Secret Scent

Od PrincessHimaya

17.6K 510 71

Love is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan... Viac

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 4

821 26 1
Od PrincessHimaya

"Kamusta naman ang pag-aaral niyo?" tanong sa amin ng ginang habang kumakain ng agahan.

"Okay naman po," malumanay kong sagot.

"Engineer po kurso niyang si, Honey. Matalino po iyan!" pagamamalaking sinabi ni Joce. Pinandilatan ko naman siya sa sinabi niya.

"Kamusta si Señorito, iha? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong sa akin ng ginang at nakatingin na silang dalawa ni Joce sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

Sa totoo lang po, nahihirapan po akong mag adjust dahil hindi ko maintindihan ang mga trip niya sa susuoting damit at ang basta-bastang paghuhubad kahit alam niyang nasa harapan pa niya ako. Sabi ko sa isip ko, pero hindi ko na naisatinig.

"O-Okay lang naman po," tanging naisagot ko. Bahagyang ngumiti ang ginang ngunit malungkot ang kanyang mga mata.

"Bakit hindi po lumalabas ng kwarto si Señorito, Nay?" kuryosong tanong ni Joce sa ginang.

Huminga muna nang malalim ang ginang at uminom ng tsaa niya bago pa nagsalita.

"Matapos ang aksidenteng nangyari sa kanila ay hindi na siya kailan man lumabas ng kwarto. Nasasaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang niya bago pa siya nabulag," malungkot na kwento ng ginang.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya. Kaya siguro walang nakakatagal sa kanya dahil palaging mainit ang ulo, demanding. Punong-puno nang galit at hinagpis ang puso niya kaya ibinubunton niya iyon sa mga tao sa paligid niya.

"Paano naman po siya nabulag?" dugtong na tanong ni Joce at napatingin ako sa kanya.

"Joce..." tawag ko sa kanya, dahil parang masyado ng personal ang tanong niya.

Ngumiti sa akin ang ginang at tumango.

"Matapos silang mabangga ay lumapit sa kanila ang isang lalaki at may ini-spray ito sa mata ni Señorito, dahilan ng pagkabulag niya," giit ng ginang.

"Grabe naman po pala ang nangyari sa kanila. Nadakip na po ba ang gumawa no'n sa kanila?" tanong ulit ni Joce habang nakikinig lang ako sa usapan.

"Nadakip na, dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ni Señorito," anang ginang.

"Mga kaibigan? Mga binata pa po ba sila?" kuryosong tanong ni Joce at nakita kong kumislap ang mga mata niya.

"Joce..." tawag ko ulit sa kanya at kinunotan ng noo ngunit ngumisi lang siya sa akin. Humalakhak lang din ang ginang sa tanong ni Joce.

"Oo mga binata pa silang lahat. Pumupunta ang mga iyon dito. Makikita niyo rin sila," magiliw na saad ng ginang.

Hindi ko lubos maiisip na gano'n ang nangyari sa kanya at pamilya niya. No'ng namatay si Nanay, halos hindi na nga ako makakain sa sobrang lungkot ko at araw-araw na pag-iyak. Ano pa kaya ang mamatayan ka ng magulang na bukod sa sabay pa, e, nasaksihan pa niya.

Ang kailangan niya ay taong makakaintindi sa nararamdaman niya at dadamay sa kanya.

Pilit ko siyang iintindihin kahit ang hirap-hirap niyang alagaan!

"I don't like it," sabi niya nang matikman ang kapeng pinapatimpla niya sa akin. Pangatlong akyat baba ko na 'to!

"Sir, ano po ba ang eksatong lasa ng kape na gusto niyo?" kalmado kong tanong kahit naiinis na ang kalooban ko.

Napatingin siya sa akin at inikotan ko siya ng mata. Medyo gumagaan ang kalooban ko dahil sa ginagawa ko sa kanya.

"Simpleng pagtitimpla ng kape, hindi mo magawa?" kunot noo niyang tanong sa akin.

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Madaling magtimpla ng kape. Ang mahirap, ay ang makuha ang gusto niyang lasa!

