Again, Perfectly Tied- Yilmaz...

By MGraceDM

7.1K 2.4K 286

After 5 years .. Phoebe reached her dream and became a famous Singer and Model. But despite her popularity, s... More

A/N :
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
A/N
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!!
SPECIAL CHAPTER - HELIOS AND PHOEBE

CHAPTER 11

139 53 1
By MGraceDM

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko at ngayon ay ready na ko at inaantay nalang sila Glenda at Katy dito sa unit ko buti nalang pagkatapos naming kumaen kagabe ay tinulungan akong ng girls mag ayos ng gamet ko para sa dadalhin ko sa resort ngayon. Wala din akong Idea kung saang resort kame dahil si Glenda ang nag aasikaso nun. Nag suot ako ng mini off shoulder floral A-line dress na abot hanggang sa kalahati ng hita ko.

"Ganda na Sexy pa san kapa?" Nakangising sabe ni Leigh Ann.

"Kay Phoebe kana," natatawang sagot ni Antonette. Napailing nalang ako dahil sa kalokohan ng dalawang babaeng to. Yes,Nandito parin sila at sasabay nalang daw silang bumaba samen. "Gusto ko talaga sumama kaso boring naman kung di kasama si Leigh dahil panigurado busy naman si Phoebe." Nakangusong angil ni Antonette.

"Alam mo naman ang parents ko pahirapan pa ngang pumayag kagabe diba."

"My God girl! Ewan ko din ba dyan kila tita at tito 24 kana pero kung ituring ka akala mo 10 yrs old." nakangising sabe ni Antonette kahit ako napailing nalang. Nag kibit balikat lang si Leigh. Nang marinig ko ang Buzzer ay ako na din ang nag bukas.

"Goodmorning Miss Phoebe."nakangiting bungad ni Katy at napalingon sa likod ko at nanlake ang mga mata kaya nakangiti ako
"Nette! Leigh!" Masayang bati nito at nagyakapan sila.

"Katy! Kaloka ka namiss kitang babae ka pano kung nasan si Phoebe nandun ka din di kona tuloy nakikita inaanak ko." Nakangusong sabe ni Antonette.

"Alam mo naman kailangan kumayod may pinapagatas at pinag aaral pa ko." Tipid ngiting sagot nya.

"Tsk kase naman sabe ko nga sakanya tumigil na sya at nandito naman tayo para suportahan sya." Sabe ko.

"Oo nga Katy, Nandito lang kame pwede mo naman kame hingan ng tulong" nakangiting dagdag ni Leigh umiling naman si Katy at ngumiti.

"Malake na ang tinulong nyo saken noon sa pag bubuntis at panganganak ko palang.. lalo kana Phoebe kaya mas gusto ko ang ganito pinag tatrabahuhan ko." sagot nya. Napailing nalang kame. Ganyan talaga si Katy kaya alam naming wala na kameng magagawa.

"Asan nga pala si Glenda?"

"Nasa baba sya sa Lobby nag aantay kausap kase nya yung staff ng Hotel para sa room naten.. tara na ?" Tumango naman kame at sabay sabay na lumabas ng Unit. Naabutan namin si Glenda na nag hihintay sa lobby at kumaway samen. Nang makalapit naman kame ay nakipag beso ito saken at sa girls.

"Hey! Di ko alam na nag sleep over kayo ulet dito." Gulat na sabe ni Glenda pagkakita sa dalawa.

"Hehe biglaan lang din kase." Nakangiwing sagot ni Leigh Ann.

"Hindi naman ba kayo nag inom?" nakataas ang kilay nyang tanong.
Pare pareho kameng umiling at natawa. Paano kase sa tuwing magkakasama kame kundi pag shoshopping ay foodtrip at pag iinom naman ang bonding namin.

"Nah. Alam ko namang hindi pwede dahil may photoshoot today." sagot ko.

"Good. O'sya tara na at mahaba pa ang byahe naten." nag paalam na din sila Leigh Ann at Antonette kaya naman dumiretso na kame sa Van kinabit ko agad ang airpod at nag suot ng eye mask inaantok pa ko dahil anong oras na din kame nakatulog kagabe.

Nagising ako sa tapik saken kaya naman nag ayos ako at tumingin sa bintana pero tanging napaka gandang dagat lang ang nakita ko kaya bumaba na ko ng Van handa na sana akong lumanghap ng maalat alat na hangin at damahin ang inet ng araw pero halos mahigit ko ang hininga ko ng pag talikod ko ay bumungad saken ang napaka laki at napaka gandang Resort. Pero hindi yun ang nakapag patigil saken kundi ang naka lagay sa bungad nito ..

'YILMAZ RESORT'

"Shit!"

