Secret Scent

By PrincessHimaya

17.6K 509 71

Love is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan... More

Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 2

913 22 0
By PrincessHimaya

Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Joce noong araw na 'yon.

'Bawal ang malisyosa'

Bakit naman kaya 'di ba? Buti na lang talaga hindi ako ganoong klasing tao. Ang trabaho ay trabaho. No feelings attach.

Papasok pa lang kami sa subdivision na hula ko'y para lang sa mayayaman ay hindi ko na maitikom ang bibig ko sa pagkamangha.

"Ang yayaman ng mga nakatira rito 'no? Tayo naman itong mga slap soil lang," pabirong sinabi ni Joce pero totoo naman kasi iyon.

"Ang swerte nila. Ipinanganak silang mayaman at mamamatay'ng mayaman," mataman kong sinabi habang nakatingin sa bawat mansyon na nadadaanan namin.

Kalaunan ay huminto ang sinasakyan naming taxi sa isang malaking mansyon. Sobrang laki nito! Ito na yata ang pinakamalaki sa lahat ng nakita ko papasok dito.

"Dito tayo magtatrabaho, Honey. Kahit pa hindi tayo ang may-ari, atleast, mararanasan nating makatira sa ganito kalaking bahay!" manghang sinabi ni Joce.

Bago pa man kami makababa ay may nakita kaming lumabas na babae. Mukhang nasa mid -60's na ito. Ngumisi siya sa amin habang may inabot na pera sa taxi driver.

"Kamusta ang byahe n'yo mga iha?" pasiunang bati niya sa amin ni Joce.

"Ayos lang po," si Joce na ang sumagot.

"Halina kayo sa loob at nang makapag meryenda," aniya at iginiya kami papasok sa loob ng mansyon.

Bitbit ang mga bag namin ni Joce ay pareho kaming nagpalinga-linga sa paligid. Ang mansyon ay nagsusumigaw ng karangyaan.

Naglalakad kami papunta sa isang mukhang sala. Pero may nadaanan na kami kaninang sala, ah. Ilang sala ba mayro'n ang bahay na ito?

"Upo kayo," magiliw na utos ng ginang sa amin at naupo nga kami ni Joce.

"Ako si Lolit at ako ang mayordoma ng bahay na ito. Ikatlong henerasyon ng pamilyang Gallendre na ang pinagsisilbihan ko ngayon," panimula niya. "Namatay ang mag-asawang Gallendre dahil sa isang aksidente, kaya ang nag-iisang anak na lang nila ang naiwan sa pamilyang ito. Pero bago ang lahat, sino ang natanggap bilang katulong sa inyong dalawa?" tanong niya sa amin ni Joce.

Nagtaas ng kamay si Joce at tumango ang ginang.

"Alam mo naman siguro iha kung anong dapat gawin ng isang kasambahay 'di ba? Huwag kayong mag-alala, hindi naman ako mahigpit sa mga katulong dito," dugtong niyang sinabi at ngumiti sa amin.

"Uh.. ano po'ng itatawag namin sa inyo?" tanong ni Joce.

"Kayo ang bahala. Pwedeng nanay Lolit o ano mang gusto niyong itawag sa akin," sagot niya at nadako ang mga tingin niya sa akin

"Ikaw pala ang magsisilbi kay Señorito. Sana ay magtagal ka rito, iha. Makailang ulit na kaming nagpapalit-palit ng magsisilbi kay Señorito. Ang pinakamatagal ay isang buwan lang. Sana'y habaan mo ang iyong pasensya, iha," hindi ko alam pero mukhang nahimigan kong parang nagmamakaawa siya sa akin.

Kaya ba gano'n na lang kalaki ang sweldo dahil sa mahirap alagaan ang Señorito? At bakit parang feeling ko abnormal siya. Baka special child? Kaya walang nakakatagal sa kanya?

"100 thousand per month ang sweldong ibibigay ko sa iyo, iha. Basta't ipangako mo lang na magtatagal ka-."

"Ho?! 100 thousand?!" gulat naming sinabi ni Joce at nagkatinginan kaming laglag ang mga panga.

"Ang sabi po sa office na pinuntahan ko ay 50k lang po per month," sabi ni Joce.

"Oo, pero dadagdagan ko. Nakakapagod na magpapalit-palit ng mag-aalaga kay Señorito," malungkot na sinabi ng ginang.