Hinawakan ko ang dibdib ko at bahagyang pumikit sabay hingang malalim upang makalma ang sarili. Baka mapagtaasan ko siya ng boses. Hindi niya magugustuhan iyon at baka masisante pa ako.

"Sige po. Igagawa ko kayo ulit ng ka--"

"Nevermind. Just prepare my hot tub," utos niya sa akin at tumango ako.

"Where are you?" tanong niya nang malapit na akong makapasok sa banyo.

Inutusan niya akong ihanda ang bath tub tapos magtatanong siya ngayon kung nasaan ako?

Siraulo.

"Sa banyo po, ihahanda ang inutos niyo," malumanay kong sagot kahit pinandidilatan ko na siya ng mata.

"Are you stupid or what? Hindi ka man lang ba marunong sumagot ng opo?" iritado niyang sinabi.

Saka ko pa naalala na tumango nga lang pala ako kanina at hindi siya sinagot. Nakatingin kasi siya sa akin. Nakalimutan kong bulag pala siya.

"Sorry po," hingi ko ng tawad sa kanya.

Inihanda ko na ang tub at pinaghalo ang malamig at maiinit na tubig. Nilagyan ko rin ito ng liquid soap, at nang tama na ang dami ng tubig ay binalikan ko siya sa labas.

"Sir, handa na po," sabi ko sa kanya at tumayo agad siya. Matulin siyang naglakad, aakalain mo talagang hindi siya bulag. Ikaw ba naman kasing buong araw lang nasa kwarto, talagang makakabisado mo na lahat ng sulok.

Sinundan ko siya at nakitang hinuhubad na ang damit niya at tumalikod ako agad. Narinig kong tumalsik ang tubig kaya napalingon ako sa kanya. Nakalublob na siya sa tubig. Lantad ang kalahating katawan niya.

"Hanggang kailan ka dito?" nagtataka ako sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Po?" sagot ko dahil hindi ko makuha ang tanong niya.

Sarkasmo siyang napangiti at umiling habang binabasa ang buhok niya gamit ang dalawang kamay niya. Tumutulo na ngayon ang tubig sa bawat dulo ng buhok niya at ang ganda nitong tingnan.

"I don't know why manang always get a stupid nanny for me," aniya at pailing-iling pa.

Nagsimula na namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Alam niya ba ang pinagsasabi niya? Paano niya naman nasabing stupid ako? Sinasabi niya lahat ng gusto niyang sabihin at wala siyang pakialam kung nariyan sa harapan niya ang tao at nasasaktan sa sinasabi niya.

"Sir hindi po ako stupid. Paano niyo naman nasabi 'yan?" naiinis kong sagot sa kanya at sumama ang mukha niya sa pagsagot ko. Mukhang hindi niya iyon inaasahan.

"And an educated..." dugtong niyang sinabi na mas lalong nagpainis sa akin.

"Nag-aaral ako sa kolehiyo ngayon," sagot ko agad.

"I don't care. Ang tanong ko kung hanggang kailan ka dito," aniya sa isang matigas na boses.

Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? Gusto niya ba akong paalisin?

"Hanggat kailangan niyo ako, sir," malumanay kong sagot kahit madiin na ang titig ko sa kanya

"Well, guess what? I don't need you. I don't need anyone. I bet, malaki ang sahod mo, kaya nagtitiis ka rito," aniya at tama nga siya roon. Kung hind ko lang talaga kailangan ng pera ay wala ako ngayon dito!

"Paanong hindi niyo ako kailangan, e, wala nga kayong makita," mataman kong sinabi at namula nang bigla ang teynga niya. Mukhang ginalit ko siya sa sinabi ko.

"What did you just say?" bigla siyang tumayo at napatalikod ako agad dahil baka ano pa ang makita ko.

Isang malakas na kalabog ang narinig ko kaya bumaling ako ulit sa kanya. Napasinghap ako nang makitang nakabulagta siya sa sahig. Akala ko talaga hubo't hubad siya. May suot naman palang boxers.

Pero hindi iyon ang problema! Nadapa siya!

