptop manlang nila kuya at nila Glenda para iwas stress daw. Ewan ko ba sa mga yun ang OA naman ata." natatawa kong sagot sakanya pero nahinto ako ng makitang seryoso syang nakatitig saken. "B-baket?"

"So you mean .. wala kang idea sa mga nag kalat na news buong linggo?"

"Meron." nanlake naman ang mata nya.

"M-meron ?"

"Oo. Tungkol sa pag iyak ko nung nag guest ako sa isang Live tv show diba?" Natigilan sya at parang nakahinga ng maluwag na pinag tataka ko talaga.

"A-ah O-oo yun nga. Napanood ko din yun at hindi mo alam kung gaano ko gustong umuwi agad nung araw na nahospital ka.. kaso nasa Macau ako with my Dad for some business matters."

"Ano kaba? Okay lang ako hindi mo naman kailangan gawin yun."nakangiti kong sagot sakanya pero tinitigan lang nya ko at parang sinusuri saka bumuntong hininga at napatingin sa batang nakayakap at nakatalikod parin.

"Sino sya?"

"Ah! Oo nga pala.. baby Kurt, say Hi to tito Creed. Come On." humarap naman ito natawa pa ko ng paminsan minsang humihikbi at naka pout pa sya. Ang cute talaga taba ng pisngi! Napalingon ako kay Creed at napansing titig na titig sya sa bata at medyo napaawang pa ang bibig nito.

"Elow." bati sakanya ni Kurt at kumaway parang dun lang natauhan ito at ngumiti saka hinawakan sa kamay si Kurt.

"Hi Kiddo." tumingin naman sya saken "pamangkin mo?" Umiling naman ako.

"Hindi. Anak sya ni Katy." napansin kong mas lalo syang natigilan at saka parang sobrang lalim ng iniisip. Hindi ko alam pero kanina pa talaga ako nawiwirdohan kay Creed tsk.
"Nandun nga pala silang lahat sa kabilang Unit. Birthday kase ni Glenda ngayon so, dun namin naisipang ihanda.. pwede bang buhatin mona muna si Baby Kurt kukunin ko lang sandali yung bote nya sa Unit ko."

"Yeah sure, Come on Kiddo." napangiti ako ng awtomatikong nilahad ni Kurt ang dalawang maliliit na braso para mag pakarga dito. Iniwan kona sila dun para kunin ang Bote ni Kurt at nag palet na din ako ng short at fitted shirt para mas komportable ako mamaya pag nakisabay na ko sakanila. Napalingon ako sa side table ng kama ko nandun ang cellphone ko at pinag iisipan kung kukunin ko ba.

"Wag na lang .. Kailangan kong maging masaya ngayon." saka ako lumabas ng Unit ko.

Pag pasok namin sa unit kung nasan ang party ni Glenda ay sinalubong agad ako ni Katy at may hinanap agad ang mga mata nito napakunot ang noo nya ng wala akong kargang bata.

"Phoebe, si Kurt?" Takang tanong nya. Sakto naman naramdaman ko ang presensya sa likod ko kaya napatingin din sya dun.

"Creed ikaw pala." lumapit sya at kinuha ang anak nya dito. "Baby Kurt .. good boy kaba kanina sakanila?" Tanong nya sa anak tumango naman ito habang sumisipsip sa bote nya saglet na tinanggal bago sumagot. Iniwan kona din sila dun para sabihin sa lahat na nandito si Creed.

"Happy birthday Glenda.. I didn't know na birthday mo pala, sana nakabile ako ng regalo." kamot batok na sabe nya dito.

"Salamat! Naku hindi na kailangan sagot mo nalang yung ibang alak mamaya ah?" Natawa kameng lahat sa sinabe nito.

"Sure! Why not." Nakangiting sagot nya.

Nag patuloy lang ang party at halos hindi ako makahinga kakatawa sakanila lalo na kay Glenda at dalawang kapatid ko puro kalokohan at may tama na. Mag hahating gabe na din kase.

"I didn't know na may anak na pala kayo?" natigilan ang lahat at napatingin kame kay kuya Primo. Nakatingin sya kay Creed, Katy at sa anak nito na nakaupo sa lap nya habang naglalaro ng Bear nito. Nagising kase kanina at hinahanap sya.

"W-what?" Gulat na reaksyon ni Creed

"N-naku! Hindi.. mali ka Primo.. hindi sya ang a-ama ni Kurt." mahinang tanggi ni Katy.

"Huh?" Nag tatakang tanong ni Kuya.
Samantalang tahimik lang kameng mga nakakaalam.

