Feelings that can't Ignore [D...

By nctwayzenkei

2.5K 130 89

Tagalog Fanfic of JaeYong (NCT rather) After 5 years of being together, Jaehyun and Taeyong broke up. Pero bu... More

FOREWORD
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 16

86 3 0
By nctwayzenkei


"Taeyong bilisan mo ng kilos malelate ka na!" Taeil said na ngayon ay nagkakape kasama si Yuta. Mamaya pa ang klase nila kaya naman nakatambay lang sila ngayon sa lounge habang pinapanood si Taeyong na nagmamadali ngayong kumilos dahil malelate na sya sa first subject nya.

"Oo na. Eto na nga oh! Bakit kasi hindi ako ginising?"

"Akala ko kasi hindi mo na kaklase si Jaehyun. Text mo nga yun Yuta na isave ng upuan si Taeyong."

"Hoy wag na nakakahiya." Mabilis na pagpigil ni Taeyong sa kanila na nagresulta ng kanilang tawa.

"Nakakahiya ampota parang walang pinagsamahan." Sabi naman ni Hansol na kakalabas lang ng kwarto at ready na umalis. "Others ka?"

"Eh syempre iba na ngayon."

"Ano tetext ko o hayaan kang maghanap ng mauupuan? Baka hindi ka papasukin of ever." - Yuta.

"Text mo na nga! Shuta naman."

After mag-ayos, mabilis na hinila ni Taeyong yung bag nya atsaka tumakbo papasok ng University. Ilang minutes nalang kasi ay magsisimula na ang klase nila kaya naman ginawa nya ang best nya para tumakbo ng mabilis at makaabot sa klase. Buti nalang din ay nakita nya yung professor nila na on the way na din kaya mas binilisan ni Taeyong ang pagtakbo.

Hindi naman sya nahirapang hanapin si Jaehyun, may space din sa tabi nito kaya mabilis syang pumunta doon.

Pero bago iyon, hinarangan sya ni Autumn.

"Excuse me, ako kasi ang naka upo dito." Sabi nito at ngumiti pa kay Taeyong. Halata namang plastic. "Maghanap ka nalang, late kasi akong nagising eh." Nakangiti pa nyang dagdag.

"Okay." Huminga ng malalim si Taeyong pero bago sya makaalis ay may pumigil sa kanya. Syempre si Jaehyun yun.

"Sayo yan. Natanggap ko yung text ni Yuta." Sabi ni Jaehyun at hinila sya paupo doon sa upuan sa tabi nya.

"Jaehyun?!" Hindi makapaniwalang tawag ni Autumn sa jowa nya. "What the? Hindi ka ba marunong makiramdam? Hindi kami okay oh." Iritadong tiningnan ni Autumn si Taeyong.

Hindi sumagot si Taeyong but deep inside gusto nyang sumagot kaya naman pinili nalang nyang manahimik habang tinatanggal nya yung mahigpit na pagkakahawak ni Jaehyun sa kamay nya at syempre para na din makaalis sya. Hindi naman nya alam na hindi pa pala okay itong dalawa. "Jaehyun ano ba? Maghahanap nalang ako ng ibang mauupuan."

"Umupo ka jan." Malamig na sabi ni Jaehyun at tiningnan si Autumn. "Akala ko ba nagsisisi ka na naging boyfriend mo ako?"

Napanganga ng slight si Taeyong saka nya iniwas ang tingin at doon sa isang tabi nya binaling ang tingin dahil para sa kanya ay ang awkward ng situation nila.

"At ano yung mga sinasabi mo kay Sungchan? Autumn?"

Mukhang hindi inaasahan ni Autumn yung sinabi ni Jaehyun kaya para syang natameme sa kinatatayuan nya.

"A-Ano kasi--"

"We'll talk later."

Magsasalita pa sana si Autumn pero dumating na yung professor nila kaya wala syang choice kundi maghanap ng ibang mauupuan.

Dahan-dahan na tiningnan ni Taeyong si Jaehyun at piniling hindi umimik. Gusto pa nyang tanungin kung okay lang sya pero tinikom nalang nya ang bibig nya dahil magmumukha syang ex na may something pa sa ex nya at di makamove on kaya nakisiusyoso kapag ginawa nya yun. So, wag nalang.

"Sorry, you have to witness that."

"H-Hindi, ano. Wala akong n-narinig."

Walang narinig ampucha. Gandang palusot Taeyong. Napakabida-bida.

•••

"Shala, laki ng eyebags natin ah? Mabigat?" Bungad ni Yangyang matapos nyang makita si Jaemin after ng klase nito.

"Baobao wag mong asarin kita mong sobrang lungkot ng buhay nyan eh." Saway naman ni Renjun kay Yangyang.

"Ayaw mo pa umamin ha. Bahala ka baka may biglang manligaw kay Jeno. Mahuhuli ka." Dagdag pa ni Yangyang sa kanya na lalong nagpasimangot kay Jaemin.

Kakaiwas kasi ni Jeno sa kanya, nakipagpalit ito ng kwarto kay Chenle at pumayag naman yung isa kaya mas masama yung mood nya. Pati kay Chenle nagtatampo na din si Jaemin.

