Living under the Microscope...

By yllanzariin

1.6K 100 9

[ROUGH DRAFT] Isang kasong tatlong taon ng hindi nasosolusyunan ay muling binuksan dahil sa isang krimeng wal... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY

CHAPTER EIGHT

62 5 0
By yllanzariin

NAKANGIWING NAPAUPO si Yuuskei sa couch. Ilang oras na siyang nakakulong sa loob ng bahay ni Trevor at ni isang labasan man lang ay wala siyang makita kahit na ang bintana, ito’y nakasarado rin. Napakunot ang noo niya at naisipang maglibot sa bahay. Ang bahay ay simple lang at may kalumaan na.

Napabuntong hiningang binuksan ni Yuuskei ang silid ngunit siya’y napatawa nang makita itong walang kabuhay-buhay. Siya’y pumasok at nagbabakasakaling mabubuksan ang bintana ngunit nanatili itong nakasarado.

Napasuko na lang si Yuuskei at dahan-dahang naglakad papunta sa sala ngunit pumasok sa isipan na mag-imbestiga na lamang.

“Wala naman sigurong masama na papasok ako rito? Ang sabi ni Trevor, you can explore the house.” Napatawa siya saglit dahil sa ginawa niyang panggagaya sa boses ni Trevor.

Tahimik niyang pinihit ang doorknob. Pangalawang beses na niyang makapasok dito ngunit ngayon niya lang napahalagahan ang simpleng disenyo ng kwarto at ang crime scene diagram. Napabuntong hininga na lang si Yuuskei habang nakatitig sa isang babaeng walang mukhang may malaking question mark na nakalagay. Hindi niya alam kung sino ito dahil sa lahat ng biktima ay ito lang ang walang pangalan at ang pinagtataka niya’y ito ang pangalawang biktima ng CSC.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob at napahinto ang mga mata sa malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga nakaraang casses na naisarado na. Napalakad siya papunta rito at binuksan ang pinakataas na parte ng cabinet. Bumungad sa kaniya ang mga libro.

“Laws about Neutral Zone?” Because of curiosity, he wants to read it. Kinuha niya ito. Napakunot ang noo niya nang makita ang kasunod. Ang akala niya’y libro pa rin subalit isa itong album kaya ang kuryosidad niya’y napunta sa album.

Halos matanggal ang mga panga sa nakita. Hinding-hindi siya magkakamali. Kilalang-kilala niya ang taong nakangiti sa litrato kasama si Trevor, walang iba kundi ang kaniyang sarili.

“Ano… ito?” Dahil hindi makapaniwala sa nakita, inilipat niya ito sa kasunod hanggang sa matapos ito, wala siyang ibang nakikita kundi silang dalawa lang na magkasama nang masaya.

“Ang sabi pa ni Trevor, case files lang ang nandito, ano ’to?”

Isa-isa niyang binuksan ang bawat parte ng cabinet at lahat ng nandito ay mga litrato. Hindi maiwasang mapangiti ni Yuuskei nang makita niya ang sariling malawak na nakangiti. Hindi siya makapaniwalang nakakangiti pa pala siya ng totoo. Kinuha niya ang isang picture frame.

Napatalon siya sa gulat noong tumunog ang selpon kaya agad niya itong sinagot.

“Dad, kilala ko na ba si Trevor dati?” mahinang tanong ni Yuuskei habang nakatitig sa isang picutre frame. Dalawang lalaki ito habang parehong nakatanaw sa payapang karagatan.

“Why are you asking?” rinig niyang tanong ng ama sa kabilang linya.

“Hindi naman ako umaasa pero parang kilala na niya ako dati pa?” Kahit na sinasabi niyang hindi siya umaasa ay hindi maikakaila ang mumunting nararamdaman para sa detective.

“For you, he’s important. At ganoon ka din kay Trevor,” nakangiting pagbabahagi ni Mr. Hawtson. “Wala pa si Trevor?”

“Bakit hindi ko siya kilala?” tanong ni Yuuskei nang hindi pinapansin ang tanong ng ama.

“Hindi mo na kailangan pang magtanong.” Ito ang huling katagang binitiwan ng ama at ibaba na sana ang linya pero nagsalita ulit si Yuuskei.

“Ako ba ang sinasabi niyang taong naging partner niya sa mga crime scenes?”

Napahinto saglit si Mr. Hawtson at napangiti. “Sinasabi mo bang ikaw ang taong minahal niya? Ang taas naman yata ng tingin mo sa iyong sarili. May pagtingin ka na ba kay Trevor?”

“Wala!”

“Talaga lang?” pangungutya ni Mr. Hawtson. “I really like Trevor to be my son-in-law for real.”

“Dad!”

Napatawa na lang si Mr. Hawtson. Agad na nagpaalam si Yuuskei na ibaba na niya ang linya dahil tumatawag si Manager Klein.

“Yuu!”

“Manager, bakasyon ko ngayon pero—”

Manager Klein cuts him off, “Someone took a picture of you and Trevor. I send you the picture. Different issues are now circulating.”

Napapikit na lang si Yuuskei sa walang tigil sa mga isyung kumakalat. Mabilis na binuskan ni Yuuskei at kitang-kita niya ang litrato nilang dalawa ni Trevor na nasa bahay ng kasong inimbestigahan nila. Unti-unting kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya akalaing may makakakilala sa kaniya.

“Ano ang ginagawa mo sa isang case?” seryosong tanong ni Manager Klein. “Kahit ano pang disguise ang gawin mo ay makikilala ka pa rin.”

“Manager, I can explain.”

“Detailed.”

Napabuntong hininga si Yuuskei at sinabi ni Yuuskei lahat, wala siyang iniwan kahit katiting man lang.

“Alam kong si Trevor ay isang detective at bakit ka pa sinali ni Mr. Hawtson? Hindi pa ba siya nadala dati?” bulong ni Manager Klein.

“Anong dati?” Hindi sumagot si Manager Klein kaya mas lalong naintriga si Yuuskei. “Manager, kilala ko na ba si Trevor dati?”

“I trust Mr. Hawtson’s decision and his plan. Huwag mo na lang alamin pa, Yuu. For your own good. I will be writing a statement about the issue.” Ngumiti si Manager Klein bago binaba ang tawag.

