I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.1K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 38: HOME

1.6K 38 0
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"You looked stress!" Sabi sa akin ni Xenon nang pagpasok niya sa office niya ay naabutan niya akong naghihilot ng ulo ko.

"I'm fine." Sabi ko na lang at tinuloy ko ang ginagawa ko sa laptop.

Nandito ako ngayon sa restaurant niya dahil trabaho ko ang magtuos ng buwanang gastusin dito sa restaurant. Lumabas na rin kasi yung bill ng kuryente, tubig at internet. Kailangan na ring magbayad ng buwanang tax sa munisipyo kaya busy na naman ako.

"Tama na muna 'yan. Kain muna tayo ng lunch. Niluto ko yung gusto mo." Sabay hain niya sa mesa ng mga pagkain pagkatapos niyang ligpitin ang ibang kalat doon.

"Mauna ka na. Hindi pa naman ako gutom." Sabi ko at hindi ko na siya pinansin.

Pero hindi niya ako natiis. "Pwede ba yung kumakain ako tapos ikaw hindi? Naghihintay yung pagkain. Susubuan kita." Alok pa niya na hinayaan ko na lang.

Habang abala ako sa harapan ng laptop, sinusubuan niya ako. Pati nga pag-inom ng tubig siya na ang nagpainom sa akin. May straw naman kaya hindi mahirap. Matapos kumain ay bumalik na siya sa kitchen area ng restaurant dala ang pinagkainan namin habang ako ay nagpatuloy sa trabaho ko.

Natapos ako pagkalipas ng isang oras at mahigit. Napahikab ako at pipikit-pikit na pinatay na ang laptop at nagtungo ako sa sofa. Ang usapan kasi namin ni Xenon ay sabay kaming uuwi at ilang oras pa bago matapos ang working time niya kaya matutulog muna ako. Wala naman na akong gagawin pa kaya pwede na akong magpahinga. Madali lang akong dinalaw ng antok dahil sa pagod talaga ako. Nagising lang ako sa mahihinang yugyog at pagtawag ni Xenon sa akin.

"Why?" Groggy na pagkakasabi ko nang pagdilat ko ay bumungad sa akin ang mukha niya.

"Merienda?" Alok niya sabay turo sa mesa kung saan may merienda na nga.

"Ano 'yon?" Tanong ko pa dahil medyo tinatamad pa akong bumangon.

"You're favorite ensaimada." Nakangiti niyang sabi at inalalayan akong bumangon.

Inaantok pa talaga ako kaya matapos kong kainin ang pagkain na dinala sa akin ni Xenon ay natulog ulit ako. Nagising ako ulit nang ilang minuto na lang ay matatapos na ang working time ni Xenon.

Dahil nainip ako sa kahihintay sa pag-uwi namin ni Xenon, lumabas na ako ng office at nag-ikot sa restaurant. Ilang beses na rin akong naging waitress dito sa restaurant ni Xenon lalo kapag maraming customer o di kaya ay maraming absent na staff. Ang hindi ko lang nagawa rito sa restaurant niya ay ang magluto at mag-urong.

Ayaw ako gawing dishwasher ni Xenon kasi medyo malakas yung dishwashing liquid na ginagamit nila at baka raw masira ang kamay ko. Hindi rin ako kailan man sumubok magluto sa customer dahil hindi ko alam lutuin ang mga putahe nila rito at natatakot ako na baka hindi magustuhan ng customer.

"Hello, ma'am." Bati sa akin ng isang waitress na nadaanan ko na naglilinis ng mesa.

"Hi." Bati ko sa kanya pabalik saka ako dumiretso ng labas sa restaurant para magpahangin sandali. Kaya lang mainit naman dahil galing ako sa loob kung saan may aircon kaya pumasok rin agad ako. Natanaw ko si Xenon na papasok sa office niya kaya sumunod na ako. Siguradong uuwi na kami.

"Uwi na tayo?" Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siya sa loob ng office.

Nilingon niya ako saka naghubad ng suot na uniform. "Yes." Sagot naman niya

Inayos ko na ang mga gamit ko habang siya ay nagpalit ng t-shirt para komportable pauwi. May araw na umuwi siyang nakasuot pa rin ng uniform niya ng chef at may araw naman na umuuwi siya ng t-shirt o polo ang suot. Depende kung anong trip ni Xenon sa buhay.

