Chasing the Forbidden (SERIE...

By elyjindria

7.3M 231K 126K

(COMPLETED) Kiara Amaris North knew that her parents are not really in love with each other, she was just a p... More

Chasing the Forbidden
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
LAST CHAPTER
NEXT
PRE-ORDER

Chapter Thirty-Six

153K 5.6K 1.5K
By elyjindria

Nagising ako na wala si Xanthos sa tabi ko. Agad akong lumabas ng kwarto namin at dumiretso sa kusina pero wala siya ro'n... Pumasok ba siya sa trabaho? Okay na ba siya? Lasing na lasing siya kagabi.

Natigilan ako nang mapansing may pagkaing nakatakip sa mesa. May sticky note rin na nakadikit do'n. Agad ko 'yong kinuha at binasa.

Denise will be there later. I already cooked breakfast for you and the kids. I will be in a business trip for a week.

Naiinis na nilukot ko ang sticky note pagkabasa ko no'n. Bakit ngayon pa siya pupunta ng business trip? Bakit kung kailan pa umamin siya ng nararamdaman n'ya kagabi?

Sinubukan kong i-text si Xanthos para itanong kung nasaan siya pero nakalipas na ang ilang oras, hindi pa rin siya nagre-reply.

Napailing na lang ako at pinakain ang kambal pagkagising nila. Hindi rin ako naghintay nang matagal at agad na dumating si Denise kasama si Cad.

"Denise, saan ang business trip ni Xanthos?" tanong ko.

Napakunot ang noo n'ya. "Wala namang scheduled business trip si Sie Xanthos."

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "But... he said he's going on a business trip."

Her forehead creased. "Ha? Lahat ng schedule n'ya, alam ko at wala naman sa schedule n'ya ang business--" hindi naituloy ni Denise ang sasabihin nang takpan ni Cad ang bibig n'ya.

"Hindi lahat ng schedule ni pareng Xanthos, alam mo. May business trip siya na hindi mo alam, okay ba?" mariing tanong ni Cad saka pinitik ang noo ni Denise.

I glared at Cad. He just cleared his throat and avoided my gaze. I stood up and walk to his direction. I grabbed his collar and pulled him closer to me.

"What the hell is wrong with Xanthos? Where the fuck is he?" I asked and grabbed his collar tighter.

Napabuga ng hangin si Cadence at napakamot sa ulo n'ya. "He's currently contemplating right now, mare. Let's give him some time alone," sabi na lang ni Cad saka alanganing ngumiti sa 'kin.

My forehead furrowed. "What is he contemplating for?"

"Kaya nga kasi naglasing 'yon kagabi kasi nagseselos kay Archer. Akala n'ya magbabalikan na kayong dalawa ni Archer. Nagpapakalayo layo muna siya para kontrolin 'yung sarili n'ya na maging selfish pagdating sa 'yo... Ayaw n'ya na kontrolin ka at natatakot siya na masakal ka sa magiging setup n'yo kaya nagpapakalayo layo muna siya. Hindi mo maiintindihan kahit i-explain ko sa 'yo. Kahit ako ginagawa ko 'yon kapag masyado akong nagiging possessive kay Liah dahil hindi healthy sa relasyon 'yon," paliwanag ni Cad.

Natahimik ako at napabitiw sa kanya. Nagtatakang napatingin na lang sa 'min si Denise na tila hindi n'ya naiintindihan ang nangyayari.

"Mahirap lalo sa kanya dahil wala pa naman kayong label. Ilang taon ding nagkontrol ng sarili si pareng Xanthos tapos ngayong magkasama ulit kayo, nati-trigger 'yung possessive side n'ya." Natawa si Cad. "Siguro nasa isip n'ya, hindi pa nga siya naamin sa 'yo na mahal ka n'ya tapos--"

"Bakit n'ya pa sinabi sa 'kin kagabi na mahal n'ya 'ko kung bigla rin naman siyang mawawala paggising ko?" tila wala sa sariling nasabi ko na lang saka napabuntong hininga.

