Kiss Me, Cole (Part 1) [IN ED...

By dominojavier

1.1M 17.4K 13.1K

~~my entry to the friends-to-lovers- trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish ( sprinkled... More

WARNING
KMC Plot Teaser
Cole (1)
Cole (2)
Anna (3)
Cole (4)
Anna (5)
Cole (6)
Anna (7)
Cole (8)
Cole (9)
Anna (10)
Cole (11)
Anna (12)
Cole (13)
Anna (15)
Cole (16)
Anna (17)
Anna (18)
Cole (19)
Anna (20)
Anna (21)
Cole (22)
Anna (23)
Anna (24)
Cole (25)
Covers From Fans (lorsenmadrid)
Covers From Fans (dewyeur)

Cole (14)

15.4K 620 610
By dominojavier

"Thank you, Cole, ha. Ang bango ng binigay mo," sabi ng babaeng nakatayo ngayon sa aking harapan.

Nakapamulsa lang ako at nakasandig sa pader kung nasaan ang mga bintana ng classroom namin. Tahimik kong pinapakinggan ang sinasabi niya. Hindi ko inaasahang iyon ang maririnig ko sa kanya. It must have been expected of me to know her because she didn't introduce herself nor did the person who called me to meet her.

Napasulyap ako kay Orianna na siyang taong tumawag sa akin para harapin ang babaeng ito. Pero wala sa amin ang atensiyon niya. Nakasilip siya as desk niya.

Muli akong napabaling sa mukha ng babaeng mukhang may hinihintay na hindi ko alam kung ano. She looks familiar enough. Batchmate ko 'to pero taga-ibang section lang. Nakikita ko siya na dumadaan sa hallway at napapalibutan ng mga batchmates namin. Minsan may mga higher years ding umaaligid sa kanya. Mga lalaki usually.

Not really my concern because, again, I don't know her. Kaya hindi ko maintindihan kong anong pinagsasabi niya tungkol sa binigay ko raw sa kanya. Habang iniisip ko iyon, napaangat ako ng ulo at napatingin sa may pinto ng classroom. May mga ulong nakasilip doon na biglang naglaho nang makitang nakatingin ako sa kanila. Napabalik ulit ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko.

I gave her something, huh? Napangiti ako. "You're welcome."

Lalong lumapad ang pagkakangiti ng babae. Lumabas pa ang maliit niyang biloy sa isang pisngi. She must be the Hazel na buong araw na inireklamo sa akin ni Orianna noong Sabada. Siya siguro ang napagkamalan ni Mommy na crush ko raw. I can't really blame my mother. Now that I'm looking at her, she's actually pretty.

A pity she doesn't have freckles and cognac-colored eyes. My gaze slid a little to the person sitting down behind her at the far side of the room. Orianna is still peeking under her desk, oblivious to whatever is happening in the room.

Bumalik ang utak ko sa nangyari noong weekend. Pagkatapos naming maubos ni Orianna ang lahat ng pagkain, saka lang ako nagpasundo kay Igor sa Florentine campus. Pagdating sa bahay, agad kong hinanap si Mommy para kumprontahin siya sa ginawa niya nang araw na iyon. Umamin naman siyang nagdala nga siya ng snack basket at body mist para sa crush ko raw na si Ann.

She looked so pleased with herself that I didn't have the heart to say that she did something wrong. I just pleaded with her to never do something like that again. She promised she won't but the damage has already been done. Namura at nauto na ako ni Orianna Amador.

Lihim na lang akong napabuntong-hininga at pinilit ibalik ang utak ko sa aking kaharap. Inilahad niya ang palad sa akin at napilitan akong tanggapin iyon.

"I'm going to wear it often. It's going to be my new favorite perfume now," mahina niyang sabi.

Narinig naman iyon ng mga kaklase kong may malalaking tainga kaya pinutakti kami ng mga nanunudyong sipol at hiyaw. Ang mga kaklase niyang nagtatago pa kanina sa may pinto ay lumantad na ngayon at dumagdag sa ingay ng mga kaklase ko.

Nahagip ng aking tingin ang tahimik na si Theo na nakaarko lang ang kilay sa akin at nakangisi. Katabi niya si Orianna na ngayon ay abala nang nangangapa sa loob ng desk drawer niya. Naghahanap na naman siguro ng snack. Serial snacker. I stared at her, willing her to look at me but I failed. Parang may sarili siyang mundong nagpatuloy sa pangangapa ng makakain at mukhang hindi man lang narinig ang mga nanunukso sa kanyang paligid.

