Again, Perfectly Tied- Yilmaz...

By MGraceDM

7.2K 2.4K 286

After 5 years .. Phoebe reached her dream and became a famous Singer and Model. But despite her popularity, s... More

A/N :
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
A/N
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!!
SPECIAL CHAPTER - HELIOS AND PHOEBE

CHAPTER 18

112 44 3
By MGraceDM

"Masyado na atang malalim,"
Napatingin ako sa nag salita sa tabi ko kumunot naman ang noo ko dahil di ko gets "Kanina kapa tulala dyan di mo napapansing napag iwanan kana oh." Nginuso nya ang nasa harapan kaya tumingin ako dun tama nga sya nauuna na ng lumakad si Glenda at Katy papunta sa Lobby ng resort.

"I-iniisip ko lang kung anong masarap na kainin bukas lalo na tapos na ang photoshoot." rason ko.

"May alam akong kainan dyan sa kabilang bayan pero hindi yun yung tipong mga mamahaling pagkaen pero siguradong mabubusog ka.. ano?Punta tayo bukas?" Nakangiting tanong nya mabilis akong tumango.

"Sige ba! Pero siguraduhin mong masarap dyan ah dahil wala akong ibang gagawin bukas kundi ang kumaen ng kumaen." natawa naman sya sa sinabe ko.

"Ipupusta kotse ko." Nakangising sabe nya.

"Deal!"

Nag uusap lang kame hanggang sa makarating kame sa tapat ng unit ko kung saan nag aantay ang dalawa habang nakatingin samen.

"Akala namin wala kayong balak matapos sa kwentuhan eh." biro ni Glenda.

"Pano bukas nalang?" I nodded. "Goodnight girls una na ko." paalam nya sa dalawa at umalis na din.

"Ate Glenda mauna na ko pumasok, kanina pa din kase tumatawag ang kapatid ko." sabe ni Katy.

"Sige Katy sagutin mona baka emergency." Sagot ni Glenda.

"Goodnight Phoebe." bumeso sya saken bago pumasok sa room nila ni Glenda.

"Anong meron bukas?" Nakataas ang kilay at pabirong mataray na tanong nya saken natawa naman ako.

"Wala yun, Inaya lang nya kong kumaen dyan sa kabilang bayan."

"Kayong dalawa lang?" I nodded.

"Wag kang mag alala Glenda mag iingat naman ako." Agad na sabe ko alam kona kase ang ibig sabihin ng tingin nya.

"Siguraduhin mo lang. Mahirap madawit sa pangalan ni Creed Sandoval lalo na at kilalang mapag laro sa babae yan."

"I know. Kahit naman walang malisya ay lalagyan parin ng mga tao."tumango naman sya saka hinawakan sa magkabilang balikat.

"mag pahinga kana din, bumawi ka ng tulog tutal tapos na din naman ang photoshoot at bukas mag eenjoy nalang tayo bago umuwi." tumango naman ako saka bumeso sakanya "Goodnight bebe girl."

"Goodnight night."

Nandito ako ngayon sa veranda ng room ko habang hawak sa magkabilang kamay ko ang isang baso ng tubig at gamot.

'Anti depressants'

Mahigit isang taon na din ng mag umpisa akong uminom nito at walang nakakaalam na kahit sino sa paligid ko kahit si Mama. Ayaw kong mag alala sila saken lalo na at malayo ako sakanila palagi. Tuwing gabi ko ito iniinom para hindi mag hinala sila Glenda akala nila ay sleeping pills parin ang iniinom ko. Noon kase ay yun talaga ang meron ako.

Pagkatapos kong inumin ay sandali akong tumambay at pinag masdan ang dagat habang nirerelax ang isip ko. Nang makaramdam ako ng antok na isa sa side effect ng gamot ay umakyat na ko sa kwarto at ginawa ang mga dapat gawin saka humiga sa kama.