"Oo nga, e. Bakit pa n'ya sinabi sa 'yo kagabi na mahal ka n'ya kung bigla rin--teka ano?!" gulat na tanong ni Cad.

Maski si Denise ay napasinghap sa sinabi ko at agad na lumapit sa 'kin.

"OMG, Kiara. Legit ba 'yan?!" excited na tanong ni Denise saka kumapit sa braso ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumango. "S-Sinabi n'ya sa 'kin kagabi na mahal na mahal n'ya 'ko... Sa tingin n'yo totoo 'yon? Lasing siya kagabi tapos... bigla naman siyang nawala ngayon. Baka hindi n'ya lang talaga sinasadya na sabihin 'yon," sabi ko at muling umupo sa couch.

"Lah, gaga ka? Tumataob ang pagiging in denial ni Xanthos kapag lasing. Lagpas dalawang dekada ko ng kaibigan 'yon kaya alam ko. Kaya nga namin nalaman nina Zak na mahal ka n'ya five years ago pa, e. Nalasing siya no'n tapos halos pinagsigawan sa bar ko na mahal ka n'ya. Nakakahiyang moment talaga 'yon, tangina," napapailing na sabi ni Cad.

"OMG talaga teh, akala ko forever ng hindi kikilos si Sir. Hay, sana man lang nakita ko ang confession moment ni Sir Xanthos. Deserve ko 'yon bilang number one supporter n'yo since day one," paghihimutok ni Denise.

Napabuntonghininga na lang ako at napayakap sa sarili ko... Kung gano'n, ibig sabihin totoong mahal ako ni Xanthos at matagal na n'ya 'kong mahal. Kung alam ko lang...

Napailing na lang ako. Bakit ko ba iniisip 'yon? Balewala ang pag-amin n'ya kung hindi n'ya naman ako haharapin. Saka isa pa, lasing siya noong umamin siya. Posibleng nakalimutan na n'ya ang tungkol do'n.

Wala naman akong lakas ng loob na ipaalala sa kanya 'yon kung sakali... saka bakit ko naman ipapaalala? Hindi pa naman ako nahihibang para gawin 'yon.

Hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko na magmukmok. Napagdesisyunan kong magpunta sa mall para mamili kasama ang kambal. Ngayon na lang ulit ako nakalabas kasama sila. Bibilhan ko na lang sila ng mga gusto nila at hahayaan silang maglaro sa arcade.

"Mama, saan po nagpunta si Papa?" tanong ni Xiana habang nakain ng ice cream.

"May inasikaso lang ang Papa n'yo, uuwi rin siya... Bakit? Nami-miss n'yo na ba siya?" tanong ko saka pinunasan ang labi n'ya na medyo makalat na dahil sa ice cream.

Napanguso si Xiana. "Opo, Mama... Kailan po tayo makakalabas together as a family?"

Natigilan ako sa tanong n'ya. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko alam kung kailan mangyayari 'yon.

Nagtungo na kami sa department store pagkatapos nilang kumain ng ice cream. Ibibili ko sila ng mga bagong damit. Medyo lumiliit na sa kanila ang mga damit nila.

"Mama, pwede po ba maghiwalay na kami ng room ni Kuya Xevan? Gusto ko po ng princess theme na room, ayaw po ni Xevan ng gano'n," sabi ni Xiana habang nakahawak sa kamay ko.

"Sige, sasabihin natin sa Papa mo. May isa pa namang extra room sa tabi ng room n'yo ni Xevan," sabi ko saka bahagyang kinurot ang pisngi n'ya.

"Mama, I want a batman theme room," sabi naman ni Xevan saka yumakap sa hita ko.

"Okay, sasabihin natin sa Papa n'yo 'yan," sabi ko na lang.