Hindi rin nagtagal ay umalis na kami ng restaurant niya. Inalalayan niya pa nga ako pasakay sa loob ng kotse niya bago siya sumakay sa driver's seat. Tahimik lang kami sa byahe ni Xenon. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Nang mapagtanto ko na mali ang direksyon na tinatahak namin ay sinita ko siya.

"Hindi ito yung papunta sa apartment. May dadaanan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at nginitian lang ako. Nababaliw na naman siguro siya. Tama ba namang ngitian ako, nagtatanong ako! Inirapan ko siya at binalik ko na lang ang atensyon ko sa daan. Ibibili niya siguro ng pasalubong ang mga bata.

Pero mali ako. Sa halip ay pumasok kami sa isang subdivision na ngayon ko lang napuntahan. "May kakilala ka rito?" Tanong ko sa kanya nang papasukin kami agad ng guard sa guardhouse na nadaanan namin.

"Kilala nila ko." Natatawang sabi ni Xenon na ang tinutukoy ay ang mga guard.

Pinalo ko siya sa braso sa inis. "Alam mo, walang kwenta kang kausap. Huwag mo akong kakausapin kasi isang linggo kitang hindi papansinin."

Tinawanan pa niya ako kaya inis na pinalo ko ulit siya saka nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga naggagandahan at naglalakihang mga bahay. Natuwa pa nga ako nang may madanaan kaming maluwang na playground. Sigurado ako na kapag nakita nila Lanaia ang playground dito, baka di na umuwi ang mga 'yon.

Lumiko kami sa isang kanto malapit sa playground na nadaanan namin at huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay na may pinturang gray, black at white. May nakatira sa loob dahil sa may ilaw na nakasindi sa loob ng bahay, pero sa taas lang. Sa baba, walang ilaw na nakasindi kaya medyo madilim.

Nilingon ko si Xenon. "Sinong sadya mo rito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na naman niya ako kinibo at basta na lang siyang lumabas ng kotse matapos patayin ang makina. Inis na binuksan ko rin ang pinto sa tabi ko at inalalayan niya naman akong bumaba.

"Hoy trespassing tayo!" Saway ko sa kanya nang hilahin niya ako at pumasok kami sa gate at tumuloy kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto.

Lumipat siya ng pwesto. Ako na ngayon ang nasa pinakaharap ng pinto habang siya naman ay pumunta sa likuran ko. "What were you thinking?! Are you crazy! Dadalhin mo ako rito, ni hindi ko nga alam kung ano o sinong nandito." Inis na sabi ko sa kanya.

Bago ko pa siya mabulyawan ulit ay narinig kong bumukas ang pinto ng dahan-dahan. Natakot pa nga ako dahil ang dilim sa loob ng bahay kaya sinubukan kong kunin ang cellphone ko sa bag ko para gumamit ng flashlight. Bago ko pa magawa 'yon ay napuno na ng sigawan at bumukas ang ilaw sa loob.

"Welcome home!" 'Yon ang nangibabaw na salita sa bahay.

Pumikit-pikit pa ako para mag-adjust sa bumukas na ilaw at nang okay na ang liwanag sa paningin ko ay tinignan ko kung sino ang mga sumigaw. Si mommy, ang triplets, ang mga magulang ni Xenon at syempre hindi mawawala si Cassandra. Napatingin ako kay Xenon na hinawakan ako sa balakang at inayang pumasok.

"What's going on?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian niya ako ng matamis. "This is our new home now. You're not happy?"

Umawang ang mga labi ko saka ko nilipat ang tingin ko sa pamilya namin. Marahan akong hinila papasok ni Xenon at sinalubong kami ng mga anak namin.

"Mommy! Mommy! Mommy!" Excited na sabi ni Lancelot na agad nagpabuhat sa akin.

Kahit pagod ako ay binuhat ko pa rin siya at hinalikan sa pisngi. Nakasuot na sila ng pantulog at halatang nilinisan na sila ni mommy. Napangiwi pa nga ako ng palihim nang maramdaman ko na sumakit ang likuran ko sa pagbuhat ko sa kanya. Kaya naman ibinaba ko rin siya agad at hinalikan si Lanaia at Landon.

"Halina kayo sa dining area. Nakahanda na ang hapunan." Nakangiting sabi ni tita Sarah at sinundan naman namin siya.