******
Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko at kahit inaantok pa ay sinagot ko ang tawag "Hello?"inaantok na sagot ko narinig ko namang natawa ang nasa kabilang linya.

"Wake up sleepyhead. Masarap mamasyal ngayon habang hindi pa ganun kainit."

"Creed.." wala sa sariling sagot ko ng mabosesan ko kung sino ang kausap.

"Yes Miss Asul ko nga. Ang pinaka gwapo sa lahat ng gwapo." Mahina naman akong natawa saka dahan dahang bumangon napatingin ako sa wall clock 8am palang I groaned.

"Ang aga pa creed."

"Tanghali na. Mas masarap sa pakiramdam ang simoy ng hanging dagat kapag umaga. Kaya bumangon kana dyan nandito ako sa labas ng Room mo."

"Yeah right eto na." pag suko ko. Natawa naman sya saka binaba ang linya. Nag hilamos ako sandali at nag suot ng maluwag na shirt at dolphin short at dahil maluwag ang shirt na medyo mahaba ng konte halos matabunan na ang suot kong short. Lumabas ako ng kwarto saka Dumiretso sa pinto ng Room ng tinutuluyan ko balak kong papasukin na muna si Creed dito dahil nakakahiya namang pag antayin ko sya sa labas ng pinto.

"Hey good--morning...." Nag taka ako dahil napatitig sya sa kabuuan ko at ng matauhan ay may ngisi na ito sa labi. "Ang gandang bungad sa umaga Miss Asul pero mas okay sana kung Tshirt ko ang suot mo." inirapan ko naman sya dahil sa sinabe nya. Nasanay na din naman ako sa pagiging ganyan nya tipikal na Playboy na mga salita.

"Pumasok kana muna nakakahiya namang pag antayin kita dito."

"Sure! May dala din akong pagkaen mag breakfast na muna tayo." Inangat nya ang paperbag na dala nakangiti akong tumango saka dumiretso sa kusina sumunod naman sya saken.

"Coffee or juice?" Lumingon ako sakanya at nakita kong inaayos nya ang pagkaen namin sa lamesa.

"Coffee nalang Thank you." nang matapos akong gumawa ay inabot ko sakanya ang coffee nya. Umupo naman ako kaharap nya at sumimsim sa kape saka tiningnan ang dala nyang pagkaen, sa itsura at amoy palang nito ay nag lalaway na ko "well, dahil sabe mo babawi ka sa pagkaen ngayong araw na to naisipan kong mag luto ng heavy foods. Sana okay lang sayo."nakangiti akong tumango saka kumuha ng kutsara para tikman nanlake naman ang mga mata ko at di makapaniwalang tumingin sakanya.

"Wow! Ang sarap nito Creed! Hindi ko akalain na ang isang Party Goer at Playboy na katulad mo ay magaling mag luto!" Lalong lumawak ang ngiti ko ng napansin kong medyo namula sya saka umiwas ng tingin. Kahit pa may pagka moreno ang kulay nito.

"Well .. nung nasa US kase ako, ako lang mag isa dun hindi uso ang may maids so nakasanayan ko ng mag luto since high school palang dun na ko tumira at pabakasyon bakasyon lang dito."

"Buti kapa! Samantalang ako kahit pag prito ng itlog palpak." natatawang sagot ko sakanya.

"Siguro namana ko din kay Dad. His a great cook and he loves to cook for my Mom." Nakangiting sagot nya na nakapag pangiti lalo saken at nag patuloy lang kame sa pag kukwentuhan.