“My own good, huh?” usal ni Yuuskei sabay haplos sa pamilyar na signature. “Halata namang ako ang tinutukoy ni Trevor.”

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Yuuskei habang nakatingin sa mga litratong pareho silang nakangiti ni Trevor. Kasiyahan at kalungkutan ang gumugulo sa kaniyang puso. Natatawa niyang sinulyapan si Trevor at mahigpit na nakahawak sa frame. “Akala mo siguro na hindi ko ugaling mangialam pero pasensiya ka na lang.”

Napabagsak na lang siya sa sahig nang bumigay ang kaniyang mga tuhod. “Bakit wala akong matandaan? Bakit ayaw niyang makaalala ako? Saka, Minahal niya ako?” Mabilis siyang umiling. “Bakit ang hilig kong umasa?”

Hindi niya kayang iiwas ang mga mata sa mga litratong masasaya na kabaliktaran naman sa nararamdaman ni Yuuskei, wala siyang matandaan, ang tanging nag-iingay lang ay ang puso niyang puno ng katanungan.

Napabuntong hininga na lang si Yuuskei habang dinadama ang pusong umiiyak na nakabalot sa pangungulila. Napailing na lang siya sa mga naiisip. Hindi niya kayang kumbinsihin ang sarili na may namamagitan talaga sa kanila ng detective.

“Trevor, hindi ka marunong magtago.” A tear fell on the picture.

Hindi na makahinga pa si Yuuskei sa silid na iyon kaya agad siyang lumabas at tumungo sa sala. “May kinalaman ba ’to sa alaala kong nabura?”

Nakakunot ang noo ng detective na ngayon ay papasok sa bahay. Nadatnan niyang nanonood lang ang aktor sa sala. Nang makita siya nito ay agad na lumiwanag ang mukha. Ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pamamaga ng mga mata ni Yuuskei.

Inilahad ni Trevor ang dalang ubas kaya malugod itong tinanggap ni Yuuskei. Nanatili itong nakayuko kaya napabuntong hininga na lang ang detective. “Mag-ayos ka dahil pupunta tayo sa SAS. Umuna ka na sa kotse pagkatapos mo.”

Nakayukong napatango si Yuuskei at dali-daling sinunod ang tinuran ni Trevor. Palabas na sana siya sa bahay nang may nag-doorbell. Napatayo agad si Trevor, pinigilan si Yuuskei na lumabas ng tuluyan. Kumunot ang noo ng aktor nang inutusan siya ng detective na maghintay na lang muna. Pumasok si Trevor sa isang maliit na silid, tumambad sa kaniya ang tatlong computers. Tiningnan niya sa CCTV kung sino ang taong nag-do-doorbell. Nakangiting napailing na lang siya nang makita ang isang lalaking nakasumbrero na may dala-dalang paso na may bulaklak.

“Did you order some flowers?” tanong ni Trevor dahilan para matigilan si Yuuskei.

Iiling na sana ang aktor bilang sagot ngunit binuksan na ni Trevor ang pinto saka tinanggap ang bulaklak. Halos mahulog ang panga ni Yuuskei nang makita ang bulaklak na hawak ni Trevor. Isang bulaklak na kalalabas pa lang kahapon.

“Mauna ka na sa kotse, ilalagay ko lang ’to sa kwarto mo.”

Tumango na lang ito saka lumabas na. Masamang nakatingin si Trevor sa bulaklak na iniligay niya sa mini table sa sala. Sinuri niya ito nang mabuti. Wala siyang makitang tracker o hidden camera, ang pinagtataka niya lang ay ang kakaiba nitong tangkay. Agad niyang t-in-ext si Morgan na kunin ang bulaklak at obserbahan ito. Pagkaraan ng ilang minuto, siya’y tumungo na sa kotse.

Kunot-noong tiningnan ni Trevor si Yuuskei nang may naupuan siya pagpasok sa kotse. Kaunti niyang inangat ang balakang at kinuha ang naupuan, napatawa na lang nang makitang ubas ito. Hindi na siya nagtaka kung bakit namamasa ang suot na pantalon.

“Sa susunod siguro ay maglalagay na ulit ako ng mini refrigerator dito sa kotse para sa ubas,” usal ni Trevor habang nakatingin kay Yuuskei.

“Talaga?”

“Yes, dahil naupuan ko ang tatlong pirasong ubas ngayon.” Ngumiwi si Trevor. “Basa na ang pantalon ko.”

“H-Ha? Hindi ko naman kasalanan ang pagiging tanga mo, e.” Kumunot ang noo ni Yuuskei pero ang pinagtataka ng aktor ay ang kaniyang pagtawa nang mahina. “So, dati ay naglagay ka na ng mini refrigerator dito?” pagbabago niya.

“Yeah, because of someone. He also likes grapes but tinanggal ko nang lumayo ako sa kaniya,” masayang kwento ni Trevor.

A single thump of his heart made Yuuskei hope. “Bakit ka lumayo sa kaniya? Saka, bakit lalaki?” nagtatakang saad ni Yuuskei habang ngumunguya pa.

Pagtigil ng kotse ay hinarap ni Trevor si Yuuskei. “Anong bakit? He’s my boyfriend, lumayo ako sa kaniya upang hindi na siya mapahamak pa.”

“Mahal mo talaga?”

Ilang segundo silang nakipagtitigan. Tahimik ang paligid at kalungkutan ang dinadala ng hangin. “In this kind of atmosphere, I can’t breathe... I can’t open my mouth but I do have lots of words to say. Bitbit palagi ang mabigat na puso, umaasang kahit isang segundo, mababasa mo ang aking mga mata. Sasabihin sa iyo ng aking mga mata ang lahat ng nasa loob ng aking  at natitiyak akong mababago natin ang ating tadhana kapag nagkataon.” Napaiwas ng tingin si Trevor sa naiisip saka pilit na sumagot, “Sobra.”

Halos mabingi si Yuuskei sa malambot na tinig ni Trevor. Damang-dama ng aktor ang malalim na pagtingin ni Trevor sa taong tinutukoy.

“Bakit ka lumayo?” bulong ni Yuuskei habang nakatingin kay Trevor na seryosong nagmamaneho. “Ayoko ng kumain.”