"Hindi pa ako ready ano ba."

"Kailan ka ba magiging ready?"

Napatingin din sila kay Donghyuck na parang hindi rin makafocus kanina pa dahil mukhang may malalim na iniisip. Hindi naman nila alam kung ano.

"Hoy ikaw. Anong problema mo?" Kinalabit sya ni Renjun.

"Huh?" Mukhang nagising ang diwa ni Donghyuck nang kulbitin sya ni Renjun. Npatingin din naman si Jaemin sa kanya. "Wala."

"Ano nga? Parang others naman to eh."

"Iniisip ko lang kung seryoso sakin si Sungchan. At pati na din yung pagiging distant ni Mark sakin."

"Talaga naman si Lee Donghyuck. Hindi pa kayo ni Sungchan pinagdudahan mo agad." Sabi ni Yangyang. "Saka anong kay Mark? Syempre kahit gaano kayo kaclose nun once na nagkaroon ka ng manliligaw matik na didistansya yun."

"Oo seryoso naman yun sayo. Ikaw lang ang bukang bibig nun eh." - Renjun.

"Di mo sure." Blangkong sagot ni Donghyuck sa kanya.

"Bakit?" - Jaemin.

"Nakita ko kasi sya nung isang gabi na kasama si ate Autumn tapos sobrang dikit nila at mukhang ano, ewan. May something eh, hindi ko matukoy."

Natahimik naman yung tatlo sabay biglang hila kay Donghyuck sa sulok.

"Hoy anong something yun? Anong nakita mo? Alam ba ni Jaehyun hyung?" - Jaemin.

"Hindi ko alam kung alam ni Jae hyung. Pero uma-attempt sya na halikan si Sungchan? Ewan ko din baka mali ang iniisip ko oh dahil inaantok lang ako."

"Huy? Seryoso?" Tanong ni Renjun.

"Hala bat di mo tanungin si Sungchan? Baka naman inaasar lang yun nung Autumn na yun."

"Ewan Yangyang. Hindi ko na alam pero pakiramdam ko may hindi tama eh."

"Walang something sa kanila Hyuck."

Napalingon silang apat kay Shotaro na bagong dating lang at may dala-dalang bag na lagi nya din dala kapag may practice ang dance troupe. Grabe yun, kakapasukan lang nila practice nanaman sila agad.

"Promise. Hindi nya lang magawang itulak si ate kasi ang daming nakakakita at baka kung anong isipin sa kanya kapag napasobra ang tulak nya. Buti nga nakita ko sila eh."

"Sigurado ka Taro?" - Renjun.

Sunod-sunod naman itong tumango. "Oo. Pero tama kayo dun sa part na may something. Walang something si Sungchan pero si ate parang meron."

Nagkatinginan naman si Yangyang at Renjun. "Alam mo kung ano yung naiisip ko?" Tanong ni Yangyang.

"Parang alam ko? Di ako sure."

"Hindi nyo ba napansin nung nasa beach pa tayo?" - Shotaro.

"Hala ewan ko. Hindi tayo sure pero let's just keep an eye on her nalang. Unang kita ko pa nga lang dun masamang spirit agad yung naaamoy ko eh." Sabi ni Yangyang. Tumango naman si Renjun at kumapit ngayon sa braso ng jowa nya.

Ngumiti naman si Taro kay Donghyuck at tinapik ito ng marahan sa likod.

•••

"Babe wait for me naman. Why are you being difficult?!" Sabi ni Autumn habang hinahabol si Jaehyun. Nasa likod lang si Taeyong at nakatingin sa kanila. Papunta sila ngayon sa ibang lecture room ng next class nila at medyo naaagaw pansin itong dalawa dahil nga din ang ingay ni Autumn.

"Sabi ko mamaya tayo mag-uusap." Malamig na sabi pa din ni Jaehyun sa kanya na mas lalong nagpasimangot kay Autumn.

"Gusto ko ngayon na. Nung isang araw pa tayong ganito eh."

"I said later. May mga klase pa tayo oh. Kung wala kang pakialam, ako meron."

"Jaehyun naman." Galit na napalingon si Autumn kay Taeyong kaya naman mabilis syang lumapit dito na ikinagulat din ni Taeyong. "Ikaw, anong sinabi mo kay Jaehyun? Sinusulsulan mo sya no?"

"Pinagsasabi mo?" Takang tanong ni Taeyong sa kanya. Lumalabas na talaga ang tunay na ugali nito ni Autumn.

"Aminin mo na kasi hanggang ngayon hindi ka pa makamove on sa kanya. Kaya may ginagawa ka behind my back para makuha sya ulit!"

Tingnan mo nga naman tong babaeng to, sabi na nga ba at hindi totoo yung sorry nya eh.

Mukhang nakaramdam si Jaehyun na may kakaibang ginagawa si Autumn kaya nilingon nya ito at tama nga ang hinala nya.

"Wala akong ginagawa Autumn." Jombagin ko to eh.

"Oh shut up! Malandi ka din eh, pasimple nga lang."

