I'm Just A Babysitter (COMPLE...

Av Liona_Wilhelm

82.4K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... Mer

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM

LAST CHAPTER: TWIN

3.2K 82 6
Av Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"Up! Up! Up!" Narinig kong sabi ni Lanaia habang marahan akong niyuyugyog.

"Huwag Lanaia. Nahihilo si mommy." Mahinang sabi ko naman.

Naramdaman ko siyang yumakap sa akin at hindi na ako kinulit pa na magising. Paglipas ng ilang minuto ay bumangon na rin ako at agad nagtungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo ay hindi pa rin umaalis si Lanaia sa higaan namin ng asawa ko.

"Mukhang kanina ka pa gising. Nakagayak ka na." Sabi ko paglabas ko ng banyo.

Ngumiti siya sa akin at binitawan ang cellphone na hawak. "Yes mommy. Si dada kasi ginising kami. Sasama raw kami lahat sa checkup mo ngayon. Ngayon daw kasi malalaman ang gender ng babies." Sabay tingin niya sa malaki ko ng tiyan.

Natawa ako saka ko hinimas ang tiyan ko. Nang mag-apat na taon ang triplets ay inalok na rin ako magpakasal ni Xenon na hindi ko tinanggihan. Hindi muna kami nagplano na sundan ang tatlo dahil medyo alagain pa sila non kaya ngayong pitong taon na sila Lanaia, ay saka lang namin sila sinundan.

Tuwang-tuwa nga kaming lahat nang malaman namin na kambal ulit ang magiging anak namin. Ngayon ang alam ko kaya sila sasama ay meron silang pustahan. Hindi ko lang alam kung ano ang mapapanalunan sa pustahan nila.

"So your bet? Both girls?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap ako ng maternity dress na susuotin para sa checkup ko.

"Yes. Kailangan babae sila pareho mommy. Sawa na ako kay kuya at Lancelot." Nakasimangot na sabi niya.

Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy ako sa paghahanap ng susuotin ko. "Ikaw mommy? Ano gusto mong gender?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.

"Ako? Kahit ano? Kung parehong babae o lalaki, ayos lang. Kung babae at lalaki, mas ayos. Kahit anong mangyari, blessing pa rin sila sa atin. Mamahalin ko pa rin naman sila. Ang akin lang, sana malulusog sila paglabas."

"Paano kung parehong lalaki? Gusto ko talaga ng girl. Kahit isa lang sa kanila maging babae." Ungot naman niya.

"Pray harder." Sabi ko naman at saka ko siya nilapitan. "Tara na sa baba. Baka luto na ang breakfast natin. Naaamoy ko na."

Mabilis naman siyang umalis sa kama at sabay nga kaming bumaba. "Huwag masyado sa paggamit ng cellphone Lanaia. Ayoko ng ganyan." Saway ko sa kanya nang pababa na kami ng hagdan ay nakatutok pa siya sa cellphone niya at may nilalaro.

Sumimangot siya pero hindi naman na pumalag pa at ibinulsa na ang cellphone sa suot niyang short. Pagdating namin sa kainan, naabutan namin si Lancelot na tinitikman na ang ulam namin para sa umaga na 'to. Si Xenon naman ay may niluluto pa habang si Landon naman ay wala pa rito.

Dito pa rin kami nakatira sa bahay na sinurpresa sa akin ni Xenon ilang taon na ang nakalilipas. Kaming lima na lang ang nakatira rito dahil si mommy ay nakapag-asawa ng bago at ibinahay siya sa Laguna. May tatlo na rin kaming kasambahay pero ang tanging trabaho lang nila ay linisin ang bahay namin araw-araw. Hindi sila rito nakatira sa amin at araw-araw lang silang pumapasok. Pagpatak ng six ng gabi ay umuuwi na sila.

Sa pagluluto naman ng pagkain, si Xenon talaga ang nakatoka kahit na may trabaho siya sa restaurant. Madalas niya kaming dalhan ng pagkain tuwing lunch at sinasaluhan niya kami rito sa bahay. Kaya tuwing lunch ay umuuwi pa siya. Sa agahan at hapunan ay siya rin pero kapag kaya ko naman, ako na ang nagluluto.

Naging maselan kasi ang pagbubuntis ko sa kambal kaya limitado ang kaya kong gawin. Hindi ako nakapaglinis ng bahay masyado at hindi ko maasikaso masyado ang triplets. Mahina kasi ang kapit ng pinagbubuntis ko ngayon kaya si Xenon, hindi naiiwasang mag-alala. Hanggat maaari nga gusto niya nakahiga lang ako sa kama maghapon, na hindi ko naman kaya dahil hindi ako sanay. Gusto ko kahit papaano gumagalaw at kumikilos ako.