"Yeah," naitugon ko na lang sa babaeng kadaupang-palad ko. Matamis naman siyang ngumiti at binitiwan ang kamay ko bago mabilis na tumalikod at patakbong bumalik sa mga kasamang naghihintay sa kanya sa may pinto. Kumaway pa siyang muli sa akin bago tuluyang naglakad papalayo.

Binato ako ng mga kaklase ko ng masasayang pagbati na nginitian ko lang kahit hindi bukal sa loob ko. It seems like I gained an unwanted loveteam that I don't know how to get rid of without hurting the girl's feelings. Hindi naman nito kasalanang mapagkamalan ng nanay ko.

Lumipat ako ng pader at sumandig din doon. Sa pader ako na malapit kay Orianna na malapit din sa pinto. Tumango lang ako sa mga nanunudyong ngiti at kindat ng mga kaklase ko habang isa-isa na silang lumalabas ng classroom para umuwi sa kani-kanilang mga bahay o dorm. Hanggang sa tatlo na lang ulit kaming natitira sa kuwarto.

Patuloy kong pinapanood si Orianna na parang pretzel na ang porma ng katawan sa kakapilit abutin ang snack mula sa loob ng desk niya. Blackhole ba ang desk niya at parang kulang na lang ay pumasok na siya roon pero hindi pa rin masaktuhan ang hinahanap?

Hindi na ako nakatiis. "Hoy, Theo, tulungan mo na nga 'yan."

Sinimangutan naman ako ng kaibigan kong masungit. "Bakit ako? Ikaw na lang. Ikaw nakaisip, eh."

I stared at him silently until he sighed in irritation.

"Fine," asar niyang sambit bago binalingan ang kaklase naming walang muwang sa mga nangyayari sa kanyang paligid. "Tabi na nga diyan, Anna, at ako na."

Napakunot-noo ako sa marahas niyang paghila sa braso ng babae. Tinulak niya pa ang upuan nito palayo sa desk. "Can't you be more careful?" angil ko.

Tumingala si Theo sa akin, blinked, and then stared at Orianna. "Are you hurt?"

"Butter Coconut," iyon naman ang sagot ng babae. Tinuro pa ang desk na parang nagsusumbong sa kaibigan ko.

Theo rolled his eyes at her then checked the inside of the desk. Mayamaya ay inaabot na niya ang isang pack ng Butter Coconut kay Orianna. Nagliwanag ang buong mukha ng babae at halos hablutin na ang pakete mula sa kamay ni Theo pero nagpigil ito. We can see her body vibrating in excitement as she watched the biscuits dangling in Theo's hands.

Naiiling na nilapag ni Theo ang pack sa ibabaw ng mesa ni Orianna. Kulang na lang ay pumalakpak ang babae sa galak. Theo glanced at me and rolled his eyes once more. Tumayo siya at isinukbit ang backpack sa likod.

"She's all yours, vor," sabi niya sa akin at lumabas na siya ng kuwarto.

Naiwan kami ni Orianna.

Iba naman ngayon ang pinagkakaabalahan niya. Ang pagbubukas ng kanyang Butter Coconut cookies. Pinanood ko lang siyang namumula ang mukha sa effort pero hindi niya pa rin mabuksan ang packaging. Napalinga-linga siya at mukhang doon niya lang na-realize na kami na lang dalawa ang naiwan sa classroom. Nagpalipat-lipat sa akin at sa pakete ng biscuit ang kanyang tingin. Bumuntong-hininga siya at inaabot ang biscuit sa akin.

"Bukas," ungot niya.

I sighed and peeled my body off the wall at naupo sa upuang iniwan ni Theo. I grabbed one leg of her chair and dragged it closer to mine. I expected her to shriek in nervousness but she just held on for dear life. Nang sulyapan ko siya, her face is flushed with excitement. Interesting. Orianna Amador seems to be a thrill seeker.

Ang lapad ng ngisi niya sa akin na hindi ko rin mapigilang tugunin. Muli niyang iniungot sa akin ang hindi niya mabuksang pack ng biscuit. Kinuha ko naman iyon at nilapag sa mesa ni Theo bago ko muling kinuha ang braso niyang hinawakan ni Theo kanina at sinipat iyon. The dainty veins on her wrist are visible but aside from that, no other marks. Gently, I traced the soft lines with the pad of my fingers.

"Cole, may problema ba?" nagtataka niyang tanong pero hinahayaan niya lang akong maingat na dinadama ang kamay niya. She even leaned over to look at her own arm and tried to see what had me fixated.

"Akala ko nagkapasa ka sa paghawak ni Theo kanina."

