Chapter 20

188 6 9
                                    

"Ten ano ba? Alis nga jan." Inis na sabi ni Taeyong kay Ten na ngayon ay nakaharang sa pinto ng kwarto nila ni Taeil. Pinaglalaruan pa nya sa palad nya yung iphone nito at hindi man lang kinakabahan na baka mahulog at masira. Palibhasa'y burgis.

"Sabihin mo muna kung bakit may pa cuddle? Shuta si bakla hindi naman obvious na ang comfy mo sa bisig na Jaehyun. Sobra lang." Tawang-tawang sabi ni Ten.

"Ano ba yan saglit lang kaming nawala may yakapan na. Amoy magc-comeback ah." - Jungwoo.

"Issue kayo. Pagod kami pareho kaya ganun." Iniwas ni Taeyong ang tingin nya at pinipilit na hilahin si Ten paalis doon sa pinto nila.

"Talaga? Bakit? Ano bang ginawa nyo?"

"We played games lang! Alis na kasi jan."

"Luh basta ako hindi ako nagkulang ng paalala sayong bading ka." Sabi naman ni Doyoung na pumasok sa room nila ni Ten na katabi lang din ng room ni Taeyong at Taeil.

"Oa naman kasi."

"Pero ang cute nila kanina na nagkatinginan ni Jaehyun. Parehong bagong gising at nagtaka pa na pareho silang magkayakap. Bessy! Ganoon kasi kayo noon pa, malamang nakasanayan nyo na yun at natural na yun sa inyo kaya wag kang magtaka!" Sabi ni Kun.

"Ay oo tama." Jungwoo agreed.

"Hoy manahimik nga kayo. Alam nyo namang kakabreak lang nung tao sa ex nya tapos gaganyan nanaman kayo." Saway ni Taeyong sa kanila.

"Oh ano? Hindi naman nila gusto ang isa't isa ah. Parang mga kumag nga at sinayang lang yung panahon edi sana kayo pa din ni Jaehyun."

"Bibig mo Chittaphon." Saway ni Taeyong sa kanya. "Kung ano-anong sinasabi naman eh."

"Okay final. Walang magmomove on. Ituloy ang misyon."

"Hoy tanga naman." - Taeyong.

"Ay hindi. Doon muna ako sa irereto ni Chenle. Bahala kayo jan." Sabi naman ni Taeil na kakarating lang sabay hila kay Ten para makapasok sya sa kwarto nila ni Taeyong.

"Oo nga pala, kailangan ko munang mag-observe. Tara don hyung kain tayo. May pasalubong kami sayo." - Jungwoo.

Gusto nga ni Taeyong tumago muna dahil sa incident kanina eh pero wala na syang nagawa nang hilahin na sya ni Jungwoo papunta ng lounge nila.

"Syempre kahit nag-eenjoy kami kanina hindi namin kinalimutan kayong dalhan ni Jaehyun ng pasalubong. Ayan, help yourself na."

"Thanks Woo."

Sinimulan na ni Taeyong ang pagkain nya kasi nagugutom nanaman sya eh. Buti nalang din at naisipan ng mga to na dalhan sya kasi tinatamad magluto si Taeyong at mas lalong hindi sya kakain sa labas dahil masakit nga ang katawan nya.

Jaehyun bit his lower lip and made his way slowly beside Taeyong at sa tabi nya umupo.

"Sorry pala kanina Yong."

Muntik na syang mabulunan dahil sa biglang pagsulpot ni Jaehyun. "H-Hindi. Okay lang no. Pareho t-tayong pagod kaya hindi natin namalayan."

Shuta bakit ba ako nauutal? Parang ewan naman eh!

"Right."

"Woi. Andito si Chenle hinahanap ka." Sabi ni Hansol na kakalapit lang sa kanila at nakasunod naman si Chenle sa likod nya.

"Uy, Chenle gusto mo?" Inalok ni Taeyong ito ng pagkain.

"Okay lang hyung. Saglit lang ako." Chenle smiled at dumako ang tingin sa pwesto ni Jaehyun. Binati din naman sya ni Chenle.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now