Chapter Twenty-Two

135K 5.2K 5.9K
                                    

"Hmm..." I groaned and opened my eyes slowly.

My head feels heavy and my whole body is trembling unconsciously. I sighed and closed my eyes again, trying to remember what happened before this. I just bit my lower lip when I remembered that I suddenly jumped out of the water. Why am I here in this room again? Did Xanthos save me? 

I just shook my head. Nah, it's impossible. 

"Kiara."

Natigilan ako nang mapatingin sa tumawag sa 'kin. Lumapit sa 'kin si Denise at inabutan ako ng mangkok. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kanya.

"Try this soup para mabawasan 'yung lamig na nararamdaman mo," sabi n'ya saka umupo sa tabi ko.

Bumangon ako at kinuha sa kanya 'yon ngunit hindi ako nagsalita. Iba na ang suot kong damit at tuyo na rin ako pero pakiramdam ko nilalamig pa rin ako. Kahit ayaw kong tumanggap ng tulong sa kanya, ayaw makisama ng katawan ko.

"I'm sorry about what happened. Sir Xanthos and I aren't in a relationship. Bukod sa hindi ko siya type, inutusan n'ya lang ako na gawin 'yon. Sorry, hindi ako makatanggi sa pera," sabi na lang n'ya saka napakamot sa batok n'ya.

I just stared at her. I don't want to trust her words. Halos lahat ng tao sa paligid ko ay niloko lang ako dahil masyado akong mabilis mapaniwala... si Cadence, si Mom, at si Xanthos. Ayoko ng magpauto ulit sa kahit sino. I know I don't have any pride left in me, but I'll do my best to regain it. 

My love for him will fade... but I shouldn't let my self-love fade too. 

"Nakakainis talaga si Sir Xanthos, obvious naman na may feelings siya para sa 'yo pero todo deny siya sa sarili n'ya. Puro siya revenge revenge, feeling n'ya yata nasa movie siya o wattpad story. Gigil n'ya 'ko talaga. Kung ako sa'yo, tataguan ko 'yon ng anak," sunod-sunod na sabi ni Denise.

Napakunot na lang ang noo ko. I didn't know na ganito pala siya kadaldal.

"W-Wala kaming anak," sabi ko na lang habang nagtatakang nakatingin pa rin sa kanya.

"Eh? Malay mo buntis ka pala tapos syempre siya ang tatay. Kapag gano'n ang nangyari, pumunta ka sa ibang bansa tapos palakihin mo ang anak n'yo nang hindi alam ni Sir Xanthos. Tapos maghanap ka na rin ng ibang boyfriend, 'yung pogi rin saka mayaman para kapag nagkita uit kayo ni Sir, magselos siya nang sobra. Tapos makikita n'ya na kamukha n'ya 'yung tinagong mong anak at hahabulin ka n'ya pero hindi ka na babalik. Hay! Deserve n'ya talaga Witaguan ng anak, promise. Gago siya, legit na gago. Kung 'di lang talaga siya mayaman, malamang matagal na 'kong nag-resign," napapailing na dagdag pa ni Denise.

Hindi ko alam kung anong movie ang pinanood n'ya at ganyang kalawak ang imagination n'ya. Napailing na lang ako at muling humigop ng soup.

"Kiara, do you want me to kick his ass?" Denise asked, her face looks serious.

My forehead creased. "W-What the hell are you saying?" 

"Basta bayaran mo 'ko, sisipain ko si Sir."

I bit my lower lip to stop myself from smiling. I never thought that Denise has a cute personality like this. She looks like a professional secretary every time I see her but now, she doesn't act like one. She acts like a close friend or something right now. 

"I don't have money with me," I said and chuckled.

"Ay shet, ang ganda mo tumawa, Kiara. Medyo crush na kita." Kinurot n'ya ang pisngi ko. "Kaya talagang sure ako na may feelings sa 'yo si Sir Xanthos kasi kanina hindi maalis 'yung tingin n'ya sa 'yo habang wala kang malay tapos--"

"Denise, gusto mong isumbong kita kay Xanthos?"

Natigilan lang si Denise nang biglang sumulpot si Xceron. Napairap siya at napakamot sa batok n'ya.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon