Chapter 14

113 6 11
                                    

"Sino yung gusto mo?" Tanong ni Jeno kay Jaemin. Pasampung tanong na nya iyon actually.

Kanina pa nyang tinatanong si Jaemin sa kung sinong gusto nito dahil sa pag-expose ni Hendery sa kanya, at kanina pa ding tumatanggi si Jaemin na hindi kuno totoo yun pero hindi naman naniniwala si Jeno kasi mukha namang nagsisinungaling lang din si Jaemin. Sa tagal naman nilang magkasama. Paanong hindi nya malalaman?

"Wala nga, nang-gogood time lang si Hendery."

"Talaga? Eh bakit pinigilan mo syang magsalita?"

"Eh kasi baka maniwala sila. Alam mo naman ang mga kaibigan natin, ang bilis maniwala sa lahat ng bagay."

Jeno bit his lip. Mukhang wala talagang planong sabihin ni Jaemin kung sino yun.

Edi don't!

Then he realized, ano naman sa kanya? Bakit ba nya pinipilit si Jaemin?

Di nya lang matanggap kapag naglilihim si Jaemin sa kanya. Most of the time kasi wala naman silang tinatagong sikreto sa isa't isa.

"Sige bahala ka." Nasabi nalang ni Jeno saka ito tumayo at umalis. Lumipat na sya ng table kung saan andun sina Mark at nag-iinuman nanaman.

Jaemin pouted at sinundan ng tingin ang ngayo'y nagtatampo nyang best friend.

"Sana kasi ganun lang kadaling sabihin." Bulong ni Jaemin sa sarili, nakatingin pa din sya kay Jeno.

"Edi itext mo nalang." Biglang sabi naman ni Hendery na ngayon ay kakarating lang kasama si Xiaojun at Shotaro.

Binaba naman ni Jaemin ang phone nya saka lumapit kay Hendery. "Alam mo ikaw, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to. Hindi na ako tinigilan ni Jeno ng kakatanong kung sino yung gusto ko." Sabi ni Jaemin habang sinasakal si Hendery. Hindi naman yung mahigpit na sakal to the point na hindi na makahinga si Hendery.

"Alam mo naman ang bunganga nyan ni Guanheng." Xiaojun said at umiling iling naman. Hinahayaan nya lang si Jaemin na sakalin si Hendery dahil deserve naman daw nya yun.

"Hoy, dapat nga magpasalamat ka pa sakin eh."

"Na ano? Salamat sayo dahil hindi na ako pinapansin ni Jeno? Yun ba?"

"Hindi, kasi dito mo malalaman kung may chance ka sa kanya o wala." Sagot nito.

Napaisip naman si Jaemin saka binalik ang tingin kay Hendery at umiling-iling.

"Diko magets pre." Sabi ni Shotaro.

"Ako din." Sagot naman ni Jaemin.

"Take your time pre. Sanay ka naman na hindi gumalaw. Kita mo nga oh, nilayuan ka na ni hindi mo man lang sinundan. Come on man, kung di mo masabi with your words, edi iparamdam mo nalang." Sabi ni Hendery saka tinapik sya ng malakas sa balikat, tumango naman si Xiaojun bilang pag-aagree.

Naisip ni Jaemin na tama si Hendery, although may sapak yan minsan may sense din naman pala ang sinasabi.

"Most of the time hindi effective ang puro actions. Baka sabihin nun paasa si Jaemin o di kaya'y pafall." Sabi naman ni Shotaro.

"Sabi ko sayo, if di ka man magustuhan ni Jeno at nabroken ka, nandito lang kami. Lalaklak ng espresso kasama ka kung san ka masaya." Dagdag pa nito kaya naman natawa si Jaemin. Ang supportive kasi ni Hendery sa kanya eh.

Jaemin sighs deeply saka hinanap ng mata nya si Jeno. Hindi naman sya mahirap hanapin since hindi naman sobrang dami ng tao dito sa bar ngayon. Isa pa, sa hotel nag-iinuman yung iba nilang hyungs kaya sila-sila lang yung nandito.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now