"Huh? Pasa? Bakit naman ako magkakapasa eh hinawakan niya lang naman ako?"

"Sometimes, Theo doesn't know his own strength," paliwanag ko.

"Mas malakas ka namang humawak doon. Pinipisil mo pa nga ako minsan pero hindi naman ako nagkakapasa," sabi niya. Pinindot niya ang brasong hawak ko. "I'm strong," pagmamalaki niya na ikinangiti ko.

It doesn't feel like it. She's too soft for the strength she's crowing about. I could easily break every 206 bones of her little body and I won't even be winded. Pinindot ko rin ang parte ng braso niyang pinindot niya kanina and gave in to my urge. I brought that arm towards my face and pressed my lips on that skin. I wanted to lick it,too, but that would be too much. I had enough self-control to stop me from crossing that line. Maingat kong binitiwan ang braso niya.

She blinked up at me and I just stared at her, waiting for her reaction. She must have decided that I did nothing out of the ordinary and dismissed it from her mind. Kinuha niya lang kasi ulit ang Butter Coconut cookies at muling inabot sa akin. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at pinakawalan din iyon.

Hindi pa nakahahabol ang utak niya sa kanyang katawan, paalala ng utak ko. I know that. Kaya nga nagdesisyon akong maghintay.

Binuksan ko na ang biscuit niya at muli iyong ibinigay sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya. Sa sobrang tuwa, inakbayan niya ako at hinila ang ulo ko palapit sa kanya. Bahagya pa siyang tumayo mula sa kinauupuan para magawaran ako ng mabining halik sa pisngi. Umayos naman siya agad ng upo at sinimulan nang kainin ang snack niya.

Napapatingin na lang ako sa kanya. "Ganyan ka ba talaga? Nanghahalik kapag natutuwa?" tanong ko para mapagtakpan ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.

Gusto ko rin malaman ang sagot para maturuan ko ang katawan kong masanay sa mga ginagawa niya. Limang taon pa kaming magsasama ng babaeng ito rito sa Florentine. Baka maisugod ako sa Pototan ng wala sa oras kapag magpatuloy ang ganitong reaksyon ng katawan ko sa kanya. Nagkakandabuhol-buhol ang utak ko't hininga. I should start asking Daddy to check the physical condition I'm having whenever this classmate of mine does weird things to me.

Hindi siya kaagad sumagot at tahimik lang na nginuya ang biscuit niya. Mukhang pinag-iisipan niyang mabuti ang tanong ko. "Hmmm. Parang."

"So kahit kanino, hahalik ka basta natutuwa ka?"

"Parang hindi naman. Natuwa naman ako kay Steven kahapon pero hindi ko naman siya hinalikan."

Intense irrational hatred for Steven came over me. "Anong ginawa niya na nakatutuwa?"

She looked at me weirdly. I knew something is wrong with my tone but I can't help it.

"Ipinaalala niya sa akin na may assignment tayo sa ValEd kaya nakagawa agad ako."

"Why are you not keeping up with your studies at nakalilimutan mo ang mga simpleng assignments?" asik ko sa kanya.

Inarkuhan niya ako ng isang kilay. "Bakit ka galit? Tao lang ako kahit mukhang diyosa. Nakalilimot din!"

"Aanhin ang mukhang diyosa kung ulyanin," buwelta ko naman. "From now on, I'm messaging you all our assignments and activities para hindi ka tumatakbo kay Steven para magpaalala ng mga schoolworks. Naghahanap ka lang yata ng dahilan para makahalik sa kanya, eh."

Kumurap-kurap siya sa akin. "Bingi ka ba? 'Di ba sinabi kong hindi nga ako humalik d'on kahit natuwa ako? Bakit mo ako inaaway?"

"Hindi kita inaaway," angil ko

"O, ayan, o. Malinaw na malinaw. Inaangilan mo ako!"

This is not going anywhere.

"Eh, si Theo? Do you kiss him, too?" Huminto ang paghinga ko habang naghihintay ng sagot. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko 'to tinatanong gayong nabubuwisit lang ako.

Hindi na naman siya kaagad sumagot na lalong ikinangitngit ko. Inuna niya muli ang pagkagat sa kanyang biscuit at pagnguya kaysa sa pagsagot ng tanong ko.

"Puwede rin naman," sagot niya.

"What do you mean puwede rin naman?"