Natigilan ako nang mapatingin sa home appliances section. Napatigil ako sa pamimili ng damit ng kambal nang makita si Mom na nakatingin sa direksyon ko. Kagaya ko, bakas din ang pagkagulat sa mukha n'ya.

"Mama, is there a problem po?" tanong ni Xiana saka yumakap din sa hita ko.

Napatingin si Mom sa mga anak ko na nakayakap sa magkabilang hita ko. Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakakilos nang maglakad siya papalapit sa 'kin. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nararamdaman ko rin na nanlalamig ang mga kamay ko ngayon.

"Kiara... is that you, sweetie?" she asked and gave me a faint smile.

Akira North... No, Akira Montreal is still beautiful as ever. Her age really didn't do justice to her beauty. I just sighed and avoided her gaze. This is so awkward. I never expect to see her again like this... Hindi pa naman naging maganda ang huling pagkikita namin noon.

"Sila na ba ang mga anak mo?" tanong n'ya habang hindi maalis ang tingin sa kambal.

Hindi ako nagsalita at tumango na lang. Hindi ko alam kung paano siya tatratuhin o pakikisamahan ngayon matapos ang mga nangyari... Sinabi n'ya na hindi siya ang tunay na nanay ko, wala naman sigurong dahilan para pakisamahan ko siya nang ayos... pero dahil siya pa rin ang kinilala kong nanay, hindi ko magawang mainis o magalit sa kanya.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa isang restaurant kasama siya. Ang kambal naman ay nagkukwentuhan lang sa tabi ko habang nakain.

"Kiara, I thought I'll never get to see you again," Akira said and smiled at me.

"What do you want to say? Please go straight to the point, Akira," I said while staring at her.

There's no point in calling her 'Mom' anyway. Maglolokohan na lang kami kung gano'n.

Akira sighed and held my hand on top of the table. "I missed you, Kiara. I missed my daughter."

Tuluyan ng natunaw ang depensa ko sa sinabi n'ya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya kasabay ng panlalabo ng paningin ko dahil sa mga luha.

"Kung meron man akong pinagsisisihan, 'yon ay ang pinili kong sabihin sa 'yo na hindi ako ang tunay mong ina... Kahit na matagal kong tinatak sa isip ko na hindi kita anak, a-alam ko sa sarili ko na napamahal na 'ko sa 'yo... Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita ka ulit ngayon, ikaw at ang mga anak mo," sabi n'ya saka napatingin sa kambal na abala sa pagkain.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Isa si Mom sa noon ko pa talaga gustong makausap. Marami akong gustong itanong at gustong malaman sa kanya pero heto na siya ngayon, kusa na n'yang sinasagot ang mga tanong sa isip ko.

"Y-Yung tunay kong ina, nasaan siya?" tanong ko habang nakatungo pa rin.

"Matagal ng patay si Paula, Kiara. She died after she gave birth to you. Inako ko na ang responsibilidad ng pagiging ina mo ng mga oras na 'yon. I honestly hated you at first, I asked myself why I have to take care of someone's child. I hated you for being alive... but I learned to love you as time passes by and I just couldn't accept it to myself... I'm really sorry, Kiara. I'm so sorry." Akira gave me a faint smile and caressed my hand. "You don't have to forgive me, I just want to apologize for everything... I just want to apologize to my only daugher."

I bit my lower lip when tears finally streamed down to my cheeks. I held Mom's hand too and looked at her.

"I-I'm sorry too, I'm sorry for taking your freedom from you. Whatever your intention is, you'd been a good and responsible mother to me even though I'm not your real daughter. I still should be thankful for that," I mumbled while my tears are falling continuously.

Namula na rin ang mga mata n'ya at tuluyang naluha. Nagtatakang napatingin sa 'min ang kambal. Natigilan ako nang maramdaman kong pinunasan ni Xiana ang luha ko. Napangiti na lang ako sa ginawa n'ya.

"Mama, why are you crying?" tila naluluha na ring tanong ni Xiana saka yumakap sa akin.