Kumunot ang noo ni Trevor nang makitang inilapag ni Yuuskei ang hawak na plastic. “Himala yata? Hindi ka tumitigil sa pagkain hangga’t mayro’n pa.”

“Bakit? Hindi ba puwedeng tumigil kumain? Gaano pa ako katakaw sa paningin mo?” inis na bulyaw ni Yuuskei.

“Sobrang takaw.” Hindi na nagsalita si Yuuskei kaya tumingin si Trevor sa kaniya.

Inis pa rin ang nakapaskil sa mukha ni Yuuskei dahilan para mapangiti nang palihim ang detective. Sakto namang red light kaya napatigil muna sila.

“Nakalimutan niya ako dahil sa isang aksidente.” Nakabalot sa kalungkutan ang sinabi ni Trevor.

Mabilis na nasira ang mukha ni Yuuskei. “Bakit mo ba sinasabi sa akin ’yan?”

“I just want to ask you if ikaw ang nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin mo?”

“Sa sitwasyon mong mahal mo pa rin kahit na nakalimutan ka na niya?” tanong ni Yuuskei kaya tumango si Trevor. Napapamura si Yuuskei sa sarili. May kaunting parte ng kaniyang puso ang umaasa na siya ang tinutukoy ng detective. “Magpapakilala ulit ako sa kaniya. Ipapaalala ko sa kaniya kung sino ako sa buhay niya.”

“Paano kung may masasamang alaala na kailangan niyang hindi maalala?”

Napaikot ang mga mata ni Yuuskei sa rason ni Trevor. “Wala siyang magagawa. Kailangan niyang malaman lahat. Don’t be a coward, Trevor. If you love them, do anything to make them happy.”

“Kontento na siya sa buhay niya ngayon at alam kong masaya na rin siya.”

“Masaya ka ba?” Hindi siya sumagot sa tanong ni Yuuskei kaya napayuko ang aktor. “Kontento ba talaga ako?”

Malumanay na ngumiti si Trevor. “You’re already here with me. Wala na akong hinahangad pa.”

Ang bilis na tibok ng puso ni Yuuskei ang dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita pa kaya napatanaw na ang siya sa bintana. “Bilang lang ang araw kong kasama kita, Trevor.”

Naging tahimik ang kanilang byahe. Nanatiling nakatingin si Yuuskei sa mga nadadaanan nila. Hindi niya magawang tingnan si Trevor. Maraming bumabagabag sa kaniyang puso’t isip. He clenched his fist. Ramdam ni Yuuskei ang iilang karayom na pumapasok sa kaniyang puso. Ayaw niya sa nararamdaman na para bang siya’y nagseselos sa taong minahal ni Trevor. Kahit na siya ang nasa mga litrato, hindi pa rin buo ang loob niyang maniwalang siya ito.

Nang makarating sila sa SAS, lahat ng mga nandito’y nagbubulungan. Ang iba ay napapahinto pa sa kanilang ginagawa habang hinuhusgahan at bumubuo ng sariling kwento tungkol sa nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nakaangat lang ang mukha ni Yuuskei. Hindi niya kayang lumingon sa mga tao. Kahit na sa harap sa nakatingin, ang likod lang ni Trevor ang kaniyang nakikita. Napailing na lang si Yuuskei nang makasakay sila ng escalator papunta sa ikalawang palapag ay hindi maiwasang may mga matang nakasunod sa kanila at nangungutya. Napabuntong hininga si Yuuskei saka isa-isang tiningnan ang mga ito dahilan para mas mabilis pa sa kidlat ang mga ito sa pag-iwas. Ang ibang malalakas ang loob na nakatingin pa rin, ningitian lang ito ni Yuuskei. Ang mga babae’y napanganga at naghahampasan pa sa kasama nila. Nang naging isang metro ang naging pagitan nilang dalawa ay tumakbo na si Yuuskei saka hinawakan ang kamay ni Trevor. Napahinto si Trevor na nagtataka. Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Yuuskei kaya napaatras nang isang hakbang si Trevor. Alam ng detective na may kalokohan naman itong gagawin kagaya ng dati. Isang halik sa pisngi ang binigay ni Yuuskei kay Trevor. Kung gaano nagtaka si Trevor ay may doble pa ang nakapaskil sa mga mukha ng mga tao.

Nakangiting umuna na sa paglalakad si Yuuskei at pumasok sa silid kung saan magaganap ang meeting. Pagkapasok nila ay agad na sumalubong si Mr. Hawtson kasama si Chief Inspector Harris.

“The meeting will start ten minutes from now. I just want to congratulate Mr. Raven Kei Cross, you handle that situation well,” papuri ni Mr. Hawtson sa anak.

Tumango lang si Yuuskei at saka umupo sa tabi ni Trevor. Alam niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao kanina. Alam ng lahat ng nandito na siya ay asawa ni Trevor at kung ganoon ang kanilang sitwasyon na walang kibuan o magkasabay man lang sa paglalakad, halatang pag-uusapan talaga sila.

Tiningnan lang ni Yuuskei kung paano lumabas si Trevor nang wala man lang paalam. Napatawa si Akuma na kapapasok pa lang nang makita ang nakangusong si Yuuskei.

“Hey, how was solving a case?” tanong nito pagka-upo sa tabi ni Yuuskei.

“It’s a tragic. Hindi ko akalain na hahantong sa isang krimen ang selos,” mahinang sagot ni Yuuskei. Iyon ang dahilan na nagpamulat sa kaniya sa katotohanan.

“Now you know.” Akuma’s strawberry-colored lips cracked into a half-smile. “If there’s jealousy on it, of course, hatred will follow.” Akuma shrugged her shoulders with boredom on her face. “Well, it depends on the individual on how she or he will cope up.”

“You’re really good about reading emotions.” Yuuskei can’t help but to tell the truth.

“Of course. I am a photographer, remember?” Akuma giggles as she point her right eye. “I can read through their eyes. Even your eyes, you still can’t accept the fact that you are Trevor’s boyfriend. I captured everything.”

Gustuhin mang magtanong ni Yuuskei tungkol sa kaniyang natuklasan ay hindi niya magawa. Hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili kung ilang tao ang nakakaalam sa nangyari tatlong taon na ang lumipas.