"AUTUMN PARK!" Jaehyun's voice resonated in the hallway at pati yung ibang mga estudyante ay sa kanila na din nakatingin.

Mabilis na lumapit si Jaehyun sa kanila at hinila si Autumn away from Taeyong na ngayon ay hindi agad nakarecover sa sinabi ni Autumn.

"Yong, I'm really sorry." Malumanay na sabi ni Jaehyun sa kanya saka tiningnan si Autumn. "Wag kang nag-eeskandalo dito ha. Sinabi ko sayong maghintay ka. Kung nagsisisi ka na naging boyfriend mo ako, nagsisisi din ako na pumayag sa blind date na yun na hindi naman dapat ako ang sisipot."

Biglang natahimik si Autumn at napaawang ang bibig. Hindi nya ine-expect ang bagay na iyon. "What?"

Hindi na sya sinagot ni Jaehyun at umalis na ito. Gusto pa din sana syang sagutin ni Taeyong dahil sa pambibintang nya pero pinili nalang din nitong manahimik at lampasan nalang sya.

•••

"Chenle, sino kasi yung irereto mo kay Taeyong?" Tanong ni Ten. Kanina pa nyang kinukulit si Chenle pero hindi talaga ito nagsasalita at umiiling lang.

"Kulit naman. Hintayin mo kasing magkita muna sila ni Taeyong sa personal." Saway ni Doyoung sa kanya.

"Oo nga hyung. Makikita nyo din naman yun." Pag-agree ni Chenle na sya namang pagkadismaya ni Ten.

"Sige ganito nalang, mas gwapo ba yan kay Jaehyun?" -Lucas.

"Hmm, para sakin pareho lang naman sila." Sagot ni Chele.

"Singtangkad ni Jae?" Si Lucas ulit.

"Ano ba yan bakit parang kinukumpara nito kay Yuno?" Reklamo naman ni Ten kay Lucas.

"Hindi ah. Hindi talaga promise." Lucas defended pero hindi na sumagot si Ten.

"Mas matangkad ito ng kaunti."

"Dating basketball player nung high school nila?" Si Taeil naman at tumango si Chenle bilang sagot. "Ha! May idea ako. Parang nakita ko na sya."

Napatingin naman sila kay Taeil at kaagad na umupo si Ten sa tabi nya.

"Sino?"

"Tanda nyo nung finals nila nung senior high? Yung laging nakabantay kay Jaehyun para hindi sya makashoot? Ang tindi ng laban nila nun, nag-overtime nga eh."

"Ay wait, naalala ko yun pero yung taong yun hindi ko matandaan." - Sabi naman ni Doyoung.

"Taeil hyung secret muna ha. Feeling ko tama ka eh." Sabi ni Chenle.

"Damot, diko naman aagawin. May jowa na ko eh." - Ten sabay simangot nya kay Chenle.

"Surprise nga hyung."

Sandaling natahimik si Ten at inaalala yung memories nila nung senior high. Kung pogi nga naman yun, imposibleng hindi nya matandaan yung mukha. Of all people, pogi pa yung nakalimutan nya. Parang hindi naman ata tama yun.

Keri lang yan, hindi pa naman sila ni Johnny that time.

Pinapanood naman sya ni Taeil na alalahanin ang nakaraan at natatawa nalang din.

"Ahhh! Yun yung muntik nang i-confront ni Jae dahil panay yung tingin kay Taeyong?" He asked Taeil at tumango lang sya ng bahagya. Dahil dun nagkaidea din si Doyoung kung sinong tinutukoy nila. "Hindi ko alam kung natatandaan pa yun ni Taeyong. Hindi naman sya aware nun, si Johnny kasi ang pumigil kay Jaehyun nun."

"Luh, yun yung nirereto mo kay Taeyong?" Doyoung asked Chenle at ngiti lang ang isinagot nito. "Di ko alam na kaclose mo pala yun? At lalong di ko alam na dito din sya nag-aaral."

"Same lang kami ng dept and since part ako ng officers, lagi nya akong kasama sa mga meetings then yun bigla nyang tinanong si Taeyong hyung. Akala nya sila pa ni Jaehyun hyung at nadulas ako na single na sya ulit ayun nagpareto. Hehe."

"Ay sige. Magset ka na ng date Chenle at ipagmeet mo na sila. Bitter na bitter na si gaga eh."

Tumango nalang si Chenle sa suggest ni Ten. Yun na nga ang pinaplano nya din kasi hindi pa magmatch ang schedule nila at parehas busy.

Buti nalang din hindi na inentertain ni Taeyong si Joshua at binasted agad.

Untold story na si Doyoung at Taeil lang ang nakakaalam, umamin ito kay Taeyong noong niyaya sya ni Joshua magduel pero nireject din naman sya agad ni Taeyong dahil nga hindi naman nya gusto si Joshua at parang may something din yung isang kasama nito sa kanya kaya hindi na haharang si Taeyong sa possible na mas maayos na love life para kay Joshua.



Continue Reading

You'll Also Like

1M 54.3K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
1.7M 56.1K 70
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...
594K 36.2K 100
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1M 43.9K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...