Ito na talaga. Ito na talaga ang makakalutas sa problema ko! Kahit pa special child o ano pa mang klasing tao ang Señoritong iyon ay kakayanin ko!

"A-Ano po ba ang mga kailangan kong gawin?" kinakabahang tanong ko sa ginang.

Huminga siya ng malalim at mataman akong tinitigan.

"Ang lahat nang ipag-uutos niya, iha. Hindi nakakakita ang Señorito at ayaw niya namang ipagamot ang mga mata niya. Masyado siyang naapektuhan sa nangyaring trahedya sa mga magulang niya. Nakakaawa ang batang iyon, kaya hangga't nabubuhay ako'y hindi ako mapapagod pagsilbihan ang pamilyang ito. Sana ay ikaw na ang hinihintay ko, iha," pagsusumamo na sinabi ng ginang.

Bulag pala ang aalagaan ko. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng magulang. Kahit si Nanay lang ang namatay ay pakiramdam ko para na rin akong walang Tatay. Pero bakit naman kaya walang nakakatagal sa kanya?

"Sa kwarto palaging kumakain si Señorito. Ikaw ang magiging mga kamay, paa at mga mata niya, iha," dugtong ng ginang.

Tumango ako. Mahirap gumalaw lalo na't bulag ka kaya naiintindihan ko ang sinabi niya.

"Tutulungan mo siyang maligo, magbihis, lahat-lahat. Kaya mo ba iyon?" tanong ng ginang sa akin.

Napalunok ako sa sinabi ng ginang. Paliguan? Bihisan? Sisiw lang iyon para sa akin. Ang tanong... ilang taon na ba ang Señorito?

Baka mga 15 years old lang naman siguro.

"Ilang taon na po ba siya?" kuryosong tanong ni Joce. Salamat naman at tinanong niya iyon.

"29 na si Alexander," nangingiting sagot ng ginang at nalaglag ulit ang panga ko ngunit mabilis kong tinikom ang bibig ko.

Gano'n katanda na ang paliliguan at bibihisan ko?! Ibig ba sabihin... makikita ko ang... ang.... ang ano niya?!

Nakatulala lang ako sa kama habang nakahiga. Pino-proseso ng utak ko ang trabahong pinasukan ko. Habang si Joce ay nag-aayos nang gamit at namamangha rin sa kwartong ibinigay sa amin.

Parang hindi naman kasi pang-katulong ang kwartong ito. May dalawang kama at sobrang ganda ng mga gamit. May sarili rin itong banyo at higit sa lahat may bathtub pa! Sinong katulong ang may bathtub sa banyo nila?

Kami lang.

Hindi ko pa kayang ma-appreciate ang mga bagay-bagay sa paligid. Iniisip ko pa ang haharapin kong problema.

Hindi pa ako nakakita sa buong buhay ko ng isang male organ! Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako!

"Hoy, Honey! Okay ka lang? Kanina ka pa hindi umiimik diyan, ah!" patambal sa braso niyang sinabi sa akin.

Bumangon ako at naupo sa kama sabay hingang malalim.

" Kinakabahan ako sa trabaho ko, Joce," pagtatapat ko sa kanya.

"Gusto mo palit tayo?" biro niyang sinabi.

Kung wala lang talaga ang Aling Marites na iyon ay siguradong makikipagpalit ako kay Joce!

"Alam mo naman kung gaano kalaki ang utang kong kailangan bayaran, Joce. Kahit pa gusto kong makipagpalit sayo, ay hindi pwede," malungkot kong sinabi.

'Iyon na nga, e. 'Wag mo na lang isipin na makikita mo ang sundalo niya. Makikita mo rin naman iyon kapag mag-aasawa ka na. Isipin mo na lang bonus iyan bukod sa sweldo mo!" sabay hagalpak niyang tawa.

Napailing na lang ako. Siraulo talaga ang isang 'to kung mag-isip.

"Joce naman...Paanong hindi ko iisipin iyon?Binata ang aalagaan ko. Kinakabahan ako," sabi ko sa kanya at nahiga ulit. Bukas pa naman kami magsisimula sa trabaho namin.