“Kung gusto n’yong mag-usap, lumabas na kayo,” sabat ni Mr. Hawtson sa dalawa.

Napangiwi si Akuma. “Hindi naman malakas, Mr. Hawtson. Naiinis ka lang dahil naiintriga kang malaman ang pinag-uusapan namin.” She tames a few of her straying hair strands. “Ikaw ha.”

“How was your vacation?”

Isang nakalolokong ngiti ang kumawala sa labi ni Akuma. Nanunuksong tiningnan si Mr. Hawtson. “Naiitriga ka rin po bang malaman ang tungkol sa amin ng boyfriend ko?”

Mabilis na kumunot ang noo nito. “Nevermind.”

Napailing na lang si Yuuskei. Nang bumukas ang pinto ay napangiti siya nang makitang iniluwa ito ng pinto ngunit agad ring napawi nang makita ang sumunod na tao, si Morgan na nakangiting kinakausap si Trevor. Napaiwas na lang siya ng tingin dahilan para tapunan siya ng nanunuksong tingin ni Akuma pero hindi na lang niya ito pinansin.

Pagkarating ni Inspector Nagaro at Chief Inspector Harris ay agad nang nagsimula ang meeting.

Neutral Zone is composed of five districts. Each districts have their own power and responsibilities to sustain the needs of Neutral Zone. Among them, District 3 is the most powerful where the Neutral Research Laboratory is located.

Napapakunot pa si Yuuskei habang nakikinig sa ama na nagsasalaysay tungkol sa Neutral Zone, ang iba naman ay tahimik lang.

Neutral Research Laboratory ran by the Neutral Research Team has the overall responsibility and has the power controlling and running the Neutral Zone. That is why, all sectors, even the private agencies are under Neutral Research Team, they need to make a report on everything. SAS is one of the private agencies doing specialized investigations and only has the primary responsibility to all situations related to investigating crimes except the serial case, CSC. Kaya bawat galaw ng Shinigami Alarm Security ay alam na alam ng Neutral Research Team.

SAS is composted of 5 units. Each unit has different works in their assigned fields. Right now, Mr. Hawtson explained to Yuuskei that from Unit S, he will be joining the Unit 0, a flexible covert unit who can investigate or hold variety of cases. This is the second to the highest unit among the units in SAS.

“We will now proceed on our main goal.” Sabay-sabay silang tumango sa sinbi ni Mr. Hawtson. Tinuro nito si Trevor at Yuuskei. “Si Trevor na ang magpapaliwanag sa lahat ng nangyari sa CSC kay Raven. Sa ngayon, we need to be alert. Isang nomination pa ang inilalabas sa publiko, may dalawa pang natitira.”

Isang biktima na ang pinatay sa isang nomination, si Jaisha. Ang natitirang dalawang nomination ay ang Red Awards 2024 at Artist of the Year.

“Ang lead n’yo lang ay ang nabibiktima ay kasali sa awards?” tanong ni Yuuskei habang nakatingin kay Mr. Hawtson.

“Also, neglected victims.”

“But Jaisha wasn’t neglected…” Napahinto sa pagsasalita s Yuuskei nang may naalala. Kahit na nasa masayang pamilya ito, ang tinuturing nitong ama ay hindi niya kadugo.

“Joana Silvia was neglected by her father; Khian Cator, by his mother; Keytlyn Ahora, by her parents; and Jaisha Barlon, by her biological father,” wika ni Mr. Hawtson. “Joana Silvia’s mother will not talk. She knew something. I will assign it to the both of you, Mr. Trevor Cross and Mr. Raven Cross.” Seryosong tiningnan ni Mr. Hawton sina Trevor at Yuuskei. “Make her speak in appropriate way.”

Sabay na tumango ang dalawa.

“Ms. Villafuerte,” tawag ni Mr. Hawtson kay Morgan kaya tumayo ito, “give us an update regarding the poison that the killer used.”

“That flower isn’t ordinary. Isa itong artificial flower na kapag nadidiligan ay lumalaki rin pero hindi ito nagugusot. It’s stem has the poison that the killer used,” paliwanag ni Morgan. “And Trevor redeem these flowers from all the crime scene locations. The killer planted it. Still, we can’t find any plausible reason why the killer planted it.”

Nakatitig si Yuuskei sa bulaklak. Sa pagka-alala niya, katulad ito sa bulaklak na hawak ni Trevor noong una silang magkita. Hindi niya kayang iiwas ang mga mata, siya’y nabibighani sa kakaiba nitong ganda. Ang gandang may nakatatagong kamandag.

“And Chief Inspector Harris said that he found a place that has this flower,” dugtong pa ni Morgan.

“Who’s the victim?”

“Hindi sa condominium pinatay si Khian Cator kundi sa katapat na lokasyon kung saan pinatay si Sendra Oliver.” Tumayo na si Chief Inspector Harris at inilipat ang pinapakita ng hologram. Pinindot niya ang folder kung nasaan ang mga litrato na nakuha niya. Isa niyang pinakita ang mga litrato. Lahat ay naka-pokus at nang pinakita ang litrato kung saan pinatay si Khian Cator, maraming katanungan ang umusbong sa kanilang isipan. Kuhang-kuha sa litrato ang isang pigurang nakatagilid. Hindi malaman ng lahat kung ano ang kasarian nito dahil sa suot nitong jacket at sa madilim na lugar.

“Ang hilig niya sa ilog na may tulay,” bulalas ni Yuuskei.

“Maybe because he still can’t move on Joana’s death,” bulong na saad ni Akuma.

Nang marinig ito ay agad siyang napatingin kay Akuma na ngayon ay nakangiti lang. “He?” hindi maiwasang tanong ni Yuuskei sa sarili.

Nagpatuloy na si Morgan sa pagpapaliwanag. “Isang nakalalasong kemikal. Ito’y tumutugma na isa itong bulaklak. An offspring that came from a cross-breeding but I can’t determine its parents. Ito ay tinatayang kumakalat sa buong katawan ng biktima sa loob ng sampung minuto upang maapektuhan ang nervous system nito lalong-lalo na ang puso at kapag naarawan ang biktima ay unti-unting nasusunog ang balat nito. We also found some chemicals that this hybrid plant possess na wala sa primary species,” mahabang paliwanag ni Morgan. “As of now, malapit na naming matapos ang lunas para sa lason na ito.”