Pagdating namin sa dining area, puno ang makintab na mesa ng iba't ibang pagkain. Pero ang nakapagtataka, wala ang mga pagkain na sa restaurant ni Xenon mabibili. Na madalas na present sa tuwing may ganito kaming salu-salo.

"Himala yata at walang pagkain galing sa restaurant mo." Sabi ko kay Xenon na katabi ko sa mesa.

Natawa siya sa akin at nagkamot ng ulo. "Sawa na raw sila."

Pati ako ay natawa. I admit, nakakasawa rin ang mga pagkain sa restaurant ni Xenon dahil halos araw-araw may uwi siyang ganon para sa mga bata.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain habang pinag-uusapan ang tungkol sa bahay. Kung paano nabili ni Xenon, kung bakit ito ang napili niya at kung anu-ano ang meron sa bahay na 'to. Kung bahay pa bang matatawag 'to. Konti na lang pwede ng tawagin na masyon.

"Ten bedrooms?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya nang magawi na kami sa mga bedroom na usapan.

Tumango siya saka uminom ng tubig. "Yup. One for us, of course three different bedrooms for our kids and one for your mom. The other five bedrooms will be guest room. Kapag naisipan nila mama na rito magpalipas ng araw o gabi, may tutulugan sila. Saka talagang maraming kwarto ang pinili kong bahay kasi gusto ko pa uling magkaanak. Malay mo triplets ulit mabuo natin."

Napuno ng tuksuhan ang kainan dahil sa sinabi ni Xenon. Sinipa ko nga siya sa paa niya at tinuloy ko na ang pagkain ko. "Kung anu-ano sinasabi mo. Kumain ka na nga lang. Kanina ka pa kwento nang kwento."

Natawa naman ang daddy ni Xenon. "Hayan Xenon, pinatitigil ka na ni Quebec. Baka kung ano pa nga ang mga masabi mo."

Nagtawanan na naman sila at tinuloy na ang masayang kainan. Pagkatapos naming kumain, magkatulong si mommy at tita Sarah sa pagliligpit ng mga kinainan. Tutulong nga sana kami ni Cassandra pero hindi nila kami hinayaan dahil halata raw na pareho kaming pagod ni Cassandra sa trabaho. Mukhang dito dumiretso si Cassandra galing sa trabaho niya dahil sa suot pa niya ang office attire niya.

Magka-akbay kami ni Cassandra habang naglalakad papunta sa sala kung nasaan si Xenon, ang mga bata at ang daddy niya. Hindi nga mawala sa isip ko si daddy at ang mga kakambal ko. Kung nandito lang sila, sigurado na mas masaya kami. Lalo na at malaki itong bahay. Kung buhay lang sila, rito ko sila lahat patitirahin para masaya. Masaya kasi kapag marami.

Buti na nga lang din triplets ang mga anak ko. Kasi naisip ko rin na kung isa lang sa kanila ay ibinigay sa akin ni God, alam ko na maghahanap siya ng kalaro o kapatid. Ang problema naman sa kanilang tatlo, sawa na silang kalaro ang isa't isa at palagi pang nag-aagawan sa mga laruan at pasalubong.

Paglapit namin sa kanila ay nakipaglaro kami ni Cassandra sa mga bata habang nag-uusap. Natapos din naman agad sila mommy sa kusina kaya nang pumunta na rin sila sa sala ay inaya na ako ni Xenon na libutin ang bahay. Kaming dalawa na lang ang lilibot dahil kanina pa nakalibot ang mga kasama namin pati ang mga bata.

Pag-akyat namin sa ikalawang palapag, nilapitan namin isa-isa ang mga kwarto. "Walong kwarto ang nandito habang sa baba yung dalawa. Yung ibang kwarto balak kong gawing stockroom saka office mo. Pero saka ko na 'yon iisipin. Madali na lang ang bagay na 'yon." Sabi niya nang buksan namin ang unang kwarto at isa 'to sa magiging guest room.

Sunod namin binuksan ang katapat nitong kwarto na guest room din. Wala pang ganong laman ang mga kwarto at maging ang buong bahay. Napansin ko naman 'yon kanina at nabanggit ni Xenon kanina nung kumakain kami na unti-unti rin kaming bibili ng mga pwedeng display dito sa bahay. Madali na lang daw naman kasi 'yon.

Ang halos laman lang nitong bahay ay mga panluto, na nakita ko kanina sa kusina, na obvious naman na madali lang iprovide ni Xenon dahil isa siyang chef at kinuha na niya ang mga panluto niya sa bahay nila tita Sarah. Marami ng furniture dito.