"Walang malisya iyon, Honey. Boss mo siya, taga alaga ka lang niya. Be professional, no horny feelings," sabi niya at tumawa na naman ulit. Hindi talaga ako seseryosohin ng isang 'to. Kaya hindi na ako nagsalita pa.

Inaantok pa akong kumakain ng agahan habang hindi ako mapalagay sa suot kong damit. Ganitong-ganito ang nakikita kong suot ng mga nang-aakit na katulong sa amo nila! Masyado itong sexy, o, hindi akma ang size nito sa akin. Ipapaalam ko ito sa ginang mamaya.

"Handa ka na?" pilyang tanong sa akin ni Joce at nanunudyo ang mga titig niya sa akin. Inirapan ko naman siya agad.

Itinuro na sa akin kahapon ng ginang kung nasaan ang kwarto ni Alex, kaya mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa kwarto niya dala-dala ang agahan niya.

Abot-abot na rin ang tahip ng aking puso at medyo nanginginig na ang mga kamay ko sa sobrang kaba ko. Bago ko pa man pinihit ang doorknob ay makailang ulit muna akong huminga ng malalim.

You can do it, Honey. Sabi ko sa isip ko.

Pagbukas ko ng pintuan ay nalula ako sa laki ng kwarto at ang dilim! Pero kahit madilim, naaaninag ko pa rin sa sahig ang mga kalat. Siyempre, bulag ang gumagamit sa kwarto, kaya malamang makalat ito.

Nakita ko ring wala ng tao sa kama. Nasaan kaya siya? Napag-desisyonan kong buksan na muna ang kurtina ng malaking bintana niya upang makapasok na ang liwanag.

Inilapag ko na muna sa isang round table na may dalawang upuan ang tray ng pagkain niya at hahanapin ko siya.

May munting sala ang kwarto. Para itong bahay sa loob ng isang bahay! Mas malaki pa yata itong kwarto niya kaysa sa bahay namin, e.

Teka...ano ba ang dapat itawag ko sa kanya? Sir Alex ba? Señorito Alex?

Bahala na nga!

"S-Sir... good morning! A-Ako po ang bagong mag-aalaga sa inyo," pautal-utal kong sinabi at napapikit ako nang bahagya. Hindi na maitago sa boses ko ang kaba ko.

Palinga-linga ako sa paligid at mas lalong nakita ang mga kalat doon. Papunta na ako sa banyo. Sigurado akong banyo iyon.

Kumatok na muna ako ng dalawang beses bago pa nagsalita.

"Sir? Nasa loob po ba kayo?... Uh... kailangan niyo po ba ng tulong?!" sigaw ko.

Baka naman naliligo siya 'di ba? Tapos nahulog ang sabon at hindi niya mahanap kasi bulag siya? Imbentong scenario ko sa aking utak.

Bahala na. Bubuksan ko na lang itong pintuan. Total naman, wala na siyang dapat itago sa akin. May makikita at makikita ko pa rin naman iyon!

Pagbukas ko ng banyo ay nakita ko siya agad na nakahilata sa sahig. Katabi ang maraming bote ng alak. Kaya naman pala walang sumasagot dahil nakatulog na lasing sa banyo!

Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Medyo magulo rin ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng black sweat pants kaya kitang-kita ko ang mga balahibo sa binti niya. Kahit pa man nasa sahig siya ay alam kong sobrang tangkad niya! Baka nga hanggang dibdib niya lang ako.

Lumapit ako sa kanya at pinulot ang mga boteng nakakalat at inilagay iyon sa basurahan ng banyo. Matapos kong mapulot ang lahat ng iyon ay saka ko pa napagtanto ang isang magandang tanawin.

Ang katawan niya.

Halatang batak ito sa gym. His muscles in right places and those 8 packs. Nanuyo agad ang lalamunan ko sa nakikita. Inangat ko ang mukha niya ng dahan dahan at parang nahinto ako sa paghinga ko.

Ang mga mapupulang labi niya at makakapal na pilik-mata't kilay niya ay ang nagpapaganda sa mukha niya. Dumagdag pa roon ang magandang hubog ng panga niya. Napaka payapa niyang tingnan habang natutulog... pero amoy alak.

Muntik na akong mabuwal sa pagkakaupo nang bigla siyang magsalita.

"Please...please don't leave. Jasmine...please." aniya at humilik.

Kumunot ang noo ko. Sino si Jasmine?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...