“Paano kayo gumawa ng lunas kung hindi n’yo matukoy ang mga bulaklak na source nito?”

Napailing na lang si Morgan sa tanong ni Yuuskei. “Trial and error.” Kumunot ang noo ng aktor. Napakamot sa ulo si Morgan. “Raven, I’ve been experimenting three years ago.” Lumakad papunta sa harap si Morgan saka ipinakita ang hawak na bulaklak. Ipinakilala niya ito. “This flower isn’t ordinary. Isa itong artificial flower na kapag nadidiligan ay lumalaki rin pero hindi ito nagugusot.”

“Kaya binabasa ng killer ang katawan ng biktima upang hindi ito masunog ng araw?” tanong ulit ni Yuuskei habang ang atensiyon ay nasa papel na binabasa.

“Wala bang rashes?” tanong din ni Akuma.

“Iyan ang nakapagtataka dahil ni katiting na pagkapula sa katawan ay walang nahagip,” sagot ni Morgan sa kanilang mga tanong. “At ang sagot sa tanong mo Raven, oo kahit lahat ng biktima ay gabi pinapatay, 11% of the victim’s body will turn red if maarawan ito.”

Katahimikan na naman ang namumuno sa loob ng conference room. Lahat sila ay nakapokus sa binabasang case files.

“Who was the second victim?” untag ni Yuuskei. Naalala niyang hindi pa niya alam kung sino ito. Nagkatingin ang lahat ng nandito sa isa’t isa. Mas lalong nagtaka ang aktor.

Bago siya magtanong ulit, nagsalita si Mr. Hawtson, “It’s Sendra Oliver.”

“Bakit hindi ko alam?” tanong ni Yuuskei. Kumunot ang kaniyang noo. “Wala akong matandaan.”

“Hindi hawak ng SAS ang kaso ni Sendra Oliver at matagal na itong sinarado,” paliwanag ni Mr. Hawtson saka tiningnan si Chief Inspector Harris. “Chief Inspector Harris, kumusta ang pagsisid ng impormasyon habang nandoon ka sa Lemwick Agency.”

Tumayo ang chief inspector. Mr. Hawtson gave him a task a year ago to gather information while being at Lemwick Agency. “Sendra Oliver, a twenty-five year old actress under Erosi Agency. She was killed on December 25, 2020, her body found on riverbank of Reili. The things collected at the scene were: her backpack with sets of make-up kits and cellphone, the rope used, and a chair. The only witness was her brother, Denis Oliver. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasalita.”

He became an eyewitness? Kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ko makakayanan,” usal ni Yuuskei sa isip. Mas lalo siyang nagtataka. Ni kaunting alaala man lang ay wala siyang maalala na konektado sa kaso ni Sendra Oliver. Sinulyapan niya saglit si Akuma at napapunta ito kay Trevor na ngayon ay busy sa pagbabasa ng file. “Totoo nga ba talaga na binura ni Trevor ang alaala ko?”

“Let’s rush this serial case,” suhestiyon ni Trevor. May bahid ng pagka-inip sa tono ng boses nito.

“Rushing things will lead to mistakes,” usal ni Mr. Hawtson.

Trevor clicks his tongue. Trevor’s intense eyes stared at Yuuskei that made the actor flinched. “We can’t waste our time. Kapag hindi pa natin ito nasolusyunan, may mabibiktima naman.”

Yuuskei wondered what the detective has said. Hindi niya alam kung siya ba ang tinutukoy nito.

“You can’t read the killer’s mind, Trevor. Baka nga gusto na niyang huminto,” wika ni Akuma.

Napakunot ang noo ni Trevor. “Kung gusto na niyang huminto, the killer needs to face the punishment appropriate on his or her crimes.”

Akuma shivers. Hindi niya kayang iiwas ang mga mata kay Trevor. “Trevor, things need to take slowly.”

Napabuntong hininga na lang si Mr. Hawtson sa bangayan nina Trevor at Akuma. Hindi na ito bago sa Unit 0. Ang kaibahan nga lang ay ngayon lang hindi sumang-ayon si Akuma na madaliin ang kaso.

“May suspek na ba kayo?” Nagtatakang napakunot ang noo ni Yuuskei sa mahabang katahimikang nanaig sa silid.

“It’s Daylan Maeson.” Si Akuma na ang sumagot habang nakangiti pa ito. “Iyan ang paniwala ni Trevor at pinaniniwalaan ito namin.” Iwinagayway nito ang case files. “So far, all the cases are just related to him.”

Dahil hindi makapaniwala si Yuuskei, nakakunot lang ang kaniyang noo habang nakatitig sa files na hawak ni Akuma sabay tanong kung may ebidensya bang magpapatunay na si Daylan talaga ang suspek.

“Kaya nga naghahanap tayo ng ebidensya.”

“But it doesn’t mean na siya talaga ang suspek.” Pilit pa ring protektahan ni Yuuskei ang pangalan ni Daylan.

“Who is Daylan Maeson in your life?”

Napangiti si Yuuskei at nagmamalaking sumagot, “He’s my role model—”

“You’re not Yuuskei Hawtson, right now. You are Raven Kei Cross.”

Hindi makahanap ng isasagot si Yuuskei kaya napayuko siya. Ring na rinig niya ang pagpapalitan ng buntong hininga.

“He is just a suspect in a crime you’re solving,” turan ni Trevor. “You still need to know him. Hindi lahat ng nakikita mo sa kanila ay totoong sila, malay mo nakasuot lang pala ng maskara.”

“Lahat tayo ay nakasuot ng maskara kaya kahit ikaw ay hindi kita kayang paniwalaan,” usal ni Yuuskei.

Dalawang katok ang kanilang narinig sa labas ng pinto. Isang malalim na boses ang sumigaw, “A new murder case.”

“Dismissed.” Wala ng umangal pa’t tahimik itong nagsialisan sa sinabi ni Mr. Hawtson.

“Umuwi ka na, Kei. Huwag ka ng sasama sa amin,” utos ni Trevor kaya napatango na lang siya at hinayaang maglaho si Trevor sa paningin niya.

“Mahuhuli na naman ang Celebrity Serial Cases?”