Inirapan niya ako. "Kung pinapatapos mo ako sa mga sinasabi ko, mababawasan 'yang mga tanong mo," asik niya. Touche. "Sinasabi kong puwede rin naman na humalik ako sa kanya kaso hindi ko ginagawa dahil pakiramdam ko sasapakin niya na ako. Mukhang napipilitan nga lang siya magpahawak sa akin, eh. Baka palapit pa lang ang mukha ko sa kanya, suntukin niya na ako agad. Hindi ko pinangarap na mabalian ng panga."

"Kung alam mong ayaw ni Theo na hinahawakan, bakit humahawak ka pa rin?"

Kumibit-balikat lang siya. "I feel like Theo needs to be touched. Hindi niya lang alam. So, I touch him. Para malaman niyang may mga klase ng hawak na hindi nakasasakit. Isa pa, humahawak nga ako sa mga bagong kita ko pa lang, bakit sa kaibigan hindi ko gagawin, 'di ba?"

Lumawag na ang paghinga ko at tuluyang napangiti. "Magkaibigan kayo ni Theo?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Oo. Bakit, bawal ba?"

Natatawang umiling ako. "Alam na ba ni Theo na magkaibigan kayo?"

Nakasimangot na siya ngayon. "Wala akong pake. Basta magkaibigan kami."

I reached out to rub her wrinkled forehead at hinayaan niya lang . "I'm glad, kiska. Theo needs other friends aside from me."

Tinitigan niya ako ng matiim bago ako nginitian at inabot rin ang pisngi ko at mahina iyong tinapik. If I gathered her into my lap, will she cuddle or unsheath her claws and scratch me? You never know what you'll get with her so I stayed still and let her pet me as I pet her.

"Kaya mo rin ba ako hinahalikan kasi kaibigan mo ako?" mahina kong tanong habang tinititigan ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya. They look like liquid fire now.

Dahan-dahan siyang tumango. "'Yan at dahil gusto ko ang pakiramdam na humahalik sa'yo."

Lord, tiruha na lang ko, please!

Gusto ko nang magalit sa kaharap kong ito. Bakit mga ganyan ang pinagsasabi niya? Normal ba 'yang sabihin sa akin? Ano ba ako sa kanya? Bato?

I should start cleaning my Glock when I get home to prepare for the day that I have to shoot my brains out for having these crazy thoughts I'm having right now.

Napakunot-noo siya bigla at binawi ang palad niyang nasa pisngi ko. Tinanggal ko na rin ang kamay ko sa kanyang noo kahit na ang gusto ko talagang gawin ay hulihin ang kamay niya at isalampak ulit sa pisngi ko. I like her skin on mine, too, pero hindi ako katulad niya, hindi ko 'yon sasabihin. The moment I say that, I will have to do something about it. We are both not ready for me to make a move. Of any kind.

"Bakit sambakol ang mukha mo? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"

Wrong question, kiska!

"Anong problema mo sa akin?"

"Wala," I growled at her.

"Eh, bakit ganyan ang mukha mo? Mukha ka na namang galit. Laway ko na naman ba ang problema mo rito?"

At siya pa ngayon ang galit. Ang sarap batuhin ng eraser 'to minsan. Hindi ko alam kung saan banda ang talino nito napunta.

"Can we talk about other things aside from your kisses?"

Iningusan niya ako at inirapan. "Ikaw naman ang nagsimula nang usapin tungkol sa halik. Ikaw naman 'tong maraming tanong."

"Eh, bakit panay sagot mo?" Nahahawa na ako sa pagiging illogical ng babaeng ito.

"Gago ka ba? Panay tanong me, eh, siyempre sasagot ako."

"Must you always be honest?" Gusto kong magdabog. I'm frustrated.

"Hoy, HCV! Kung ayaw mong sinasagot ka, huwag kang magtanong. Gusto pa akong gawing sinungaling nito. Hayop 'to."

Napatayo na ako at lumapit sa bintana. I took several calming breaths to bring myself under control bago ko pa masakal ang kaklase kong ito. When I've calmed down enough, bumalik ako sa upuan ko sa kanyang tabi at umaktong parang walang nangyari.

"Did you give the gift bag to Hazel?"

She watched me at first habang panay ang nguya. "Gusto mo ba talagang malaman ang sagot or is this another excuse to get angry at me?" nagdudu niyang tanong.

"Answer please, kiska."

Bumuntong-hinga siya. "Oo, binigay ko nga sa kanya."

"Why?" naguguluhan kong tanong. "Sinabi ko sa 'yong hindi ko 'yon pinabigay, 'di ba?"