"May problema ba Phoebe?"
Aligaga akong lumingon kay Katy at nakangiwi.

"A-ah nasan si Glenda?"

"Nasa loob na sya kausap yung staff ng resort." as if on cue nakita namin si Glenda na malawak ang ngiti at sinalubong kame.

"Geez! Nakakaexcite!" Mawalak ang ngiti at parang nag niningning ang mga mata nya nang makalapit samen.

"B-baket?" Kabadong tanong ko.

"Nakausap ko ang manager ng resort at alam mo ba kung san ang room naten?!" Excited nitong sagot. shit!

"Saan?" Tanong ko.

"Sa VVIP ROOM Tayo!! Omy! Hindi ko alam kung baket o paano nangyare yun kase alam ko pare pareho lang ang kinuhang room ng swimsuit Company para sa lahat. Pero pag dating natin kanina mag checheck in na sana ako para saten ng sabihin nilang dalawang VVIP ang para saten Napanganga kameng lahat dun kanina at syempre magkasama kame ni Katy at ikaw sa isang VVIP room."Tuwang tuwang sabe nya at halos nag niningning ang mga mata ganun din si Katy samantalang ako? Eto ..

Nanlulumong napayuko nalang..
Baket ba hindi ko naitanong kung saang resort kame mag shoshoot ngayon!

"A-ah wait lang .. may tatawagan lang ako." dali dali akong lumayo sakanila at tinawagan si kuya Payton agad naman itong sumagot.

"Hello Baby ! I miss you!" Masayang bungad nya sa kabilang linya.

"Kuya, Baket hindi mo sinabe kagabe!" Sabe ko ng nakabusangot ang muhka.

"Hey baby! Akala ko alam mo? Hindi kaba na inform?" Napabuntong hininga tuloy ako.

"Hindi." nanlulumong sagot ko pero tinawanan nya lang ako.

"Kaya naman pala."

"Kuya please sabihan mo mga staff ng resort naten na wag na wag akong ituring na boss nila okay?!"

"Alright masusunod baby dont worry but in one condition." parang nakikita kong nakangisi sya ngayon.

"A-ano?" Kabadong tanong ko.Natawa naman ito sa kabilang linya

"Habang nandito ka sa resort wag mo pipigilan si kuya na lumapit sayo lalo na at swimsuit ang ineendorce mo."
Biglang Seryosong sagot nito kaya wala na kong choice.

"Hays wala na kong choice diba?"

"Yeah."

"Okay fine." pag suko ko.

"Alright see you later baby love you."

"Love you too kuya." labas sa ilong na sagot ko kaya natawa sya. Binaba kona din ang tawag at bumalik kila Glenda.

"Tara na ! Tara na ! Excited na ko makita ang room naten." Nauna na syang maglakad kasunod kame.
Pag dating namin sa lobby nandun na ang iba naming kasama at inaantay kame nakahinga naman ako ng maluwag dahil muhkang mabilis na nainform ni kuya ang mga staff kaya naman patas lang ang pag assist nila saken tulad sa mga kasama ko.

"Wait lang may inaantay pa tayo nandyan na din daw sila.. oh ayan na pala! Trisha .. Helios dito!"

Napatanga ako dahil sa mga pangalang narinig ko ata lahat sila nakatingin sa likuran kung nasan ang entrance. Unti unti akong lumingon at napako agad ang tingin ko sa kamay ni Trisha na naka hawak sa isang kamay ni Helios at hinihila ito. Kumaway naman si Trisha samen habang nakangiti mas lalong lumitaw ang puti nya sa suot na yellow spaghetti dress na lagpas konti sa tuhod naka lugay din ang maikli nyang buhok. Napatingin ako kay Helios naka suot sya ng itim na pants at dark blue long sleeve polo naka bukas ang tatlong botton seryoso ang muhka nya at may suot na shades kaya hindi ko alam kung nasan ang paningin nito kaya iniwas ko nalang ang tingin.

"Hey guys sorry nalate kame eto kasing si Helios ang bagal kumilos." Sabay irap sa katabe.

"It's okay Trisha halos kadarating lang din naman nila Phoebe."kaya napalingon saken si Trisha saka lumapit saka bumeso.

"Girl ! Excited akong makasama ka today sa photoshoot nagulat pa nga ako ng malaman ko na ikaw makakasama namin ni Helios!." Ubod ng saya nyang sabe.
Awkward naman ako ngumiti pero muhkang ngiwi ata ang nagawa ko.

"Ako din. Actually ngayon ko lang nalaman." Sagot ko.