Lumingon si Yuuskei sa ama niyang nakaharap na sa hologram at nilalagay ang bawat detalyeng ibinahagi ni Chief Inspector Harris.

“Dad, puwede kong kausapin si Denis regarding sa kaso ni Ate Sendra,” suhestiyon ni Yuuskei sa ama. Kung nasaksihan ni Denis ang malagim na nangyari sa nakakatandang kapatid, ibig sabihin ay puwede niyang isalaysay ang nangyari.

“Uuwi siya ngayong Huwebes. You can talk to him if he really wants to talk. It was traumatic seeing his sister being killed with his own naked eyes,” pagbabahagi ng ama, ang atensyon nito ay nanatiling nakatuon sa diagram na nasa hologram.

“Is it true that Trevor erased my memories, three years ago?”

Sinulyapan siya nito ng ilang segundo. “It’s for your own sake.”

Kasiyahan ang umusbong sa puso ni Yuuskei. Kompirmadong may namamagitan sa kanila ng detective. “Kasali ba ako sa kaso?”

“Stop digging deeper. Kapag nahulog ka at hindi na makaahon, pati si Trevor ay mababaon,” mahiwagang usal ni Mr. Hawtson. “And I don’t want that to happen.”

A message pops up. Nang mabasa niya ito ay hindi niya maiwasang mapangiti nang malapad. He received a message from Manager Klein. Professor Sullivan already made his day vacant just for him. Ito ang kaniyang nabasa. Malapad siyang napangiti at agad na nagpaalam sa ama.

Mahigit dalawang oras ang tinagal ng byahe papunta sa District 3 kung saan matatagpuan ang Neutral Research Laboratory. Isang mahabang tulay ang kaniyang dinaanan. Ang NRL ay nasa gitna ng District 3 at ang tulay ay exclusive lang para sa mga pupunta sa NRL. Hindi madaling makadaan ng tulay. Kahina ay huminto siya sa isang guardhouse upang i-scan ang kaniyang fingerprints kung totoo ba talagang pinapahintulutan siyang pumasok sa NRL.

Pagkarating niya sa lokasyon kung saan sila magkikita ay napanganga na lamang siya sa paligid. Ang laboratoryong nagmumukhang syudad.

“Mr. Yuuskei Hawtson?” salubong na tanong ng isang lalaking naka-laboratory gown. Tumango si Yuuskei kaya ito ay napangiti. “This way, please.”

Tahimik niya lang itong sinundan. Napapayuko si Yuuskei sa mga nakakasalubong nilang mga propesor. Napahinto ang lalaki kaya siya’y napahinto rin.

“Hi,” bati nito.

“G-Good afternoon po, Professor Sullivan!” Napatampal pa si Yuuskei sa bibig nang tumaas ang kaniyang boses.

Professor Sullivan softly chuckled. “I apologized. I am not good in communicating. By the way, you can all me Professor Sullivan or simply Sullivan.”

Nanginginig pang tinanggap ni Yuuskei ang kamay nitong nakaladhad. “Thank you for giving me a chance to meet you. I am Yuuskei Hawtson.”

“I heard from your manager that you’ve been collecting my flowers. Do you want to see my flowers?”

“Of course!” pasigaw na sagot ni Yuuskei kaya napatawa ito.

“Don’t expect too much, okay?”

Napasunod na lang si Yuuskei kay Professor Sullivan.

“If you don’t mind, when did you start experimenting flowers, Professor?”

“Huwag kang mabibigla.” Napakunot ang noo ni Yuuskei subalit siya’y napatango na lamang. Ngumiti nang matipid si Professor Sullivan. “Simula noong itinakwil ako ng sarili kong pamilya, ang mga bulaklak lang ang nagpapagaan sa puso ko. I was eighteen at that time. Maswerte nga noong may nag-imbita sa akin na maging assistant niya rito. When I started working here, I was located at Biomedical Laboratory and I wondered what if I will used some chemicals to breed some flowers?” napahinto sa pagsasalita si Professor Sullivan. “Hey, huwag kang tumahimik na lang—”

Isang mainit na yakap ang binigay ni Yuuskei kay Professor Sullivan. Hindi ito nakagalaw sa ginawa ng aktor. Nang maalala ni Yuuskei ang kaniyang ginawa ay mabilis siyang bumitiw.

“S-Sorry po. Gusto ko lang po kitang mayakap. Sobrang tatag mo.” Nakangiting usal ni Yuuskei.

Hindi makapagsalita si Professor Sullivan. Siya’y nakatitig lang sa maamong mukha ng aktor, ito ay nakangiti sa kaniya. Hindi niya maiwasang haplosin ang pisngi nito habang nakatitig pa rin sa nakangiti nitong mga mata. “I love your eyes. Can I hug you?”

Kahit na nagtataka ay agad na ipinulupot ni Yuuskei ang mga braso sa katawan ng propesor.

“You smell like flowers, huh?” Yumakap na pabalik si Professor Sullivan. “A flower.”

“Wow! They’re beautiful.”

Professor Sullivan smiled. He pressed the blue button on the wall that made the glasses pull upward. “Puwede mo silang lapitan.”

“Ang gaganda.”

Nakatitig lang ang propesor sa pagkakausap ni Yuuskei sa mga bulaklak. “Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko kapag nakausap kita, edi sana dati ko pa pinaunlakan ang imbitasyon mo. Hindi ’yong gusto lang kitang mahulog sa bitag na ginawa ko para lang matapos na ito.”

“Professor Sullivan?” tanong ni Yuuskei nang marinig niya itong bumulong ngunit hindi niya maintindihan ang sinabi nito.

“Y-Yeah?”

“Bakit po nasa isang sulok ’yong isa at nakalagay sa isang glass?” Tinuro ni Yuuskei ang isang bulaklak na nakalagay sa isang glass tube ngunit ang taas nito’y bukas. He can’t take off his eyes. Katulad ito sa bulaklak na pinakita ni Morgan kung saan ang stem ng bulaklak nito ay may lason.

“Bakit may ganoong bulaklak si Professor?” laking gulat na tanong ni Yuuskei sa sarili.

“I incubated that flower. Hindi ko pa alam kung ano ang ipapangalan kaya hindi ko pa siya pinalabas sa publiko,” sagot nito. “Kung ikaw ang magpapangalan, ano ito?”