Sa kusina, halatang bagong bili ang lamesa na kinainan namin kanina na may twelve chairs. Yung sofa nga sa sala ang laki at pabilog pa ang design at kulay puti pa. Kailangan kong lagyan agad ng sapin 'yon dahil baka kung anong gawin ni Lancelot doon. Ang bata pa naman na 'yon ang hilig magsulat sa malilinis na bagay. Bawat kwarto rin ay may kama na.

"Pare-pareho ba ng laki ang mga kwarto?" Tanong ko nang papunta na kami sa kwarto ng mga anak namin.

"Yes. Yung masters bedroom natin ang malaki-laki." Sagot niya.

Napahinto ako sa paglalakad. "Natin?"

"Yup. Bakit may masama ba sa sinabi ko? Isa pa matagal naman na tayong nagtatabi matulog diba?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Because we don't have a choice. Dalawa lang ang kwarto sa apartment kaya kinailangan nating magtabi."

Sumeryoso ang itsura niya. "So, ano ang gusto mong mangyari? Na ngayon may choice ka na sa dami ng kwarto rito?!"

Huminga ako ng malalim saka inunahan ko na siya papunta sa kwarto ni Lanaia. May nakalagay sa pinto na pangalan ni Lanaia at nang buksan ko ito ay namangha ako.

Naramdaman ang presensya ni Xenon sa likuran ko. "I asked her about that unicorn theme idea." Sabi ni Xenon.

Pumasok ako at pinagmasdan ko mabuti ang kwarto ng prinsesa namin. Ang ganda at ang pulido ng design. Ganito yung mga nakikita ko sa internet na nauuso para sa mga bata.

"Si Lancelot at Landon din may theme?" Tanong ko habang hinihimas ko ang sapin ng kama ni Lanaia.

"Yeah. Kay Lancelot, lego ang theme tapos kay Landon naman aviation theme."

"Aviation theme? Kailan pa siya nagkainteres sa mga eroplano?" Nagtataka kong tanong.

"Gusto raw niya yung may eroplano sa loob ng kwarto niya para raw kapag may narinig siyang dumaan na eroplano hindi na siya lalabas ng bahay at hahabulin."

Tinakpan ko labi ko para pigilan ang pagtawa. "That's very reasonable."

"It is." Natatawa ring sabi ni Xenon.

Ilang sandali pa ay lumipat na kami sa kwarto ni Landon at Lancelot bago namin pinuntahan ang masters bedroom. Pagod akong nahiga sa kama, na kama namin ni Xenon.

"You look very exhausted. Bukas na natin libutin ang ground floor at ang labas."

Tumango ako saka naghikab. "Gusto ko pa magshower bago matulog pero hindi ko na yata kaya." Inaantok na sabi ko kay Xenon.

Mabigat na talaga ang talukap ng mga mata ko kahit na natulog naman ako kanina sa office ni Xenon. Sa lambot ba naman ng kama at lamig ng aircon dito sa kwarto ay tuluyan na akong hinila ng antok.

"Magpalit ka muna ng damit." Sabi ni Xenon saka narinig ko siyang may binuksan na pinto.

Nakapikit ko pa rin siyang kinausap. "Paano yung mga gamit sa apartment?"

Narinig ko pa siyang tumawa. "Nailipat na lahat dito yung mga gamit sa apartment. Konti lang naman 'yon. Yung mga damit natin nandito na rin. Magkatulong kanina si mama saka si mommy na maglagay sa mga dapat ilagay ang ilang mga gamit."

Simula ng maging opisyal ko siyang boyfriend, mommy na ang tawag niya kay mommy. Sinabihan na nga rin ako ni tita Sarah na mama na ang itawag sa kanya pero nahihiya pa ako.

"Sleep tight, babe." Sabi ni Xenon at naramdaman ko ang paghalik niya sa nuo ko bago ako tuluyang makatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

251K 5.7K 54
COMPLETED STORY Vivien, a brat who came from a wealthy family got assigned to babysit a child. Vivien is known to be a spoiled woman who's always spe...
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 38.5K 65
ProfessorxStudent Story!!!
99.3K 1.8K 21
"You are mine now, my obsession, my possession, my drug." - Lance Devin Lee Ices Club: Series 1
138K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...