May labandera rin muna kami sa ngayon dahil pati paglalaba hindi ko kaya. Gusto nga munang bumalik ni mommy dito hanggang sa makapanganak ako pero hindi ko siya hinayaan dahil alam ko na tumatanda na siya at ayoko na siyang bigyan ng mabibigat na gawain.

"Morning, babe." Bati ko kay Xenon nang lapitan ko siya at niyakap ko siya mula rito sa likuran.

Lumingon siya sa akin saglit saka pinatay ang kalan. "Morning. Breakfast is ready kain na kayo." Sabi niya.

Tumango ako at pumunta na sa mesa at ipinaghanda si Lanaia at Lancelot. Saktong dumating naman si Landon na naka cargo pants at rubber shoes na pero walang pang itaas na damit. Umupo na rin siya sa tabi ni Lanaia pero sinaway ko siya.

"Walang kakain ng nakahubad. Magagalit ang grasya." Suway ko at agad niyang nakuha ang sinabi ko.

Nakanguso siyang umalis ng kainan at pumunta sa kung saan. Bumalik din naman siya agad na may suot ng white sando na partner ng pang-alis niyang cargo pants. Sinandukan ko na rin siya ng kanin at ng gusto niyang ulam.

Pagkatapos non ay bumalik na ako sa upuan ko kasabay ng paghimas ni Xenon sa tiyan ko. "Good morning mga baby ko. Gutom na kayo?" Pagkausap niya sa mga bata na nasa tiyan ko na akala mo ay sasagot sa kanya.

Tinawanan ko lang siya at nagsimula na akong kumain. Nang matapos kaming kumain ay bumalik na ako sa kwarto namin para maligo. Ilang segundo lang pagpasok ko sa kwarto ay pumasok din si Xenon. Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa akin.

"Ang mga bata?" Tanong ko dahil walang nagbabantay sa kanila. Sabagay hindi naman na ganon kabantayin ang mga anak namin kaya ayos lang na iwan-iwanan na sila.

"Nasa sala. Naglalaro."

Dumiretso siya sa banyo pagkatapos akong halikan sa nuo. Ako naman ay humanap na ng susuotin kong damit at nang makahanap ako ay tinawag na ako ni Xenon na nasa loob ng banyo.

"Babe! Handa na ang pampaligo mo." Sabi niya.

"Wait lang!" Sagot ko naman saka maingat na tumayo sa kama at pumunta sa loob ng banyo.

Pagpasok ko sa loob, naabutan ko siya na pinabubula pa lalo ang bubble bath sa bathtub. Lumingon siya sa akin at sinenyasan ako na lumapit. Paglapit ko sa kanya ay hinubaran na niya ako at inalalayan papunta sa bathtub. Ganito siya simula nang malaman namin na buntis nga ako.

Tuwing pupunta ko sa banyo nakaalalay siya. Natatakot daw siya na baka mapano ako rito sa loob. Parang tanga lang. Bumili pa nga siya ng maraming anti slip mat at slipper para sa akin. Para raw hindi ako madulas dito sa banyo. Mahirap na raw at hindi na ako nag-iisa sa katawan ko na 'to. Na hinayaan ko na lang kasi hindi ko naman naranasan na maalagaan ng ganito nung pinagbubuntis ko ang triplets. Saka wala namang masama kung mag-iingat ako.

"Just tell me when you're about to wash your body. Sa labas lang ako." Bilin niya at iniwan na ako rito sa loob ng banyo.

Ilang minuto akong nagrelax sa maligamgam na tubig ng bathtub hanggang sa gusto ko ng umahon kaya tinawag ko na ang asawa ko.

"Babe! Come here and help me." Sigaw ko rito sa loob ng banyo. Ang bilis namang pumasok ni Xenon at gaya ng palagi niyang ginagawa, inalalayan niya ako paalis sa bathtub saka dinala sa tapat ng shower.

Hinayaan niya akong tumapat sa ilalim ng shower habang siya naman ay tinanggal na ang tubig sa bathtub. Umalis na rin siya pagkatapos non at ako ay nagpatuloy sa pagligo. Matapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng banyo na nakatapis ng tuwalya. Wala na si Xenon dito sa kwarto namin at sa tingin ko ay nasa baba na siya kasama ang mga bata.

Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Excited na rin akong malaman ang gender ng mga anak ko. Tanda ko pa na ganito rin ako kaexcited noon nung pinagbubuntis ko ang triplets. Ang panalangin ko sa triplets non, sana babae lahat kasi iba ang kulit kung lalaki. Handa na nga ang pangalan ko kung babae kaya lang isa lang sa triplets ko ang babae. Tig-isa kami nila Qeena at Queenie sa pangalan ng mga anak ko. Si Qeena ang nagpangalan kay Lancelot, si Queenie kay Landon at ako ang nagpangalan kay Lanaia.