Kumibit-balikat siya at tumango bago muling kumagat sa isang Butter Coconut biscuit. Nadilaan ko ang aking mga labi habang pinapanood siyang kumain. Hindi ako nakatiis at naglahad ng palad para manghingi. Saglit niya iyong tinitigan bago sumilip sa hawak na pack para tingnan kung may laman pa.

"Kahit 'yang kinagatan mo na lang," naiinis kong sambit. Pagdating talaga sa pagkain grabe talaga ang babaeng ito.

Nakangiting nilapag niya naman talaga ang biscuit na may kagat sa palad ko. Napakurap-kurap ako roon, looked at her, and sneered.

"Sobrang salamat, ha. Sobrang generous mo." I popped the stupid cracker into my mouth and chewed with a vengeance.

Ang lakas ng tawa niya. "O," sabi niya at iniabot sa akin ang isa pang piraso ng biscuit. Wala na iyong kagat.

"Huwag na," naiinis kong tanggi. "Nakakahiya naman kasi sa'yo."

Bigla niyang idiniin sa labi ko ang biscuit kaya napilitan na akong hawakan iyon. "Ang laki mong tao ang arte-arte." At tinapon na niya ang walang lamang wrapper bago bumalik sa kanyang upuan.

"Ke ipinabigay mo man 'yon o hindi, alam na ng dorm manager namin na may pinadala ka para kay Hazel. Lagot ako kapag wala akong ibinigay d'on. At dahil naubos na nga natin lahat ng pagkain, iyong gift bag na lang ang binigay ko."

Sasapakin ko na lang ang sarili ko mamaya but I had to ask. "Akala ko ba magseselos ka kapag magbibigay ako ng kung ano-ano sa iba?"

Napaupo siya ng tuwid bago ako binalingan. Dahan-dahang tumalim ang mga tingin niya sa akin. "Bakit, may balak ka pa bang magbigay ulit?"

"Well, people would expect it."

Lalong naningkit ang kanyang mga mata. "Why?"

"Dahil ang akala ng buong Florentine ngayon ay may gusto ako sa roommate mo dahil binigay mo 'yong gift bag sa kanya at sinabi mong galing sa akin."

Hindi siya kaagad sumagot. Nabawasan ang panlilisik ng mga mata niya pero nanghaba naman ang mga nguso at humalukipkip. "Eh, galing naman talaga 'yon sa'yo. Ang laki kayang 'From, Cole Valentine' ang nakalagay doon. At saka, may gusto ka naman talaga kay Hazel, 'di ba?"

Ito ang matagal ko nang hindi maintindihan. Sino ang nagsabi kay Orianna na 'to na may gusto ako kay Hazel na 'yon?"

"Sino ba nagsabing may gusto ako sa kanya?"

"Ikaw," mabilis niyang sagot.

"Kailan ko 'yan sinabi?"

"Noong hinihintay ninyo ako ni Theo sa labas ng dorm. Tinanong kita kung may gusto ka sa roommate ko, sabi mo oo."

I may not have Theo's photographic memory but never in a million years did I ever say that I like anyone especially not that Hazel.

"Iyon talagang sinabi ko?" nagdududang tanong ko.

"Oo," siguradong-siguradong sagot niya. "Sabi mo pa nga maganda siya."

That I could have said since maganda naman talaga nga ang Hazel Ann na 'yon. But appreciating someone pretty and liking them are two, unrelated things.

Napabuntong-hininga ako. I think I have to say something at this point. "Kiska --"

"Anyway," putol niya sa mga sasabihin ko pa sana. "Nagdedeliryo 'yon sa saya noong Sabado nang iabot ko sa kanya ang regalo mong perfume. Huwag kang gagong bawiin 'yon at ipahiya 'yong kaibigan ko," banta niya sa akin. "Kahit naman may pagka-eng-eng 'yon minsan, kaibigan ko pa rin 'yon. Huwag kang mayabang na magpakipot pa kung may gusto ka rin naman pala."

At 'yong sinabi ko sa'yo noong Sabado, pagkain lang ang coverage n'on. Mga pagkaing gusto kong kainin. You can give her anything else that you want. I will not get jealous. Just put Hazel on the tag so I won't misunderstand."

"That's that?" hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango siya at tumayo. "That's that."

I stared at her as she fixed her things and slung her backpack behind her back. Binalingan niya ako na nakangiti. "Hindi dapat ako nagseselos sa mga nagugustuhan mo. Iba naman ako sa kanila. Magkaibigan tayo. Iba ang bonding natin." At lumabas na rin siya ng kuwarto pagkatapos akong kindatan.

I stared uncomprehendingly at her back.

Na-friendzone ako. Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak.

============
Happy birthday @winternaj

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...