Nang matapos kame ay nag ayos na din ako at nag suot lang ng Black floral Print button-Up Mini Dress tinernohan ko ng white flip flops and after an hour ay sabay kameng lumabas ng Room ko pero hindi ko akalain na sa saktong pag bukas ko ng Room ay matatanaw kong seryosong nag uusap si Trisha at Helios habang nasa tapat sila ng Room nito. Natigilan ang dalawa siguro dahil narinig nila ang tawanan namin ni Creed kanina ng binuksan ko ang Pinto. Nagkasalubong agad ang mga mata namin ni Helios at kita kong nag dilim ang muhka nya ng lumipat ang tingin kay Creed na nasa gilid ko at nakatingin din sakanila. Nabaling naman kay Trisha ang tingin ko na nakatingin samen. Hindi ko alam kung baket parang may lungkot ang mga mata nito na nag papalet palet ng tingin saken at kay Helios. Nang mapansing nakatingin ako sakanya ay ngumiti ito at kumaway.

"Hi Phoebe! Hi Creed! Goodmorning sainyo, Ang aga nyo ah." Magiliw nyang bati samen wala na kong magawa ng lumapit ito samen at hinila si Helios.

"Goodmorning din Trisha." Bati ko.

"Nag breakfast lang kame ni Phoebe and inantay ko na din syang mag ayos inaya ko kase syang mamasyal."

"Ang sweet naman! Sana all ganyan."

"Kayo? Aga din magkasama na kayo ah." tanong ni Creed sakanya.

"Kakaen din kase kame dyan sa baba para mag almusal. O sige na baka nakakaistorbo na kame sa lakad nyo enjoy!" Tumango nalang kame at nag lakad na papuntang Elevator pero hindi pa man kame nakakasakay ay tinawag ulet ako ni Trisha lumapit sya saken at mahinang nag salita.

"Phoebe don't forget pupunta tayo dun sa pinag dalhan saken ni Hel mag selfie tayo dun hindi ko kase maasahan yang si Hel na pictureran ako eh kainis! " parang batang sabi nito tumango nalang ako at nginitian sya "osige na see you later."

******
"Wow! Hindi ko alam na may ganito pala dito." tuwang tuwang sabe ko habang nililibot ko ang paningin sa lugar na pinag dalhan saken ni Creed.
Maliit na bayan lang ito tulad sa Resort ay may mga tindahan din naman ang kinaibahan lang ay maliliit lang ang mga tindahan dito. Meron ding mga batang nag lalako ng mga bulaklak. Siguro mga 40 minutes ang byahe namin kanina at hindi kame nag kotseng dalawa. Nag aya syang mag commute kame at sobrang tuwa ko dahil first time ko sumakay sa tricycle. "Lagi ka bang nandito?" Tanong ko sakanya nakita ko naman syang kinukuhanan ako ng picture may dala kase syang DSLR.

"Yes suki na ako dito. May rest house kase ang kaibigan ko dyan sa kabilang isla kaya madalas ay doon kame tumutuloy kapag nag pupunta dito. Sa Resort nyo naman pangalawang beses ko palang to." Naka ngiti akong tumango sa sinabe nya. Nahinto ang paningin ko ng makakita ako ng nga naka pilang tao napansin din nya siguro kaya napatingin sya dun.

"Gusto mo mag pa Henna?" Tanong nya. Wala sa sariling naiangat at tinitigan ko ang kaliwang wrist ko kung saan nandun ang maliit kong tatto. "Oh may tattoo ka pala? Hindi ko napansin ang liit kase." tiningnan din nya ito at napansin kong natigilan sya ng mabasa ang nakalagay dun kaya naman agad kong binaba ang kamay ko.

"T-tara gusto ko mag pa henna hindi kopa na try yan eh." tumango naman sya at sabay kaming pumila. Habang nakapila kame ay pumili na ko ng design na gusto ko.

"Magandang umaga ho mam at sir may napili na po ba kayong design at kung saan po ilalagay?" Nakangiti akong tumango at pinakita ang napili ko nakita ko ding tiningnan yun ni Creed.

"Nice choice, bagay sayo."

****
"Lalong napansin ang puti ng balat mo dahil sa Henna mo. Bagay na bagay." nag lalakad na kame ngayon papunta sa tinutukoy nyang kainan hindi nga namin namalayan ang oras at pasado lunch na pala kung hindi pa kame nakaramdam ng gutom dahil sa pag lilibot. May mga binile din ako para kay Glenda at Katy.