Bumaba na rin ako agad nang matapos ako mag-ayos. Naabutan ko ang apat na naghuhulog ng mga maliliit na papel sa dalawang fishbowl na katamtaman ang laki. Naghahagikgikan sila habang patuloy sa ginawa.

"Let's go everyone. Mamaya niyo na ituloy 'yang ginagawa niyo. Ano ba 'yan?" Sabi ko habang palapit ako sa kanila.

"Names for babies." Nakangiting sabi ni Xenon saka naghulog na naman ng isang piraso ng papel sa isang fishbowl.

Nagkibit-balikat ako. "Okay. Basta ako, nailagay ko na lahat ng pangalan na gusto ko para sa kanila."

"Lavender. Lily. Lotus." Napangiwi ako nang isa-isang ihinulog ni Lanaia ang tatlong papel sa isa pang fishbowl.

"Anak hindi naman halata na mahilig ka sa halaman." Biro ni Xenon kaya nagtawanan kaming lima.

Hindi rin nagtagal ay pumunta na kami sa doktor ko. Nasa passenger seat ako katabi ni Xenon habang ang mga bata naman ay nasa likuran at nagkukulitan. Hinaplos ko ang tiyan ko. Sana babae pareho.

Pagkarating namin sa hospital ay excited na excited na bumaba ang mga bata. Kaya si Xenon ay hindi naiwasan at natawa sa tatlo. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan namin at hawak kamay kaming nagtungo sa clinic ng doktor ko. Ang mga bata ay nasa unahan namin at kung minsan ay naghahabulan pa. Kabisado na rin kasi nila kung saan ang clinic ng doktor ko kaya kahit mauna sila ay walang problema.

"Lanaia was the most excited. Look at her! Kapag puro lalaki itong nasa tiyan mo tiyak akong magwawala ang isa na 'yon." Nakangiti ng nakakaloko si Xenon. Siniko ko siya.

"Loko ka! Babae ang gusto namin! Ang dami niyo na kaya! Dalawa lang kami ni Lanaia tapos kayo tatlo!"

Ngumuso siya. "Kaya nga! Dapat puro lalaki 'to." Sabay haplos sa tiyan ko. "Kailangan ko pa ng mga lalaki para maprotektahan ang reyna at prinsesa ng pamilya ko."

Napangiti ako. "Okay. That's valid. But I still want them to be girls."

"Kapag babae ang mga 'yan, bubuntisin ulit kita." Pananakot niya.

Tinignan ko siya ng matalim. "Akala ko ba nagpag-usapan na natin 'to?" Masungit na sabi ko sa kanya. Ang usapan kasi namin ay ito na ang huling pagbubuntis ko. Lima naman na ang anak namin at sa tingin ko tama na 'yon.

"Eh kasi naman eh." Parang bata niyang atungal. Hindi ko na lang siya pinansin.

Pumasok na rin agad kami sa clinic ng doktor ko nang sabihin ng nurse na secretary niya na wala raw pasyente. Ang mga bata ay nag-unahan sa pag-upo sa isang pahabang sofa at kami namin ni Xenon ay dumiretso sa upuan na magkatapat at kaharap namin ang doktor ko.

"Good morning po doc." Bati namin ni Xenon.

"Good morning Mr. and Mrs. Guerrero. Halatang excited kayo para sa gender ng kambal."

Napangiti kaming mag-asawa.

Tumayo si doktora at inaya kami sa madalas kong higaan kapag titignan namin ang mga kambal sa loob ng tiyan ko. Inalalayan ako ni Xenon papunta sa kama at siya na ang naglihis ng maternity dress ko kasabay ng pagtakip niya sa ibaba ng tiyan ko.

Nilagyan ni doktora ng malamig na gel ang tiyan ko at saka inilagay ang isang instrumento na parang roll-on at unti-unti nang lumabas ang imahe ng mga anak ko screen. Inikot-ikot ni doktora ang hawak niya sa buong tiyan ko saka humarap sa aming mag-asawa na may ngiti sa mga labi.

"Congratulations! Dalawang babae ang magiging anak niyo." Sabi ni doktora saka inalis na ng tissue ang gel na nilagay niya sa tiyan ko.

Hindi makapaniwala si Xenon at wala lang imik sa tabi ko habang inaalalayan ako. Niyakap ko siya ng makaupo ako sa kama. "I told you!" Saka ko siya hinalikan sa labi at bumaba na ako ng hospital bed na hindi naman mataas kaya ayos lang.

Umalis na rin kami agad pagkatapos akong habilinan ng doktor ng ilang importanteng bagay. "I'm so excited to pickup the names of our future babies!" Maligalig na sabi ni Lanaia sa likod.

Sinilip ko siya. "Me too. Yung usapan natin anak. Tig-isa tayo ng bubunutin." Masaya naman niya akong tinanguan.