Tumakbo ako agad at inalalayan siya upang makatayo ngunit tinulak niya ako. Sa sobrang lakas ng pagkatulak niya ay nabunggo ako sa dingding at napaimpit ako sa sakit ng likod at ulo ko.

Parang nahihilo ako dahil sa nangyari. Nagdidilim ang paningin ko at parang mawawalan pa yata ako ng malay.

"S-Sir...t-tulong," sabi ko habang nanghihina ang katawan ko, ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko siyang tumayo at umalis palabas ng banyo.

Iyon lang ang huling naalala ka.

Sobrang sakit ng likod ko at nahihilo pa nang magising ako. Nakahiga ako sa kama namin at nasa gilid ko si Joce. Sa kabilang gilid naman ay ang ginang at doctor.

"Kung makaramdam siya ng pagsakit ng ulo ay tawagan mo ako agad, Lolit. Ipainom mo lang sa kanya ang gamot na inireseta ko," saad ng doctor at tumango ang ginang sabay alis naman ng doctor.

"Kamusta ang pakiramdam mo, iha?" nag-aalalang tanong ng ginang sa akin.

"Medyo nahihilo pa po ako," sagot ko.

"Akala namin kung napano ka, Honey. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ka na bumaba kahit lagpas tanghalian na. Kaya tinawag ko si Nay Lolit para tingnan ka sa kwarto ni sir," giit ni Joce at bakas din sa mukha ang pag-aalala nito.

"Ano ba kasing nangyari, iha? Bakit naabutan kita sa banyo na walang malay?" alalang tanong ulit ng ginang.

Naalala ko naman ang nangyari sa banyo. Tinulak niya ako at nabunggo ang ulo ko sa dingding. Kahit na narinig niya akong humihingi ng tulong sa kanya ay iniwan niya pa rin ako.

"Naitulak ako ni Señorito...at nabunggo ako sa dingding, kaya nawalan ako ng malay," malungkot kong sagot at mas lalong nag-alala ang mukha ng ginang at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang sama naman pala ng ugali niyang si Señorito! Kaya pala walang tumatagal!" sikmat ni Joce.

"Pasensya na, iha. Maiintindihan ko kung gusto mo ng umalis. Hindi kita pipiliting--"

"Hindi po ako aalis," putol kong sagot sa kanya.

"Sigurado ka? Magpahinga ka. Ako na muna ang bahala kay Alex," saad ng ginang at tumango ako.

"Bakit ka naman niya itinulak, Honey?" kuryosong tanong ni Joce sa akin.

Kinwento ko naman ang naging usapan namin bago pa nangyari ang lahat.

"Pasalamat siya at hindi ako ang nag-aalaga sa kanya, kundi, binigwasan ko na 'yang lalaking 'yan, e," inis na sinabi ni Joce matapos marinig ang kwento ko.

"Hindi naman siya ganyan. Mabait ang batang 'yon. Nagbago siya nang mamatay ang magulang niya," paliwanag ng ginang at ngumiwi lang si Joce.

"Bakit si Honey, namatayan din naman, pero hindi naman nagbago ang ugali," matamang sagot ni Joce.

"Magkaiba kami, Joce. Sabay nawala ang mahal niya sa buhay at nasaksihan pa niya," paliwanag ko kay Joce.

"Ikaw na nga itong nabagok ang ulo. Ikaw pa itong nagtatanggol sa kanya. Kagaling!" komento niya.

"Alam kong nakiusap ako sayo iha para magtagal dito. Pero kung ganito naman ang nangyayari ay hindi kita pipiliting manatili," malungkot na saad ng ginang sa akin.

"Mananatili po ako,hanggat kaya ko," pursigido kong sagot.

Gusto ko nang umalis pero hindi pa pwede. Siguro kung matatanggap ko na ang unang sahod ko, saka pa ako aalis. Ayokong mamatay sa pag-aalaga ng isang taong ayaw magpa-alaga.

Isang linggo pa lang ako pero ito na ang nangyari. Sana talaga bigyan pa ako ng panginoon ng lakas ng loob at humaba pa ang pasensya ko sa lalaking iyon.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...