"Thank you. Ganun pala mag pa Henna no? Akala ko masaket din."

"Yeah. At bilib ako sayo dahil mas inuna mong maranasan ang pag patattoo kesa magpa henna."nanatawang sagot nito kaya natawa nalang din ako.

"Hindi naman kase kalakihan ang tattoo ko kaya hindi ganun kasaket." Nakangusong sagot ko ginulo naman nya ang buhok ko.

"Nandito na tayo. Ladies first" sumensyas pa sya ng kamay kaya natawa ako saka pumasok. Nilibot ko naman ang tingin sa loob ng kainan. Simple lang ito at maliit, kawayan din ang buong disenyo ng loob maging ang lamesa at upuan. Malinis at Presko din kahit hindi air conditioned ang lugar. Sa totoo lang nakakelax ang dito.

"Okay ba sayo dito?" He asked. nakangiti akong tumango.

"Oo naman nakakarelax nga dito eh. Saka mas okay na din ang wala masyadong mga tao mahirap na." pinag handa naman nya ko ng upuan bago umupo kaharap ko saka sumenyas sa may katandaang ginang nakangiti itong lumapit samen.

"Anong hong order nila?"

"Hi manang sonia! Long time no see."
Nag tataka at nakakunot ang noo ng ginang at muhkang kinikilala ito.

"Creed hijo! Naku sabe ko na nga ba at pamilyar ka saaken! Kamusta na? Napaka tagal na nung huling punta nyo ditong magkakaibigan.. sa tingin ko'y tatlong taon na din."

"Oho manang sonia kakauwi ko lang din galing US.. lalo kayong gumaganda ah." pabiro naman itong pinalo ng ginang.

"Ikaw talagang batang ka hindi kana nag bago!" Tapos ay napatingin ito saken at nginitian ako kaya sinuklian ko din ng ngiti "ikaw ba ang nobya nitong si Creed hija?" Nanlake ang mata ko sa tanong nito at mabilis na umiling.

"Hindi po. Kaibigan lang po ako ni Creed." bumaling naman ito kay Creed na nakangisi lang. Pinalo nya ito sa may braso kaya nagulat si Creed pati ako.

"Ano pang hinihintay mong bata ka? Baket hindi mo pa ligawan itong napakagandang dalaga na ito."ramdam kong nag init ang muhka ko kaya napayuko nalang.

"Manang, wag kayo mag alala darating din tayo dyan." palihim ko namang sinipa si Creed sa ilalim ng mesa pero naka ngisi lang to parang gustong gusto pa ang topic.

"Mabuti naman. O sya anong order nyo? Ganun parin ba tulad ng dati?"

"Naman! Alam nyo namang paborito ko ang best seller nyo dito eh."

"Sya sige sandali lang mag luluto ako."
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis ang ginang kaya naman binatukan ko si Creed pero tinawanan lang nya ko.

Napailing at natawa nalang din ako sakanya. Sa ilang oras palang na magkasama kame ay masasabe ko talagang panatag na ko sa presensya nya.

-------


I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 450 31
WARNING: MATURED CONTENT | R18+ | EXPLICIT RAW VERSION OF STORY, UNEDITED. 𝙈𝙚𝙡𝙧𝙤𝙨𝙚 𝙅𝙖𝙯𝙢𝙞𝙣 𝙎𝙖𝙖𝙫𝙚𝙙𝙧𝙖 __________ 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿�...
4K 173 30
Kahit na masakit sa dibdib ni Vivien ay tinanggap niya ang nangyari, walang kaalam-alam ang nobyo na nagpalit sila nang kanyang kakambal para lamang...
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
10.4K 143 58
Felicity Montessori Story Felicity Montessori is an arrogant, rude, snobs and a bitch but with that characters, she's popular in her school. Felicity...