"We felt betrayed. Right boys?!" Singit ni Xenon na nagdadrama.

Hindi ko na lang sila pinansin at nang makauwi kami ay mabilis na kinuha ni Lanaia ang isang fishbowl na may label na letter G, na palatandaan na roon nakalagay ang pambabae na mga pangalan.

"Mommy! Here you go." Sabi niya saka inilapag ang fishbowl sa mesa malapit sa akin.

Pumikit muna ako bago bumunot ng isang papel sa fishbowl. Ganon din ang ginawa ni Lanaia. Habang ang tatlong lalaki naman ay pinanunuod lang kami sa tabi namin. Magkasabay naming binuksan ni Lanaia ang papel na nabunot namin.

"Lavinia." Basa ko sa nakuha kong pangalan.

"Lavender." Masayang sabi ni Lanaia saka hinalikan ang tiyan ko.

"Hello Lavinia and Lavender. I'm your ate Lanaia. I love you."

Narinig ko na huminga ng malalim si Xenon. "Ang tagal ko nag-isip ng maraming pangalan kasi umaasa ko na kahit isa sa inyong dalawa ay lalaki sana." Hinaplos din niya ang tiyan ko at hinalikan.

"I love you mga prinsesa ko." Bulong niya sa tiyan ko.

Hinaplos ko ang buhok niya. "You're still disappointed that we're having two girls?" Tanong ko sa kanya nang mag-angat na siya ng tingin.

Umiling siya. "I'm happy. Kahit na gusto ko lalaki. May dalawa naman na tayong lalaki kaya ayos lang. Ang akin lang, ang dami kong babakuran kapag nagdalaga sila. Natatakot ako na baka maging mahigpit akong ama sa kanila."

Hinawakan ko siya sa kamay niya. "We'll make this work. Nandito naman ako. Magkatulong tayo na palalakihin sila. Huwag kang mag-alala, matagal pa naman yung sinasabi mo na 'yon. Ang isipin muna natin sa ngayon ay ang kalusugan ko at nila. Kailangan hindi ako magkasakit habang nasa sinapupunan ko sila."

"I'm so excited to see them. Naaalala ko na naman ang mga puyat na pinagdaanan ko sa triplets. Malapit na namang dumating ang araw na 'yon, pero alam ko na worth it naman."

Hinila ko siya palapit at hinalikan sa nuo. "I love you dada."

Hinalikan niya ako sa labi ng mabilis saka inamoy-amoy ang leegan ko. "I love you too, mommy. Alam ko na marami pa tayong pagdadanaan dahil nagsisimula pa lang tayo, pero sana kahit anong mangyari walang bibitiw sa atin lalo na at lima na ang anak natin."

"Of course. Gagawin ko ang lahat para hindi mabuwag 'tong pamilya na sinisimulan natin. Mahal na mahal kita Xenon. Kayo ng mga bata. Pati na rin 'tong dalawang bulilit na nasa loob ng tiyan ko at panay ang kislot."

Napatingin naman si Xenon sa tiyan ko at nakita niya ang pag-umbok non kung saan-saan tanda na gumagalaw ang kambal. Tumingin siya sa akin nang may pag-aalala. "Masakit ba?"

"Hindi naman. Kaya ko."

"Okay. Sabihin mo lang kapag sobrang sakit na." Ito kasi ang unang beses niya na makitang gumagalaw ang mga bata sa tiyan ko, kasi diba nga nung pinagbuntis ko ang triplets wala naman siya sa tabi ko.

"I love you, dada." Paglalambing ko at nahiga sa mga hita niya. Mabilis namang pinuntahan ng mga bata ang tiyan ko at nagkanya-kanya ng himas na ikinatawa ko.

Isa lang ang hiling ko habang pinagmamasdan ko ang mga anak ko. Sana mapalaki namin sila ng maayos. Alam ko na walang perpektong pagpapalaki sa mga bata pero sisikapin ko, namin, na lalaki sila ng tama at mga takot sa maykapal. 'Yon ang pinakaimportante sa lahat.

THE END

Fortsett å les

You'll Also Like

99.3K 1.8K 21
"You are mine now, my obsession, my possession, my drug." - Lance Devin Lee Ices Club: Series 1
274K 7.5K 39
Her bestfriend betrayed her. Nilinlang siya nito para makuha ang gusto niya. Pero isang pagkakamali ang naging kinalabasan nito.Ang plano nila ay nas...
67.6K 1.5K 47
He's gay and he knew that he is still VIRGIN. But a stranger told him that he is the father of their child. What will he gonna do? Genre: Humor #4 hi...
252K 5.7K 54
COMPLETED STORY Vivien, a brat who came from a wealthy family got assigned to babysit a child. Vivien is known to be a spoiled woman who's always spe...