Si Xevan naman ay tumayo at lumapit kay Mom. Umupo siya sa tabi nito at pinahid din ang mga luha nito. Natigilan naman si Mom sa ginawa n'ya.

"Thank you," Mom mumbled and hugged my son... her grandson.

Pakiramdam ko muli akong nabunutan ng tinik matapos ang naging pag-uusap namin ni Mom. Ang sarap sa pakiramdam na wala ng sama ng loob. Kahit pa anong nangyari sa amin noon, itinuring ko pa rin siyang tunay na ina at kahit ano pa ang mga sinabi n'ya noon, mas lamang ang naramdaman kong sinseridad mula sa kanya sa mga nagdaang taon na pag-aalaga sa 'kin. Alam kong itinuring n'ya kong anak sa kabila ng inis na naramdaman n'ya sa 'kin.

"Mama, is she really our Lola?" Xiana asked when we finally got home.

"Yes, baby. Lola n'yo siya ni Xevan," nakangiting sabi ko habang pinagluluto sila ng hapunan.

Mom and I exchanged numbers. Hindi siya nangako na palagi siyang dadalaw pero gagawa raw siya ng paraan para madalaw ang kambal paminsan minsan. Si Mom na lang ang mag-isang nagha-handle ng Montreal Corp. kaya palagi siyang busy.

Nang sumapit na ang gabi, tumambay na lang ako sa pool area na palaging tinatambayan ni Xanthos. Dito siya madalas tumingin sa langit habang puno ng lungkot ang mukha n'ya... Xanthos had been through a lot. I can't say that everything he did in his life was right but he's a strong man. I won't be able to survive if I experienced the same thing as his... I suddenly miss him... I miss Xanthos already.

Kailan ba siya uuwi? Bakit kailangan n'ya pang idistansya ang sarili sa 'kin?

"Mareng Kiara, bakit hindi ka pa natutulog?"

Natigilan ako nang biglang sumulpot si Cadence. Basta na lang talaga siyang napasok dito, parehas sila ni Denise.

May dala siyang dalawang plastic bag. Napakunot na lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Sabi ni Xanthos punuin ko raw ulit ang laman ng ref n'yo... Saka bakit hindi ka pa natutulog, mare? Miss mo na ba si Xanthos?" nakangising tanong ni Cad nang makalapit na siya sa 'kin.

"Oo, miss ko na siya," agad na sagot ko.

Nasamid naman si Cad sa sinabi ko at napasapo pa sa dibdib n'ya. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay siyang matapos na mag-inarte.

"Grabe, mare... Hindi ka na in denial ngayon? Ebarg, sis. Ganyan dapat, h'wag na kayong magpabebe dahil matatanda na kayo. Lalo na si Xanthos, uugod ugod na 'yon, e," napapailing na sabi ni Cad.

Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi n'ya. "Alam mo kung nasaan si Xanthos, diba?"

Napatango si Cad. "Oo, bakit mo natanong?"

"Sabihin mo sa 'kin ang address kung nasaan siya. Pupuntahan ko siya ngayon din... Ikaw muna ang magbantay sa kambal," utos ko sa kanya.

Napakamot si Cad sa batok n'ya at may inabot na susi sa 'kin. "Ayan ang susi ng bahay na tinutuluyan n'ya ngayon. Text ko sa 'yo 'yung address."

Agad akong lumabas ng pad ni Xanthos nang mai-text na sa 'kin ni Cad ang address. Dali dali akong sumakay ng taxi. Kung alam ko lang na malapit lang pala ang tinutuluyan ni Xanthos ngayon, sana kanina pa ako nagpunta sa kanya.

Tahimik na naghihintay lang ako na makarating kami sa address na 'yon. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko pero nagwawala na ang puso ko ngayon... Sasabihin ko na talaga ngayon ang nararamdaman ko, bahala na kung ano ang mangyari. Wala na ring panahon para magpatumpik-tumpik ako... Gaya nga ng sabi nina Cad, hindi na kami mga bata para maglaro.