"A-ah.. Primo b-balita ko sikat na sikat ka bilang Photographer ah!" Nakahinga kame ng maluwag ng sumingit si Glenda kaya nawala sakanila ang usapan.

KINABUKASAN masaket ang ulo ko dahil sa inuman kagabe hindi ako nakainom ng maraming tubig bago matulog kaya ganito. hindi kona nga alam pano ako nakabalik dito sa Unit ko. Naligo agad ako para matanggal ang hang over saka naisipang lumabas ng kwarto at silipin ang guest room. Tulog na tulog pa si Antonette at Leigh Ann pag baba ko naman ay natawa ako sa pwesto ni Kuya Primo naka salampak sa carpet habang nakataas ang isang paa sa sofa at topless kaya kitang kita ang ganda ng katawan tsk. Ang iba naman kase ay sa kabilang unit natulog kaya naisipan kong puntahan sila dun.

Deretso lang akong pumasok pero natigilan ako ng may marinig na nag uusap sa may kusina balak ko sanang gulatin pero hindi ko nagawa dahil sa narinig ko ang pangalan ko.

"Salamat talaga sayo Creed .. Hindi ko na din kase talaga alam ang gagawin ko para lang pag takpan si Phoebe."

"You dont need to thank me Glenda, Basta para kay Phoebe."

"Pero sigurado kabang ayos ka lang din? Paniguradong pinuputakte kana din ng mga reporters at mga tao ngayon."

"Yeah I'm okay .. Sanay na din naman ako sa mga ganito."

"Nag aalala ako kay Phoebe kapag nakita nya at nalaman ang laman ng balita at gulong nangyayare sa social media hanggang ngayon. Kaya nga sinabihan ko sila Payton na wag na wag syang panonoorin ng balita at wag hayaang mag cellphone at laptop dahil baka lalong makasama sakanya."

"Makasama saken ang ano Glenda?" Seryosong tanong ko sakanya nakita kong halos mamutla silang pareho ng makita ako "Anong nangyayare ngayon sa labas at kailangan nyong itago saken? At anong kinalaman ni Creed?" Sunod sunod kong tanong habang lumalapit sa pwesto nila. Nagka tinginan naman silang dalawa , lumapit saken si Creed at hahawakan sana ako pero umiwas ako.

"Phoebe please .. relax okay?"

"Sagutin nyo yung tanong ko." madiin ang pagkakasabe ko habang nakatingin sakanila huminga ng malalim si Glenda kinuha nya ang cellphone at inabot saken.

"Glenda!" Saway sakanya ni Creed.
Pero wala syang nagawa ng kunin ko yun at tingnan ang trending parin hanggang ngayon. Napaawang ang labi ko sa mga nabasa at nakita .. ang una ay ang picture namin ni Helios para sa endorcement magazine kung saan nakayakap sya saken at pareho kameng nakatingin sa isat isa mababasa talaga sa mga mata namin ang mga emosyon nung oras na yun at meron ding mga stolen photos na palihim kame kung tumingin sa isa't isa, merong si Helios nakatingin saken habang sa iba ang tingin ko at ganun din saken kung saan nakatingin ako sakanya habang kausap nya si Trisha at mas kinagulat ko ay ang picture namin na parehong nasa pintuan ng Room ko hanggang sa pumasok ito.

Ang iba't ibang Headline ng article ang talagang nakaagaw ng pansin ko at ang mga masasaket na comment ng mga tao lalo na ng mga Fans ni Trisha ang nakapag pasama ng loob ko at parang nanghihina ang mga tuhod ko.

' HELIOS AT PHOEBE TALAGA NGA BANG MAY LIHIM NA RELASYON AT PINAG TATAKSILAN NGA BA SI TRISHA '

Comments :

"Geez! Muhkang anghel yun pala nang aahas ng boyfriend ng iba"

"Malandi!"

"Pinapasok pa sa room nya para lang maakit si Helios!"

"Hindi sila bagay ! Dapat TRISHEL lang!"

"Mahinhing higad!"

"Balak pang agawin si Helios kay Trisha!"

"Biatch!!"

"Siguro masama talaga ang ugali nyan sa personal kunwaring mabaet lang para panindigan ang pagiging Angel kuno nya."

Napaka dame pang masasaket na salita ang nababasa ko na kina'counter naman ng mga Fans ko at mga nakakakilala saken.

----

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.5K 1.4K 55
Freya has a peaceful life. Until she met a transferee named Lance that made her life a roller coaster ride, it became exciting and at the same time...
9K 320 31
A self-made billionaire, Megan Montefalco has just entered her 30s without having a serious romantic relationship; this fact doesn't worry her, but h...