He can’t help but to felt the excitement all over his body. Kahit na wala siyang alam tungkol dito ay humihingi pa rin ito ng opinyon niya. “Ano ba ang mga bulaklak na ginamit mo?”

“A nerium oleander and heracleum mantegazzianum.”

Napangiwi si Yuuskei sa mahahabang pangalan ng mga bulaklak. Ilang minuto ang lumipas bago niya ulit binuksan ang bibig, “Manteander.” Napayuko siya sa naibulalas. “N-Nagbibiro lang po ako.”

“I like it,” bulong ni Professor Sullivan habang nakatanaw sa bulaklak. “Manteander, huh?”

Patuloy lang sa pagpapakilala si Professor Sullivan sa ibang bulaklak. Seryosong nakikinig ang aktor ngunit hindi pa rin kayang iwan ng mga mata niya ang bulaklak na binigyan niya ng pangalan. Yuuskei giggles. Masaya siyang nagustuhan ito ng propesor.

Hindi na nakapagpigil si Yuuskei napahawak na sa salamin na anilo’y hinahawakan ang mga bulaklak gamit ang kamay. Napatingin siya sa taas ng lalagyan ng mga bulaklak. Hindi ito nakasarado kaya nakakapasok pa rin ang sinag ng araw. Napabalik ang tingin niya sa ibang mga bulaklak, napakunot ang kaniyang noo nang may umuusok. Gulat niya itong tinuro. “P-Professor Sullivan, nasusunog po.”

“Shit! Dito ka lang, babalik ako.” Tumakbo si Professor Sullivan.

“Oh, cute.” Napatakip nang bibig si Yuuskei sa naibulalas nang makita niyang tumatakbo patagilid ang propesor. “Ano ba ’tong sinasabi ko.”

Ilang minuto ang lumipas nang mapamangha na naman si Yuuskei noong unti-unting nasasarado ang itaas ng lalagyan ng mga bulaklak.

Sampung minuto lang ang lumipas at bumalik na ang propesor. “I apologized,” paghihingi nito ng kapatawaran. Napakamot ito sa ulo. “Nakalimutan kong hindi ito puwedeng maarawan nang matagal, iyong iba kasi nangangailangan ng araw.” Napahinto ang propesor sa pagsasalita nang makitang matagal nang nakatitig sa kaniya si Yuuskei. “Why are you staring?”

“Your face’s blooming like a flower when you are talking about them.” Nanlaki ang mga mata ni Yuuskei at nahihiyang napakamot sa batok.

Professor Sullivan softly smile. “I thought you’ve been shock on the way I ran.”

“I want to watch you run again.” Sabay silang nabigla sa inilabas sa bibig ni Yuuskei. Napayuko ang aktor. “S-Sorry for being—”

Malumanay na ngumiti si Professor Sullivan. “A flower.” Nang namalayan niyang matagal na siyang nakatitig kay Yuuskei ay agad siyang napaiwas. “Do you want to see my library?”

Napatawa si Professor Sullivan sa mukhang maliwanag ni Yuuskei. Patuloy lang sa pagdaldal si Yuuskei tungkol sa mga bulaklak at kung gaano niya gustong makita at makilala si Professor Sullivan. Ang propesor naman ay nakangiting nakikinig lang sa aktor.

“Welcome to my paradise, Yuuskei Hawtson.”

“Ang daming libro!”

Yuuskei and Professor Sullivan spent their time just by reading books about flowers. Yuuskei can’t help but to grin when the professor don’t know what to say everytime he praises him. Hindi na namalayan ni Yuuskei ang oras.

“You are really cool.” Napahinto si Professor Sullivan sa ginagawa niya nang makarinig na naman siya ng papuri galing kay Yuuskei. Dahil sa kahihiyan, itinakip ni Yuuskei ang librong binabasa sa sariling mukha.

Dahan-dahang humakbang papalapit si Professor Sullivan. Kakaibang saya ang kaniyang nararamdaman. Malumanay niyang kinuha ang librong nakatakip sa mukha ni Yuuskei. The actor’s face is a bit rossy red. Namangha ang propesor sa mga mata ng aktor. Kahit ilang segundo na silang nagtitigan ay hindi siya makakita ng kaunting panghusga.

Nang sambitin ni Yuuskei ang kaniyang pangalan, hinalikan niya ito nang mabilis. Siya’y napaatras sa kaniyang ginawa. Pareho silang nagulat sa mabilis na nangyayari. “I-I’m sorry.” Mabilis na napayuko si Professor Sullivan.

Limang segundo ang lumipas at hindi pa rin sila makapagsalita.

Napakamot sa ulo si Yuuskei. “Okay lang po. Nakasuot ka naman ng mask, e. Saka, marami na rin akong nahalikan, artista kaya ako.” Pilit na pinapagaan ni Yuuskei ang hanging namamagitan sa kanila. Nanlaki ang mga mata ng aktor. Kahit na mga mata lang ang nakikita niya, halatang-halata ito ay nakabusangot at puno ng pagsisisi ang mga mata. “Hey. Stop making that face.” He chuckled while cupping the professor’s face.

“It’s been three years since I felt this kind of feeling.” Napatawa ang propesor nang mabilis na binitiwan ni Yuuskei ang kaniyang mukha nang mapagtanto nito ang ginagawa. “Hindi mo naman nakikita ang mukha ko.”

At ganoon na nga, pinagpatuloy lang nila ang pagbabasa. Napapakamot pa sa ulo si Yuuskei kapag nagkasalubong ang mga tingin nilang dalawa hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras.

“Hope you’ll come here again.”

Wala sa sariling nagmamaneho si Yuuskei papunta sa Neutral Forensic Laboratory. He can’t help but to talk to Morgan lalo na sa kaniyang natuklasan. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Ang bulaklak na naka-preserve ay katulad sa bulaklak na pinakita ni Morgan. Hindi niya maiwasang isipin na si Professor Sullivan ang may gawa nito. Pero nakakapagtaka dahil sa kabaitang pinakita nito sa kaniya.

Pagkababa sa kotse ay napabuntong hininga siyang tinitigan ang malaking gusali. Pangawalang beses na niyang nakapunta rito pero hindi niya alam kung saan ang laboratoryo ni Morgan.