Agad akong bumaba ng taxi matapos kong magbayad. Bumungad sa 'kin ang malaking bahay na kulay black and white ang disenyo ng bahay at malaki rin ito... Hindi ko alam na may iba pang bahay si Xanthos na malapit lang.

Agad na 'kong pumasok sa loob gamit ang susi na binigay sa 'kin ni Cad. Agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid upang hanapin si Xanthos pero sasakit yata ang ulo ko dahil nakapatay ang ilaw.

"X-Xanthos..."

Sinubukan kong maghanap ng switch. Agad kong pinindot ang nahawakan ko at laking pasasalamat ko nang bumukas ang ilaw.

Natigilan ako nang maabutan ko si Xanthos na nakahiga sa couch at nakapikit. Natutulog ba siya?

"I said I'm fine, Cad. Just leave me alone," he said while his eyes are still closed.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at marahang dinutdot ang braso n'ya.

"Xanthos... Open your eyes, I'm Kiara," sabi ko saka muling niyugyog ang braso n'ya.

Dahan dahan n'yang idinilat ang mga mata saka napatitig sa 'kin. Napalunok na lang ako nang magtagpo ang mga mata namin.

"Bakit bigla kang umalis? Akala ko ba mahal mo 'ko?" tanong ko sa mahinang boses habang nakatitig sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita at nakatitig lang sa 'kin. Napatungo na lang ako at napahawak sa damit n'ya.

"W-Wala ka bang sasabihin?" tanong ko na lang.

Agad na bumangon si Xanthos at napaiwas ng tingin sa 'kin. Bahagya n'yang ginulo ang sariling buhok saka napabuntonghininga.

"What are you doing here?" he asked and stood up.

Hinabol ko siya ng tingin nang agad siyang lumayo sa akin at nagtungo sa kusina. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya saka humawak sa braso n'ya.

"Why are you suddenly avoiding me, Xanthos?" I asked in a soft voice.

Xanthos sighed and looked at me. "I need self-control, Kiara. Being with you for now doesn't help. I-I just need a few days and I'll be back with you again. I just need to--" agad kong pinutol ang sasabihin n'ya.

"I love you, Xanthos."

Natigilan siya sa sinabi ko. Kitang kita ko kung paano siya natulos sa kinatatayuan n'ya at tila hindi makapaniwalang napatitig sa 'kin.

"You said last time that you love me so much... hindi ba totoo 'yon?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Hindi nakasagot si Xanthos. Nakatitig pa rin siya sa 'kin at mukhang hindi pa siya nakakamove on sa sinabi ko kanina.

"I-It's true, of course it's true... I love you so much, Kiara," he muttered while staring at me.

I just smiled. I hugged his nape and crushed my lips against his. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero makalipas lang ang ilang saglit, yumakap na siya sa baywang ko at agad na tinugon ang halik ko.

Naramdaman ko na marahan n'ya kong binuhat at pinaupo sa malapit na mesa habang patuloy na nakikipaglabanan ng mainit na halik sa 'kin.

"Do you have a room here, Xanthos?" I asked against our kisses.

Xanthos bit and sucked my lower lip before answering. "Yes, why?"

I distanced my face from him and stared at him... "Let's make love, Xanthos."

Xanthos smiled at me and suddenly pulled me closer to him and encircled my legs around his waist.

"You don't have to say that, baby... we will surely do."

Continue Reading

You'll Also Like

Condemn Her By chabilita

General Fiction

8.1K 164 7
Tatiana Faith couldn't have asked for more from her beautiful life and an almost perfect boyfriend - not until she got pregnant by a complete strange...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
3.5M 95.2K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
24K 746 5
NEW EDITION Cavanaugh #2 Kryptonite, a twenty-three year old stubborn, rebellious, spoiled-brat, and strong-willed woman who's raised alone by the pe...