"Oh,Ganun ba. Wait lang," lumingon sya sa likod at hinila naman si Helios kaya napatingin nanaman ako sa kamay nila at kay Trisha na naka ngiti habang nakatingin kay Helios .. at pag angat ko ng tingin kay Helios ay napaiwas agad ako dahil feeling ko kahit naka shades sya ay tinutunaw ako ng mga tingin nito. "Helios si Phoebe.. sya yung nakasama naten nung Tv Show and pinaka sikat na singer and model ngayon."

"I know." malamig na sagot nito at tinanggal ang suot nyang shades kaya naman muli kong nasilayan ang kabuuan ng muhka nya at napatitig nanaman ko sa kulay abo nyang mga mata na kung tumingin ay parang binabasa ang buo mong pagkatao.

"Ahem!" natauhan ako at napalingon kay Trisha ng tumikhim sya. Dun ko lang din na realized na nakatingin pala halos lahat samen "hehe baket parang may tensyon akong naramdaman?" Awkward na sabe nya kaya napaiwas nalang ako ng tingin at bumaling kay Glenda na nakatingin din saken ngumiti naman ako.

"Pwede naba tayong mag check in?" Tanong ko.

"Sige wait lang tawagin ko yung manager." Sagot ni Glenda.

Maya maya may lumapit na samen at nakilala ko agad ito napatingin sya saken ng makahulugan saka nginitian na ginantihan ko ng awkward na ngiti. Isa isang inabot ang mga card ng room ng mga kasama namin.

"Goodmorning I'm Ginniva Lopez. Resort Manager ng Yilmaz Resort."
Nakipag batiian naman ang lahat dito.

"Taray ni Bruha nasa VVIP kayo ah."biro ni Josie nung iabot kay Glenda ang Room card namin.

"Naku bakla! Halos malaglag ang panga ko kanina ng malaman ko din!" Lumapit naman samen ang isang kasamahan namin na syang nag aayos ng lahat.

"Oh okay naba kayo? Nasainyo na ba mga room card nyo?" Tumango naman kameng lahat maliban kay Josie na nag taas ng kamay kaya napalingon kame sakanya pati ang staff and manager na nag assist samen.

"Ah miss .. nakalimutan mo ata yung room card ng kasama namin." tinuro nya si Helios na napalingon din sakanya.

"No need Josie meron na ko." Tipid na sagot nya.

"Huh? Asan? Wala naman inabot sayo." Nagtatakang tanong ni Josie.

Wala talagang iaabot dyan ...

"Ah excuse me." napatingin naman sila sa manager nakangiti sya habang nakaharap kay Josie "hindi na po namin kailangang bigyan si Mr Gauthier kase po may sarili po syang VVIP dito sa resort na to."Nakangiting sagot nito napatanga naman sakanya ang lahat maliban saken dahil alam ko naman na yun dahil kahit ako may sariling Room dito.

"Iba talaga Gauthier bukod sa may sariling Airlines dito saten at sa ibang bansa may sarili pang VVIP sa pinaka mahal na resort. Makabile nga ng gayuma at baka mainlove ka saken."

Natawa nalang ang iba at kanya kanya na kaming nag sipunta sa mga room namin pagkapasok ay halos malaglag ang panga ng dalawa kong kasama ako naman ay dumiretso lang sa veranda at dinama ang preskong hangin maya maya narinig kona ang mga boses nila Katy at Glenda na palapit saken.

"Sobrang ganda dito ! May sarili pang jacuzzi kaya pala talaga dinadayo ang bawat branch ng Yilmaz Resorts eh." sabe ni Glenda.

Well .. I'm Proud sa katotohanan na yan.

"Oo nga eh pano pa kaya ang mga Hotels nila no?" Sang ayon ni Katy.

"Naku paniguradong pak na pak din yun!"

"Ang swerte ng mga anak ni Mr and Mrs Yilmaz wala na silang poproblemahin sa buhay." Nakangiting sabe ni Katy. Napangiti ako sa narinig .. kaya sobra sobra ang pasasalamat namin sa mga magulang namin.

"Ang private naman kase ng pamilyang yun. Ni hindi nga ako makakita ng article tungkol sakanila. Ang lagi lang lumalabas ay si Mr Maximus Yilmaz pero pag dating sa family ay wala na, ang alam ko lang apat ang anak nila."

Talagang private ang tungkol samen dahil sa mga kakumpitensya ni Papa sa business world. Ganun din naman ang pamilya nila Helios kaya nga laking gulat ko ng pasukin nya ang industry na ito dahil alam ko kung gaano katutol ang grandparents nya.

-----
Bitinin ulet naten ha ?

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 151 30
She was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipak...
5K 255 23
Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit iyon at ibibigay niya ang lahat ng effort niya para sa lalong ikakabuti ng project nila. Subalit...
355K 18.6K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
11.4K 553 39
Troy Roynalds the youngest and hottest doctor of all, every nurses trying to seduce him but he never give a damn about it because all he want is his...