Napahinto siya sa narinig. Isang himig na nagpatayo lahat ng balahibo sa katawan ng aktor. Hinding-hindi siya nagkakamali. Ito ang himig na naririnig niya sa video na napanood noong isang araw. Videos sa crime scenes ng Celebrity Serial Cases.

Nanigas ang buong katawan ni Yuuskei. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa pasulong.

Nag-aalalang nakatingin si Akuma sa namumutlang aktor. “Are you okay?” Papunta na sana siya sa laboratoryo ni Morgan ngunit nakita niyang nakatayo si Yuuskei kaya nilapitan niya ito.

“I-I heard the killer’s hum.”

Napataas ang kanang kilay ni Akuma. Napahigpit ang hawak sa mga braso ni Yuuskei. Inilibot ang paningin pero katahimikan ang sumalubong sa kaniya.

“The killer… nasa paligid lang siya.” Napasinghap si Yuuskei.

Napalingon agad si Akuma at nagbabasakaling makita ang taong tinutukoy ni Yuuskei ngunit nabigo ito. Napaupo si Yuuskei sa kalsada nang hindi na niya kaya pang tumayo dulot ng sakit sa ulo. Pabago-bagong imahe ang kaniyang naaalala na hindi niya maintindihan kung ano. Namimilipit sa sakit ang aktor, walang magawa si Akuma kundi ang tingnan lang ito.

“Are you okay, Raven?” tanong niya ulit. Nanghihina na ang aktor, napaupo na ito sa sahig.

“Ma… masakit ang ulo ko.”

Hinawakan ni Akuma si Yuuskei dahilan para manlamig ang buong katawan ng aktor.

“D-Don’t touch me!” Nabigla si Yuuskei sa mabilis niyang pagtampal sa kamay ni Akuma. He hugged himself tightly while trembling me. “I’m sorry.”

Nanghihina siyang napapikit. “I… I want to know the memories that I forgot.”

“This is getting interesting,” bulong ni Akuma habang nakangiting nakatingin kay Yuuskei. “You know Morgan, right? She already have the medicine you need.”

“Puwede mo ba akong ihatid sa laboratoryo ni Morgan?” nakikiusap na tanong ni Yuuskei.

“You really want to know the truth?”

Napapikit si Yuuskei. “I just want to help on the case.”

“Oh, they’re having a date.” Nakangiti si Akuma na minamasdan sina Trevor at Morgan.

“Do you need my help? You know, paghiwalayin sila,” suhestiyon ni Akuma habang nakangiti ng nagkaloko.

“No thanks. Hindi na mahalaga ang nakalimutan ko kung mayroon man.”

Napangisi si Akuma sa interesadong sagot ni Yuuskei. “Alam mo bang sarado na talaga ang kaso pero binuksan pa rin ni Trevor. Sa tingin mo, ano kaya ang dahilan?”

Napakunot ang noo ni Yuuskei sa sinabi ni Akuma. Ang sagot na pumasok sa isip niya ay frustrated si Trevor dahil hindi nito nasolusyunan ang kaso.

“Dahil isa kang artista.”

Mas lumalim ang kunot ng kaniyang noo at hinayaang maglakad papaalis si Akuma. Napabalik ang tingin niya sa dalawa. Hindi niya marinig kung ano ang pinag-uusapan nina Trevor at Morgan pero halatang-halata na ito’y seryoso. Ni bahid ng isang ekspresyon man lang ay walang makita sa mukha ng dalawa. Nasa labas lang siya, hinintay lang niya na lumabas si Trevor. Nang makita niyang papalabas na si Trevor ay agad siyang naglakad papalayo sa pinto at nagtago. Malayo na rin si Trevor kaya lumabas na lang siya at pumasok sa laboratory ni Morgan na siyang nagpaingay sa paligid. The system keeps on saying human detected. Hindi alam ni Yuuskei ang gagawin, ang mahalaga ay nakapasok na siya sa silid. Mabilis namang lumabas si Morgan sa banyo. Gulat siyang nakatingin kay Yuuskei.

“I want to know the truth, Morgan,” seryosong wika ni Yuuskei.

Napaayos ng salamin si Morgan. “Trevor will kill me.”

“Do you like him?”

“You don’t need to be jealous.” She giggled when Yuuskei flinched. “I’ve been studying flowers, Raven. Ang bilis mong basahin kagaya ng isang bulaklak.”

“I am still in the middle. I don’t know if I only felt like this because of our past.”

“Talaga? Bakit mo irarason ang nakaraan n’yo kung hindi mo nga ito matandaan?” Hindi nakasagot si Yuuskei. “Yuuskei Hawtson, you’ve been running away from the past. Kasalungat kay Trevor, hindi pa niya kayang bitiwan ang nakaraan.” Matipid na ngimiti si Morgan. “Minahal mo siya ulit kahit na hindi mo alam ang nakaraan n’yo, ganoon lang kasimple. Hindi ’yong sinisisi mo pa ang nakaraan. Ayaw mo ba sa nararamdaman mo?”

“I guess not all silence means yes.”

“Morgan, a nerium oleander and heracleum mantegazzianum.”

Pagtataka ang pumaskil sa mukha ni Morgan.

“Those are the parents of that poisonous offspring,” he continued.

Mas lumalim ang kunot ng noo ni Morgan. “How did you know?”

“Nakalap ko lang sa hangin,” pagsisinungaling ng aktor.

“Well, drink this. One pill per day.” Inabot ni Morgan ang dalawang malilit na boteng may putting tablets sa loob kay Yuuskei. Malugod naman itong tinanggap ng aktor. Malalim itong napabuntong hininga ng walang pag-aalinlangang ininom ng aktor ang isang piraso. “Hindi lahat maaalala agad. You need to force yourself to remember the past. But, don’t overdose it or your body will face the consequences. Squeeze your brain until it bleeds the forgotten memories.”

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
6.8M 345K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
2.5K 69 7
MATURE CONTENT | R-18 | BxB THIS STORY MAY CONTAIN CONTENT OF AN ADULT NATURE. IF YOU ARE EASILY OFFENDED OR UNDER THE AGE OF 18, YOU ARE ALLOWED TO...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...